KABANATA 3

2430 Words
His Ruthless Temptation Kabanata 3 “ANO PO ANG name ninyo?” Suminghot-singhot pa si Drystan. Dahil sa kulay-labanos nitong balat kaya exaggerated ang pamumula ng ilong nito mula sa pag-iyak. Kung hindi siya nagkakamali ay patay na rin daw ang biological father nito. Iyon ang hindi niya gaanong matandaan sa mga sinabi ni Favru kahapon sa airport. Ngunit gustong ipalagay ng isip ni Calantha na nagsisinungaling ang timawang Favru na iyon. Baka anak naman talaga nito ang batang ito. Why, they are both handsome but not in identical way. Yet some of their features were almost alike. Marahil ay mas matapang lang ang dugo ng ina ni Drystan kaya hindi ito gaanong nagmana sa Favru na iyon. Nakakagalit ang sitwasyon na napasukan niya. Paano kung miyembro pala ng sindikato itong si Favru at istilo nila ang ganoon para manabutahe at maperahan siya? At paano kung hindi naman talaga totoong namatay iyong babaeng kasama nito ng gabing iyon? And the video... Napamulagat si Calantha sa naisip. Hindi kaya ay kakuntsaba si Favru ni Ezekiel Ardiente at sinuhulan ito upang ituloy sa kanya ang masamang balak? That was the most confusing time of her life! Nakakapurol ng utak sa totoo lang. “Hello po.” Drystan poked her arm upang pabalikin siya sa tamang kaisipan. She was frowning. “Oh.” Napakurap si Calantha nang matamis na ngumiti si Drystan sa kanya. Sure this boy could allure girls when he grow up without doing anything. Ganoon na ganoon din sana ang Favru dela Garza na iyon kung hindi lang ito antipatiko at ubod ng yabang. At ang ugok ay naroon sa kuwarto niya! The audacity of that devilish and shameless bastard! Saan nito nakuha ang kakapalan ng pagmumukha nito at basta na lamang nilalapastangan ang privacy niya? “Your name po, ano po?” “Calla. That's my name,” aniya atsaka bahagyang inilayo ang sarili sa bata upang tulungan itong mahubad ang toddler backpack nito kasama ang makapal na jacket na suot nito. Kababakasan ng pagod ang hitsura ng bata. Bahagya ring nangingitim ang paligid ng magagandang mga mata nito. “Bruises! Oh, God...” Gilalas ni Calantha nang makitang may mga marka ng kurot sa braso ni Drystan. “W–who did this to you, little kid?” Hindi niya namamalayang nabasag na ng bahagya ang kanyang boses. “Ah, ito po. Si Aunty Becca po at iyong anak n’ya pong galit sa akin.” Nanulis ang nguso ng paslit habang nagsusumbong. “Iniwan po kasi ako doon sa bahay nila kagabi ni Uncle Favru kasi aasikasuhin niya ang Mommy ko sa crematorium. Tapos kinukurot po nila ako kasi umiiyak ako dahil wala na ang Mommy ko. Ingay-ingay ko raw po at ayaw nila ako.” Habang nagkukuwento ay hindi maiwasan ng batang igala ang mga mata sa loob ng kanyang penthouse suite. Pure amazement in his pale blue eyes. God! Bakit may mga taong kayang manakit ng isang musmos? “Pero nag-pramis naman si Uncle Favru na ‘di na raw niya ako iiwan doon kayla Aunty Becca. ‘Sabi n’ya iiwan daw n’ya ako sa friend n’yang mabait at maganda. Ikaw iyon, Aunty Calla.” M–maganda? Sinabi iyon ng talipandas na iyon sa batang ito? She pursed her lips. She used to be praised by people surrounding her and drowned her with out of the world compliments ngunit wala sa mga papuring iyon ang nagpatauli sa dibdib niya until that very moment. Ano’ng nangyayari sa kanya? Namaligno ba siya? “Wala ho kayong TV, Aunty Calla?” Pukaw sa kanya ni Drystan. Hinayaan niya itong maniyasig sa kabuuan ng entertainment area ng kanyang penthouse. Wala pang mga appliances sa penthouse na iyon. Walang mga palamuti o furniture maliban doon sa tatlong frame sa kanyang silid at mga kamang tulugan. Calantha acquired it three weeks ago. Regalo niya sana sa bunso niyang kapatid na si Chandler dahil ganap na itong Dentist ngunit tumanggi itong tanggapin iyon. Nakalatag na raw kasi ang plano ng kanyang kapatid na mag-settle sa bayan nila sa Macalelon at magtatayo roon ng dental clinic. No one from her family had the desire to live inside Metropolitan, near her world. Ni once in a blue moon lamang kung lumuwas pa-Maynila ang kanyang Mama Tonya at Candace. At nasasaktan siya sa katotohanang iyon na wala sa pamilya niya ang gusto siyang samahan sa uri ng mundong ginagalawan niya ngayon. “Bakit po wala kayong mga gamit, Aunty Calla? Ang sabi naman ni Uncle Favru mayaman naman daw po kayo. Sa inyo po ba itong building lahat?” Napangiwi si Calantha. “Uh, no. Just this floor, kid.” “P’wede akong pahiram na lang ng cellphone mo, Aunty Calla? May YouTube ka ba? Panood sana ako ng Hunter X Hunter.” The little boy’s blue eyes were innocently pleading. Oh, who could have the heart to resist that cute eyes? Not her definitely. Naaaliw na pinagbigyan ni Calantha ang request ng bata. Mahigpit niya itong pinakiusapan na manatili doon sa entertainment area dahil kukunin niya sa kanyang kuwarto ang kanyang iPhone. Nasa isip ni Calantha ang katanungan kung ano ang pinaggagawa ni Favru sa loob ng kanyang silid ngunit nang masilayan ang kasagutan sa tanong niya ay muntik nang bumigay ang mga tuhod niya. Hindi madesisyunan ni Calantha kung matataranta at sisigaw sa pagkasindak sa nadatnan o kung magpapalamon na lamang siya sa kinatatayuan niya. But one thing there was clear and severe at iyon ang pamamanhid ng sistema niya. The bastard intruder was shamelessly having the fantastic time of his life stroking and fcking pleasuring himself. On her bed! Tihayang-tihaya ito sa paanang bahagi ng kanyang kama. Ang dalawang mabalahibong binti ay nakalaglag papunta sa sahig. Nakapikit ito at bahagyang nakauwang ang bibig. His left hand was under his nape habang ang isa’y swabeng humahagod sa kahabaan ng p*********i nito. Walang pagmamadali ang ritmo ng kamay nito. His fly wasn't fully erected yet but that's the job of his expert hand, to make him fully hard and c*m. Kung huhulaan niya ang eksaktong haba ng bahagi ng katawan nitong sinasargo nito ay masasabi niyang malayo iyon sa average size ng Asians. ‘Cause he isn't one, sabat ng isip ni Calantha. At nag-uumpisa nang makatanaw ng kakatwang alinsangan ang katawan niya. Ngunit walang balak si Calantha na isiwalat ang mainit na epekto sa kanyang sistema ng eksenang nakahain sa harapan niya. Pilit niyang kinalmante ang sarili. Pilit nilalabanan ang init na hatid ng eksenang nasa kanyang harapan. Damn it! Dahil engrossed si Favru sa pagpapaligaya sa sarili kaya hindi nito napansin ang presensiya niya sa loob ng silid. Maingat at hindi gumawa ng ingay na lumapit si Calantha sa kinaroroonan ng chicken soup na sobra sa dinner niya kagabi. Siyempre amoy-panis na iyon. Humahalkhak ang demonyita sa likod ng kanyang isip nang maisakatuparan ang maitim na balak. “Ptangina! Ugh...” Nanggigilalas na bumalikwas si Favru. Galit at manghang tingin ang ibinato nito sa kanya. Panay ang pagmumura nito habang pinapagpag nito ang panis na pagkain sa p*********i nito. Tayung-tayo si Admiral at palalong sumasaludo sa bawat sulok ng kanyang kwarto. Mamula-mula pa. Aba! Laking bonakid, may laban. Lamang na lamang. Calantha managed to appear untroubled but deep down inside, she was not. She's uneasy and yeah... hot. She doesn't feel okay. Totally not! Itinatak niya sa isip na hindi naman si Favru ang unang lalaking nakita niyang hubad kaya mahalagang kumalma. Pero jusko! “Tangina ‘yan! Salbaheng babae ‘to!” “That’s for your incivility. Magbihis ka na at kung hindi ka magtitino ay tatawag ako ng pulis. Ipapakaladkad kita palabas ng penthouse.” She said through business-like manner. And Favru unsurprisingly didn't give a s**t about her warning. “Now, bastard. Welcome yourself to battered husband club.” “Be serious, Mr. Favru. Alalahanin mong hindi tayo pormal na magkakilala. Make yourself decent at lumabas ka. Marami akong gustong linawin na may kinalaman kay Drystan.” Matapos niyang kunin sa ibabaw ng lamesa ang kanyang iPhone ay kaswal siyang lumabas ng silid. Bago niya naipinid ang pinto ay nahuli pa niya si Favru na inaalu ang p*********i nito. Tila ba inapi iyon. “I AM QUITE late for my meeting this morning. Nakokompromiso ang trabaho ko dahil saiyo, Mr. Favru.” May panunumbat sa tono ni Calantha bagama’t nananatiling malamig at walang emosyon ang kanyang tinig at ekspresyon. May veranda na nakakonekta sa kanyang kwarto at sa guest room. Doon niya inanyayahan si Favru dahil iniiwasan niyang iparinig kay Drystan ang pag-uusapan nila. “Isinubo mo rin naman sa kompromiso ang sandata ko, nagreklamo ba ako?” He haughtily huffed back. “Let’s be civilized to each other, Mr. Favru and let's talk as well-bred adults here, alright.” May pagpipigil na aniya. Hindi niya maawat ang sarili na palihim na suriin ang mukha ni Favru. Ngayon na nasa kaluwalhatian ito ng pang-umagang sinag ng araw ay tumingkad pang lalo ang kaguwapuhan nito. Every angles and details his face possessed were sexily and stunningly accentuated and sculpted to perfection. A dayum hot Viking God! That is so him. Iyon ang hindi kayang itanggi ng isip ni Calantha kahit na nababanas siya sa lalaking ito! “First thing first. Ano’ng trabaho mo?” Nagkibit lamang ito ng mga maskuladong balikat. “Kahit ano lang. Stripper, escort, gigolo. Nagbebenta ng aliw. Easy money and I love my jobs. Guwapo ako, e. In demand.” Oh, God! He can't be serious! Gustong pagtawanan ni Favru ang reaksyon ng mga mata ni Calantha Monsálvez matapos niyang sabihin iyon. Ngunit sadyang madamot sa emosyon ang babaeng ito. Tamang panlalaki lang ng mata at tahimik na ‘oh’ ang pinakawalan nito. “Ano ang tunay mong relasyon sa bata?” “Tiyuhin.” Hindi talaga mawala-wala ang angas sa bawat kilos at pananalita nito. Katatapos lang nitong maligo and what could you expect from this uncivilised demigod? Siyempre ay pinakialaman nito ang mga toiletries niya kaya naman ay nalilito ang kalikasan kung sino sa kanila ang totoong nagmamay-ari ng lavender scent na iyon. “You mean step-father?” Sandaling dumaan ang talim sa mga mata nito. “Tiyuhin nga. Ampon ako ng mga magulang ng ina ni Drystan.” That got her confused. “Sa madaling sabi ay halos magkapatid na kayo ng Mommy ni Drystan. How come you were almost fcking in front of my car that night?” “Abo na ang babaeng pinag-uusapan natin pero sa f*****g talaga ang pinunto mo. Respeto naman sa patay, darling.” He was frowning but his dripping wet long hair made him hotter. “Fine. I'm gonna drop that part off.” Nagpakawala siya ng buntong-hininga at nagkunwaring hindi nag-react ang sistema niya nang tawagin siyang darling ni Favru. “And I have this ideal solution for Drystan’s future. Though it isn't concrete yet dahil ipapaalam ko pa sa Lola at I'd run some investigation about his parents background.” “Diretsuhin mo.” “I am planning to adopt the boy legally.” Bumakas ang disapproval at doubt sa moon silver na mga matang iyon. “At saan sa palagay mo ikaw kukuha ng oras sa pag-aalaga kay Drystan? Kung ipapaubaya mo siya sa babysitter ay kalimutan mo na.” “Now, you're confusing me. Ang sabi mo’y wala nang maaaring kumupkop sa bata and here I am, I want to be his parent. I want him as my son and I'd like to be his mother. Hindi ko rin nakikita sa mukha at asta mong kaya mong mag-alaga at magpalaki ng bata. Ni wala ka ngang desenteng trabaho. Mas maigi na ako ang mag-adopt sa kanya.” “Malamang. Nagma-masteral palang kasi ako sa paggawa ng baby, saka na ‘yung pag-aalaga. P’wede bang mag-OJT saiyo.” “Oh, damn you!” Singhal ni Calantha. “Be serious, damn it!” “O, sige. Papayag ako.” Deklara nito makalipas ang ilang sandali. “I won't be needing your signals and permission. My money can work well for me and I'll handle everything under legal proceedings.” Aroganteng wika ni Calantha. Ibig magpamukha sa lalaki. “You can go now and leave me alone.” “Iyan ang hindi pupuwede.” Naningkit ang mga mata ni Calantha. “Come again?” “Papayag akong maampon mo si Drystan kung...” he paused intentionally and pulled himself in front of her. Now the Viking God was towering her, his moon silver eyes hypnotizing her. “Kung mapapatunayan mo sa akin ang capability at kalibre mo na maging isang ulirang ina, then you'll have my nephew.” “Back off, would you?!” Tinawanan lamang ni Favru ang reklamo niya. “And enlighten me about whatever crap you have in your sick mind, pronto. Hindi mo hawak ang oras ko at sinasayang mo!” “Ang ibig kong sabihin ay kupkupin mo rin ako pansamantala. Just two or three weeks time, sapat na iyon. Gusto kong malalim pang kilalanin ang future mommy ng pamangkin ko. Mahirap na ‘no baka sa salita ka lang din magaling, Calantha Monsálvez.” “No! Hindi! Hindi ako mag-eestima ng... ng isang maruming lalaking katulad mo!” Huli na nang marealize ni Calantha ang sinabi. Hindi na niya mabawi. Samantalang si Favru ay masusing pineke ang sakit sa mukha gawa ng pangungutya ni Calantha. The woman is really predictable and she really entertained him to bits. Nakakatuwa itong asarin, lalo lamang itong gumaganda sa kanyang paningin sa tuwing sisinghalan siya nito. Somehow, nagkaroon ng saysay ang isang buwan niyang bakasyon dahil sa babaeng ito. There will be no more boring seconds when he's with her, he'll see to it. “Mahapdi ‘yon, ha? Hindi ka man lang nag-alinlangan. Pssh. Salbahe talaga.” Sumimangot si Favru. “At may tumawag nga pala saiyo kanina, security agency daw.” Natigilan si Calantha. At ang timawa, pinakialaman pa ang cellphone niya! “Naghahanap ka pala ng bodyguard, e ‘di bakit hindi na lang ako ang kunin mo? Tangina! Hindi ka lugi sa akin. Kahit sa kama, bantay-sarado kita. Patitirikin ko pa—” Nakatalikod na si Calantha bago pa nito matapos ang sasabihin. Ngunit sandali siyang napaisip. His suggestion was quite appealing. Totoong matapos ng nangyari sa kanya sa kamay ni Ezekiel Ardiente ay nangangailangan na siya ng bodyguard. Tama! Bodyguard ang kailangan niya at hindi mapanuksong impakto na kagaya ni Favru. But little did she know that she couldn't resist his bewitching charisma and charm. He is a damn trouble and she can hardly escape from his ruthless temptation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD