His Ruthless Temptation
Kabanata 2
CALANTHA DECIDED TO turn off the styling hair dryer and eyed her unquiet Iphone flatly. Lampas isang oras na iyong walang pahinga at natapos na lamang siyang maligo ay maingay pa rin iyon.
It was her sister Azaleah Altagracia. Kahapon pa siya badtrip dulot ng pagkakita niyang muli sa mayabang na lalaking iyon named Favru. At ibig niyang iwasan muna ang mga taong magpapasakit pa lalo sa ulo niya. Kaya nga mula airport ay hindi siya umuwi sa mansion ni Donya Dorothea bagkus ay sa kanyang penthouse suite siya dumerecho kahapon.
That fcking Favru guy! That devastatingly handsome Viking man effortlessly and hostility reached the impossible way to her frailness.
Mahigit dalawang dekadang pinag-aralan ni Calantha ang katangian niyang pinangingilagan sa kasalukuyan sa Altagracia Empire man o sa local business industry. She’s the Calantha Monsálvez— the unbending, fearless and powerful banking tycoon who feared for her sternest traits ay isang barumbadong nilalang lang ang walang kahirap-hirap na pagpapainis sa kanya ng ganoon?
At ang timawang iyon ay malinaw na ginugoyo siya at siya naman itong si loka-loka ay nagpadaig sa kakarampot na katangahang mayroon siya sa katawan.
That arrogant sonofabitch brought out the spineless side of her na buong akala niya’y hindi nag-e-exist sa vocabulary niya. Kinasusuklaman niyang nagtagpong muli ang landas nila ng talipandas na lalaking iyon!
Hindi niya kayang tanggapin na mayroon itong ganoong epekto sa kanya. That's terribly unacceptable for Pete's sake!
“What do you want from me, Azaleah?”
Hindi na siya nasorpresa nang hindi pinansin ni Azaleah ang frustration sa boses niya. That woman is naturally numb but in a fine way.
“Calla, I need you to share some knowledge with me.” Naririnig niya ang malalakas na hampas ng alon sa background. Ngunit wala siya sa mood na usisain si Azaleah kung saang lupalop na naman ito naroon.
“Do this. You go straight to my office, find my executive secretary Water Lily Bolocboloc and ask her to set you up an appointment with me. Ciao...”
“Ang harsh mo to me, Calla. I'm your fcking sister kaya. Appointment my arse.” Azaleah groaned sweetly. “This is quite important kaya. I need your help.”
“You must be out of your mind. Bakit sa akin? Drop it and go on bother Mela or Emerald instead. I don't have time to listen to your nonsense drama, Lee.” In gritted teeth, she scoffed. Si Gumamela Eusebio at Emerald ay katulad din niya ng kapalaran at nabihisan at napag-aral din ni Donya Dorothea.
Magkakapatid na sila kung tutuusin but Calantha’s too ambitious to the point na sa isip niya ay palaging may competition sa kanilang magkakapatid.
“They couldn't give the advices I badly needed, you know. Gumamela and Emerald are both innocent. Kulang sa kalandian ang pagkatao ng dalawang ‘yon.”
“At sinasabi mong ako ay ubod ng landi!” And Calantha cursed Azaleah crisply. Tinawanan lang siya nito.
“Well, hindi ko naman sinabi ang terminology na ubod. Loosen up a little, okay? Pero ‘di ba nga the tabloids and the internet dubbed you as a coquettish and treacherous queen? You have your sexy way to get whatever you want, Calantha. You can have all the powerful men kneeling on your knees in just a single tricky smile and caress. And I absolutely admired you more for that hindi mo lang halata kasi you're so cold and insensitive.”
Calantha fought back her smile and remained monotonous. “Drop it already, Azaleah. Ano’ng pakay mo?”
“Turuan mo akong lumandi, Calla.”
“Damn you! Let me just remind you that I am into banking and not a bloody dirty guru. I'll block your number, trust me. You're wasting my time.”
Nang mapasulyap siya sa kanyang repliksiyon sa salamin ay mababanaag ang mariing pagkakasalubong ng kanyang mga kilay at ang pagtiim ng kanyang mga labi sa inis kay Azaleah.
“Don’t hang up yet kasi.” Naroon ang pagmamaktol sa tono ni Azaleah at ayaw man niyang aminin ay hindi niya matitiis ito. Ganoon din kay Mela at Emerald. Calantha adored her sisters in her own subtle way.
“You know naman, ‘di ba na wala akong kakayahan na pamunuan ang Oil company ni Lola. Sa faxing pa nga lang ay gumapang na ako, paano pa kaya kung italaga na akong Chairwoman at chief executive?” Anguish laced on Azaleah’s voice.
“You can't do anything about that. That's your fate, Lee. This is our taut fate. Unang tapak pa lamang natin sa mansion ni Donya Dorothea Altagracia ay nakaukit na ang kapalaran natin. And that is to rule her self-made Empire and hustle like a man in corporate world. Hindi natin ito maaaring pabayaan and we cannot change our fate.”
“Oh, like a prisoner?” Magkahalong sarkasmo at lungkot ang nasa boses ni Azaleah. Somehow ay natahimik doon si Calantha. “And how I wish I had the same courage and power like you have, Calla.”
“Ano’ng pinagsasabi mo riyan?” Naninita niyang wika.
“My real concern is this, Calla. I am insufficient, wala akong prowess to rule an Empire kagaya ng ginagawa mo. You're born to raise and regime, not me, Calla. At nang maungkat ko ang tungkol dito kay Lola’y binigyan niya ako ng option.”
“You must be so special.” Bitterness in her voice.
“And Donya Dorothea wants me to marry this certain guy who is a sole heir of Larr Kirk Gundersen who owns a vast integrated shipping lines with subsidiaries and offices across two hundred countries. Kahit daw hindi na ako mag-ambag sa kanya basta magkaroon lang tayo ng sturdy partnership with this Danish tycoons.”
“At paano ako napasok sa problema mong iyan?” She flatly snorted. Muli niyang in-on ang hair dryer at ipinagpatuloy ang pagpapatuyo sa kanyang buhok.
“I stalked this certain heir in the internet and girl, he's devastatingly handsome man. He's a big, big catch.”
Napangiwi si Calantha at ibig sapukin ang sarili nang pumasok sa kanyang isip ang mukha ni Favru nang mabanggit ni Azaleah ang kaparehong description na ibinigay ng malanding side ng isip niya sa timawang lalaking iyon.
“At paano nga ako napasok sa problema mo?” She repeated annoyingly.
Lumipad ang tingin niya sa pangatlong picture frame na nakasabit sa wall ng kanyang bedroom. Ang unang frame ay litrato nilang mag-anak noong Elementary graduation niya. Buhay pa noon si Mang Cristobal. Sa ikalawa’y graduation portrait niya noong nag-masteral siya.
On the third frame, she was with her sisters and adoptive grandmother in that picture taken years ago sa 65th birthday ng Donya. Tumalim ang tingin niya sa nagmamalditang mukha ni Azaleah roon na nasa tabi ng Donya.
“E kasi the guy is already engaged to the younger sister of the queen consort from the Spanish Royal family. My plan is to steal the guy and make him want me as his wife instead of that boring Spanish girl. And this is the part where I needed you the most.”
“Ang Danish heir lang ba na iyan ang option? Hayaan mo, I'm going to talk to Lola about this. Kung gusto niya ng partnership around Europe, I'm ready to hunt a bachelor Billionaire for you. Hindi sa kagaya niyan na may sabit.”
“Pero, Calla. This guy is a big shot. He's worth fighting for at dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng tapang ng loob. I want him for myself and I'm gonna steal him from his fiancee until he'll be at my mercy. So, I'm counting on you, okay. Prepare your advices ‘cause I'm coming home this weekend.”
Calantha made a face at wala sa loob na um-oo na lamang sa kalokohan ni Azaleah. Isa na namang kabaliwan ang pinatulan niya at nagsimula lang ang lahat ng iyon dahil kay Favru. Sumpa sa buhay niya ang lalaking iyon!
“YOU!”
“Ano bang pinaggagawa mo riyan sa loob ng bahay mo at katagal mo kaming pinagbuksan?” Malisyosong tanong na bumungad kay Calantha.
Hindi pa man nababawasan ang pagkabadtrip ni Calantha sa aroganteng lalaking iyon ay mukha na naman nito ang nabungaran niya ilang minuto matapos ang pag-uusap nila ni Azaleah. At natigilan si Calantha dahil kagyat niyang napansin ang naka-piggy back ride na batang lalaki kay Favru. The little boy was soundly sleeping.
“W–what the hell are you doing here?” Her gravely and lethal gaze met his sardonically smiling face.
His eyes again were concealed of dark shades of sunglasses ngunit natabingi na iyon. Marahil ay accidentally na natabig ng kamay ng bata. And golly! Hindi na niya namalayan pa kung gaano na niya katagal hinintay ang muling pagtibok ng puso niya ng normal.
Nakatitig lamang si Calantha sa tipid na pagsilip ng magandang mata na iyon sa ilalim ng sunglasses ng mayabang na lalaki. His eyes are in the sexiest shades of silver. Moon silver and very desirable. She was stunned!
Calantha was actually expecting for her ordered coffee from the deluxe café in the same building where her penthouse suite is kaya hindi na niya sinilip ang maliit na monitor nang nag-alarm ang smart doorbell.
“Oh-lala. Kay init na paraiso ang nasa aking harapan. Good Lord! Kay aga-agang tukso nitong inihain mo.” The man unbelievably voiced out his dirty thoughts about her. “Now, you're forgiven, woman.” He taunted mischievously.
Sinakop ng init at pamumula ang pisngi ni Calantha. Siya ang nahihiya para sa kabastusan ng lalaki.
Her screams of wrath suddenly died down in her throat when he noticed his vicious eyes thickly and deeply scanned her whole unstoppably, from her head and down. She was still on her short satin bathrobe without anything under. Nagkagat-labi pa ito tila pinipigil ang panggigigil.
So help me God!
“Brace yourself. Maaga pa para ma-inlab ka sa akin, Miss Monsálvez. Magpakipot ka naman kahit kunti.” Untag sa kanya ng lalaki. Nananatiling nakangisi. “Your fronts are blessed kaya inaasahan ko ang mabuting pagtanggap mo sa amin.”
“Oh, God! Just what the hell are you doing here? Sino’ng disipulo ni Satanas ang nagturo saiyo kung nasaan ako?” She couldn't believe it!
Dahil sa hindi napigil na pagtataas ng boses ay nagising ang bata sa likod ni Favru. The palest form of blue eyes wearily stared at her, then, blinking. Napahugot ng hininga si Calantha. Even the little boy possessed a blue eyes and smooth-looking long, dark hair with cute wispy bangs and pale skin.
“Hi po. Galit po ba ikaw sa amin ni Uncle Favru? Bakit po?”
Kinurot ang dibdib ni Calantha sa maliit na boses ng bata. Ito ba ang naulilang anak ng babaeng nahulog mula sa BMW niya? Calantha’s heart went our for this little boy. Kaawa-awa ito at labanan man niya ang paninikip ng dibdib ay hindi niya mapagtagumpayan.
Ulilang lubos na rin kasi siya. Both her biological parents were already dead. At kahit mariin ang paninindigan niyang wala siyang kinalaman sa kinahantungan ng ina ng bata ay labis ang pakikisimpatya niya sa naulila. A four year old boy, Lord!
“Hoy, hindi ka na nakaimik diyan.” Sita sa kanya ni Favru. Dahil masusing nakaguwardiya ang mga kamay nito sa bata ay marahan siya nitong sinipa para bumalik siya sa kanyang huwisyo.
“Did... did you just...”
“Oh, oh! Awat na, awat na. Ang aga-aga, bubuga ka na naman ng apoy. Dragona ka ba? Tinatanong ka kasi ng bata, Ale kung bakit daw ba ay galit ka?” Nagkunwari itong walang malay sa ikinagagalit niya. Kutong-lupa! Walanghiya!
Kinailangan pa ni Calantha na tumalikod upang pakalmahin ang sarili. She was really at the brinks to criminality sa tuwing nasa harap niya ang antipatiko. Hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, ang kanyang galit. Lahat!
“Uncle Favru, iuwi mo na lang po ako sa farm. Sabi ko naman po kasi sa’yo walang magla-love sa akin. ‘Di ba pati po ‘yong friends ni Mommy ayaw sa akin. Kinurot lang ako kasi gusto ko lang siyang ma-hug. Wala nga pong gustong maging Mommy ko ulit.” Ang hikbi ng bata ang marahas na nagpapihit kay Calantha.
“Anak ng pating!” Favru irritatingly muttered. Dahil doon ay lumakas ang atungal ng bata. “Oy, Drystan Lancheta Voyle, maayos ang naging usapang lalaki natin kanina, hindi ba? Sabi nang walang iiyak—”
“Tumabi ka nga! Nakita mo nang umiiyak, papagalitan mo pa!” Buong-puwersang tinabig ni Calantha ang malaki at solidong bulto ni Favru upang makarga ang bata.
Dinala niya ito sa loob ng kanyang penthouse suite at pinatahan. Ginaya niya ang nakababata niyang kapatid na si Candace kung paano nito pinapatahan ang tinutopak niyang mga pamangkin. So far ay epektibo naman.
Magaan na sana ang kalooban ni Calantha nang unti-unting kumalma ang bata ngunit kaagad din ang pagkulo ng kanyang dugo nang makita si Favru na isa-isang naghuhubad ng damit, sapatos, pantalon at walang kaabug-abog na pinaghahagis sa kung saan.
Calantha’s jaw practically dropped on the floor as her terrorised eyes followed the naked man walking towards her bedroom. Malaking bahagi ng sistema niya ang nakatakda nang sumabog ano mang segundo. Si Drystan ay wala sa loob niyang yinapos upang hindi nito makita ang hitsura ng demonyo.
“Pagkatapos mong patahanin ang bata, ipaghanda mo kami ng masarap na almusal. Ayoko ng mga prito-prito lalo na ang mga instant food, maliwanag?” Nag-flexing pa ito ng balikat at gulugod tila pagod. His naked back. His naked bottoms... buffy and... Oh, Lord! Lord! My Lord!
“Oh, there's our bed. Tiyak na hindi mabibilang ang maiinit na bakbakang masasaksihan ng kamang iyan. Ako’y nananabik na. Nanginginig pa.”
At sumabog ang diablong tawa nito sa loob ng silid ni Calantha atsaka ibinagsak ang hubad at pagal na katawan sa kama ni Calantha Monsálvez like he owned the place.
Nakangiti pa rin ang mga labi ni Favru kahit mahigit limang minuto na siyang nakasubsob sa kama ni Calantha. Her heaven scent assaulted his system, terribly awakening the beast part of his anatomy. How he wished that that maddening woman was beneath him, beneath his raging nakedness and writhing and screaming his name in pleasure, in ecstasy.
Damn that fierce, beautiful female tycoon!
Calantha... Calantha... Calantha Monsálvez— the fiercest and a gorgeous face of business world. Embrace this bastard who is about to be your greatest downfall, sweetheart.