KABANATA 4

2463 Words
His Ruthless Temptation Kabanata 4 SA LOOB-LOOB NI Calantha ay hindi lang isang daang beses na ni-reject niya ang Tsinoy na divorcé na bisita niya sa kanyang opisina. Ngunit kailangan niyang pangatawanan na magpakita ng sympathy at interest para rito dahil para rin naman iyon sa kanya. She had to work like a beaver to gain a whole lot more accomplishments. “So, the rumours circulating around social media last week are all true. She really cheated on you! Oh, Trent. My heart feels so bad for you.” Kunwari ay nagulat pa si Calantha base sa kanyang ipinakitang reaksyon matapos isambulat ni Trenton Wang ang masalimuot na break-up nito at ng socialite icon na si Danica Ho. Ayon pa sa bilyonaryong Chinese ay nakatakda pa man din sanang i-anunsyo ang en grandeng engagement ng mga ito sa buwan din na iyon but the guy just ended up mending a broken heart. At iyon na ang pagkakataong inaasam ni Calantha. That was her cue para pumasok sa eksena. Nakataya sa misyon niya ang pangalan at ikakalago pa lalo ng D. Altagracia Financial Holdings maging ang kanya ring pangalan. “I wasted so much of my time for that good-for-nothing b***h! Imagine, she left me for that veteran actor. A fcking old man! She's damn insane!” Nag-iinit ang mga mata at namumula sa galit ang mukha ni Trenton Wang. “But you came to the right person, Trent, darling. I’d help you to forget her.” She might be an ice queen with off-putting personalities most of the time ngunit kung hinihingi man ng pagkakataon na ilabas niya ang kind attitude niya ay walang kaproble-problema. Napahinto naman sa paglagok ng alak si Trenton sa sinabi niya. He eyed her disbelievingly. Tila ba isang malaking joke ang binitawan niya. “Oh, darling. You have no idea how ecstatic I feel with what you've said.” He said almost dreamily. Linya na lamang ang mga mata nito sa sobrang pagkasingkit. “You made me so happy now that you're regarding my courtship to you. You know I've always been wanting to have you, Calantha.” “More?” She smiled so sweetly at inalok pa ito ng alak. And Calantha made some playful touches on him discreetly. She needed to make him believe that her actions are genuine. May kailangan siya rito. Trenton Wang is the only child of Theodore Wang who is the executive producer of Asian Excellence Award which awarded the D. Altagracia Financial Holdings as the second best last year. At insulto iyon kay Calantha! Their bank was the very best, not the second best. Hindi niya makakalimutan kung gaano niya nabigo si Donya Dorothea dahil doon. For her, iyon ang isa sa hindi niya makakalimutan na failure. Napunta lang naman sa rival bank company nila ang Excellence Award noong isang taon dahil naging nobya ni Trenton Wang si Danica Ho who happened to be the sole heiress of their rival company. Maliban pa roon ay Vice President din ang ina nito sa pinakamalaking bank company sa China and in Japan. She'll be hitting two birds with one stone kung makukuha niya ang tiwala ni Trenton Wang at eventually, ang tiwala ng mga magulang nito. Gumaganti naman sa flirtatious advances niya si Trenton Wang. His right hand already made its way to her thigh. Tinutukso nito ang laslas ng suot niyang pencil skirt. Sometimes, he was squeezing her thigh. Ngumingiti lang siya kahit na ang totoo’y kanina pa niya ito gustong itulak. Nakaakbay na sa kanya ang kaliwang braso nito, naroon din ang basong hawak nito at sa tuwing iinom ito’y hindi maiwasang dumikit ang mukha niya sa mukha nito. Pasimpleng sumulyap si Calantha sa wall clock. Pasado alas otso na at lampas dalawang oras na siyang nagtitiis sa pag-konsola kay Trenton ngunit wala pa ring nangyayari. Ang tagal namang umepekto ng gamot! Inaasahan niyang makakatulog na ito dahil mahigpit na inutos niya sa kanyang sekretarya na lagyan ng gamot ang alak na ibibigay kay Trenton. “You’re really that thirsty, huh.” She made a fascinated comment nang mapansin na mauubos na ang laman ng bote ng alak. “You smells heaven, Calantha. Please, let me take you home right now. I badly want you.” Hinayaan niyang pugpugin ng halik ni Trenton ang kanyang leeg at tainga. “Give me a sec, Trent. I'll just go and get us another bottle of rhum.” “No need, sweetheart. Let's continue this and more in my place.” Sensual desires shown in his voice. “Just last one, alright. Then, you can take me home.” Hindi na tumutol pa si Trenton dahil natuliro na ito sa ipinatanaw na cleavage dito ni Calantha. Silly boys and their weakness. Ang bababaw! Salubong ang mga kilay ni Calantha nang hanapin niya ang kanyang sekretarya nang makalabas siya sa kanyang opisina. Natagpuan niya ito sa main pantry ng palapag na iyon ng kanilang Corporate Center. Hindi nakita ni Calantha na nagpi-prepare ang kanyang sekretarya ng formula milk dahil basta na lamang niyang hinablot ang siko nito. “Ay pukeng may berdeng lawit!” Eksaherada itong napasapo sa dibdib. Si Water Lily Bolocboloc ay ang kanyang efficient executive secretary at magtatatlong taon na itong naninilbihan at nagtitiis sa kaistriktuhan niya. Single mother ito at may dalawang anak. Tubong-Masbate. Katunayan ay ito lang ang tumagal na secretary sa kanya. Kahit si Calantha ay hindi mawari kung bakit tumagal ang serbisyo nito sa kanya gayung parati siya nitong binubuska. May pagka-kuwela itong si Water Lily na maging sina Gumamela, Azaleah at Emerald ay magaan ang loob dito. Sandaling nakalimutan ni Calantha ang sermon na ipapataw sa sekretarya nang mapuna ang hitsura nito. Bahagya siyang umatras at malamig na sinuri ito. Wala na ang suot nitong coat at nakabalandra na ang ang puting lace top nito. Halos nakaluwa ang dalawang dibdib. “Oh, madame naman. Ba’t naman ganiyan kayo makatingin sa ka-sexy-han ko? Matatalbugan na kita, ‘no?” Humagikhik ito sa malanding paraan at pabiro pang hinampas ang kaliwang braso niya. Pinamulagatan ni Calantha ang sekretarya. “Simula bukas ay ayaw ko nang makita kang nagsusuot ng ganiyan, Ms. Bolocboloc.” Seryoso siya nang sabihin niya sa sekretarya ang pasadong uri ng corporate outfit sa kanya simula bukas. Si Water Lily ay tila naman nakalagok ng isang gallong suka. Matapos ang nangyari kay Calantha sa kamay ni Ezekiel Ardiente ay nagkaroon na siya ng odd aversion tungkol sa daring outfit ng mga babae. Pakiramdam niya ay mag-uudyok iyon sa mga lalaking halang ang bituka na gawan ng masama ang mga babae. Kung phobia na nga ba iyong matatawag ay hindi niya maamin. Samantalang si Water Lily ay hindi itinago ang pagtutol. Gusto pa nga nitong magdabog. Paano ‘yan? Nabanggit sa kanya kanina ng newly hired bodyguard ng kanyang Madame na mapapadalas ang pasyal nito sa kanilang opisina, ibig sabihin ay kailangan niyang magpapansin. Jusme! Saksakan ng guwapo ang bodyguard ng ice queen niyang amo. Palakaibigan pa, hindi masungit. Atsaka halatang half-breed. “Anyway...” Sinadya ni Calantha na babaan ang boses at mariing tinitigan ang nakasimangot niyang secretary. “Did you mixed the drug on the rhum? Paubos na ang alak ay wala pa ring nangyayari sa bisita ko.” Kay bilis na nagbago ang ekspresyon ni Water Lily. Naumid itong bigla at kabadong ngumiti-ngiti. Nagtagis ang ngipin ni Calantha nang makuha ang sagot kahit hindi pa man nagsasalita si Water Lily. “Pasensiya ka na, Madame. Nakalimutan kong ihalo. Medyo naabala kasi ako ng—” Idadahilan na sana ni Water Lily na lampas dalawang oras na ring naroon ang bodyguard nito kasama ang isang limang taong gulang na bata na si Drystan. Nakagiliwan niya kasi ang guwapong bata kaya inasikaso ito ni Water Lily. Siyempre mas distracted siya sa presensya ni Favru dela Garza. At hindi lang si Water Lily ang umaktong tila sinilihan ang puwet. Actually lahat ng empleyadong babae at binabaeng naroon sa palapag ay dinumog ang naturang bodyguard. Lahat naging bida-bida mapansin lang ni Favru. “Nakalimutan!” Calantha mimicked, almost shrieking in frustration and disappointment. “How could you be feckless? Oh, God!” “Ay, sorry na ho, Madame...” “Oh, shut it!” Nawala na sa kontrol si Calantha. “Sana kanina pa nawalan ng malay ‘yon! Sana kanina pa ako nakauwi’t nakapagpahinga. What now?” “Ah, e, Madame–” “And I fcking hate what's happening with me! I'm feeling so terrified being alone with a man again! Ayoko dito sa pakiramdam na ito na para bang kay hina-hina ko. Ayoko sa pakiramdam na parang wala akong lakas manlaban kagaya no’ng gabing iyon. That asshole almost rape me! I... I...” “Bakit hindi mo iyan nabanggit sa akin?” Marahas na lumipad sa entrada ng pantry room ang helpless na mga mata ni Calantha. Hindi niya nalaban ang pagkagulat nang malingunan doon ang madilim na mukha ni Favru dela Garza. His eyes were unreadable. Muscles along his prominent jaw visibly clenching like he was ready to make an ass out of himself. Kaagad ang pagsikdo ng dibdib ni Calantha ngunit nilabanan niya ang mapatameme sa guwapong mukha ng kanyang bodyguard. Oh, well. She had to regard his suggestion to be her bodyguard. And s***h chauffeur. Pinag-early retire na niya si Mang Ermias matapos ang naging kapalaran nila sa kamay ni Ezekiel. She was looking for a younger chauffeur na kaya pang ipagtanggol siya kapag nagkagipitan. And the arrogant Favru guy undoubtedly and physically fitted for the job. Ayaw na niyang pakampante pa. At naisip niyang walang masama kung kukunin niya si Favru dela Garza. Mainam na rin at maiwan nito ang indecent nitong trabaho at simulang ayusin ang buhay. God! Why she sounded so compassionate all of a sudden? “You don't have to be here. Ang bilin ko saiyo’y sa parking lot mo lamang ako dapat hintayin. That is clearly incompetent.” Aniya nang makabawi. “Look, you're proving me wrong for hiring you.” “Incompetent na kung incompetent!” Nagulat si Calantha sa pagtataas nito ng boses. At hindi niya matanggap na tumiklop siya. He looked so authoritative that her knees almost wobbling. “Tinatanong kita kung bakit hindi mo nabanggit ang tungkol diyan?” Giit ni Favru. Nang bumaba sa BMW ang lalaki ng gabing iyon at pinagbabaril ang papalayong BMW matapos tumilapon mula sa hood niyon si Noreen ay hindi na niya ito pinakawalan. Nang usisain niya ang lalaki ay wala itong ibang sinabi kundi ang mga kasamaan ni Calantha Monsálvez. At ito ay dati nga raw nobyo ni Calantha na matapos makuha ang gusto’y walang kaabug-abog na tinapon ng babae. Buong-akala ni Favru na ordinaryong love quarrel lamang iyon sa pagitan ng dalawa at ayon pa kay Ezekiel Ardiente ay si Calantha pa ang nag-uudyok na i-video ang kanilang mga pagniniig. Iyon ang dahilan kung bakit umaaktong brusko si Favru sa harapan ni Calantha Monsálvez. Kaagad niyang nahusgahan ang babae ngunit hindi maikakaila ni Favru ang atraksiyon niya kay Calantha noong ganap niya itong nakaharap sa airport. Calantha rolled her eyes boringly. “Aber nga? Ano namang magagawa mo roon kung nangyaring sinabi ko saiyo na muntik na akong magahasa ng gabing iyon?” She challengingly bored her emotionless eyes onto him. Ni hindi nila napapansin ang nalilitong anyo ng kanyang sekretarya. “Dumating kami sa harapan ng kotse mo bukod pa sa mula nang humimpil ang Nazca mo sa bahaging iyon ng lupain ng mga Lancheta’y nakita ko na iyon. Bakit hindi ka sumigaw ng saklolo?” Bumabakat ang litid sa leeg nito na palatandaan ng pagpipigil ng galit. Dahil mapapahamak si Mang Ermias kung ginawa ko iyon, sa loob-loob ni Calantha. “Nonsense!” Winasiwas ni Calantha ang kamay sa ere upang i-dismiss ang usapang iyon. “Si Drystan?” “Nariyan, kasama ko. Nabagot sa sasakyan kaya naisipan ko nang umakyat dito. Bago mag-alas sais narito na kami.” Napilitan si Favru na sagutin ng akma si Calantha kahit na ang totoo’y ibig niya itong kalugin hanggang sa masabi nito sa kanya ang lahat ng kinatatakutan nito. Na iparamdam nito sa kanyang higit siyang kailangan nito nang sa ganoon ay matiyak palagi ang kaligtasan nito. Ibig niyang marinig na kailangan siya nito. God! Favru groaned and castigated himself mentally. Nakatakda na niyang pakasalan ang kanyang fiancée na si Maria Alivia Fernandéz ngunit ginugulo siya ng matinding pag-aalala kay Calantha Monsálvez. Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili. “Oh,” “Nandoon sa table ko, Madame. Naglibang muna sa computer games ang paslit.” Sabat ni Water Lily atsaka bumaling kay Favru. “Kay cute-cute ng anak mo Favie baby. Ito nga pinaghanda ko nga ng milk. Sanay ako sa ganito kaya kung maiisipan mong maghanap ng Mommy kay Drystan, i–acknowledge mo ang application ko, ha, papi Favie?” Napaismid si Calantha nang kindatan ni Favru ang kanyang sekretarya. Siyempre sinita niya ito at pinagsabihan. Lalandi! Naunang lumabas ng pantry room si Water Lily. Susunod na sana siya upang balikan si Trenton Wang sa kanyang opisina nang mahagip ni Favru ang kanyang siko. “What?” Angil niya. Maligasgas na hinila siya ni Favru pabalik sa loob atsaka nito ibinalya ang pinto. Isinandal siya nito sa concrete countertops and pressed his strong frame onto her. Muntik nang mapanganga si Calantha sa ginawa nito. “Fck you! Bitiwan mo nga ako!” Pumiglas si Calantha and tried to push him away by his chiseled chest ngunit mistulan lamang siyang nakikipaglaban sa pader. Pakiramdam ni Calantha ay nawalan siya ng lakas. Bukod pa roon ay tila ba nalalasing siya sa bango ni Favru at sa mainit nitong hininga na sinadya nitong ibuga sa kanyang mukha. Kasasabi lamang kanina ni Calantha na natatakot na siyang mapag-isa kasama ang isang lalaki. But with Favru it feels so different. So good to be true. He held her jaw at halos idikit na rin ni Favru ang sariling mukha sa mukha niya. “Makinig ka, Monsálvez. From now on, you cannot boss me around and forbid me to watch over you sa lahat ng paraang kaya ko. To hell with your narcissistic character. Poprotektahan kita hanggang naririto ako, naiintindihan mo? Itutumba ko ang sino mang lalaking didikit saiyo maliban sa akin.” “Y–you’re out of your mind if you think you could do that! You are just my bodyguard!” At sinubukan niya muling pumiglas para lamang matilihan nang marubdob na sakupin ni Favru ang kanyang mga labi. Her strength and protest all died down when his aggressive tongue delved into her mouth and pressed himself harder against her. He saw to it that she felt his hardness, his arousal. Nag-shutdown ang sistema ni Calantha Monsálvez dahil sa isang lalaki sa kauna-unahang pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD