Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tamar habang nakatapat sa pintuan ng VIP room ng darkroom. Kung saan niya gagawin sa unang pagkakataon na maghuhubad siya habang sumasayaw, sa harap ng taong estranghero sa kanya.
Pagkarating niya sa club ay sinalubong kaagad siya ni Marione. Para malaman niya ang mga dapat gawin. Kasabay na rin doon na pinagpalit siya ng damit at nilagyan lang ng lipstick. Kinakabahan man. Kakayanin niya ang lahat para makaipon ng malaking halaga.
"Lakasan lang ng loob Simmon. Kaya mo yan." Cheer pa ni Marione, bago ito nagpaalam sa kanya. May customer din ito sa mga oras na iyon.
"Simmon, pag hindi mo gusto ang gagawin mo wag mong ituloy. Pero kung kakayanin mo, at may hindi magandang mangyari sa loob. Palagi mong tatandaan may buzzer sa bawat kwarto ng VIP room. Nakamasid lang kami palagi ni Kuya Kristan mo." Ani Bruno at lumayo na rin sila sa tabi ni Tamar.
Kumatok mun siya ng tatlong beses, bago tuluyang binuksan ang pintuan. Malamig sa loob ng VIP room, at ramdam na ramdam niya iyong nanonoot sa manipis na roba niyang suot.
Wala siyang nakikitang tao sa paligid ang nakikita lang niya ay isang napakadilim na parte at ang liwanag ng malamlam na ilaw, sa kabilang parte ng kwartong iyon.
Nagsimulang tumugtog ang malamyos na musika. Hindi man niya alam ang gagawin ay iginiling na lang niya ang balakang. Habang inaalis ang tali ng roba.
"Hindi ba pwedeng alisin ang iyong maskara magandang binibini?" Tanong ng lalaking hindi niya nakikita ang itsura.
"Hindi kasama sa trabaho ko ang ipakit ang aking mukha. Para na rin maitago ang aking tunay na pagkatao, sana ay maintindihan mo ginoo." Paliwanag ni Tamar ng malalaglag na ang robang tumatabon sa kanyang katawan.
Patuloy pa rin siyang gumigiling habang sumasabay sa malamyos na musika. Humawak siya sa pole na nandoon. Hindi man niya alam ang ginagawa, pero inalala na lang niya ang mga malalamyos na sayaw na napanood niya noong nagdaang gabi sa internet. Nagawa niyang ikonekta ni Tamar ang cellphone sa wifi sa bahay ng boss niya, kaya may idea siya sa pagsasayaw ng ganoon.
Wala man siyang cellphone noon, pero marunong siyang gumamit nito.
Sa naglalakbay niyang diwa ay hindi niya malaman kung paano nakalapit ang lalaki sa tabi niya. Nilukob siya ng takot. Unang beses pa lang niya sa pagiging stripper mukhang aberya na kaagad.
"S-sir!" Kinakabahan niyang sambit ng yakapin siya ng lalaki. Gusto man niyang sumigaw, siya lang din ang mapapagod. Walang makakarinig sa kanya, at soundproof ang kwarto. Nakita na nga niya ang buzzer pero malayo sa pwesto niya.
"P-pakiusap, wag mo akong gawan ng masama." Naiiyak ng wika ni Tamar ng maramdaman niya ang pagbaba ng baba ng lalaki sa balikat niya. Ramdam din niya ang hininga nito kanyang batok.
"Please don't move. Hindi ako masamang tao, wag kang matakot. Wag mong ituloy ang paghuhubad." Wika ng lalaki ng luwagan nito ang pagkakayakap sa kanya.
Kahit papaano ay kumamalma si Tamar. Ang kaninang takot na nararamdaman ay bigla na lang naglaho.
Lumuhod ang lalaki at dinampot ang roba niya at ito na rin ang nagsuot sa kanya. Kitang-kita ni Tamar ang gwapo nitong mukha. Pero hindi pa rin pahuhuli ang boss niya. Mas gwapo pa rin si Alarik.
"Hindi ka ba nahihirapan sa maskara mo. Alisin mo kaya."
Akmang aalisin ng lalaki ang maskara niya ng pigilan niya ito.
"Hindi pwede. Dito ko lang maitatago ang pagkatao ko. Sana hayaan mo ako sa gusto ko." Pakiusap ni Tamar.
"Kung iyan ang nais mo." Wika ng lalaki na hinila si Tamar sa madilim na parte.
"Anong ginagawa mo!?" Gulat na tanong ni Tamar ng hawakan ng lalaki ang kamay niya at kamay niya mismo ang pinag-alis ng maskara niya.
"Hindi na kita nakikita, pero gusto kong damhin ang mukha mo." Anito at walang nagawa si Tamar kundi pagbigyan ang nais nito.
"Mas maganda ka pag walang maskara." Salamat at pinagbigyan mo ang nais ko. Isuot mo na ulit." Utos ng lalaki na mabilis niyang sinunod.
"Bakit mo ito ginagawa? Trabaho ko ang maghubad, sa harap mo, para masulit mo ang bayad mo sa may-ari nitong club. Pero bakit mo ako pinigilan sa trabaho ko?"
"Dahil nakita ko ang pag-aalinlanagan mo sa ginagawa mo. Hindi mo gusto ang ginagawa mo at ramdam kong may mabigat kang rason kaya mo ito ginagawa." Paliwanag ng lalaki kaya naman namangha siya dito.
"Salamat." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Tamar ng mga oras na iyon. Napakaswerte ng unang gabi niya bilang stripper. Hindi ganoon ang inaasahan niya. Pero iyon ang nangyari.
"Maupo ka na lang dyan sa kama at hintayin na matapos ang oras na binayaran ko. Ayan na lang ang serbisyong ibigay mo sa akin. Pero baka maguluhan ka kung bakit ganito ako sayo." Anito at naupo din sa tabi niya.
"Pustahan iyon ang dahilan. Dapat may maikama akong fresh. Alam mo na iyong bago lang dito. Mga baliw ang kaibigan ko. Natalo ako sa pustahan kaya hayon at nandito ako. Tapos ikaw lang ang bago kaya naman ikaw ang natapat sa akin. May kapatid akong babae at ang mommy ko. Kaya hindi ko kayang maging mapagsamantala. Mababait naman ang kaibigan ko. Sira ulo lang minsan. Pero hindi lahat ng customer na makakasalamuha mo katulad ko. Mag-ingat ka palagi miss." Payo nito sa kanya.
Nawalan si Tamar ng sasabihin. Isa ito sa patunay na hindi lahat ng magiging customer niya hayok sa laman. Mayroon din taong malaki ang respeto at pang-unawa.
Habang lumalakad ang oras ay patuloy lang silang nagkukwentuhan ng lalaki. Masarap itong kausap at may sense of humor. Naikwento na rin ni Tamar ang talambuhay niya. Pero hindi siya nagpakilala dito. Mas pinili niyang itago ang pangalan niya.
Ilang oras din ang itinagal ng pagkukwentuhan nila, hanggang sa nagpasya ang lalaki na tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama.
"Salamat sa oras miss. Basta palagi kang mag-iingat dito. Tulad ng sinabi ko hindi lahat ng customer tulad ko na alam pa ang salitang respeto." Anito at naramdaman ni Tamar ang pagkapa nito sa kamay niya.
Inalalayan siya nitong tumayo at dinala sa parteng may liwanag."
"Sana hindi ito ang huli nating pagkikita miss." Wika ng lalaki at pinagmasdan pa ang kanyang mukha kahit may tabon na maskara ang bandang mata niya.
Bumaba ang labi nito sa may noo niya. Hindi niya inaasahan ang halik na iyon. Namiss niya bigla ang kanyang itay at inay. Palagi silang magkapatid na hinahalikan ng mga magulang sa noo.
"Salamat ulit." Anito at nagpaalam na sa kanya.
Hindi pa naglalapat ang pintuan ng kwartong iyon ng makarinig siya ng ingay ng mga kalalakihan.
"Pare kumusta? Tanong ng isa.
"Sobrang sexy pare, at ang bango." Malokong sagot ng lalaking kasama ni Tamar sa kwarto.
"Ano, totoo bang fresh, ako naman bukas?" Nakangising tanong ng isa pa.
"Sexy at mabango lang pare, pero hindi na sariwa. Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon. Sa ibang bar na lang tayo." Sagot ng lalaki sa mga kaibigan nito.
Kahit hindi maganda ang lumalabas sa bibig ng lalaking kasama niya sa harap ng mga kaibigan nito. Alam niyang iniiwas lang siya nito sa kapahamakan. Masaya pa rin siyang ganoong klaseng customer ang nakasalamuha niya sa unang gabi niya sa club.
Nang makalayo ang mga lalaking nag-uusap ay mabilis namang pumasok sa loob ng kwarto si Bruno at Kristan, habang kasunod din si Marione.
"Simmon!" Sabay-sabay pang sigaw ng tatlo sa pangalan niya.
Agad naman siyang sinuri ni Marione, na kala mo ay may nangyaring hindi maganda sa kanya.
"Narinig namin ang sinasabi noong customer mo. Alam naming siya iyon." Nag-aalalang wika ni Marione ng hawakan ni Tamar ang kamay nito.
"Maayos lang ako, at walang nangyari sa akin. Hindi nga ako nahirapang magsayaw dahil hindi niya ako pinagsayaw. Natalo lang daw siya sa pustahan. Kaya pumayag siya sa gusto ng barkada niya. Lahat ng narinig ninyo na sinabi nung lalaki ay narinig ko rin. Lahat ng sinabi niya ay puro kasinungalingan. Alam kong hindi maganda, pero alam kong iniiwas lang ako nung lalaki na mapahamak sa kaibigan niya." Paliwanag ni Tamar kaya naman nakahinga ng maluwag si Marione. Ganoon din si Bruno at Kristan.
"Basta palagi mong tatandaan. Para sa kaligtasan mo, at para walang magawang masama ang mga magiging customer mo sayo. Alamin mo kung saang parte nakalagay ang buzzer. Maliwanag?" Paalalang muli ni Bruno na ikinatango niya.
"Uuwi ka na? Tara kay madam ng makuha mo ang bayad sayo."
"Okay lang ba iyon? Kahit hindi naman ako napagod sa unang trabaho ko?" Tanong ni Tamar kaya naman natawa si Marione.
"Alam mo Simmon, nahirapan ka man o hindi, or kahit natulog ka pa sa darkroom, ay babayaran ka pa rin ni madam, dahil nagbayad ang customer mo, para sa serbisyo mo. Kaya sasamahan na kita." Paliwanag ni Marione sa kanya. Nagpaiwan naman sina Bruno sa darkroom.
Pagdating nila sa opisina ni Madam Soraya ay nakita nila itong nagbibilang ng pera.
"Madam." Tawag ni Marione dito.
"Kumusta ang unang gabi Simmon?" Tanong nito ng makita siya.
"Maayos naman po."
"Mabuti, oh heto ang unang sahod mo." Sabay abot sa kanya ng sampong libo.
"Madam malaki po ito, paano ko po mababayaran iyong cellphone na ibinigay po ninyo sa akin?" Tanong ni Tamar, ng titigan ni Madam Soraya ang mukha niya.
"Nakita ka ng lalaking customer mo kanina. Hindi ko alam kung talagang nagandahan sayo. Iyon kasi ang sabi niya, kahit naka maskara ka. Pero nagbayad s'ya ng fifty thousand, para sa serbisyo mo. Hindi ako magtatanong kung ano ang nangyari. Dahil wala namang akong reklamong narinig kina Bruno. Hindi ko hawak ang kagustuhan mo o ayaw mo. Kaya kung may gawin ka sa loob ng VIP room at bukas sa kalooban mo. Wala akong pananagutan sayo. Ang pananagutan lang namin ay ang ayaw mo. Maliwanag?" Mahabang paliwanag ni madam ng hindi nito sinagot ang tanong niya.
"Kaltasin na po ninyo ang bayad sa cellphone na binigay ninyo." Ulit niya.
"Fifteen thousand lang iyong cellphone mo. Iyang ten thousand na lang ang natira para sayo, kaya sayo na iyan at ang cellphone mo bayad na."
"Talaga po?" Hindi niya mapaniwalaang tanong.
"Oo, sige na. Umuwi ka na. Mag-ingat ka. May trabaho pa si Marione kaya naman busy pa siya." Anito ay nagpaalam na rin sila kay Madam Soraya.
Matapos makapagpalit ng damit ay hinatid muna siya ni Marione sa may sakayan. Gamit ang itim na jogging pants na at hoodie jacket ay nag-abang silia ng taxi. May suot din siyang facemask para walang makakilala sa kanya.
"Salamat Marione, kahit papaano makakapagsimula akong mag-ipon ng halagang kailangan ko."
"Wala iyon, hindi naman ako ang may dahilan kaya ka kumita ngayong gabi. Ikaw din nagpakahirap dyan. Oh siya. Ingat ka. Wag kang papahuli sa boss mo." Biro pa nito sa kanya.
Sumakay na rin siya sa taxi na tumigil sa harapan niya. Nagpatigil lang siya ilang kanto, bago sumapit ang bahay ni Alarik.
Mabilis na lakad ang kanyang ginawa. Dumaan siya sa likod bahay kung saan may maliit na gate para doon makadaan. May susi naman siya sa likod bahay, kung saan siya dumaraan para maglaba. Kaya naman walang makakakita sa kanya na lumabas siya. Ang kwarto naman niya ay ilang hakbang lang mula sa backdoor.
Maingat ang mga hakbang na hindi makakagawa ng ingay. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas ng kwarto ng boss niya sa taas. Kaya naman binilisan niya ang lakad at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto niya.
Nang makapasok siya sa kwarto ay tila nakahinga siya ng maluwag. Pagkasara ng pintuan ay mabilis na inalis ni Tamar ang suot na jacket at nahiga sa kama.
Wala na siyang narinig pa sa labas maliban sa lagaslas ng tubig sa sink, na sa tingin niya ay hinugasan ng boss niya ang basong ininuman nito.
Dahil na rin sa madaling araw na ng mga oras na iyon. Pagkalapat pa lang ng likod ni Tamar sa kama ay nakatulog na kaagad ito.