Chapter 9

1750 Words
Kararating lang ni Alarik ng bahay at naabutan niya sa kusina si Tamar. Hindi naman siya napansin ng dalaga, sapagkat may malakas na musika na tumutunog sa ibabaw ng lamesa. Maagap siyang lumabas ng araw na iyon, parang nais niyang maagang makapagpahinga. Napakunot noo pa si Alarik ng mapansin na cellphone iyong tumutunog sa ibabaw ng lamesa. Lumapit siya doon at hinawakan ito, at tumingin muli kay Tamar. Pinagmasdan pa niya ang nakatalikod na dalaga na mukhang nag-eenjoy sa pakikinig. Love song iyon, at nakikita niya ang kilos ng ulo ni Tamar na wari mo ay sumasabay sa saliw ng musika. Naririnig pa niya ang minsang pagsabay nito. Natutuwa pa siyang pagmasdan ang dalaga, ng bigla itong humarap at nagulat sa kanya. "Amo kong gwapo!" Gulat pang sigaw ni Tamar, kaya naman nabitawan nito ang sandok na hawak. Napahawak pa ito sa sariling dibdib. Ramdam talaga ang gulat nito. "At gwapo pala ako ha." May panunudyo pang wika ni Alarik. "Boss naman bigla ka naman kasing sumusulpot. Bakit ka kasi nanggugulat?" Reklamo ni Tamar at dinampot ang nabitawang sandok. "Pero nagagwapuhan kang talaga sa akin?" Ulit pa nito. "Boss naman, oo naman, hindi ka ba nagagwapuhan sa sarili mo?" Tanong ni Tamar kaya napailing na lang si Alarik. "Sayo 'to?" Ani Alarik, habang hawak ang cellphone ni Tamar. Mababakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat. Pero para sa kanya, wala namang masama kung magkaroon ito ng gamit na ganoon. Alam naman niyang matipid ito, at ang binibili lang ay ang mismong kailangan nito. Sa panahon ngayon, kailangan naman talaga ang cellphone bilang kumunikasyon. "Bakit naman kasi ang agap ni boss?" Bulong pa ni Tamar. Hindi naman siya pwedeng magsinungaling. "Ahm. Opo boss. Nakikita ko kasi ang ganyan sayo. Tapos pagnakakapanood ako ng t.v. kaya naman medyo pamilyar ako sa cellphone. Kahit sabihing galing akong probinsya. Matipid naman ako, lalo na at libre ang pagtira ko dito sayo at pagkain ko. Ayan, tapos, nakaipon naman ako. Tapos nabili ko iyan." Nahihiyang paliwanag ni Tamar sa boss niya na sinusuri ang kabuoan ng cellphone niya. Pinahina din nito ang volume ng cellphone. "Okay naman, yan kasi magagamit mo. Iyan ba ang binili mo noong, nagpaalam ka?" Naalala na naman ni Tamar iyong araw na sinabi niya sa boss niya na may bibilhin siya. Pero ang totoo ay nakipagkita siya kay Dra. Samaniego. "Opo boss. Iyan na nga." Nilapitan naman siya ni Alarik at ginulo ang kanyang buhok. Inabot din sa kanya ang cellphone niya. "Wala namang masama. Kung sinabi mo sa akin di sana ay nasamahan kita. Pero okay na rin iyang napili mo. Nakasave ba dyan ang number ko?" May halo pang panunudyo sa boses ni Alarik kaya naman, halos pamulahan ng mukha si Tamar. "Opo boss." "Sige nga tawagan mo ako ng makuha ko ang numero mo. Para if may kailangan ako sayo, sa number mo na lang ako tatawag," Kinakabahan man, ay tinawagan ni Tamar ang numero ng boss niya. Nangiti pa si Alarik ng makita ang pangalan niyang naka-save sa cellphone ng dalaga. 'Boss Pogi.' "Talaga lang ha." Natatawa pang panunudyo nito sa kanya, bago siya tinalikuran. "Tawagan mo ako pag kakain na." Bilin pa nito. "Boss. Kailangan talaga tawagan?" "Hindi. Puntahan mo ako sa kwarto at kumatok ka at sabihan mo ako pagkakain na. Okay. Ibang tawag naman ang nasa isip mo eh." Anito na ikinailing niya. "Sorry naman po. Ngayon lang ako nagkacellphone eh." "Naiintindihan ko naman, binibiro lang kita. Nakaconnect ka naman siguro sa wifi diba? Nakalagay naman doon ang password." "Yes boss. Salamat po." Aniya. "May mga social media app ka?" "Hindi ko alam iyon boss." "Ganoon ba? Sige pag may pagkakataon. Turuan kitang gumawa. Para mas mag-enjoy ka naman dito pag wala kang ginagawa, ng hindi ka mainip." Anito at tuluyan na siyang iniwan ng boss niya. "Thank you sir!" Sigaw pa niya, kaya itinaas pa ng boss niya ang kamay nito, bilang pagpapaalam. Nagpatuloy naman si Tamar sa pagluluto. Nilagang baboy at pritong isda, lang naman iyon. Nakapagsaing na rin naman siya. Wala naman kasing sinabi ang boss niya na gusto nito. Kaya iyon na lang ang niluto niya. Alas syete y medya ng puntahan ni Tamar si Alarik sa kwarto nito at tawagin para kumain. "Boss, nakaluto na ako." Bumukas ang pintuan at lumabas si Alarik. "Sige tara na." Anito ng makita niya ang ilang papel na nakakalat sa sahig na sa tingin ni Tamar ay hindi napansing hindi nagshoot sa basurahan. "Una ka na boss. Damputin ko lang iyong kalat." Napatingin naman si Alarik sa sinasabi ni Tamar. "Sige, salamat." At iniwan na niya sa loob ng kwarto niya ang dalaga. Pero pagbaba niya sa may living room ay may unexpected visitors siya. "Anong kagaguhan ang ginagawa ninyong tatlo dito?" Singhal na tanong ni Alarik na ikinatawa ng tatlo. "Aayain kang magclub." Si Harry. "Wag kang kj." Ani Lindon. "Tara na." Pag-aaya naman ni Arnold, ng sabay-sabay silang mapatingin sa itaas ng bahay ng may sumulpot na babae sa may hagdanan na bigla ding nawala dahil sa mabilis nitong pagtakbo pabalik. "Ano yon?" Gulat na tanong ng tatlo. "Anong ano yon? Tara na. Kung gusto ninyong magclub, pumunta na tayo." Pag-iiba ni Alarik sa nakita ng tatlo. Alam niyang nakita ng mga ito si Tamar. Mabuti na lang at mabilis ang pakiramdam ni Tamar ng masilayan na hindi siya nag-iisa doon. "May babae eh. Tumakbo pabalik." Sabay na wika ni Arnold at Harry. "Guni-guni lang ninyo iyon. Anong akala ninyo sa bahay ko, haunted house." "Hindi eh, nakita ko din." Giit pa ni Lindon. "Walang babae dito sa bahay ko." Pamimilit niya. "Meron. Pakiramdam ko may tinatago ka talaga Duglas." Sabay tayo ng tatlo at hinayon ang hagdanan pataas. "Hey! Trespassing yan." Sigaw ni Alarik na hindi naman pinansin ng tatlo. "Walang trespassing, kasi nandyan ka naman. Kitang-kita mo itong pamamasok namin oh." Biro ni Arnold na tinawanan lang ng dalawa. Hinanap nila ang nakita nilang babae, pero mukhang binibiro nga lang sila ng paningin nila. "Ano? May babae kayong nakita sa bahay ko?" Natatawang wika ni Alarik sa tatlo. "Baka nga namalikmata lang ako." Si Lindon. "Tara na sa bar. Kulang lang yang makakita ng mga sexy na babae doon." Ani Harry na sinang-ayunan ng dalawa. "Oo nga." Nailing na sagot ni Lindon. "Tara na. Wag kang kj Duglas. Hindi bagay sayo." Ani Arnold at hinila na siya palabas ng bahay ng tatlo. Hindi na siya binitawan ng mga ito habang naglolock ng bahay. Kay Alarik sumabay si Lindon, para siguradong hindi daw siya, magbalak na hindi tumuloy. Pero si Lindon ang nagmaneho. Tamar: Saan ka nagtago? Okay ka lang ba? Nagpadala na lang ng mensahe si Alarik kay Tamar. Ipinagpapasalamat din niyang nakuha niya ang numero ng dalaga. Samantala, ng makita ni Tamar ang mga kaibigan ng boss niya ay mabilis siyang tumakbo papasok ng kwarto ng boss niya. Halos hingalin pa siya dahil sa pagpipigil ng paghinga. Dahan-dahan siyang nagtago sa ilalim ng kama. Maliit lang naman siyang babae kaya naman talagang kasya siya sa ilalim at hindi na siya makikita. Pigili hininga pa siya ng biglang bumukas ang pintuan, at narinig pa niya ang pag-uusap ng mga ito. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ni Tamar ng may maupo pa sa kama. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makaalis ang mga ito sa kwarto. Narinig pa niya ang pagbukas ng gate at ang pag-alis ng boss niya bago siya lumabas ng ilalim ng kama. Ngunit paglabas niya sa pinagtataguan ang siya namang pagsakit ng ulo niya. Hindi iyon sobrang sakit pero makirot. Pinilit muna niyang irelax ang sarili at tiisin ang sakit. "Kaya ko ito." Aniya habang naiiyak. Narinig pa niya na may nagtext sa cellphone niya pero hindi niya magawang tingnan. Tumunog pa iyon na may tumatawqg pero hindi niya magawang sagutin. Halos nasa sampong minuto din ng kumalma si Tamar sa pananakit ng kanyang ulo. Binuksan niya ang cellphone at doon sunod-sunod na nakita niya ang text ng boss niya. Boss Pogi: Saan ka nagtago? Okay ka lang ba? Boss Pogi: Tamar? Boss Pogi: Anong nangyari sayo? Boss Pogi: Uuwi na ako. Wala akong pakialam kahit malaman pa ng mga tukmol na ito na may ibang nakatira sa bahay ko. Kung hindi ka pa magrereply! Hindi na nagawang reply-an ni Tamar ang boss niya at tinawagan na niya ito. Sa isip niya ay hindi naman siguro makikita ng kaibigan ng boss niya ang kanyang tawag. "Boss, sorry hindi ko nasagot ang mga text mo. Kasi naiwan ko sa kwarto ko ang cellphone ko ng tawagin kita." Pagsisinungaling niya. "Sa ilalim ng kama mo ako nagtago. Iba pa rin pag medyo maliit. Kasya ako sa ilalim." Aniya at narinig niya ang pagbuntong hininga ng boss niya na wari mo ay nakahinga ng maluwag. "Kaya naman boss mag enjoy ka na lang, sa lakad mo. Kakain lang ako at matutulog na rin ako boss. Ingat ka po." Paalam pa niya dito. "Sige." Maikling sagot nito ng marinig niya ang boses ng mga kaibigan ng boss niya na tinatanong ito, kung ano ang alak ang oorderin nila. Matapos ang pagtawag sa boss niya ay mabilis niyang tinungo ang kusina. Gusto man niyang hindi kumain pero hindi pwede iinom pa siya ng vitamins niya at ang itinawag pa ni Dra. Samaniego na gamot pag biglang sumakit ang ulo niya. Mabilis siyang kumain. Pagkainum ng gamot ay nagbihis na rin siya. Suot ang jogging pants, t-shirt at hoodie, hindi rin mawawala ang facemask sa kanya, para maitago ang kanyang mukha. Matapos i-lock ang bahay ay naglakad na ulit siya patungong labas ng subdivision para makapara ng taxi. Ilang minuto din ang kanyang byahe bago nakarating ng club. Sa backdoor naman siya dumaraan kaya walang nakakakita sa kanya. "Kuya Bruno si madam." Bati niya. "Nasa dressing room nagbibisita. Punta ka na doon." Anito at mabilis niyang sinunod. Pagkarating niya doon ay kinawayan lang niya si Madam Soraya at si Marione. Nandoon din ang iba at nagbibihis. Matapos makapagpalit ng damit ay inayusan lang siya ng konte at ipinasuot na ang dapat niyang isuot at ang kanyang maskara. Matapos ang ginagawa ay dinala na sila sa bawat darkroom. Nandoon na ang mga customer na pumili sa kanila. Pinipili sila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanilang mga larawan habang suot ang maskara. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tamar, bago kumatok sa kwartong iyon. Nagsisimula na naman ang gabi. Pero hindi niya alam ang tadhana niya sa panibagong customer, na hindi naman niya nakikilala at nakikita, dahil masyadong madilim ang pwesto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD