Mag-isa lang si Tamar sa bahay ni Alarik ng mga oras na iyon. Tapos na siyang maglinis sa labas kasama na ang pool area. Kaya sa loob naman siya ng bahay.
Patapos na rin siyang maglinis, kaya naupo muna siya sa sofa ng bigla na namang sumakit ang ulo niya. Noong una ay hindi naman niya pinapansin. Ngunit habang tumatagal ay dumadaan talaga ang sobrang sakit na hindi niya maipaliwanag.
Napahawak siya sa buhok at halos hindi na siya makagalaw sa sobrang sakit noon. Tiniis lang niya hanggang sa tuluyan ng mawala ang pananakit na ipinagtataka niya.
Ilang sandali pa ay ng biglang tumunog ang telepono. Nagdadalawang isip pa siyang sagutin iyon. Alam niyang hindi iyon ang boss niya. Sa pagkakaalam niya ay mas lalo itong naging busy mula ng makimagmeeting ito noong nakaraan.
Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago sagutin ang telepono. Hindi agad siya nagsalita para malaman niya kung ang boss ba talaga niya ang nasa linya.
"Hi. Good morning. This is Andrei, sekretarya ni Dra. Samaniego. Can I talk to Ms. Tamar Persimmon Rodriguez." Wika ng nasa kabilang linya.
Napaayos naman ng tayo si Tamar ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya.
"Ahm. Si Tamar 'to Andrei. May resulta na ba?" Kinakabahan niyang tanong, pero nandoon pa rin na pinipilit niyang maging malakas ang loob at inaasahan na wala naman talaga siyang sakit.
"Yes. May resulta na iyong MRI mo. And need ni doktora na makausap ka. Kung pwede ka sana ngayong araw mismo. May free time ka ba?"
"Susubukan kong makapunta. Magpapaalam lang ako sa boss ko. Baka mamaya ay mauna pang dumating sa akin ay hanapin pa ako."
"Okay Tamar. Hihintayin ka namin ni doktora. Wag ka masyadong magmadali, hindi naman aalis si doktora."
"Okay Andrei salamat. Tatawag lang ako sa boss ko at pupunta na ako dyan." Aniya at nagpaalam na sila sa isa't-isa.
Pagkababa ng tawag ay mabilis naman niyang idinial ang telepono sa opisina ni Alarik. Pero naka ilang subok na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Kaya naman napagpasyahan na niyang tawagan ito sa cellphone nito. Mabuti na lang at nakalagay din sa logbook nito ang numero ng cellphone ng boss niya.
Ilang dial pa rin ang nangyari pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag.
"Pag ito talaga, hindi pa sinagot ni boss, aalis na lang ako ng walang paalam. Magiiwan na lang ako ng note. Last na talaga." Aniya at muling idinial ang numero ng cellphone nito. Pero bago matapos ang pagriring noon ay sinagot din ng boss niya ang tawag.
"Yes, hello!" Anito sa malambing na boses. Para na namang idinuduyan ang pakiramdam ni Tamar pag naririnig ang boses ng boss niya.
"Tamar." Tawag nito sa pangalan niya.
"Sorry boss."
"Bakit ka napatawag."
"Pwede bang umalis muna ako boss. May bibilhin lang ako." Paalam niya dito na sana ay payagan siya.
"Ano bang bibilhin mo at ng ako na lang ang bibili."
"Wag na boss, nakakahiya naman. Pero mabilis lang naman po ako. Promise."
"Makikipagkita ka lang yata sa boyfriend mo eh."
"Boss naman. Wala akong boyfriend. Ikaw nga lang ang kilala ko dito. Paano ako magkakaroon ng boyfriend? May bibilhin lang talaga ako."
"Okay ikaw ang bahala. Mag-ingat ka. I-lock mo ng mabuti ang pintuan ng bahay ha."
"Yes! Sir!" Aniya sabay saludo kahit hindi naman siya nakikita ni Alarik.
Pagkababa ng tawag ay gumayak siya kaagad para makapunta na sa ospital. Sumakay na lang muna ulit siya ng taxi. Medyo mahal ang bayad pero hindi na niya muna iyon pinagtuunan ng pansin ang nais lang niya ay makarating kaagad ng ospital.
Tumuloy na siya sa opisina ni Dra. Samaniego. Ilang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago niya nagawang kumatok.
Si Andrei ang nagbukas ng pintuan at pinapasok siya. Nakita niya na nakaupo sa may upuan sa may table nito si Dra. Samaniego.
"Magandang tanghali doktora." Bati niya at itinuro nito ang upuan sa harapan nito.
Sumunod naman siya kaagad at naupo doon. Si Andrei naman ay naupo sa pwesto nito sa harap ng computer.
"Tamar, ano ang nararamdaman mo nitong nakaraan?" Tanong ng doktora.
"Sa totoo doktora, maayos naman po ang pakiramdam ko. Ang mga pasa ko po ay halos nawala na. Ang pamumutla ko lang po minsan ang hindi pa nawawala. Isa pa pong nakakapagtaka. Bakit po ganoong sumakit ang ulo ko. Madalang pa rin po iyon. Kaya lang grabe na po siyang sumakit. Noong una okay lang naman. Normal na sakit ng ulo. Pero ngayon po may time na halos ikawala ko ng malay." Wika niya sa doktor na ikinatango nito.
"Nung magpakuha ka ng MRI tumawag ulit ako sa laboratory kung pwede pa ulit ang dugo mo sa ibang test. And they said yes. May ipinakuha akong laboratory test para masiguradong, anemic ka lang at wala talagang problema. Okay tayo sa part na iyon. Pero hindi sa result ng MRI mo."
"Ano pong problema doktora? Maayos naman po ang kalusugan ko po di ba? Wala po akong sakit?" Kinakabahang tanong ni Tamar ng hawakan ni Dra. Samaniego ang kanyang kamay.
"I'm sorry Tamar, but you have a brain tumor." Halos maiyak pa ito ng banggitin na may brain tumor siya.
"Wait lang doktora. Hindi po ako pamilyar. Ano pong sakit iyon? Naiintindihan ko po iyong brain. Pero ano po iyong brain tumor?"
"Iyon ay abnormal cells, isang koleksyon ng mga cell na hindi nako-kontrol ang pagdami sa loob ng utak. Pero ang sayo ay hindi naman mabilis lumaki. Pero kailangan nating maalis Tamar. Kailangan mong magpa-opera." Malungkot na wika ng doktor.
"Dok, magkano po ang kailangan para makapagpa-opera ako?"
"Estimated na nasa 120 thousand to 1 milyon ang gastos hija. Bukod dyan kailangan mo pang bumili ng gamot, and mga check ups pag nakalabas ka na."
"Sure po bang mabubuhay ako matapos ang operasyon?" Nag-aalala niyang tanong ng maramdaman niya ang mainit na kamay na humawak sa balikat niya. Nakita niya si Andrei na nasa tabi na n'ya.
"Gagawin ko ang lahat Tamar para mabuhay ka. May nakausap na akong neurosurgeon na siyang magiging katuwang ko para maalalayan ka. Hindi kita pababayaan."
"Dok, wala po akong ganoong kalaking halaga. Katulong lang po ako at walang pamilya. Pero gagawin ko po ang lahat ng paraan, para makahanap ng pera. Gusto kong mabuhay dok ng matagal. Gusto ko pang tumanda at makita ang mundo hanggang sa kunin ako ng Panginoon dahil sa katandaan." Umiiyak na wika ni Tamar ng yakapin siya ni Dra. Samaniego.
Si Andrei naman ay hinawakan ang kamay niya.
"Gagawin ko ang lahat Tamar, gagawin ko."
Sa sinabing iyon ni Dra. Samaniego, kahit papaano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. Sinabi din sa kanya ng doktora na, pwede siyang magtrabaho, pero sana bago sumapit ang ika anim na buwan sana ay makahanap na siya ng pera para makapagpa-opera na. Habang hindi pa ito lumalaki, at doon ito nakapwesto sa hindi delikadong parte.
Naglalakad si Tamar at hindi malaman ang gagawin. "Saan ako kukuha ng pera?" Tanong niya sa sarili ng bigla niyang maalala ang tarheta na bigay ni Marione sa kanya.
Kinuha niya iyon kaagad sa bag niya at naghanap ng telephone booth. Hindi naman siya nabigo.
Dalawang ring lang ang lumipas ng sumagot ito.
"Yes, hello. This is the one and only beautiful Marione." Anito na kahit papaano ay nakapagpagaan ng kalooban ni Tamar.
"Hi, si Simmon ito. Remember? Iyong nakita mo doon sa may clinic sa bayan?" Tanong niya ng marinig pa niya ang pagpalakpak nito.
"Yes, naaalala kita. Akala ko hindi mo na ako hahanapin. Nakapagdesisyon ka na ba?"
"Oo, kailangan ko ng pera."
"Good decision Simmon. Anytime pwede ka ng magsimula. Pero nasaan ka ba ngayon, para maipakilala kita kay Madam Soraya."
Sinabi ni Tamar kung nasaan siya. Sinabi lang sa kanya ni Marione na hintayin lang muna siya kung saan siya naroroon at susunduin siya nito.
Nasa kalahating oras ding naghihintay si Tamar, ng tumigil sa harap niya ang isang kotse. Bumaba doon si Marione.
"Halika na." Anito at sumakay na rin siya sa back seat.
"Hi." Sabay na bati sa kanya ng dalawang lalaki na kasama ni Marione. Ang driver at ang isa ay nasa passenger seat.
"Ako nga pala si Bruno. Pwede mong tawaging kuya Bruno." Pakilala ng lalaking nagdadrive.
"Kristan at your service. Kuya Kristan na rin. Kami ang makakasama mo sa club. Bouncer kami doon and guard na rin syempre. Alam mo ba ang papasukin mo?" Tanong ni Kristan na nasa passenger seat.
"Alam na niya Kuya Kristan. Noong nakilala ko siya ipinaliwanag ko na. Nga pala siya si Simmon. Kuya Bruno, Kuya Kristan."
"Ganda ng pangalan mo ah. Parang lalaki lang. Pero bagay sayo, ang ganda mo." Puna ni Kristan sa kanya.
Ilang minuto din ang itinagal ng byahe nila, hanggang sa marating nila ang isang malaking building. Namangha si Tamar sa lawak noon. Sigurado siyang mayayaman talaga ang customer na pumapasok doon.
Dumaan sila sa backdoor. Ilang pasikot-sikot pa hanggang sa makarating sila sa isang silid.
"Madam, nandito na po si Marione, kasama na po niya ang babaeng sinasabi niya." Ani Bruno matapos itong kumatok sa pintuan.
Narinig naman nila na pinapapasok na sila. Sila lang dalawa ni Marione ang pumasok. Umalis na rin si Bruno at Kristan.
"Maupo kayo." Ani ng ginang na sa tingin ni Tamar ay napaka istrikto. "Ako nga pala si Soraya. Pwede mo akong tawaging Madam Soraya. Ako ang may-ari nitong Club Solteria." Pakilala nito sa sarili.
"Anong pangalan mo, at ano ang maiipaglingkod ko sayo? Isa pa, alam mo ba ang pinapasok mo?" May diing tanong sa kanya ng ginang kaya napalunok s'ya.
"Ako po si Simmon."
"Tunay na pangalan? O hindi? Mas okay sa akin kung hindi mo tunay na pangalan ang sasabihin mo. Isa pa, hindi kami namimilit ng mga empleyado ko. Kung ayaw mo na dito, malaya kang umalis basta wala kang pagkakautang." Paliwanag nito na ikinatango niya.
"Hindi ko po tunay na pangalan."
"Good. Ano ang dahilan na naisipan mong pumasok dito?"
"Nangangailangan po ako ng pera. Isang milyon o higit pa." Aniya.
Napa oh, naman si Madam Soraya sa sinabi niya pati na rin si Marione.
"For your, privacy hindi ko itatanong kung para saan ang pera na kailangan mo. Pero sa trabaho mo dito. Sa darkroom kita ilalagay. Dapat matibay ang sikmura mo. Hindi lahat ng customer pare-pareho. May maayos kausap ay may hindi. Kaya dapat matataga ka."
"Opo." Tipid niyang sagot.
"Nangangailangan kami ng stripper. From the word it self. Kailangan mong sumayaw habang isa-isang inaalis ang lahat ng saplot sa iyong katawan. Wag kang mag-alala hindi ka makikilala ng customer mo. May maskara ka. Kaya iyong ang iingatan mong palagi. Para maitago mo kung sino kang talaga. Dalawa lang kayo sa isang kwarto. Hindintulad noon na sa stage at madaming customer ang makakakita sayo. Ngayon kung sino ang customer mo. Siya lang ang kasama mo. At may mga nakabantay sa labas kung may gagawin ang customer sayo ng labag sa pinag-usapan at labag sa kagustuhan mo, tawagin mo lang si Kristan at Bruno." Mahabang paliwanag ni Madam sa kanya.
Matapos nilang mag-usap ni Madam Soraya ay inilibot siya ni Marione sa loob ng darkroom. Namangha siya sa klase ng kwartong iyon. Pwede kang mag pole dancing kung marunong ka naman. Ipinakita din sa kanya ang mga pwesto ng buzzer sa ilang kwarto. Ipinaliwanag din nito kung ano ang gamit noon. Kaya naman mas napanatag siyang safe siya sa lugar na iyon.
Kahit sabihin club iyon, nandoon pa rin ang malaking malasakit ng kapwa mo na nagtatrabaho doon.
"So paano, ipapahatid na ba kita kita Kuya Bruno pauwi sa bahay ng amo mo?"
Naikwento kasi niya kay Madam Soraya at Marione na nagtatrabaho siya bilang katulong. Nasabi din niyang mabait ang boss niya sa kanya. Kaya lang hindi niya kayang manghiram dito ng pera lalo na at napakalaki ng pangangailangan niya. Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan na ipinapakita nito sa kanya.
"Hindi na. Baka magtaka pa iyon kung bakit may naghatid sa akin tapos naka kotse pa."
"Ikaw ang bahala."
"Pero may nadaan bang taxi dito?"
"Oo, lumakad ka lang doon. Kita mo iyong sa may dulo. May dumadaan doong taxi, kahit sa madaling araw. Maalala ko lang, paano kung mahuli ka ng boss mo na aalis sa bahay niya, para magtungo dito?"
"Bahala na. Pero pag nakapasok na si boss sa kwarto niya, hindi na iyon lumalabas. After kumain ng hapunan. Sabi naman ni madam kahit anong oras, pwede akong pumasok."
"Oo, pero dalahin mo na itong cellphone na ito. Naikwento ko kay madam na bago kita sunduin kanina na tumawag ka lang gamit ang payphone kya heto." Sabay abot ni Marione ng isang mamahaling cellphone.
"Teka lang. Hindi pa nga ako nagsisimula utang na kaagad."
"Madali mo lang iyang mababayaran
Sa tatlong gabi bayad na iyan. Kaya naman tanggapin mo na. Para kung malalate ka, alam ko. Nandyan na ang numero ko, kay madam, kay Kuya Bruno at Kuya Kristan. Sina ingat ka. Goodluck para sa pagsisimula mo bukas. Kitang kits." Ani Marione at nagpaalam na siya dito.
Isang sulyap pa ang kanyang ginawa sa kabuoan club, bago tuluyang sumakay ng taxi na tumigil sa harapan niya.
Isang buntong hininga pa ang kayang pinakawalan, bago malungkot na tumingin sa labas ng bintana.
"Sorry po inay, itay. Wala naman po sigurong masama kung magsayaw akong walang saplot sa harap ng ibang tao. Mas masama kung hahayaan kong basta na lang ako mawala sa mundo, ng hindi man lang gumagawa ng paraan para labanan ang sakit ko." Bulong pa niya sa hangin.