Chapter 6

1717 Words
Isang linggo matapos makipagkita ni Tamar kay Dra. Samaniego ay napapansin niyang nawawala na ang mga pasa sa kanyang braso ang binti. Hindi na rin iyon nadagdagan pa. "Maganda talaga iyong vitamins na ibinigay ni Dra. Reyes. Iyon lang din ang vitamins na ituloy ko sabi Dra. Samaniego." Nakangiting wika pa ni Tamar sa sarili habang nakatingin sa whole body mirror na nasa kwarto niya. Kahit katulong lang siya sa bahay ni Alarik ay parang hindi naman pang katulong ang kwarto niya. Bukod sa may sariling banyo, malawak pa rin ang kwartong iyon at may malambot na kama. Ganoon din ang iba pang kwarto, na tulad ng kanya na para talaga sa mga katulong, kung kukuha pa si Alarik ng dalawa pa. Parang nawala na rin sa isipan ni Tamar ang ginawang MRI sa kanya noong nakaraan. Lalo na at nafocus siya sa gumagaling niyang mga pasa. Lalabas na sana si Tamar ng kwarto ng bigla siyang mapaupo muli sa kama ng sumakit bigla ang ulo niya. Nakakaramdam na rin siya ng hilo ng mga oras na iyon. Pinilit niyang irelax ang sarili. Iniisip niyang mawawala din ang pananakit ng ulo niya. Limang minuto pa ang lumipas, hanggang sa wala na siyang maramdaman na sakit. "Ano ba iyon?" Tanong niya sa sarili bago muling humarap sa salamin ng mapansing magulo ang kanyang buhok. Sinuklay niyang muli iyon at ipinusod. Matapos maayos ang sarili ay lumabas na si Tamar para makapagluto. Sure naman siyang tulog pa ang boss niya at alas singko pa lang ng madaling araw. Kinuha ni Tamar ang tocino at iyon ang lulutuin niya. Kumuha na rin siya sa tray ng itlog. Mula ng ibinilin ni Dra. Samaniego na wag siyang kakain ng mga can goods at processed foods ay hindi na siya bumili noon. Ang tocino, longganisa, at patty na niluluto niya tuwing umaga ay freshly made by her talaga. Nahihiya man ay nagparesearch siya sa boss niya sa internet kong paano ginagawa ang mga bagay na iyon. Nakapag-aral naman siya hanggang first year high school. Kaya naman kahit papaano ay naiintindihan niya ang nakasulat sa binabasa niya at iyon ang kanyang sinusunod. "Mabuti na lang madami ang isinaing ko kagabi. Mas masarap ito kung sinangag." Aniya at dinurog ang kanin. Nagpitpit at ginayat lang niya ng maliliit ang bawang. Nilagyan lang niya ng kaunting asin ang kanin. Nag medyo brown na ang bawang inilagay na rin niya ang kanin. Ang tocino naman ay isinalang na rin niya sa isang non sticky pan sa mahinang apoy. Habang nakasalang ang mga niluluto niya ay nagbalat na rin siya ng prutas. Kahit ang boss niya ay dinadaan na rin niya sa healthy foods. Mabait ito sa kanya kaya gusto niyang suklian ang kabaitan nito sa ganoong paraan. Naghahayin na siya ng pumasok si Alarik sa kusina. Naka bihis na ito ng pang opisina. "Maaga ang pasok mo boss?" Tanong niya ng makaupo ito sa silya sa harap ng hapag. "May meeting ako mamayang seven. Kaya kailangan kong maging maagap." Anito kaya napatango lang siya. "Kain ka na rin." Alok nito sa kanya. "Mamaya na boss. Nahihiya na ako na palagi tayong magkasabay kumain. Ako ang nagluluto, naglilinis ng bahay, nagdadayag ng pinagkainan. Papasok ka sa trabaho, maiiwan ako sa bahay, uuwi ka. Ganoon palagi ang buhay natin sa araw-araw. Tapos sasabayan pa kita sa pagkain. Hindi ba kalabisan na?" Aniya kaya napakunot noo si Alarik. "What do you mean?" "I mean is, kulang na lang malagyan ako ng title na asawa boss." Biro niya kaya naman, hindi mapigilan ni Alarik na matawa. "Joker ka ba noong past life mo?" Natatawang pa ring tanong ni Alarik ng maupo si Tamar sa tabi niya. "Hindi ko alam boss. Pero isa lang ang masasabi ko. Natuto akong maging masaya kahit malungkot ang buhay. Bata pa lang ako noong mawala ang pamilya ko sa akin. Tapos ang babaeng umaruga sa akin sa panahon na wala na akong pamilya, iniwan na rin ako. Kaya ako naglakas loob na magtungo dito sa Maynila para sa bagong simula ng buhay ko. Pero maswerte akong nakilala kita. Maikli lang ang buhay boss kaya ginagawa ko ang lahat para maging masaya. Higit sa lahat, kahit anong problema ang dumating dahil maikli lang ang buhay na hiram natin, gagawin ko ang lahat para mapangalagaan ang buhay na meron ako. At ilalaban ko ang buhay ko kung may pagkakataon pa ako." Malungkot na wika ni Tamar na agad ding ngumiti ng mapansing nakatingin sa kanya si Alarik. "May problema ka ba?" "Boss problema? Wala no. Ang problema ko, kung paano ko uubusin iyong tatlong kilong chocolate bar na bigay mo." Aniya ng hindi mapigilan ni Alarik na tawanan siya. "At ano ang nakakatawa boss?" "Sinong hindi matatawa sayo. Sino ba ang humingi ng tatlong kilong chocolate." "Ako." "Oh. Ikaw naman nga talaga. Bakit ka naman problemado ngayon? Sinunod ko lang ang gusto mo. Nakiusap ka pa nga." Patuloy pa rin sa pagkain si Alarik, pero hayon at ang tawa nito ay hindi mapigil. Mas lalo lang namang nahuhulog si Tamar sa ipinapakitang iyon ng boss niya. Wala kasi itong idea na sa simpleng pakikipag-usap nito sa kanya. Isang ngiti at pagpapaalala ay nakakainlove naman itong talaga. "Paano naman boss, akala ko kasi magkaiba ang timbang ng chocolate sa kiluhan ng prutas ganoon. Akala ko kasi iyong seventy five pesos na chocolate na nakita ko sa grocery noong isinama mo ako isang kilo na. Gusto ko sana ng tatlong piraso. Hindi ko naman akalain na ganoong kadami ang tatlong kilo." Paliwanag niya kay Alarik ng ipatong na naman nito ang kamay sa kanyang ulo at guluhin ang buhok niya. "Okay lang iyon. Mga minsan tutulungan kita sa pag-ubos nun. Pero wag kang sosobra ng pagkain ng matamis, may sakit na nakukuha sa sobrang pagkain ng matatamis. Hindi pa naman iyon mag-e-expired lalo na at matagal pa talaga ang expiration noon. Kaya wag kang mag-alala hindi iyon masasayang." Paliwanag nito ng mapansin niyang tapos na itong kumain. "Hinayaan mo talaga akong kumain na mag-isa. Kumain ka na rin pag nagutom ka." Anito habang nakatingin sa kanya. Nginitian lang niya si Alarik at sinabayan ang pagtayo ng boss niya. Nang sa isang iglap ay hindi nila pareho namalayan na magkalapat na ang mga labi nila. Sa gulat ni Tamar ay hindi niya magawang ikilos ang katawan. Hindi kumilos ang mga kamay niya para itulak ang boss niya. Habang si Alarik ay parang naestatwa din sa nangyari sa kanilang dalawa. Magkahugpong lang din ang tingin nila sa isa't-isa, ganoon din ang mga labi nila. Walang gustong kumilos, walang gustong bumitaw. Para silang nahihipnotismo ng emosyon na bigla na lang lumukob sa kanilang dalawa sa mga oras na iyon. Hanggang sa ilang segundo pa ang itinagal ng paglalapat ng mga labi nila ng biglang magring ang telepono sa salas. Doon pa lang nagawang itulak ni Tamar ang boss niya. "I'm sorry." Wika ni Alarik at bigla na lang tinalikuran si Tamar. Alam naman niyang aksidente ang nangyari, pero bakit masakit sa puso niya ang paghingi nito ng tawad. Mabilis namang hinayon ni Alarik ang kanina pang tumutunog na telepono. "Okay sige. Hindi ko napansin. Naka-silent ang cellphone ko. Paalis na rin ako ng bahay, mabuti at naitawag mo. Sige doon na ako tutuloy." Wika ni Alarik sa kausap bago niya ibinaba ang telepono. Lalabas na sana si Alarik ng bahay ng pigilan siya ng mainit na kamay ni Tamar. Ang paghawak nito sa braso niya ay tila kuryenteng bigla na lang nanalaytay sa kanyang katawang gumigising sa natutulog niyang emosyon. Na nasimulan ng paglalapat ng labi nila kanina. Tiningnan niya ng mabuti ang dalaga. Maganda talaga ito kahit noong una niya itong nakita. Hindi niya maiipagkaila na naakit siya sa ganda nito. Pero masyado itong bata para sa kanya. Para sa kanya ang pito hanggang walong taong age gap ay talagang malaki na. At ganoong kalaki ang pagitan ng edad nila ni Tamar. "Bakit?" "Sorry boss, sasabayan lang naman kita pagtayo, bakit ka kasi yumuko?" Mahina sa simula ang boses ni Tamar ng biglang may pagkayamot sa dulo. Napahawak naman sa baywang si Alarik at napalatak sa sinabi ni Tamar sa kanya. "At mukhang kasalanan ko pa ngayon na nahalikan kita?" Mariin niyang tanong sa dalaga na wari mo ay nananantiya sa isasagot niya. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ni Alarik. Medyo mabigat ang pakiramdam niya dahil sa halik na iyon. Pakiramdam niya ay maiilang sa kanya si Tamar, bagay na ayaw niyang mangyari. Nasanay na siya sa pagiging madaldal at masayahin nito. "Hindi naman ganoon boss, kaso first kiss ko iyon. Tapos napunta lang sayo." "Mukhang lugi ka pa ah. Sa daming may gustong makatikim ng labi ko, wala akong hinahayaang malapatan nito. Tapos ikaw choosy ka pa?" Hindi mapaniwalaan ni Alarik ang sinabi Tamar habang nakatitig siya dito. "Hindi naman sa ganoon boss. Pero." "Pero ano?" "Mahalaga ang first kiss ko." "Mahalaga din naman ako. Isipin mo, ako ang tumulong sayo para magkaroon ka ng bahay na matutuluyan mula ng mapadpad ka dito. Isa pa gwapo ang boss mo. Hindi ka na lugi. Tama na ang pag-iinarte. Hindi bagay sayo. Hmm." Ani Alarik at tinapik pa ang pisngi niya. "Madaya ka boss." "Hindi ako madaya, okay. Ganito, aminin natin pareho na kasalanan ko at kasalanan mo ang nangyari. Pareho nating kasalanan iyon, kaya quits na tayo. Sige na baka malate pa ako sa meeting ko. Wag kang lalabas ng bahay ng hindi nagpapaalam sa akin. Maliwanag." Hindi na rin siya nakaagal, at tama naman ang boss niya sa sinabi nito. "Okay boss, areglado." Aniya at pinanood na lang ni Tamar si Alarik na sumakay ng kotse nito at pinasibad ang sasakyan paalis. Napahawak naman si Tamar sa labi niyang nahalikan ng boss niya. Nandoon pa rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na hindi naman nahalata ng kanyang boss. Hanggang sa mga oras na iyon ay para pa rin siyang tumakbo ng ilang kilometro at habol ng kabayo sa lakas at bilis ng pagpintig ng puso niya. "Kung alam mo lang boss na masaya na akong ikaw ang first kiss ko. Hindi man sinasadya at aksidente lang, pero masaya ako. Masayang-masaya." Aniya at isinarado na ang pintuan ng bahay. Nagtungo na rin siya sa kusina para naman kumain na rin, pagkatapos ay magligpit na rin ng mga kalat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD