"Nay, tay papasok na po ako." Paalam ni Tamar sa kanyang mga magulang.
"Mag-iingat ka anak. Mahal na mahal kita." Wika ng kanyang ama na si Dante.
"Mahal na mahal din kita anak, kayo ng kapatid mo." Ani ng kanyang inay sa kanya.
"Mahal kita ate." Sabat naman ni Dates. Ang kanyang bunsong kapatid.
"Asus ang lambing naman ng pamilya ko. Mahal na mahal ko din po kayo, inay, itay at ikaw Dates ka. Wag kang magpapasaway sa mga inay at itay ha. Papasok na si ate at mahaba pa ang aking lalakarin." Aniya sa mga ito.
Isa-isa pa niyang niyakap ang pamilya bago siya nagpaalam. Abala din kasi ang kanyang ina sa ginagawa nito.
Si Trinidad na kanyang ina ay gumagawa ng kinipil na sampaloc na ibinababa nila sa bayan para ibenta. Madaming puno ng sampaloc sa malapit sa kanilang bahay. Iyon din ang hanap-buhay ng iba pang mga taga roon. Ang kanyang ama naman ay nagtutuyo ng kalamias na ibinibenta din sa bayan. Noong mahal ang bentahan ay madaming naitanim na puno ang kanyang ama. Kaya naman, pag tag-araw ay talagang madami itong napapatuyong kalamias. Mahirap lang ang buhay ni Tamar sa probinsya. Pero umaapaw naman ang pagmamahal na natatanggap niya sa mga magulang at kapatid.
Kumakanta pa si Tamar habang papasok sa eskwelahan. Sampung taong na siya pero nasa grade one pa lang. Hindi kasi siya naibili noon ng gamit sa eskwela kaya nahuli siya. Pero wala naman iyon sa kanya ang mahalaga, nakakapag-aral siya kahit mas may edad siya ng kaunti sa mga kaklase niya.
Habang nasa paaralan, ay iniisip na ni Tamar kung gaano kasarap ang magiging kain niya pag-uwi. Lalo na at sabi ng kanyang itay ay maghahanap ito ng kabute, para maging ulam nila.
Paborito niya iyon. Lalo na at may nakapagsabi sa kanyang masustansya ang kabute. Na kahit madalang siyang makatikim ng karne ay para ka na ring nakakain noon, dahil sa sustansyang taglay ng kabute.
Natapos ng maayos ang maghapon ni Tamar at nagpaalam na siya sa kanyang guro at mga kaklase. Nasa ibang daan kasi ang daan niya, short cut kasi iyon. Ayaw namang sumabay ng mga kaklase niya sa kanya. Dahil mas malayo naman ang bahay ng mga ito sa daan pauwi sa bahay ng mga ito.
Malapit na siya sa bahay nila, ng makarinig siya na parang may nagkakagulo. Napagod man sa paglalakad ay mabilis siyang tumakbo.
Halos mawalan ng kulay si Tamar ng makita ang mga magulang at kapatid na tinatakipan ng puting kumot.
"A-ano p-pong nang-nangyari?" Nauutal niyang tanong sa isang ginoo na sa tingin niya ay nagtatrabaho sa munisipyo. Hindi pa siya nakakarating doon, pero alam niya ang unipormeng suot nito.
"Kilala mo ba sila hija?" May lambong ang mga matang tanong sa kanya ng lalaki.
"Inay at itay ko po, at ang kapatid ko. Bakit po ninyo sila tinatakpan ng puting kumot?" Natatakot at nag-aalalang tanong ni Tamar. Gusto man niyang lapitan ang pamilya, pero hawak naman siya ng isa pang lalaki.
"Ikinalulungkot ko hija pero wala na sila." Ani pa ng ginoong kausap niya.
"Paano pong wala na? Ano po bang nangyari? Masaya pa po kaming lahat kaninang umaga?" Umiiyak ng wika ni Tamar na parang naiintindihan na niya ang nangyari.
"Tamar!" Tawag sa kanya ng mabait niyang kapitbahay na si Aling Tasing. Wala itong anak.
Sila ng kapatid niyang si Dates ay palaging nangangapitbahay sa mga ito, pag nasa bayan ang mga magulang.
"Aling Tasing." Aniya at humagulhol ng iyak sa matanda.
"Tamar, nanguha daw ng kabute sa gubat ang iyong itay." Anito na ikinatango niya. "Pero nakakalason pala ang uri ng kabute na iyon. Matapos magluto ni Trinidad ay masayang nagsalo-salo sa pananghalian ang iyong inay at itay, pati si Dates. Pero bigla daw sumakit ang tiyan ng kapatid mo. Kaya napatakbo sa akin ang iyong itay. Pagpunta ko dito. Ay masama na rin ang lagay ng iyong inay. Ang iyong itay ay bigla na lang nanghina. Kaya humingi na rin ako ng tulong sa ibang kapitbahay. Sila ang humingi ng tulong sa bayan. Pero alam mo namang malayo tayo sa bayan. Huli na ang lahat ng madatnan sila dito." Nakikisimpatyang wika ni Aling Tasing.
"Paano na po ako? Wala na ang pamilya ko." Umiiyak na wika ni Tamar na mas lalong ikinayakap ni Aling Tasing dito.
Ipinagpaalam ng tauhan ng munisipyo na dadalhin muna sa punerarya ang mga labi ng kanyang mga magulang at kapatid bago muling dalahin sa kanilang tahanan.
Tatlong araw lang na ibinurol ang kanyang mga magulang. Sa tulong na rin ng mga kawani ng munisipyo ay nabigyan ng maayos na libing ang kanyang pamilya. Pero hindi niya magawang magpasalamat dahil sa sakit na kanyang nadarama.
Matapos ang libing ay, sa bahay na ni Aling Tasing siya nanirahan. Sinuportahan din sila ng kawani ng mga nasa posisyon para makapagpatuloy siya ng pag-aaral ng elementarya.
Nakaupo si Tamar, sa isang upuan sa labas ng kanilang bahay. Nagpaalam siya kay Aling Tasing na doon muna siya. Hapon na ng sundan siya doon ng matanda.
"Tamar tara na uwi na tayo." Yakag nito sa kanya.
"Nanay Tasing, parang gusto ko na rin pong sumunod sa mga inay. Ang sakit-sakit po dito oh." Sabay turo sa kanyang dibdib na nakatapat sa puso. Sa bata niyang edad ay ramdam ni Tamar ang sakit ng kanyang pinagdadaanan ngayon.
"Wag kang mawalan ng pag-asa anak. Kabilin-bilinan ng itay at inay mo bago sila mawala ay alagaan mo ang sarili mo. Pilitin mong mabuhay sa abot ng makakaya mo. Mahirap man ang buhay pilitin mong lumaban. Wag kang susuko anak. Mahal na mahal ka ng iyong inay at itay pati ng kapatid mo. Laban lang nandito ako para sayo. Parang anak na rin ang turing ko sayo. Kaya naman kayanin mo anak at wag na wag kang susuko sa hamon ng buhay." Wika ni Aling Tasing na mag nakapagpaiyak kay Tamar.
Isang buwan na ang nakakalipas mula ng mawala ang kanyang pamilya. Pero ang sakit na dulot nito ay parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Naghahabol ng hininga si Tamar ng bigla siyang magmulat ng mata. "Panaginip?" Tanong niya sa sarili kahit alam naman niyang panaginip lang naman talaga ang lahat.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng mapatingin sa labas ng bahay, na sumisilay na ang haring araw.
Babalik pa sana siya sa pagkakahiga ng mapansing malambot ang kama na kinahihigaan niya. Inilibot pa niya ang paningin ng makita sa orasan sa dingding na alas singko y media na ng madaling araw.
Nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pintuan sa labas. Para pa rin siyang wala sa sarili ng mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin.
"Tamar?" Tawag ng isang baritong boses. Nakakaintimida ang boses nito at sa tono pa lang ng boses nito alam niyang gwapo ang nagmamay-ari noon.
"Sin-." Hindi natapos ni Tamar ang sasabihin ng mapagtanto niya ang lahat. Dahil na rin siguro sa pagod at puyat kaya parang nawala siya saglit sa kanyang sarili. Napagod siya sa paglilinis ng bahay, habang napupuyat naman siya dahil hindi siya kaagad dalawin ng antok sa gabi.
"Boss!" Mabilis niyang sagot at hinayon kaagad ang pintuan ng hindi man lang tiningnan ang sarili sa salamin. Oo nga at naka panjama siya at maluwag na t-shirt, pero walang bra. Bumabakat doon ang malusog niyang dibdib. A n****e erection in the morning. Buhay na buhay iyon sa mga oras na iyon.
"Boss! Sorry na late na naman ba ako ng gising?" Nag-aalalang tanong ni Tamar.
Nasa tatlong buwan pa lang mula ng tanggapin siya bilang katulong ng kanyang gwapong amo. Nagmakaawa lang siya dito dahil walang-wala na talaga siyang pera para sa pagkain. Muntik na kasi siyang masagasaan nito noong araw na iyon. Sa halip na sa ospital siya dalhin ay humingi na lang siya ng trabaho dito at iyon na nga pagiging katulong nito sa bahay ang naisip ng binata.
Napalunok naman si Alarik ng mapatingin sa bago at nag-iisang katulong niya sa bahay. Ayaw pa sana niyang tanggapin ito noon. Pero mula ng muntik na niyang mabangga ang dalaga, ay napag-alaman niyang galing ito sa malayong probinsya. Nasa tatlong araw na ito sa Maynila, at naghahanap ng pwedeng mapasukang trabaho. Pero ng unang dating pa lang nito ng Maynila ay nadukutan na ito. Kaya naman tatlong araw na din itong hindi kumakain at walang bahay na natutuluyan.
Pinagmasdan naman ni Alarik ng mabuti ang dalaga. Sa tingin naman niya ay mabuti iyong tao. Pero nag-iingat pa rin siya lalo na at madaming manloloko sa panahon ngayon.
"Ayaw mo ba talagang magpadala sa ospital?" Tanong dito ni Alarik na ikinailing nito.
"Sir, hindi naman ako nasagasaan. Ang kailangan ko po ay."
"Pera?" May pagkasarkastikong wika ni Alarik. Ito na kasi ang nagtuloy ng sasabihin ni Tamar.
"Opo kailangan ko ng pera. Pero hindi po ako nanghihingi. Kailangan ko po ng trabaho. Baka naman po may maiibigay kayo. Mukha naman po kayong mayaman. Kahit po katulong sa bahay. Masipag po ako. Pangako." Ani Tamar habang nakataas pa ang kanang kamay na wari mo ay nanunumpa.
"Alarik Dates Duglas." Ani Alarik sabay abot ng kamay.
Napatitig naman si Tamar sa lalaki. Kapangalan kasi nito ang bunso niyang kapatid. Nais pa nga sana niyang umiyak ng maalala ito. Pero pinigilan niya ang sarili. Walang magagawa ang pag-iyak niya. Alam niyang mga anghel na sa langit ang kanyang pamilya.
"Sir wag kang magagalit. Nakakatuwa po ang pangalan mo. Kapangalan ka po ng kapatid ko. Pero wag na po nating pag-usapan. Isa na po kasi siyang anghel. Ako po pala si Tamar Persimmon Rodriguez. Nakatungtong naman po ako ng unang taon sa sekondarya." Pakilala ni Tamar sa lalaki at kinuha ang kamay nito na bigla din niyang binitawan ng may dumaloy na kung ano sa palad niya.
Napatingin pa si Tamar sa lalaking kaharap na ngayon ay magiging boss niya dahil tinanggap na siya nito bilang katulong. Binaliwala na lang niya ang weird na kanyang naramdaman sa mga palad.
Dahil na rin sa awa sa dalaga ay napilitan na talaga si Alarik na kunin ng katulong ito. Kahit sa totoo ay hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay niya. Ito pa lang ang kauna-unahang ibang tao na pinayagan niyang tumuntong sa bahay niya.
"Boss may ipag-uutos ka? Sorry talaga kung mas nauna ka pang nagising sa akin." Anito na nagpabalik kay Alarik sa pagbabalik tanaw.
"It's okay. Hindi ka naman tinanghali. Maaga lang talaga ako ngayon. I need to go to my office at seven. Gusto ko lang itanong kong maiipagluto mo ako ng almusal, kahit dapat ay six pa ang gising mo." Anito na nagpangiti kay Tamar.
"Boss, katulong ako. Kaya any time pwede mo akong utusan. May prepare ka po bang breakfast?"
"Toast bread, egg, ham and coffee lang."
"Okay boss. Mag ready ka na. Ako ng bahala." Ani Tamar at mas nauna pang umalis sa harap ng pintuan ng kwarto niya.
Naiwan ang boss niyang sinusundan siya ng tingin, napailing na lang din ito ng mawala siya sa paningin ng binata.
"What at childish woman. Hindi man lang na conscious sa itsura niya." Nangingiti pang wika ni Alarik at hinayon na rin ang sariling kwarto.