Prologue

1334 Words
"Sir! Pakiusap wag po!" Sigaw ni Tamar, ng akma siyang hahalikan ng isang lalaking nagbayad ng malaki para lang makasama siya sa isang madilim na kwarto para maging personal stripper nito. "Pakiusap! Bitawan mo ako sir!" Dagdag pa niya, pero mukhang bingi ang lalaki at nalulukuban ng makamundong pagnanasa. Pilit niya itong itinutulak at patuloy lang din siyang umiiwas. Pero malakas ang lalaki at hindi siya binibitawan. Natumba siya at nasalo naman ng lalaki. Kaya lang ay mas lalo lang siyang nakulong dito. Halos maiyak na si Tamar ng maramdaman niya ang pagdampi ng hininga ng lalaki sa kanyang ulo. Hindi niya gusto ang trabahong iyon. Wala lang talaga siyang pagpipilian. Kung may iba lang sana siyang pagpipilian. Pipiliin niyang hindi pasukin ang mundo ng mga hayok sa laman. Oo nga at isa siyang babaeng binayaran para maghubad. Pero hindi kasama doon ang extra curricular services. Pagiging stripper lang ng mga taong nagbayad sa kanya ang service na maiibigay niya. Magsasayaw siya sa harapan ng lalaking magbabayad para sa serbisyo niya. Bahala na ang lalaki na gawin ang lahat habang hindi niya ito nakikita. Siya man ay hindi nito kilala, at may nakatakip sa kanyang mga mata. Magsasayaw siya habang inaalis ang mga sagabal sa kanyang katawan. Hindi siya mahahawakan, ng kahit na sino man. Maliban na lang kung siya mismo ang may kagustuhan. Sa isang madilim na silid, na may malamlam na kulay pulang ilaw doon ang pwesto niya. Habang ang lalaking nagbayad para sa serbisyo niya ay nasa kabilang parte ng silid na iyon. Madilim at halos hindi mo makita kung may tao ba talagang nakatingin o nanonood sayo sa sobrang dilim noon. Nakasuot siya ng bathrobe na itim pagpasok sa kwartong iyon. Aalisin lang niya iyon pag nagsimula na ang malamyos na musika. Habang sumasayaw suot lang niya ang itim na brassiere at itim na underware. Isama pa ang itim na maskara na tumatabon sa kanyang mga mata. Para paglabas niya ng kwartong iyon. Walang makakakilala sa kanya. Isa-isa niyang aalisin ang mga maliliit na saplot na tumatabon sa kanyang malulusog na dibdib at sa kanyang pinagkakaingatan, kasabay ng mala-erotikong tunog. Sa bawat haplos na ginagawa niya sa kanyang katawan ay maririnig niya ang ungol ng lalaking nasa madilim na parte. Wala siyang alam kung ano ang ginagawa nito. Pero nandoon ang katotohanang nasa utak na niya ang idea ng kahalayan sa kung sino man ang nanonood sa kanya. Wala naman siyang choice. Sa paghuhubad lang talaga siya makakakuha ng malaking pera. Pera na hindi para sa iba. Pera para sa sarili niya. Kahit magtrabaho pa siya ng 24/7 hindi niya kakayaning kumita ng tulad ng kinikita niya sa paghuhubad. Wala namang mawawala kung maghuhubad siya. Pero kung hindi niya iyon gagawin, pwedeng siya mismo ang tuluyang mawala na. Bigla niyang itunulak ang lalaking ng medyo lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Akala yata nito ay nadala na siya sa nakakadiri nitong haplos sa halos hubad niyang katawan. Pero agad din siyang nahawakan kaya naman nakulong na naman siya ng lalaki sa amoy alak nitong katawan. "Bakit ba nag-iinarte ka? Ang mga katulad ninyo ay mga mabababang uri. Sigurado naman akong sa klase ng trabaho mo, hindi ako ang mauuna. Pero bakit nag-iinarte ka pa!?" Sigaw ng lalaki saka biglang sinampal si Tamar. Hindi nakapagsalita ang dalaga dahil sa lakas ng pagkakasampal ng lalaki sa kanya. Halos mawalan ng malay si Tamar sa pagkakataong iyon. Sa dilim ng paligid ay halos magdilim din ang kanyang paningin. Akmang magagawa na ng lalaki na mahalikan siya sa labi, ng maabot niya ang buzzer button. Pinilit niya iyong maabot sa pamamagitan ng kanyang paa. Nang magblink iyon ay nakahinga siya ng maluwag. Alam niyang may makakakita at makakarinig sa warning niya. Tahimik ang darkroom kaya naman maririnig sa pasilyo ng parteng iyon ang warning tone ng bawat kwarto sa labas. Mahina lang iyon. Sapat na marinig sa buong pasilyo ng mga darkroom, maririnig sa katahimikan. May pulang ilaw ang labas ng bawat darkroom. Kaya naman pag may buzzer na tumunog, iilaw in hazardous way ang pulang ilaw, kaya makikita kaagad. Sa pagkakataong iyon, nagulat ang lalaking namimilit sa kanya sa dalawang bouncer ng biglang pumasok ang mga ito sa kwartong iyon ng walang paalam. "Anong ginagawa ninyo dito!" Sigaw ng lalaking nanakit kay Tamar. "Maglilinis ng kalat." Nakangising wika ng isang bouncer saka, hinawakan ang lalaking customer. "Anong ginagawa ninyo! Isusumbong ko kayo sa manager nitong club! Nagbayad ako para sa serbisyo ng maduming babaeng iyan!" Anito habang inilalayo kay Tamar. Nakangisi lang ang isang bouncer at wari mo ay hindi man lang natatakot sa banta ng customer. "Alalayan mo na lang si Simmon." Anito sa kasamang bouncer na hinahanap ang bathrobe ni Tamar. "Ilalabas ko na ito at ng makapagreklamo na sa kinauukulan kawawa naman." Natatawang wika ng bouncer na may hawak sa customer. "Magbabayad kayo!" Sigaw ng customer na galit na galit sa kanila. "Walang problema. Magsumbong ka lang. Siguraduhin mong papanigan ka ni madam ha." Nakangising wika ng bouncer at pilit na inilalabas ang nanakit na customer kay Tamar. "Isuot mo na muna ito." Sabi ng isang bouncer kay Tamar. Inalalayan naman ng lalaki si Tamar na makatayo at at ng maisuot ang bathrobe nito. "Okay ka lang ba?" "Salamat kuya. Opo ayos lang talaga ako." Mahina niyang tugon. "Okay ka lang ba talaga? Dumudugo ang labi mo oh." "Ayos lang ako talaga. Maliit na sugat lang ito, kaya nagdugo. Salamat at palagi kayong nakabantay." "Trabaho namin ang bantayan kayo. Walang problema kung bukal sa loob mo ang gagawin mo dito sa darkroom. Ang pinapakialaman lang namin ay ang bagay na ayaw mo, o ng mga katulad mo. Para na namin kayong kapamilya, dahil lahat tayo dito, pinagkaitan ng tadhana. Pero dahil din sa club na ito. Nakilala ko ang babaeng itinitibok ng puso ko. Kaya ikaw para na kitang kapatid. Kayong lahat, para na tayong magkakapatid dito. Kaya walang talo-talo. Tara na. Mabuti na lang at naisip mong pindutin ang buzzer. Basta palagi mong tatandaan ang pwesto ng buzzer sa bawat darkroom. Para pagkailangan mo ng tulong, malaman namin. Hmm." Nakangiting wika ng lalaki na ipinagpasalamat ni Tamar. Hindi man ganoong katanggap ng lipunan ang trabaho nila. Pero sa mga katulad nila ay tanggap sila. At mga kauri lang talaga nila ang makakaintindi sa kanila. "Uuwi ka na?" Tanong ng isang katrabaho na nakasabay ni Tamar sa dressing room. "Oo, kailangan ko ng umuwi. Mas mahirap na mawalan pa ako ng bahay na matutuluyan. Pag nalaman ng boss ko na nawawala ako tuwing gabi at bumabalik lang tuwing umaga." Paliwanag niya. "Pero mukha namang mabait ang amo mo. Kasi wala ka namang nagiging reklamo sa kanya. Maliban na lang doon sa baka palayasin ka pagnalamang nawawala ka sa gabi at madaling araw na ang uwi." "Wala naman talaga. Ang perfect kaya ng amo ko. Kulang na lang ay asawa." Natatawang sagot ni Tamar. "Bakit hindi mo akitin para naman hindi mo na kailanganing magtrabaho dito?" Sulsol pa ng katrabaho niya. "Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko kayang samantalahin ang kabaitan n'ya. Kung may isama man iyong girlfriend sa bahay niya ay pagsisilbihan ko pa ng maayos. Lalo na at dahil kay boss. Nagkaroon ako ng bubong na nasisilungan at maayos na pagkain sa araw-araw." Nakangiti pa niyang saad. "Pero bakit, kailangan mo pang magtrabaho dito kung maayos naman pala ang buhay mo sa trabaho mo?" Tanong nito sa kanya. "Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan. Basta pag nakaipon ako. Mawawala ako dito sa club. Pero magpapaalam ako kay madam. Pag nangyari iyon. Ipagpray mo na magkita pa tayong muli, okay." Wika niya na may laman. Naguguluhan man ang kausap niya, pero sa tingin niya ay mas pinili na lang nitong tumahimik at tumango bilang sagot sa sinabi niya. Nagpaalam na lang siya dito, nakangiti pa siyang lumabas, pero nandoon pa rin ang pag-iingat na baka may makakilala sa kanya. Nang makalayo siya sa club ay naghintay na lang siya ng taxi at mabilis na nagpahatid sa bahay ng boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD