Napakunot noo si Alarik ng mapagtanto kung sino ang tumatawag. Napailing na lang din siya, dahil mula pa kaninang umaga ay kinukulit na siya nito.
"Anong problema mo?" Tanong ni Alarik na malakas na tawa ang naging sagot ng kausap.
"Anong problema ko? Ikaw anong problema mo? Sabi ng sekretarya mo, maaga kang umalis. Napakadaya mo Alarik. Ang usapan ay usapan."
"Wait ano bang usapan natin?" Maang na tanong ni Alarik. Kaya mas lalong napatawa ang kausap.
"G*go! Puntahan na lang kita dyan sa bahay mo."
"Hindi!" Malakas niyang wika.
"Oh! Bakit ba para kang may tinatago? Curious na talaga ako kung ano ang meron dyan sa bahay mo. Alam kong wala kang ibang taong gustong papuntahin dyan. Kaya lang nakakapunta naman kami nina Harry at Lindon dyan. Matagal na ang huli kaya nga inaaya ka namin ngayon. Pero parang mas gusto naming dyan na lang pumunta kung ayaw mong sumama."
Ramdam ni Alarik ang pagngisi ni Arnold. Alam niyang makukulit ang mga kaibigan pagginusto ng mga ito, hindi mo talaga mapipigilan.
"Hindi pa nakakapaglinis ang taga linis ko Arnold. Isang linggo na kasing hindi nakakapunta ng bahay at nagkasakit. Kaya pakiusap, ayaw kong mapahiya sa inyo na, hindi ako kumukuha ng kasambahay, pero hindi naman mapanindigan ang malinis na bahay." Mahinahong wika ni Alarik at ipinapanalanging wag ng mangulit ang kaibigan.
"So, sasama ka na? Minsan lang naman tayo lalabas."
"Saan ba?"
"Club Solteria, wag kang mag-alala. Ilang beses ng nagtungo doon ang dalawang tukmol, normal na club na lang iyon. May kumakanta lang, may sumasayaw pero hindi mo naman kakikitaan ng kalaswaan. Normal sa isang club, ang ganun. Pero kung gusto mo naman ng iba, at exciting na gawain, sa darkroom tayo. Mas okay doon."
"G*go! Pag-iinom, iinom lang tayo at iyon na. Walang ibang kung ano."
"Ang kj nito. Sige na. Ewan ko dito sa dalawa kung may nais na iba, hihintayin ka na lang namin dito sa labas ng bahay mo." Natatawang wika ni Arnold at doon lang niya napagtanto ang boses ng dalawang kaibigan na tumawa na rin ng malakas.
"Kanina pa kayo dyan? Mga g*go talaga."
"Ang harsh mo Alarik ha. Kararating lang. Para siguradong sasama ka sa amin. Dito ka na namin pinuntahan. Tara na." Sabat ni Lindon na sa tingin niya ay kinuha kay Arnold ang cellphone nito.
"Okay magbibihis lang ako."
"Okay na yang suot mo. Hi, nasa labas lang kami ng gate mo. Tara na." Pamimilit pa ni Harry, ng silipin ni Alarik ang labas ay kumaway pa ang tatlo.
"Natapunan ako ng kape, sandali lang."
Mabilis na pinatay ni Alarik ang tawag ng mapansin niyang lalabas ng bahay si Tamar. Mabilis din niyang tinakbo ang dalaga para hindi ito makita ng tatlo. Ayaw niyang maging tampulan siya ng tukso, ng mga kaibigan.
"Sir!" Gulat na wika ni Tamar ng bigla siyang yakapin at hilahin ni Alarik papasok sa pinakaloob ng bahay. Hindi pa siya nakakalabas ay pinapasok na kaagad siya nito.
"Wag kang maingay. Nasa labas ang mga kaibigan ko at hindi ka nila pwedeng makita. Isa pa alam mo naman na ikaw lang ang hinayaan kong maging katulong ko dito sa bahay." Paliwanag ni Alarik na ikinatango niya.
"Alam ko yan boss. Paano po iyan nandito pala sila, paano kita maiipagluto ng pagkain."
"Lalabas ako, kasama sila. Doon na rin ako kakain. Yang ikaw na lang ang magluto para sa sarili mo. Kumain ka bago uminom ng vitamins mo. Mas okay na may laman ang tyan mo."
"Okay boss. Pwede ba akong manood ng t.v. habang wala ka. Hindi pa naman ako kaagad makakatulog eh. Pwede bang kainin iyon chips na nas-."
"Oo lahat ikaw na ang bahala. Magpapalit na ako ng damit at aalis na ako. I-lock mo ang mga pintuan. Alam kong safe naman dito, iba pa rin ang nag-iingat wag ka ng lumabas sa gate ako ng bahala doon. Maliwanag?" Bilin ni Alarik na mas lalong nagpapahulog sa kalooban ni Tamar sa boss niya.
Alam niyang hindi sila nababagay. Alam din niyang hanggang paghanga lang ng palihim sa boss niya ang kaya niyang gawin. At masaya na siya sa lihim na pagkagusto dito. Mahalaga sa kanya nakikita at nakakasama niya ito.
"Yes sir! Thank you po. Nakita ko kasi iyong chips na binili mo, mukhang masarap walang ganoon sa probinsya."
"Ikaw talaga, sayo na." Anito at ginulo pa ang buhok ni Tamar. Para tuloy siyang bata na kinatuwaan ng kuya niya.
Mabilis namang nagtungo si Alarik sa kwarto niya, para makaligo at makapagpalit ng damit. Nasa may bungad pa rin ng kusina si Tamar at inaabangan ang pag-alis ng boss niya.
"Ikaw na ang bahala dito." Anito na ikinatango niya.
"Ingat boss."
"Magluto ka na at kumain ka." Bilin pa nito bago lumabas ng bahay. Ito na rin ang nagsara ng pintuan.
Tinanaw na lang niya ang boss niya na hindi nagdala ng sasakyan. Hanggang sa sumakay sa isang kotse na nakaparada sa labas. Narinig pa niya ang kantiyaw ng mga kaibigan nito. Hanggang sa umalis na ang sasakyan.
"Ingat boss." Muli niyang bulong bago hinayon ang kusina, para makapagluto ng pagkain niya.
Pagdating nina Alarik sa club ay medyo namangha din siya sa ayos noon. Ibang-iba na iyon sa dating Club Solteria two years ago.
Wala na ang mga babaeng nakahanay sa isang sulok para pagpiliian ng mga customer na nais bilhin ang isang gabing aliw ng mga ito. Wala na rin doon ang entablado para sa mga stripper na naghuhubad para sa mga customer na hayok sa laman, pero ayaw namang sumiping sa mga babaeng bayaran. Kaya naman minsan, mas malaki pa ang bigay ng mga ito sa mga stripper.
"Tara na, doon tayo sa medyo dulo." Ani Arnold kaya sumunod silang tatlo dito.
Paglapit ng waiter ay omorder kaagad sila ng alak at pulutan. Nakikinig lang sila sa malamyos na musika sa loob ng club. May malawak din espasyo doon para sa mga nais sumayaw. Ibang-iba sa club na napasukan nila noon.
Nakarating na sila noong mag-kakaibigan doon kaya alam ni Alarik ang malaking pagbabago ng club. Noon nakita pa niya ang apat na stripper na sumasayaw sa stage. Natatandaan pa niya ang isang stripper doon, gamit ang pulang maskara. Pero mula ng lumabas ang balita, na muntik na itong mapahamak sa kamay ng isang m******s na customer ay bigla na lang itong nawala. Hindi niya alam ang nangyari pero ang huling balita niya ay nagkaroon na ito ng magandang buhay.
May lumapit sa kanilang isang babae, may edad nanito sa tingin niya, pero masasabi niyang maganda talaga ito. Hindi naman iyong pinansin ni Alarik, pero kinausap ng tatlo.
"Darkroom." Anito na nagpasigaw sa tatlo.
"Saan ka ba?" Tanong ni Harry.
"Mga babaero talaga." Bulong niya na rinig naman ng tatlo.
"Kay sa naman sayo, wala ka bang balak e-enjoy ang pagiging binata mo? Para naman pag nakita mo na ang the one, mo. Atleast masaya ang kabataan mo." Ani Lindon.
"Tss. Masaya ang kabataan ko, at masaya akong ganito."
"Ang kj." Komento ni Arnold na nagpatawa sa dalawa.
"Yang ikaw ba?" Tanong ni Harry na nagpailing sa babae.
"Manager lang ako at sa edad ko, baka magulat kayo. Fifty na ako at sa tawag ng trabaho, kailangan kong maging ganito kaalaga sa katawan ko." Paliwanag ng babae na nagpagulat sa tatlo.
"Halos kaedad na kayo ni mommy." Hindi mapigilang komento ni Harry.
Napangiti naman ang babae na natawa sa kanila. Mula ng magbago ang patakaran sa Club Solteria, naghired din sila manager. Ang ibang tauhan sa club ay umalis na at nagbagong buhay. Ang mga bouncer na lang ang natira. Nandoon pa rin si Bruno at Kristan na pinagkakatiwalaan ng may-ari na si Madam Soraya.
"Darkroom." Ani Lindon kaya naman napatingin sila dito.
"Okay." Sagot ng manager. "Ikaw lang ba?" Tanong nito na pati si Harry ay nagtaas ng kamay.
"Okay sumunod kayo sa akin." Sabi ng manager. Nag-apir pa ang dalawa bago tumayo.
"Kayo ba?" Tanong ni Harry.
"Iinom lang ako. Bahala kayong dalawa." Sagot ni Alarik sa mga ito.
"Gusto ko lang makakita ng sexy na katawan. Pero wala akong balak, makipag one night stand." Si Lindon.
"Me too, kaya mabilis lang kami. Hindi naman kayo makakaalis kasi ako ang magmamaneho ng kotse." Ani Harry.
"Magtataxi ako." Sagot ni Alarik.
"Okay. Pero mamaya after dito, sa bahay mo na kami tutuloy." Nakangising wika ni Lindon at iniwan na sila ni Arnold sa table nila.
Natawa na lang silang pareho sa kalokohan ng dalawa.
"Bakit hindi ka sumama?" Takang tanong ni Alarik kay Arnold na umiinom na ng alak.
"Maiiwan kang mag-isa dito. Kj ka pa naman." Biro nito ng makatanggap ng pambabatok mulabkay Alarik.
"G*go!"
"Masakit yon ha. Lalabas lang din ako, kung hindi ka maiiwan ditong mag-isa." Ani Arnold at nagpatuloy lang silang uminom at magkwentuhan habang hinihintay ang dalawang kaibigan.
Halos nasa mahigit isang oras din bago bumalik ang dalawa na halos magkasunod din. Nakangisi pa ang mga ito ng maupo sa tabi nila.
"Kumusta?" Hindi mapigilang tanong ni Arnold.
"Good and very nice." Natatawang sagot ni Lindon.
"Yeah ganoon din sa akin. Maayos talaga ang palakad nila ngayon. Hindi makikita ng stripper kung may kasama silang lalaki sa darkroom. As in dark talaga. Sa pwesto lang nila ang may malamlam na ilaw. And maskara lang ang tumatabon sa kanila. Basta masasabi kong pwede kong ulitin ang araw na ito." Nakangiting paliwanag ni Harry.
"May nangyari sa inyo?" Tanong ni Arnold na ikinailing ni Harry.
"May rules sila, ang stripper, stripper lang. Kung gusto mo ng extra at pumayag sila ng walang pag-aalinlanagan, go. Pero kung hindi wag mong pipilitin. Mababan ka dito." Paliwanag ni Lindon.
"Okay pala." Nakangising wika ni Arnold sabay tingin kay Alarik na nakikinig lang sa kanila.
"What!" Asik niya sa mga ito.
"Wala naman just enjoy the night and have fun." Sabay-sabay na wika ng tatlo at itinaas pa ang baso ng alak at sabay-sabay na nag cheers. Wala naman siyang nagawa kundi sabayan ang kalokohan ng tatlo.
Ramdam niyang may kalokohang pinaplano ang tatlo, pero iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. Lalo na sa kalokohan, g*go pa naman ang mga kaibigan.