Chapter 5

2162 Words
Sabado ng araw na iyon at kumakanta pa si Tamar. Gusto niyang alisin ang kaba na nananahan sa kanyang puso. Masyado siyang nag-aalala sa magiging resulta ng pakikipagharap niya sa doktor na inirekomenda ni Dra. Reyes. Ang doktor na tumingin sa kanya noong nakaraan. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan, bago ipinagpatuloy ang pagpupunas ng mga bintana. Napahawak pa siya sa sentido ng medyo kumirot ang kanyang ulo. Nitong nakaraan pa niya iyon napapansin. Pero hindi na lang niya iniintindi. Sa tingin niya ay gawa ng gabi na siyang matulog, samahan pa ng maagap siyang magising. Kaya napupuyat din siya minsan, na kasalanan din naman niya. Papaalis na si Alarik ng mapansin niya ang nakatayong si Tamar sa harapan ng bintana. Maputi ang dalaga, kaya hindi niya ito kaagad mapaniwalaang taga probinsya, at nakatira sa liblib na lugar. Pero naniwala din naman siya, ng mapatunayan nitong wala talaga itong alam sa Maynila. Natuto lang ito ng pagsakay-sakay ng dyip dahil palagi niyang tinuturo dito kung saan ito sasakay, kung saan bababa, kung ano ang sasakyan. Tinuro din niya kung paano sasakay ng taxi, pagmamamalengke ito. Sa ilang buwan ng dalaga sa poder niya, nasanay na rin ito sa lugar na iyon. "Tamar." Tawag niya dito dahil mukhang hindi siya napansin ng dalaga. "Papasok ka na boss? Ingat po." Anito at ipinagpatuloy ang paglilinis ng bintana. Napakunot noo naman si Alarik ng mapansin ang pasa nito sa may binti. Maliit lang iyon pero kitang-kita lalo na at maputi ito. Naka tokong shorts kasi ito na lampas tuhod. Mabilis niyang nilapitan ang dalaga at hinaplos ang parte ng binti nitong may pasa. "Pusang nalaglag sa talagà!" Gulat na sigaw ni Tamar ng muntik na siyang mahulog sa kinatatayuang silya. Mabuti na lang at nasalo siya ni Alarik. Halos mahigit naman ni Tamar ang paghinga, ng isang dangkal na lang ang layo ng mukha ng boss niya sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. "Boss naman. Bakit ka nanghahawak ng binti? Nagulat tuloy ako. Pakibaba na please." Agad niyang wika para makawala sa awkward na sitwasyon na iyon. Ibinaba naman siya kaagad ni Alarik ng mapagtanto ang pwesto nila. "Hindi ko sinasadya. Anong nangyari sa binti mo? Bakit may pasa?" Tanong nito ng mapansin pati sa braso ni Tamar ay may pasa din. "Ayan pa, sa braso mo." Mabilis namang tinago ni Tamar ang braso at nginitian si Alarik. "Naku sir wala lang yan. Nag-iinarte. Wala bang pag-iingat ay bumangga ang braso ko sa bintana. At ang binti ko. Hehe, sinunggaban iyong upuan sa kusina. Ayon at pumasa." Pagsisinungaling ni Tamar kay Alarik habang nakangiti sa boss niya. "Ikaw talaga. Sa susunod mag-iingat ka. Sa nga pala, hindi ako umuwi mamayang gabi. May importante akong gagawin. Day off mo bukas kaya magagawa mo ang lahat ng nais mo. Higit sa lahat, kung anong pagkain na makita mo dito sa bahay kainin mo. Ikaw naman ang namimili kaya wag kang mahiya. Kahit hindi mo na ipagpaalam. Isa lang ang rules." "Wag mag-aaksaya ng pagkain." Aniya na ikinatawa ng boss niya. Mayaman man ito pero ayaw nito ng nag-aaksaya ng pagkain. Isa na namang bagay, na hinangaan niya dito. "Areglado sir. Ingat po. Lalabas po ako bukas. Mamamasyal." Paalam pa niya. "Baka may boyfriend kang kikitain ah." "Wala boss. Mamasyal lang ako at gusto kong maging pamilyar sa lugar." "Okay sige. Basta mag-iingat ka. O heto tanggapin mo na." Sabay abot ni Alarik sa limang libong piso na laman ng wallet niya. "Boss may pera pa naman ako. Matipid kaya ako. Iyong sweldo ko naiipon ko naman." "Tanggapin mo na. Ibili mo ng pampaganda. Sabi mo nga noong nakaraan may vitamins ka pa sa balat." Biro ni Alarik na ikinanguso ni Tamar. "Akin na nga boss. Maibili ng make-up at lipstick at baka nga gaganda pa." Pagsakay niya sa biro nito. Nakatanggap na naman ng panggugulo ng buhok si Tamar mula sa boss niya. Isang bagay na siguradong hahanap-hanapin niya pagdumating ang panahon na makahanap na ito ng babaeng mamahalin. "Salamat dito boss ingat ka. Mag-iwan ka ng mensahe sa akin pag-uuwi ka na. Ipagluluto kita ng paborito mo. Pambawi dito sa bonus ko." Ipinaypay pa ni Tamar ang limang libo na hawak niya. "Sige. Sabi mo eh. Ingat sa pamamasyal bukas. Isa pa baka hindi rin ako makauwi sa Lunes kaya ikaw na ang bahala dito sa bahay." Bilin pa nito, at tuluyan ng lumabas ng bahay. Pagkaalis ng sasakyan ni Alarik ay ipinagpatuloy na rin ni Tamar ang pagpupunas ng bintana. Inabala ni Tamar ang sarili hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi talaga siya mapakali. Kinuha niya ang referal na ibinigay ni Dra. Reyes at muling binasa. Maagang nagising si Tamar, at mabilis na gumayak. Sumakay na ulit siya ng taxi para hindi maligaw patungo sa malaking ospital, kung saan siya magpapasecond opinion. Pagdating niya doon ay nagtungo kaagad siya sa information desk para makapagtanong. "Hi, magandang umaga po. Anong oras po kaya kay Dra. Samaniego. At saan po ang opisina niya?" Magalang niyang tanong sa dalawang tao na nandoon sa information desk. "Mamaya pang ten si doktora, may appointment ka? Kasi kung wala kang appointment, hindi darating si doktora. Sunday nga pala ngayon at walang clinic." Tanong ng isa ng iabot niya ang referal niya. "Ah, okay. Puntahan mo na lang sa may fourth floor, sa may bandang kanan. Nandoon ang sekretarya niya. Ibinilin ka na ni doktora sa amin. Ikaw iyong itinawag ng kaibigan niya na may clinic sa may bayan." Wika pa noong isa kaya naman natuwa siya. Kahit papaano ay hindi na siya mahihirapang makiharap at maghintay sa doktor. Lalo na at siya lang pala talaga ang sasadiyain ng doktor mamayang alas dyes. Pagdating niya sa fourth floor ay hinanap niya ang opisina ni Dra. Samaniego. Naka ilang katok din siya bago bumukas ang pintuan at lumabas ang isang lalaki na sa tingin niya ay ito ang sekretarya ng doktora. "Hi. May appointment ka ba kay doktora?" "Oo ito iyong referal na binigay sa akin ni Dra. Reyes. Iyong may clinic sa may bayan." Iniabot niya dito ang papel at binasa. "Pasok ka muna." Anito at may hinanap sa harap ng computer. "Ako nga pala si Andrei. Sekretarya ni Dra. Samaniego." Pakilala nito sa kanya. "Okay. Ms. Tamar Persimmon Rodriguez, ano ang nararamdaman? Base kasi sa lab test na galing sa clinic ni Dra. Reyes, ang first finding niya kaagad is leukemia. Sinabi din niya na may pasa ka sa katawan. Need ko kasi ito para sa personal data mo para kay Dra. Samaniego." Anito habang nagtitipa sa harap ng computer. "Wala naman akong ibang nararamdaman maliban sa minsan pagsakit ng ulo ko. Sa totoo lang hindi ko naman iyon napapansin dahil kaunting pahinga nawawala naman. Ang inaalala ko ay ang mga pasa na madalas lumabas sa katawan ko. Minsan sa braso minsan sa binti." Paliwanag niya dito habang patuloy sa pagtipa sa keyboard. "Okay, sandali lang tawagan ko lang si doktora. Busy kasi si doktora, kaya kung may ipapalaboratory test siya, mapagawa na natin. Para pagdating niya dito, check up mo na kaagad. Magaling na doktor iyon kaya wag kang mag-alala. Hmm." Ani Andrei sa kanya at hinagip ang telepono sa tabi nito. Tahimik lang naman si Tamar sa harapan ni Andrei na hinihintay na sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag. "Nandito na po siya tita." Wika ni Andrie kaya napatingin dito si Tamar. Napansin naman ni Andrei na nakatingin sa kanya ang dalaga kaya nginitian niya ito. "Opo, natanggap po ba ninyo ang e-mail ko? Opo, ayan na nga po. Sige po. Iyon lang po ba? Bye tita." Sagot ni Andrei sa kausap bago nito ibinaba ang tawag. "Pamangkin ka ni doktora?" Hindi mapigilang tanong ni Tamar dito. "Oo, ang totoo, nursing talaga ang kinuha kong kurso. Kaya lang hindi ko mahindian si Tita Clea ng sabihin niyang need niya ng sekretarya, ako na ang nagpresinta. Hindi ko naman masabing sayang ang pinag-aralan ko kasi nagagamit ko iyon. Pag walang clinic si tita." "Ah, ganoon pala. Masarap siguro ang nakatapos ng pag-aaral." Bulong ni Tamar na halos hindi naman narinig ni Andrei. Muli itong tumingin sa kanya, matapos magsulat sa isang papel. "Isinulat ko lang ang mga kailangan mong gawin. Uulitin natin ang laboratory test mo. Doon lang iyan sa baba, sa may parteng kaliwa ang laboratory. Mabilis mo naman iyong makikita. Tapos bibigyan ka na rin nila ng instructions. Tapos balik ka dito." Paliwanag ni Andrei sa kanya. Nagtagal siya sa cashier sa haba ng pila, bago pa siya nagtungo sa laboratory. Iyon kasi ang sabi doon kanina na magbayad muna sa cashier. Inabot din ng ilang oras bago lumabas ang resulta. Nagmamadaling nagtungo si Tamar sa elevator para umabot siya sa oras. Mag-aalas dyes na rin kasi ng makuha niya ang resulta ng lab test niya. Pagdating niya doon ay naabutan niya si Andrei, kausap ang isang babae na sa tingin niya ay nasa late thirties or early forty. Hindi nalalayo ang edad nito kay Dra. Reyes. "Hi, po." Bati niya sa kausap ni Andrei. "Ikaw si Tamar?" Nakangiting tanong ng doktora na ikinatango niya. "Kanina pa po ba kayo? Sorry po medyo natagalan. Mahaba po kasi ang pila, tapos matagal po pala na makuha ang resulta." Paliwanag niya sa mga ito. "It's okay hija. Kadarating ko lang din. Patingin nga ng resulta." Iniabot naman ni Tamar ang resulta na hawak niya. Binasa iyon ng doktor, ng ilang ulit pa. Kinuha din ng doktor ang blood pressure machine at ito mismo ang kumuha ng blood pressure niya. Napakunot noo pa ito at inulit sa kabila niyang braso. Nakita din nito ang pasa na sumisilay na naman sa braso niya. "Okay hija, hindi ko masasabing leukemia kaagad ang sakit mo. Tulad ng sinabi ni Dra. Reyes. Hindi ko masisisi si doktora na ganoon kaagad ang reaksyon niya, at inilapit ka niya kaagad sa akin. Three years ago, binawian ng buhay ang anak niya. Five years old pa lang ito noong ma-diagnose na may leukemia. Acute leukemia iyon kaya nangangailangan ng mabilisang gamutan. Pero hindi kinaya ng bata ang sakit niya at binawian ito ng buhay." Paliwanag ng doktora. Nakaramdam naman ng awa si Tamar sa pinagdaanan ni Dra. Reyes, kaya naman pala ganoon ang reaksyon nito ng makita ang pasa at ang laboratory test result niya. "Ano po ang dapat kong gawin doktora?" "Sinabi mo na sumasakit din ang ulo mo pero hindi mo pinapansin? Dapat mag-under go ka ng MRI Scan (Magnetic Resonance Imaging Scan) para malaman natin kung may problema ba sa ulo mo or wala. Minsan kasi ang sakit ng ulo ay hindi dapat hinahayaan lang. Hindi naman ito mabilisan pero kailangan nating gawin." Anito na ikinatango niya. "At tungkol sa mga pasa mo at pamumutla. You're anemic hija, bukod pa doon ay low blood ka. Need mong kumain ng healthy foods. Gulay, prutas, karne, isda. Tapos iyong vitamins na binigay ni Dra. Reyes ituloy mo lang, makakatulong iyon, para malabanan ang iron deficiency ng mawala ang pagpapasa mo at pamumutla." "Okay po doktora, salamat. Kailan po ba ako dapat mag-under go ng MRI?" Tanong niya dito. Matapos sabihin ni Dra. Samaniego na low blood at anemic siya, nakahinga siya ng maluwag. Ang inaalala niya ngayon ay iyong pag-aalala sa mga mata nito noong sabihin nitong need niyang magpaMRI. "Bakit? Sa anong dahilan? Kauting sakit lang iyon ng ulo?" Mga tanong niya sa isipan na hindi niya malaman kung matatakot na ba siya, dahil mas malala ang kaba na nararamdaman niya ngayon. "Medyo pricey ang MRI hija. Pero kung afford mo naman. Pasasamahan kita kay Andrei. Siya ang mag-a-assist sayo para hindi ka na pumila." "Thank you doktora. Hindi naman po siguro lalampas ng dalawampong libo po iyon di ba?" Nag-aalagang tanong ni Tamar na ikinailing ng doktor. Dala kasi ni Tamar ang lahat ng pera na sweldo niya sa pagtatrabaho kay Alarik. Nasa thirty thousand iyon, plus five thousand na bigay ni Alarik kanina. "Seven thousand to fifteen thousand iyon Tamar. Kaya mo ba ngayon?" "Kaya naman po doktora. Pero malalaman na ba ngayon ang resulta ng MRI?" Tanong ulit niya. "Hindi hija. Matagal bago makuha ang resulta ng MRI. One to two weeks bago lumabas ang resulta. Mag-iwan ka na lang ng contact number or kahit telephone number, para matawagan ka namin." "Ganoon nga po ba? Okay po doktora. Ngayon na lang po ako magpapakuha ng sinasabi po ninyo. Para po makita na kaagad ang resulta sa mga susunod na linggo." "Sige Tamar. Pasasamahan na kita kay Andrei." Anito at tinawag ang pamangkin. Inutusan ni Dra. Samaniego ang sekretarya nito na pamangkin nito na samahan siya para sa MRI scan na gagawin. Kinakabahan man siya, pero kailangan niya iyong gawin para malaman ang tunay na kalagayan niya, at ipinapanalangin niyang sana ay normal lang ang lahat. Paglabas nina Tamar ng opisina ng doktor ay napatingin itong muli sa resulta ni Tamar. "Sana ay mali ako Tamar." Anito at itinago ang resulta ng laboratory test ni Tamar kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD