Tahimik lang na naglalakad si Tamar, patungong sakayan ng dyip. Habang naglalakad, hindi niya napansin ang isang babae kaya nabangga niya ito.
"Sorry." Malungkot niyang wika.
Tiningnan namang mabuti ng babae ang mukha ni Tamar na wari mo ay sinusuri. Napangiti naman si Tamar ng mapansing nakangiti ang babae sa kanya.
"Sorry talaga hindi kita napansin kaya nabangga kita."
"Sus ayos lang iyon. Walang problema. Pero namumutla ka. Gusto mo bang dalahin kita sa clinic?" Tanong nito kaya mabilis siyang umiling.
"Kagagaling ko lang dyan ngayon." Mapait niyang tugon.
"Mukhang malaki talaga ang problema mo ah. Hindi ako sigurado, but I guess may maiitulong ako." Nakangising wika ng babae na hindi maintindihan ni Tamar.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman, pero may itatanong ako sayo." Bulong ng babae at hinila pa si Tamar sa isang gilid na wala gaanong dumaraan. Nagpatianod lang naman si Tamar sa ginawang paghila ng babaeng hindi niya kilala.
"Anong ginagawa natin dito? At isa pa sino ka?" Naguguluhang tanong ni Tamar na ikinaayos ng babae sa kanyang pagkakatayo.
"Ako nga pala si Marione. Bali nagtatrabaho ako sa isang club." Bulong nito na bahagyang nagpagulat kay Tamar.
"Sandali lang. Paano ka naman makakatulong sa problema ko?"
"Virgin ka pa ba?" Tanong ni Marione na literal na nagpalaki ng mata ni Tamar. Naeeskandalo siya sa tanong nito.
"Huh? Seryoso ka sa tanong mo? Iyan talaga ang itatanong mo? Mas itatanong mo pa iyan kay sa pangalan ko?" Halos magpaypay si Tamar ng kamay dahil nag-iinit siya sa tanong na iyon ni Marione.
"Okay, sa reaksyon mo, virgin kang talaga. Anong pangalan mo?"
"Pwede ba wag kang maingay! Naeeskandalo ako sayo eh." Aniya na tinawanan lang ni Marione.
"See, virgin talaga. Anong pangalan mo?"
"Simmon." Walang gatol na wika ni Tamar. Kung tutuusin naman ay hindi siya nagsisinungaling. Kinuha lang naman niya ang Simmon sa second name niya na Persimmon. Medyo natatakot pa rin siya sa babaeng kaharap. Naiisip pa niyang baka binubudol lang siya nito.
"Okay Simmon, magpapakilala ako sayo at mukhang natatakot ka na sa akin. Hindi naman ako masamang tao. Pero dahil sa kahirapan, kailangan kong kumapit sa patalim. Pero hindi ito illegal drugs okay. Umalis ang isang stripper namin sa club. And need namin ng pap----."
"Ayaw ko. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo." Putol ni Tamar sa sasabihin ni Marione.
"Pag-isipan mo. Hindi naman kita mamadaliin. Ako desperadong, makahanap ng isa pa sa amin. Malaki din ang kitaan. Maghuhubad ka lang kasama ng isang lalaki sa madilim na kwarto. Wala siyang gagawin kundi panonoorin ka lang. If may extra curricular man kayong gawin. Depende na iyon sa iyo kung gusto mo. Kung ayaw mo, pwede ka namang tumanggi." Paliwanag ni Marione pero sunod-sunod pa rin ang pag-iling ni Tamar.
"Ayaw ko. Hindi ko kaya."
"Ikaw ang bahala. Pero tanggapin mo itong card. Tawagan mo ako kung magbabago ang isipan mo. At baka nagtataka ka kung bakit ikaw ang nilapitan ko. Hindi mo pati sinasadya ang pagkakabangga sa akin dahil ako ang bumangga talaga sayo. Napansin ko kasi na mukha kang problemado at galing kang clinic. Malamang kailangan mo ng pera. So ayan, lang ang masasabi ko. Sana magbago ang isipan mo." Anito kaya napatitig si Tamar kay Marione.
"Bakit ako? Hindi lang naman ako ang nag-iisang lumabas ng clinic na mukhang problemado." Naguguluhan niyang tanong.
"Dahil ikaw lang na nakita kong, may sexy body with beauty. Pak na pak, ang kagandahan mo Simmon. Sure na mabenta yan sa mga mayayamang suki ng club. Isa pa malayo pa lang kita ko na ang natural beauty mo, maliban sa medyo maputla ka talaga ngayon." Halos mapangiwi si Marione sa huling sinabi nito.
"Saan ba iyan? Tanong ko lang?"
"Sa Club Solteria, if pamilyar ka." Anito na ikinailing niya.
"Sikat na club ang Club Solteria, iyon nga lang may extra curricular na ginagawa doon. Halos mapasara kasi ang club two years ago. Dahil sa isang business man na nagreklamo tungkol sa isang stripper na gustong ilabas ng customer. Pero bawal maglabas ng stripper sa club, kaya isinuplong ng customer ang club at si madam. Kaya mula noon, naging parang normal na club na lang club na iyon. Nagbago sila ng patakaran. Ang trabaho ng mga magdalena ay sa loob na lang ng darkroom, ganoon din ang mga stripper. Wala ng stripper na lumalabas sa stage." Mahabang paliwanag nito na halos mahigit ni Tamar ang paghinga.
"Hindi ko kaya." Umiiling na wika ni Tamar.
"Basta itago mo iyang card. Tawagan mo ako pagnagbago ang isip mo." Anito at nagpaalam na sa kanya.
Pinagmasdan lang ni Tamar ang likod ni Marione na papalayo sa kanya. Napailing na lang siya, at muling naglakad, patungo sa sakayan ng dyip. Napadaan siya sa tapat ng basurahan. Itatapon sana niya ang papel na hawak. Pero bago niya mabitawan iyon sa basurahan ay mas pinili na lang niyang ilagay sa loob ng bag niya.
Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan, bago mabilis na hinayon ang sakayan ng dyip. Nagdyip na lang siya para makatipid sa pamasahe. Maglalakad na lang siya papasok sa subdivision pabalik sa bahay ng boss niya.
Magdidilim na ng makabalik si Tamar sa bahay ng boss niya. Malungkot man, pero dapat ay hindi madamay ang trabaho niya sa problema niya. Kaya naman pinilit niyang ayusin ang sarili at ilagay ang maskara ng kasiyahan sa kanyang mukha.
"Saan ka galing? Nauna pa ako sayo." Wika ng baritonong boses na nagbigay gulat kay Tamar.
"Sir naman. Hindi kita napansin wag ka namang manggugulat. Aba aatakihin ako sa puso sa panggugulat mo. Alas otso ka pa di ba? Bakit nandito ka na?" Reklamo ni Tamar at lumapit sa harap ni Alarik.
Natatawa naman si Alarik sa pagrereklamo ni Tamar. "Ako nga ang boss okay. Kaya naman, anytime pwede akong lumabas. Isa pa, hindi naman ako tamad na boss. And yes tapos na ang trabaho ko bago ako umuwi ng bahay." Paliwanag ni Alarik kaya napakamot ng ulo si Tamar.
"Sorry naman boss. Nagtatanong lang eh. Alam kong ikaw ang boss. Boss nga kita. At sorry din kung mas nauna ka pa, ay naglakad lang ako mula sa labasan eh." Nakangisi pa niyang sagot dito.
"Saan ka nga galing?"
"Sa may bayan nga boss. Girl issue nga di ba?" Ulit niya sa dahilan na sinabi niya dito sa telepono.
"Nasaan ang pinamili mo?" Nanunuring tanong ni Alarik ng biglang maalala ni Tamar ang mga mga vitamins na resita sa kanya ng doktor.
"Sure naman na hindi babasahin ni boss kung para saan ang mga vitamins na iyon." Aniya sa isipan kaya naman mabilis niyang ibinaba sa table ang bag na bitbit niya at kinuha mula doon ang madaming vitamins na binili niya.
Madami iyon dahil three times a day niya dapat inumin. Iba't-ibang klase din iyon. Nagpapasalamat na lang si Tamar dahil, may trabaho siyang masasabi. Kung hindi dahil aa boss niya, malamang mamamatay na lang siya sa isang gilid, ng hindi man lang nalalabanan ang sakit na sinasabi ng doktor sa kanya.
"Ano ang mga iyan? Akala ko?" Halos mapakunot pa si Alarik sa dami ng vitamins na inilabas niya.
"Hindi lahat ng girl issue, ay monthly period." Aniya habang natatawa. "Ang mga ito sir, ay vitamins c para hindi ako magkasakit. Need ko iyan para mas maging malakas pa ako habang nagtatrabaho dito sa iyo. Para tumibay ang immune system ko. Mahirap na at baka palayasin mo ako pag tinamaan ako ng sakit." Natatawang wika pa ni Tamar kaya naman napailing si Alarik.
"Ito pa." Sabay pakita ng isa pang vitamins. "Para naman ito sa balat ko. Alam mo naman sir, galing akong probinsya, ngayon lang ako makakaranas ng mga ganitong bagay. Gusto ko ding maging maganda ang balat ko tulad ng iba. Hindi naman sa naiinggit ako. Pero wala namang masama na gumastos ako para sa sarili ko di ba. Lalo na at wala naman akong susuportahang pamilya."
Halos pahina ng pahina ang boses ni Tamar doon sa huli niyang sinabi. Namimiss niya ang pamilya. Sa pagkakataong iyon, wala siyang karamay sa panahong katulad nito. Ang may problema siyang kakaharapin.
"Tapos ito pa boss, yang hindi ko na maalala, sa ugat yata. Parang ganun."
"Patingin nga." Anito at mabilis na inilagay ni Tamar ang lahat ng vitamins na binili niya sa bag.
"Naku boss, wag na. Nakakahiya. Puro mumurahin lang itong mga binili ko. Pero may mas mahal kaso mukhang hindi ko afford. Sabi naman ng pharmacists, generic man daw ito. Pero talagang mabisang vitamins." Paliwanag niya. Nagpasalamat na rin si Tamar at hindi na muling nagtanong ang boss niya.
Napatingin lang si Tamar kay Alarik na humihigop ng kape.
"Boss, anong pagkain ang gusto mo?" Tanong niya ng mapansing dumidilim na. Kailangan na niyang magluto ng panghapunan nito.
"Ikaw."
"Ako? Grabe naman boss. Hindi ako prepared na pwede mo pala akong kainin?" Biro ni Tamar ng masamid si Alarik.
Sa taranta ay mabilis niyang natakbo ang kusina at kinuha ang tissue paper, pati na rin ang pitchel at isang baso. Pagkabalik niya sa pwesto ni Alarik ay nagsalin agad siya ng tubig sa baso at ibinigay sa boss niya.
Halos mapangiwi pa siya ng mapansin ang talsik ng kape sa puting polo nito.
Nang makabawi sa pagkakasamid si Alarik ay napailing na lang siya kay Tamar na nakatayo sa harapan niya at nakapeace sign pa.
"Sorry boss."
"Ayos lang. Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo. Ibig kung sabihin, kung ano ang gusto mo, pwede mong lutuin. Baka mamaya, may gusto ka palang kainin hindi mo makain. Dahil kung ano lang ang gusto ko, iyon ang niluluto mo. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo noong nasa probinsya ka ninyo. Kaya naman, gusto kong maging maayos ang buhay mo dito habang nasa poder kita." Paliwanag ng boss niya, kaya naman mas lalong humanga si Tamar dito.
"Thank you boss. Gusto ko po sanang lutuin iyong tocino at bacon ngayong gabi at pritong atay ng baboy. Nagutom din ako kanina pagpunta ng bayan. Ang tagal kasing umalis ng dyip na sinakyan ko. Tapos akala ko mamayang alas otso ka pa, mas nauna ka pa sa akin. Sorry po ulit."
"Ayos lang. Lutuin mo ang lahat ng gusto mo. Kahit gaanong kadami. Ang ayaw ko lang ang nag-aaksaya ng pagkain. Kung mauubos naman natin ang lulutuin mo, walang problema, wala akong reklamo sa pagkain. Dagdagan mo lang ng crab and corn soup. Para mas okay." Anito at sinaluduhan pa ni Tamar ang boss niya.
"Areglado sir. Ilalagay ko lang sa kwarto ko itong mga gamit ko para makapagluto na ako." Sagot ni Tamar ng biglang magring ang cellphone ni Alarik.
Hindi na naman siya nagsalita pa at tinalikuran na ang kanyang boss. Ayaw din naman niyang makinig sa pag-uusapan nito at ng kausap nito na nasa kabilang linya.