Malamyos na musika ang kaagad sumalubong kay Tamar pagpasok pa lang ng vip room. Mabagal ang kanyang lakad patungo kung saang parte ng kwartong iyon gagawin ang performance niya.
Sinimulan niyang igalaw ang balakang ng pakaliwa at pakanan. Sa ilang araw niyang pagtatrabaho bilang stripper ay nakakasanayan na niya ang ginagawa. Oo nakakapanibago at nakakababa ng sarili pero wala namang nangyayaring masama sa kanya. Kaya naman kahit papaano ay natatanggap na ng kalooban niya ang ginagawa.
"A-alisin mo na a-ang dapat mong h-hubadin." Ani ng isang boses na nasa dilim.
Ginawa niya ang sinasabi nito. Isa-isa niyang inalis ang suot, mula sa kanyang bra, hanggang sa huling saplot na tumatabon sa katawan niya. Napapapikit na lang siya sa ginagawa. Ang palagi niyang isinisiksik sa isipan ay walang makakakilala sa kanya.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang dibdib. Nandidiri siya sa unggol na naririnig. Alam ng inosenteng isipan niya ang ginagawa ng lalaki sa dilim. Palakas ng palakas ang ungol, hanggang na para na itong nanghina.
Matapos na hindi nagsalita ang lalaki ay mabilis niyang dinampot ang mga saplot na inalis at mabilis na nagbihis. Naghintay pa siya ng ilang saglit, pero hindi talaga ito nagsasalita.
Mabilis na lumabas si Tamar, ng kwarto. Nakita pa niya si Bruno sa may labas.
"Ayos ka lang?" Tanong nito sa kanya.
"Oo kuya." Aniya.
Pumasok naman si Bruno sa loob ng darkroom. Mula sa labas ay binuksan nito ang ilaw. Nakita nilang natutulog ang lalaki. Gawa na rin siguro ng kalasingan. Muling pinatay ni Bruno ang ilaw at hinayaan ang lalaki, sa loob.
"Punta ka na kay madam." Wika nito na kanya at agad naman niyang sinunod.
Nakipag-usap pa siya kay Madam Soraya, at ibinigay sa kanya ang kinita niya sa gabing iyon.
Tinungo kaagad niya ang dressing room para makapagpalit na ng damit at makauwi na rin. Ang mga sinusuot naman nila ay iniiwan na lang nila doon at may ibang kumukuha noon para malabhan.
Pagdating niya ng bahay ay hindi niya magawang makapasok, dahil bukas ang ilaw ng kusina.
"Bakit gising pa ang isang iyon?" Nainis pa niyang tanong sa sarili. "Nakakapagod naman boss. Ah, alis na dyan." Reklamo pa niya ng hindi malaman kung ano ang gagawin para makapasok ng bahay.
Hanggang sa makita niya ang isang gumagalang pusa na malapit sa may pinaglalabahan niya. Dahan-dahan niya itong nilapitan at tinakluban ng stainless na palanggana.
Malakas na ngumiyaw ang pusa at nagwala. Bumalik si Tamar sa madilim na parte sa likod ng halaman na malapit sa pintuan.
Hindi naman siya nagkamali ng iniiisp at nagbukas nga ang pintuan. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makapasok sa loob ng bahay.
Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya. Inalis ang suot na facemask, jacket at ang jogging pants na suot ay pinalitan ng pajama na kanina pa nakahanda, bago siya umalis ng bahay.
Ginulo pa ni Tamar ang buhok at muling lumabas ng kwarto. Nagpakita pa siya ng gulat ng biglang pumasok ang boss niya, mula sa likod bahay.
"Bakit gising ka pa?" Anito pagkakita sa kanya.
"Anong ginagawa mo sa labas boss? Nagising ako ng parang may nagwawala, tapos ang ingay. Tapos parang pusa pa. Titingnan ko sana, ang lakas ng ungol eh." Pagdadahilan niya.
"Ah, iyon ba. Natakluban ng palanggana. Nakakapagtala nga at paanong nakapasok sa loob ng palanggana ang pusa na iyon. Pero okay na. Matulog ka na ulit."
"Ah, pero dinig ba sa kwarto mo iyong pusa?"
"Hindi, uminom lang ako ng tubig."
"Naku boss, ipaglalagay na lang kaya kita ng tubig sa pitchel ng hindi ka na palaging bumababa. Naaabala ka pa palagi eh. Bilang kasambahay mo. Dapat ginagawa ko na iyon." Aniya at ginulo na naman ng boss niya ang buhok niya.
"Salamat, pero bukas mo na lang gawin. Matulog ka na. Babalik na rin ako sa kwarto ko."
"Yes boss." Aniya ng may pagsaludo pa.
"Goodnight Tamar." Malambing na wika ni Alarik bago tinalikuran ang dalaga. Kahit kanina ay totoong inaantok si Tamar ay parang nawala ang antok niya sa simpleng pagsasabi ng goodnight ng boss niya. Iyon lang ang sinabi nito, pero parang salitang mahal kita ang narinig ni Tamar.
Mabilis rin ang pintig ng puso niya. "Parang mas lalo akong naging desidido na magpaopera boss. Gusto ko talagang mabuhay ng matagal. Higit sa lahat, masaya na ako sa isang sulyap sayo." Kinikilig pa niyang wika.
Pumasok na rin si Tamar sa loob ng kwarto para matulog, at ng maipahinga na rin ang pagod niyang katawan.
Habang tumatagal ay mas nasasanay na si Tamar sa trabaho niya sa club. Pagdating naman kasi ng umaga at nakaalis ang boss niya ay mabilis niyang tinatapos ang mga gawain sa bahay, para makapagpahinga. Ibinubuhos niya sa pagtulog ang pinaka libreng oras.
Pagdating naman ng linggo ay pumupunta siya ng ospital para sa check up niya kay Dra. Samaniego. Wala iyong mintis, kaya alam niyang hindi delikado sa mga oras na iyon ang tumor na nagpapahirap sa kanya.
Pagpasok niya sa club ay siya na lang ang naiwan sa dressing room, medyo na late kasi siya ng pasok, dahil sa pasaway niyang boss na hindi kaagad nagtungo sa kwarto nito.
Bumati pa siya kay Kristan at Bruno ng madaanan niya ang dalawa sa pwesto nito.
Pagkasara pa lang niya ng pintuan ng VIP room ay bigla na lang siyang sinunggaban ng yakap ng lalaking customer niya. Balak sana siya nitong dalahin sa may kama, mabuti na lang at nakapiglas pa siya kaya naman doon sila napunta sa may dim light.
"Sir! Wag po!" Pagmamakaawa pa niya sa lalaki na pilit siyang hinahalikan. Malakas ang lalaki kaya naman kahit nagpupumiglas siya ay halos wala pa rin siyang laban.
Nagawa nitong alisin ang roba niya kaya ang natitira na lang niyang suot ay ang bra at ang underware niya.
Naiiyak na si Tamar at nandidiri sa kanyang sarili sa ginagawa ng lalaki sa kanya. Nakaramdam pa siya ng panghihina na halos ikawala niya ng malay ng sampalin siya nito.
Bigla niyang idinulas ang sarili hanggang sa maabot ng kanyang paa ang buzzer button. Iyon lang naman ang kailangan niya, at siguradong may darating na tulong.
Hindi nga nagtagal at biglang bumukas ang darkroom. Pumasok si Bruno at Kristan. Si Bruno ang naglabas sa lalaki. Inalalayan naman siya ni Kristan palabas ng vip room.
"Salamat Kuya Kristan. Pasabi na rin kay Kuya Bruno." Nanghihina niyang sambit habang inaalalayan siya nito.
"Wala iyon, mabuti na lang talaga naabot mo iyong buzzer kasi wala talaga kaming alam sa nangyayari dito sa loob."
"Kaya ng kuya."
Sinamahan siya ni Kristan sa opisina ni Madam Soraya. Napatayo naman ito ng makita ang bakat ng sampal sa pisngi niya, at ang dugo sa tabi ng kanyang labi.
"Anong nangyari Kristan? Nasaan si Bruno?"
"Naglilinis ng kalat madam. Iyong customer na napunta kay Simmon, ay 'yong m******s na nakaban ng isang taon. Ang bilis din naman ng panahon at nakapasok na naman dito. Nanakot pa na isusumbong kay manager. Si manager lang naman pala ang kilala. Ibaban na ba natin ng habang buhay?" Natatawang tanong ni Kristan at napahawak na lang sa sentido si Madam Soraya.
Nakaramdam naman ng takot si Tamar. First time niyang maka-encounter ng ganoon. Hindi tuloy niya alam kung kagagalitan ba siya ni Madam Soraya o paaalisin na sa club nito. Hindi pa sapat ang naiipon niya. Malaki pa ang kailangan niyang halaga para sa operasyon.
"Okay ka lang Simmon?" May pag-aalala sa boses nito na ikinatango niya. "Sana hindi ka matakot sa nangyari ngayon."
"Hindi po kayo galit? Hindi po ninyo ako aalisin?" Napatawa naman si Madam Soraya sa tanong niya.
"Bakit naman kita aalisin. As long as wala kang ginagawang labag sa club, hindi kita aalisin. Isa pa, sabi ko nga sayo. Wala kaming pakialam kung may iba kang gawin sa loob ng vip room ng darkroom. Ang pakikialaman namin ay iyong ayaw mong mangyari, pagnandoon ka sa loob. Tulad ng ginawa mong pagpindot sa buzzer. Kasi bago pa pumasok ang customer sa vip room bayad ka na nila. Kaya naman, palagi naming sinasabi na pag-ayaw mo mag buzzer ka lang. May darating na tulong para sayo. Pero kung gusto mo ang nais gawin ng customer sayo. Nasa saiyo na iyon at wala kaming pananagutan. Maliwanag?"
Paliwanag muli ni Madam Soraya na kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Habang nasa club siya makakaipon pa siya ng pera.
Pinagpalit muna siya ng damit ni Madam Soraya, sa dressing room. Doon na rin siya naabutan ni Marione, na may dalang ice pack na nag-aalala rin sa kalagayan niya.
"Ayos ka na bang talaga?" Nag-aalalang tanong nito at ito na rin ang naglapat ng ice pack sa pisngi niya.
"Ayos lang ako, talaga. Wala kang customer? Bakit ka nandito? Wag mong sabihin na pumunta ka talaga dito dahil sa akin?"
"Wala pa, at oo kaya ako nandito ay dahil sayo. Sinabi sa akin ni Kuya Kristan ang nangyari sayo. Wala naman akong customer kaya pinuntahan na kita. Di ba sinabi mo na kailangan mo ng malaking halaga. Pwede mong i-share sa akin." Wika ni Marione at naupo pa sa kanyang tabi.
"Siguro pag may lakas na ako ng loob." Napabuntong hininga pa si Tamar at napatingin pa sa kisame.
"Pero Simmon kung ayaw mong sabihin. Maayos naman ang trabaho mo di ba? Naikwento mo na rin na, mabait àng boss mo. Single, higit sa lahat, gwapo at mayaman. Bakit hindi mo akitin?" Kinikilig na sambit ni Marione at si undot pa ang kanyang tagiliran, kaya naman napaiktad siya.
"Mabait talaga si boss kaya ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. Aaminin kong crush ko si boss. Pero hindi kami nababagay sa isa't-isa. Sa klase ng trabaho ko, hindi ako karapat-dapat sa kanya. Kung magsasama nga siya ng girlfriend sa bahay niya, kahit crush ko si boss. Pagsisilbihan ko pa sila ng buong puso." Aniya kaya naman bigla siyang itinulak ni Marione.
"Ang martir. Sana all, totoo kung magmahal."
"Correction, crush pa lang hindi pa mahal."
"Sus, ganun din yon." Anito kaya nailing na lang siya.
"Oh, pasaan ka? Uuwi ka na?" Tanong sa kanya ni Marione ng tumayo na siya.
"Oo. Okay na daw na umuwi muna ako sabi ni madam para makapagpahinga. Mamayang gabi na lang ulit." Paalam nito kay Marione at lumabas na siya ng dressing room.
Madilim sa kusina at walang buhay na ilaw kaya naman, dahan-dahang pumasok si Tamar sa backdoor. Papasok na sana siya sa kwarto niya ng marinig niya ang pagbagsak ng kung anong bagay sa kusina.
Hindi niya napansing may tao sa loob ng kusina, kaya naman medyo kinabahan siya, kung nakita ba siya ng kanyang boss o hindi.
Mabilis niyang inalis ang suot na facemask at ginulo ang buhok. Hinubad din niya ang sapatos na suot, at nakapaa lang na tinungo ang kusina. Nadatnan niya ang liwanag na nagmumula sa bukas na ref at ang nagkalat na basyo ng beer at ang boss niyang nakahandusay sa sahig.
"Boss anong nangyari sayo?" Tanong niya habang inaalalayan niya itong makatayo.
"Ano bang problema mo boss? Maayos ka naman kanina noong bago ka magtungo sa kwarto mo. Pero bakit ka nagkakaganyan ngayon?" Aniya pero mukhang walang balak sumagot ang boss niya. Pasalamat na lang siya at nagpadala ito ng alalayan niya.
Hindi naman niya kayang alalayan ang lasing hanggang sa kwarto nito, at sa second floor pa iyon. Kaya naman sa guess room muna niya ito dinala.
Matapos maihiga sa kama ay binuksan ni Tamar ang aircon. Nang naitama na niya ang lamig na ayon sa nais ng boss niya ay muli niya itong nilapitan para sana ayusin ang kumot nito.
Pero bigla na lang siyang nagulat ng hablutin ni Alarik ang kamay niya at mabilis na naihiga sa kama.
"Boss? Anong nang------."
Hindi natapos ni Tamar ang sasabihin ng maramdaman niya ang malambot na labi ni Alarik na lumapat sa labi niya.
Hindi iyon ang unang beses na lumapat ang labi ng boss niya sa kanya. Pero kakaiba ang halik nito ngayon. Masarap at mapaghanap.
Gusto man niyang itulak ang boss niya, pero ayaw namang sumunod ng kamay niya.
Walang alam si Tamar, sa paghalik, pero nagawa niyang gayahin ang ginagawa nito sa kanya.
"S-sir A-Alarik." Nauutal niyang sambit ng mas palalimin pa nito ang paghalik sa kanya. Dahil pasaway ang katawan niya. Sa halip na pigilan ang boss niya ay nasarapan pa si Tamar sa halik nito.
"Bahala na." Aniya sa sarili ng maramdaman ang paggapang ng kamay ni Alarik sa kanyang malusog na dibdib.
Patuloy lang siya nitong hinahalikan, ng iwan ng labi nito ang labi niya. Bumaba iyon sa kanyang panga pababa sa leeg. Nagawa pang ipasok ng boss niya ang kamay nito sa loob ng damit niya at naalis ang kawit ng kanyang bra.
Napasinghap pa siya ng maramdaman ang dalawang palad ng boss niya na nakahawak sa dalawang dibdib niya.
"S-sir." Aniya na halos daìng na lang. Kahit malamig ang buong kwarto ay parang kulang pa rin, dahil nadadarang na siya sa init na ipinaparamdam ng boss niya sa kanya.
Naramdaman niya ang paghalik niyo sa leeg niya, at ang mainit nitong paghinga. Hanggang sa naramdaman niya ang pagbigat ng katawan nitong nakadagan sa kanya.
Hindi niya maikilos ang katawan, dahil nadaganan siya ng boss niya. Ramdam na ramdam ni Tamar ang pantay nitong paghinga. Indikasyon na tulog na ito.
"Kainaman na. Kung halik, halik lang walang tulugan." Mahina niya sambit, na may kasamang inis. Ramdam niya ang pagkabitin. Kasama na rin ang kaunting pagkapahiya.
"Kanina lang muntik na akong mapagsamantalahan, takot na takot ako. Tapos ngayon, manyapat si boss ang humalik nabitin pa ako. Partida sa lasing. Ewan ko ba." Reklamo niya sa sarili hanggang sa nagawa din niyang makaalis sa pagkakadagan ni Alarik.
Sure ng tulog ito, at hindi lang iyong parang nananaginip ng tulog. Tulad ng kanina. Pinagmasdan pa niya ang gwapong mukha ng boss niya, bago ito ninakawan ng halik.
"Hindi naman siguro masama. Ikaw nga." Aniya at binuhay na lang ang dim light at pinatay na ang mismong ilaw sa kwartong iyon, bago siya lumabas.
Alam naman niyang hindi maaalala ng boss niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Pero isa ang araw na ito sa alaalang, iingatan niya.
"I save this day boss. Kahit hindi mo maalala ang araw na ito." Aniya.