Chapter 13

2061 Words
Napailing na lang si Alarik ng pagbalik niya ng table ay nakangising mukha ng tatlo ang tumambad sa kanya. Nandoon pa ang mga mapanundyong tingin ng mga ito. "What!" Paasik niyang sabi sabay upo sa upuang nakalaan sa kanya. "Kumusta?" Tumataas pang kilay ni Lindon at mukhang excited sa sasabihin niya. "Anong kumusta?" Baliwala niyang sagot sabay inom ng alak. "Hindi mo man lang nakuha ang stripper na pinili mo? Mahina." Napapailing pang saad ni Lindon. Napangiti naman si Alarik ng maalala na naman ang halik na pinagsaluhan nila ng babae. Pero agad din siyang napakunot ng noo ng maalala ang babae sa panaginip niya. "Weird." Hindi niya mapigilang sambit na rinig naman ng tatlo. "Anong weird?" Sabay-sabay pang tanong ng mga ito sa kanya. "Ah, wala." Ipinapatuloy na lang ni Alarik ang pag-inom pero hindi naman siya tinantanan ng tatlo sa kakukulit kung ano ang nangyari sa darkroom. "Ang tsismoso ninyong tatlo. Walang nangyari. Hindi ko rin hinayaang makapaghubad iyong babae. Pero masasabi kong maganda si Simmon kahit may takip ang kalahati ng mukha niya at kita lang ang mga mata." "Woooh. Bakit parang gusto ko ding makita yang Simmon na iyan? Maagap pa naman. Pwede pang makita." Ani Arnold ng ibagsak ni Alarik ang hawak na alak "Bakit?" Tanong ng tatlo na hindi naman masagot ni Alarik. Paano niya sasabihin ang pinag-usapan nila ni Simmon. "Hayaan na ninyo si Alarik. Minsan lang yang, bumakod. Sa isang stripper. Pagbigyan n'yo na." Sabat ni Harry kaya natawa na lang din ang dalawa. Natahimik naman si Alarik. "Ano bang meron sa babaeng iyon bakit parang, kinulam yata ako?" Tanong niya sa sarili at napailing na lang. Naubos nila ang napakaraming alak at hindi namalayan ni Alarik na sobra na ang pagkalasing niya. Hindi nila akalaing aabutin sila doon ng madaling araw. Kaya naman hinayaan na lang niya ang mga kaibigan na ihatid siya sa bahay niya. Nagmamadali namang magpalit ng damit si Tamar para makauwi ng bahay. Pagkalabas ni Rik ng kwarto sa darkroom ay biglang sumakit ang ulo niya. Wala siyang dalang gamot dahil nasa dressing room ang bag niya. Para hindi mahalata ay mabilis siyang lumabas ng kwarto. Nakita naman siya ni Bruno. "Ayos ka lang Simmon?" Tanong ni Bruno sa kanya. "Oo naman kuya. Kaya lang medyo nahihilo ako. Kulang yata ako sa pahinga. Pwede bang matulog muna?" Tanong niya dito sabay lapit ni Kristan sa kanya. "Wala ka namang lagnat. Pero sabagay. Saan ka ba muna matutulog?" Wika ni Kristan. "Sa may dressing room sana. Puntahan na lang ninyo ako pagkailangan na ako." Ani Tamar at hinayaan muna siya ni Bruno at Kristan na makapagpahinga. Halos takbuhin niya ang dressing room para hanapin ang gamot niya. Sobrang sakit ng ulo ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya ang sarili. Nasa trabaho pa rin ang iba niyang kasamahan, kahit si Marione. Kaya walang makakakita sa idinadaing niyang sakit. "I-inay, i-itay, D-Dates." Mahina niyang sambit sa pangalan ng mga magulang at kapatid, hanggang sa maabot niya ang mahabang couch. Napahiga siya doon hanggang sa mawalan ng malay. "Simmon." Tawag ng isang boses na nagpabalikwas kay Tamar. Si Marione iyon at nakangiti sa kanya. "Mukhang pagod ka ah. Ano bang ginawa sayo ng customer mo? Pumayag ka na bang makipag-ano?" May halong biro ang panunudyo ni Marione sa kanya. "Anong ginawa? Anong makipag-ano? Marione ah. Wala kaya. Nakaidlip lang ako eh." Nakangiti pa niyang sagot sa kaibigan. "Nah, anong nakaidlip? Dumating ako dito kaninang 11pm tulog ka na. Mabuti at walang ibang pumili sayo. Sabi kasi ni Kuya Bruno, nahihilo ka daw. Kaya inalis niya sa pamimiliang mga babae ang larawan mo." Paliwanag ni Marione na ikinakabog ng puso niyan "Marione anong oras na?" Nag-aalala niyang tanong. Minsan kasi ay maagap ang pasok ng boss niya. Minsan naman ay normal na oras. Natatakot siyang mahuli nito na wala sa kwarto niya. Doon lang niya napansing roba pa rin ang sout niya. "Patay na!" Bulalas niya ng may pagmamadali. "Hoy! Simmon. Akala ko ba nahihilo ka kanina? Wag ka masyadong magmadali." Pigil ni Marione sa kanya. "Hindi pwede, dapat nasa bahay na ako ng boss ko sa mga oras na ito." Hindi na niya pinansin si Marione at mabilis na nagbihis at halos takbuhin na ang palabas ng club. Mabilis naman siyang nakapara ng taxi ng agawan niya ang isang customer na inaalalayan pa ng isang babaeng alam niyang nagtatrabaho din sa club. Napailing na lang sa kanya ang katrabaho dahil tuwing nakikita siya nito ay palagi na lang siyang nagmamadali na umalis. Ilang bahay pa ang layo niya sa bahay ng boss niya, pero, pinahinto na niya ang taxi. Matapos makapagbayad ay maingat niyang tinakbo ang maliit na eskenita papasok sa likod ng bahay nito patungo sa daan sa likod ng kusina. Saktong, pagpasok niya ng mabungaran niya ang boss niya na wari mo ay lasing na naman at papasok sa kusina. Hindi naman siya napansin nito kaya naman dahan-dahang niyang binuksan ang kwarto niya at inihagis doon ang bag niyang dala. Kasama ang suot niyang sapatos. Hinubad din niya ang facemask at jacket na suot. Ginulo din muna niya ang buhok na wari mo ay bagong gising. "Literal na bagong gising." Giit pa ng kanyang isipan, bago niya sinundan ang kanyang boss sa kusina. Pero isang pagkakamali pala ang kanyang ginawa ng tumambad sa kanya ang tatlong gwapong lalaki, kabilang ang boss niya, na nakatalikod mula sa pwesto niya. May hawak na tasa ng kape ang tatlo, habang ang boss niya ay palapit pa lang sa counter island. Nakatingin lang ang tatlo sa kanya na wari mo ay sinusuri kung sino siya. Hindi pa rin naman siya kita ng boss niya na busy sa pagtitimpla ng sarili nitong kape. Aatras pa sana siya ng harangan siya ng isa. "Sino ka?" Nanunuri nitong tanong. Mahina lang ang boses nito na nakalapit sa kanyang tainga. "Parang nawala ang pagkalasing ko ah. Akalain mong may magandang babae dito sa bahay ni Alarik. And take note ang napakadumi daw niyang bahay, na palaging idinadahilan niya ay wala man lang alikabok kahit konte." Bulong pa nito na hindi niya malaman ang isasagot. "Hoy, Duglas. Sino naman iyang magandang dilag dito sa bahay mo?" Tanong pa noong isa na nagpabaling ng tingin sa boss niya sa pwesto nila ng lalaking humarang sa kanya. "Ah, ayan ba si Tamar." Baliwalang sagot ni Alarik habang patuloy sa paglalagay ng kape sa tasa nito. Hihigupin na sana ni Alarik ang kape ng mapansing tahimik lang ang tatlong kaibigan at nawala pa si Arnold sa pwesto nito. "Arnold anong ginagawa mo dyan sa may pintuan?" Takang tanong ni Alarik. "Magkape ka na kaya at magsilayas na kayong tatlo dito sa pamamahay ko." Asik pa niya sabay higop ng kape. "Bago mo kami palayasin. Sino muna si Tamar?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo. "Tamar? Sinong?" Hindi niya naituloy ang sasabihin kaya naman napabaling siya ng tingin sa dalawang kaibigan at sinundan kong saan nakatingin ang mga ito. Kay Arnold habang kinokorner ang katulong niya. "Tamar! What the fvck! Anong ginagawa mo dyan!?" May diing tanong ni Alarik ng akmang tatakbo si Tamar paalis ng hawakan ni Arnold ang kamay ng dalaga. "Not so fast miss." Bulong ng lalaki sa kanya. Nawala namang bigla ang pagkalasing ni Alarik ng makita ang takot sa mata ni Tamar. Alam niya ang takot nito kung saan nagmumula. Usapan nila ng dalaga, ay hindi ito pwedeng makita ng kahit na sino. Pag may nakakita dito, palalayasin niya ito. "Maganda s'ya ha." Nakangising wika ni Harry. Sumang-ayon naman si Lindon sa sinabi ng kaibigan. "B-boss." Nauutal na wika ni Tamar. Hindi niya malaman kung anong mangyayari sa kanya. Ang usapan nila ng boss niya ay dapat walang makakita sa kanya na nasa bahay siya ng boss niya. Kasi pwede siyang paalisin nito. Tapos ngayon tatlong kaibigan pa nito ang nakakita sa kanya. Napalunok pa siya ng lapitan siya ni Alarik. "S-sir." Nauutal niya wika. "H-hindi ko po a-alam na n-nandito kayo." Pag-amin niya. Binitawan naman ni Arnold ang kamay ni Tamar ng makalapit siya sa dalaga. Pero bigla din siyang napakunot ng noo ng humalimuyak sa kanya ang amoy ng dalaga. Pamilyar sa kanya ang scent nito pero hindi niya maalala kung saan niya iyon naamoy. "Sir. Sorry po." Nakatungong wika ni Tamar ng mapangiti si Alarik. Wala namang kasalanan na lumabas si Tamar ng kwarto ng ganoong oras. Ang mali ay siya ng dahil sa kalasingan, nawala sa isip niyang dalaga kaya bukas palad niyang pinapasok ang tatlo niyang kaibigan sa bahay niya. "Sino yan Alarik? Wag mong sabihing katulong mo? Sa ganda n'yan mas maniniwala ako kung aaminin mong girlfriend mo yan." Ani Lindon na sinang-ayunan ng dalawa. "Paano kung katulong ko nga? Kaya nga ayaw kong ipakita sa inyo si Tamar eh, baka matakot sa inyo." Palusot niya para naman hindi siya biruin ng tatlo. "Sus, mga palusot mo. Sabihin mo, nagdadamot kang makita namin na may magandang dilag dito sa bahay mo. Kaya pala, umiiwas ka sa mga babae. Kasi mayroon palang isang Tamar dito." Wika noong isang kaibigan ni Alarik kaya napatunghay si Tamar. "Hi Tamar, Lindon nga pala." Pakilala nito. "Harry." Ani noong isa na malapit sa pwesto ni Lindon. "Arnold." Pakilala naman noong lalaking nangorner sa kanya at humawak sa kamay niya. "Mga pasaway kong kaibigan. Wag kang maniniwala sa mga iyan. Mga babaero ang tatlong yan." Ani Alarik na ikinasipol ng tatlo. "Ano yan? Ikaw lang ang ang good boy. Sige na. Sayo na ang korona. Kaya naman pala." Tudyo ni Harry sa kanya. Hindi naman pinansin ni Alarik ang sinasabi ng kaibigan. Napatingin naman si Tamar sa boss niya ng maramdamn niyang nakatingin din ito sa kanya. "Hindi ka galit boss?" Nahihiya pa niyang tanong. "Kasalanan ko naman. Sinama ko ang mga sira ulong yang dito." "Ouch!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo sabay hawak sa dibdib. "Mga sira talaga kayo." Natatawang wika pa ni Alarik ng tumingin muli kay Tamar. "Hindi na rin naman kita maililihim na may katulong akong babae dito sa bahay, sa tatlong iyan. Kaya naman kung pupunta ang mga yan dito. Pwede mong patuluyin wag mo lang lalapitan at paniniwalaan ang mga sasabihin nila okay." Paliwanag ni Alarik na ikinatango ni Tamar. "Grabe ka sa amin Alarik. Girlfriend mo?" "Katulong po." Sagot ni Tamar, na hindi pinaniwalaan ng tatlo. Patuloy lang sa pagsipol ang tatlo habang tinutudyo sila. "Sa may garden na lang kayo magkape boss. Magluluto ako ng breakfast mo. Papasok po ba kayo sa trabaho? Masyado naman pong maaga na dinalaw kayo ng mga kaibigan ninyo?" Rinig nilang wika ni Tamar. Kaya natahimik sila. Sa pagkakataong iyon. Pinaniwalaan ng tatlo ang sinasabi ng dalawa. Na boss at katulong ang isa. "Matutulog ako after kung kumain. Hindi ako papasok sa opisina. Kauuwi lang namin. May hang-over pa ako." Paliwanag ni Alarik ng mahigit ni Tamar ang paghinga. "Langya! Mabuti na lang hindi talaga ako nakita ni boss. Kung nagkataon patay talaga ako nito." Aniya sa isipan bago muling binalingan ang boss niya. "Gagawa din po ako ng lemon water para po hindi kayo magkahang-over. Sopas na lang po lulutuin ko para po hindi mabigla ang tiyan ninyo sa pagkain pati mga kaibigan ninyo. Kaya alis na. Abala kayo dito sa kusina. Doon na kayo sa garden. Tsupi." Ani Tamar at tinalikuran si Alarik. Napatakip naman ng bibig ang tatlo, dahil narinig nila ng buo ang sinabi ni Tamar. Habang si Alarik ay inaya sila palabas ng bahay. Sisipol-sipol lang ang tatlo habang kasunod ni Alarik ng bigla siyang matigilan. "Teka lang, sinabi ba niyang abala tayo sa kusina. At itinaboy pa ako?" Ani Alarik ng pagtawanan siya ng tatlo. "Oo, dinig na dinig namin ang sweet nga ninyo. Para tuloy nakakaduda. Sa relasyon na meron kayo." Panunudyo pa ni Harry na hindi na lang pinansin ni Alarik. "Ewan ko sa inyo." Aniya, na natatawa. Ibang klase talaga ang katulong niya, kahitvpa sabihing minsan nakakalimot ito na boss siya nito ay napapagaan naman ng dalaga ang pakiramdam niya. "Ewan din namin sayo." Wika ng tatlo habang tinutudyo siya, na ikinailing ng niya. "Pero pwede bang ligawan si Tamar? Saan mo ba nakita ang magandang dalaga na iyon?" Tanong ni Lindon. "Off limits si Tamar." "Okay sabi mo eh." Tatango-tangong sagot na lang ng tatlo, at tinigilan ang panunudyo kay Alarik at baka palayasin na talaga sila nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD