"Tamar, aalis na ako." pagpapaalam ni Alarik ng makita nito si Tamar sa kusina na naglilinis doon.
Napangiti naman ang dalaga sa pamamaalam ng boss niya sa kanya. Lalo tuloy siyang humahanga dito ng palihim.
"Okay boss ingat ka sa trabaho mo." sagot niya at may pagkaway pa dito.
Napangiti naman si Alarik sa dalaga. Dahil dito, pakiramdam niya ay nagkaroon ng kulay ang bahay niya. Napakatahimik lang doon ng wala pa si Tamar. Pero ngayon, palagi ng may bumabati sa kanya at nagpapaalala sa kanya tuwing aalis siya ng bahay.
Pinunasan ni Tamar ang noo dahil sa pawis na biglang humulas doon ng biglang mapakunot noo si Alarik, ng medyo natakpan ng kamay ni Tamar ang parteng mata pataas sa noo.
Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon. "Bakit katulad ni Simmon ang mukhang iyon?" tanong ni Alarik sa sarili at muling tinitigan si Tamar. "Hindi, baka nagkakamali lang ako." pagkukumbinsi niya sa sarili.
"Hindi lumalabas ng bahay si Tamar. Higit sa lahat wala iyong ibang alam dito sa Maynila." dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng kusina at hinayon ang garahe.
Patuloy lang sa paglilinis si Tamar ng maramdaman na naman niya ang pananakit ng ulo. Hindi na iyon katulad ng mga naunang pagsakit. Nakakaramdam na siya ngayon ng pagsusuka.
Ilang minuto din siyang sumusuka at wala ng mailabas pa. Nahihilo na rin siya sa pagkakataong iyon.
Halos pagpanawan na si Tamar sa sama ng kanyang nararamdaman. "Bigyan pa po Ninyo ako ng pagkakataong mabuhay." bulong niya habang hindi mapigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Nasa isang oras din siyang nakahandusay sa may sahig ng kusina matapos siyang magsuka. Hindi niya maigalaw ang sarili dahil sa pagdidilim ng kanyang paningin. Gusto niyang magtungo ng kwarto para makuha ang gamot niya. Pero hindi kayang kumilos ng kanyang katawan.
Matapos makabawi sa masamang naramdaman ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Dra. Samaniego.
"Yes hello!" ani ng nasa kabilang linya. Si Dra. Samaniego mismo ang sumagot.
"Doktora si Tamar po ito." pakilala niya.
"Oh Tamar! May nararamdaman ka bang kakaiba?" may pag-aalala sa tinig ng doktor.
"Doktora dumadalas po ang pananakit ng ulo ko. Tapos ngayon po nakakaramdam na po ako ng pagsusuka." pagpapaliwanag niya.
"Ganoon ba? Makakapunta ka ba dito sa ospital? Gusto kitang masuri. Aalis lang ako dahil may on call patient ako sa ibang ospital. Ibibilin kita kay Andrei, babalik ako kaagad." anito na sinang-ayunan niya.
Hindi na siya nagpaalam kay Alarik. Kinakabahan na siya sa pwedeng kahinatnan ng check-up niyang iyon. Pero mas mabuti ng maagapan ang sakit niya kay sa mahuli ang lahat.
Nasa kalahating oras lang ang paghihintay ni Tamar sa doktor at agad siya nitong isinalang sa mga laboratory test.
Nakatingin lang si Tamar kay Dra. Samaniego habang nakatingin sa mga laboratory test niya. Nasa tabi nito si Andrei na siyang sumagot sa mga tanong nito.
"Tamar, ayaw kong matakot ka. Pero kailangan mo ng magpaopera sa lalong madaling panahon. Hindi basta-basta ang sakit mo. Oo nasa hindi delikadong parte pero lumalaki siya. Nakikita mo ito?" itinuro ni Dra. Samaniego ang resulta ng CT Scan. "Nagkaroon ng kaunting pagbabago Tamar. Maliit pa rin naman. Pero mas malaki siya ngayon kay sa resulta ng MRI noon."
Napabuntong hininga naman si Tamar sa sinabing iyon ng doktor. May pera siya pero hindi sasapat. Doon niya biglang naisip ang offer ni Rik.
"Isang milyon sa ilang gabi? Hindi na siguro masama. Hindi naman siya masamang tao. Sinabi pa niyang wala siyang girlfriend o asawa. Pwede ko na sigurong isugal ang puri ko para madugsungan ang buhay ko." napapikit pa si Tamar sa mga naiisip niya.
"Gagawa po ako ng paraan doktora. Sa ngayon bigyan po muna ninyo ako ang gamot para maibsan ang pananakit ng ulo ko."
Niresetahan naman siya ng doktor ng hinawakan nito ang kanyang kamay na puno ng pang-uunawa. Hinawakan din ni Andrei ang balikat niya. Malungkot ang mga mata nito para sa kanya. Pero nararamdaman niya ang pagsuporta ng doktor at sekretarya nito sa kanya.
"Salamat po sa inyo. Kung hindi po dahil sa inyo, baka sumuko na rin ako. Wala naman po akong ibang makakapitan, kaya po salamat po sa suporta." ani Tamar bago nagpaalam sa mga ito.
Dumaan na muna si Tamar ng palengke para bumili ng mga prutas at gulay. Kailangan niya talagang maging healthy ang katawan niya.
Hapon na ng makauwi siya ng bahay, pagpasok niya ng kusina ay tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Alarik habang nasa tapat ng dibdib ang dalawang braso.
"B-boss ang aga mo namang nakauwi." nauutal pa niyang sambit. Hindi na nga siya nakapagpaalam tapos ay mas nauna pa itong umuwi sa kanya.
"Saan ka galing? Hindi ka man lang nagpaalam?" may pagkasarkastikong tanong pa nito.
"Bakit ang aga mo namang umuwi?" Hindi niya sinagot ang tanong nito at basta na lang niya nilampasan ang boss niya at ipinatong sa lamesa ang mga pinamili niya. Puro prutas at gulay lang naman iyon.
"Bakit hindi mo sinasag. . ."
"Boss, wala na tayong prutas at gulay. Alam mo namang healthy conscious ang peg ko ngayon. Ano bang gusto mo at ng mabigyan kita. Ipagtalop na kaya kita ng apple at ponkan. Gusto ko ba ng ubas?" sa halip ay wika niya at hindi na pinatapos si Alarik sa sasabihin nito.
"Kape." tipid lang nitong sagot.
"Sus, ayaw mo ng prutas?" biro pa niya. Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya si Alarik at nakangiti sa kanya. Halos pangapusan naman si Tamar ng paghinga.
"Ngiti lang iyon, pero bakit parang hinahalikan na ako?" tanong niya sa sarili. Nilalandi na naman siya ng maharot niyang utak, pagtungkol sa boss niya.
Nagulat na lang din si Tamar ng hawakan nito amg buhok niya at guluhin. Sanay na sanay talaga ang boss niya sa gesture na iyon. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang bata.
"Sana nagpaalam ka man lang na bibili ka ng prutas. Health conscious ka pa naman." may halong biro pa sa pagsasalita nito. "Para ako na ang nagbigay sayo ng pambili. Akala ko kasi ay bigla ka na lang umalis ng walang paalam." malambing na wika ni Alarik na medyo nagpatigil sa kanya.
"Bakit parang ang sweet ko naman kay Tamar?" naguguluhan pa niyang tanong pero hindi napigilan ni Alarik ang sarili sa mga ipinapakita niya sa dalaga.
Magaan talaga ang loob niya dito. Bagay na hindi naman dapat. Naalala na naman niya si Simmon na inalok niya ng pera kapalit ang katawan nito. Nakakatawa pero umaasa siyang papayag ito. Ang dahilan? Hindi niya alam. Hindi siya lalaking hayok sa laman pero kakaiba ang hatak ni Simmon sa kanya. Bagay na nakikita niya kay Tamar pero hindi niya maalok ng ganoon ang dalagang nasa harap niya ngayon.
"Okay boss. Ipagtimpla kita ng kape. Ayaw mo talaga ng prutas?" ulit pa ni Tamar na ikinailing ni Alarik.
"Kape na lang."
"Yes sir!" masiglang wika ni Tamar at iniwan na muna niya ang dalaga sa kusina. Ipinapasunod na lang niya sa may garden ang kapeng ipinapatimpla niya dito.
Gabi na at nagluluto si Tamar ng panghapunan. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Kailangan niyang makarating ng mas maagap sa club. Iyon ang araw na sinabi niya kay Rik na magkita silang muli.
Nagulat pa siya ng may magpatay ng apoy sa niluluto niya. Napatingin siya sa gumawa noon.
"Bakit sir?" naguguluhan niyang tanong.
"Adobo ba lulutuin mo o prito?"
Doon lang niya napansin na halos wala ng sauce ang adobo na niluluto niya. Mabuti na lang at kasarapan lang iyon ng maalis ang apoy, at hindi nasunog.
"Sus, napatigil lang. Masama bang matulala boss. Bakit kasi ang bango mo? Natulala tuloy ako." palusot ni Tamar kaya naman natawa si Alarik.
"Sabay ka ng kumain sa akin. Aalis ako ngayon. Hindi ko alam kung anong oras ako uuwi. Basta ang mga pintuan, i-lock mo ng maayos. Mahirap na at mag-isa ka lang dito sa bahay."
"No problem boss. Ako na ang bahala dito sa bahay mo."
Sabay silang kumain tulad ng sinabi ng boss niya. Hindi niya maintindihan ang sayang nakikita niya dito.
"Mukhang may date ka boss ah." hindi niya mapigilang puna dito. Nakangiti kasi ito habang kumakain. Mukhang excited sa pupuntahan.
"Wala naman."
"May girlfriend ka na boss? Dalahin mo kaya dito." aniya pero bigla namang siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. "Ginagawa mo?" pagkastigo pa niya sa sarili.
"Wala masaya lang ako, dahil sa isang bagay."
Ipinagkibit balikat na lang niya ang sagot ni Alarik. Basta para sa kanya, crush niya ang boss niya. Pero heto siya, handang ibenta ang sarili sa iba para lang sa pera.
"Bakit kaya hindi ko na lang kay boss ibenta ang sarili ko?" tanong niya sa isipan at agad ding napailing. "Alam kong ibinababa ko na ang sarili ko sa ibang tao, pero hindi ko kayang malaman ni boss ang lihim ko. Ayaw kong maging mababa ang tingin niya sa akin. Mababa na nga ang tingin ng iba, pati ba naman si boss." wika pa niya ng mapagtantong nasa harap pa pala siya ng pagkain.
Doon lang ulit siya napatingin sa boss niyang nakakunot ang noo sa kanya.
"Anong nangyayari sayo?"
"Wala boss, iniisip ko kasi iyong title ng kdrama na papanoodin ko. Nakita ko kasi iyon habang nagsesearch ako ay hindi ko maalala. Sabi mo kasi aalis ka. Kaya manood na lang ako, ayos lang ba?" palusot niya ng makita na naman niya ang matamis na ngiti ni Alarik.
"Akala ko kung ano na ang pinuproblema mo. Oo ikaw na ang bahala. Pero wag ka gaanong magpuyat."
"Yes boss!" Kahit nahihirapan siya sa sitwasyon niya at sa kalagayan niya. Kailangan talaga niyang lumaban sa buhay.
Matapos nilang kumain ay nagtungo na rin si Alarik sa kwarto nito. Siya naman ay nagmamadali sa ginagawa. Para pag-alis nito ay mag-aayos na rin siya ng sarili para makapasok sa trabaho niya sa club.
"Laban lang Tamar. Para sa buhay mo. Lumaban ka." pagpapalakas pa niya ng loob.