"Your order mga sir." Ani ng waiter na nagdala ng order nila. Napatingin pa si Alarik sa dami ng inilalapag nito sa kanilang mesa. Para tuloy naging fiesta ang dapat ay inuman lang nila.
"Seryoso kayo dito? Mapagpapakalasing ba kayo?" Manghang tanong ni Alarik na hindi makapaniwala sa alak at pulutan na nakahanay sa mesa nila.
"Hindi naman, apat kaya tayo. Bitin naman pag-isang bote lang. Kaya goods na ang ganitong karami." Si Arnold sabay inom ng hawak na beer.
"Bahala kayo, basta pagnakaramdam ako ng hilo, stop na ako. Kayo na ang bahala dyan." Wika pa ni Alarik sabay inom ng alak. Ngunit napatigil siyang bigla ng may mapansing babae na nakamaskara na sumilip mula doon sa papasok sa darkroom.
Napatitig pa siya ng ilang saglit bago ito biglang nawala. Mukhang may hinahanap lang ito pero hindi din nakita.
"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Harry ng kaya napatingin siya dito.
"Wala naman." Saka niya ipinagpatuloy ang pag-inom.
Hindi malaman ni Alarik kung bakit may pakiramdam siyang kilala niya ang babaeng nakamaskara. Gayong ikalawang beses lang naman niyang magtungo doon. Pero ngayon lang niya nakita ito.
"May problema ba?" Napatingin siya kay Lindon ng magtanong ito.
"Wala." Muli niyang sagot pero binabagabag siya ng kanyang pakiramdam.
"Bakit parang kilala ng puso ko ang babaeng iyon?" Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang ilang segundo na matitigan ang babae kahit hindi naman siya nito napansin.
"Alam mo Alarik, kung ano man iyang problema mo. Wag mo munang isipin. Samahan mo na lang kaya ako sa darkroom. Madaming chickz doon." Biro pa sa kanya ni Lindon at tumayo na ito.
"Pupunta ka talaga doon?"
"Oo naman, ikaw lang naman kasi ang ayaw. Subukan mo kaya. Masaya yon." Pangungumbinsi pa nito ng wala siyang magawa ng hilahin siya nitong bigla.
"Te-teka sandali! Hindi naman ako sumasang-ayon, na sumama sayo ah."
"Wag ka ngang killjoy! Kaya ka nga namin inaya. Maexperience mo lang. Wala namang mawawala sauo eh." Anito at narinig pa niya ang kantiyaw ni Henry at Arnold.
Napahawak naman sa sariling braso si Alarik ng maramdaman ang lamig sa loob ng isang kwarto.
"Anong lugar ito?"
"Paano ba eexplain. Yang, dito ka mamimili ng babaeng gusto mong makasama sa darkroom. Ano bang gusto mo? Iyong nagtatrabaho o naghuhubad lang?" Natatawang tanong ni Lindon ng abutan siya ng isang folder.
"Teka lang ano yan? Di ba noong last na punta natin dito, sinamahan pa kayo noong manager nila. Bakit basta ka na lang pumasok dito?" Nag-aalangang tanong ni Alarik ng biglang pumasok ang manager na nakita niya noong nakaraan.
"Ayan na hinahanap mo. Wala namang masama na magtungo dito. Kasi wala ka namang makikita dito kundi mga larawan at mga pangalan ng mga babaeng pwede mong pagpilian. Isa pa, lahat ng mga babae dito malilinis. Every week may check up sila. Lalo na iyong mga tumatrabaho. Maayos ang palakad dito. Medyo pricey nga lang."
"Yes naman mga sir. Tama po ang sinabi ng kasama ninyo." Pagsang-ayon pa ng manager ng club sa sinabi ni Lindon.
Wala namang balak buklatin ni Alarik ang folder na ibinigay sa kanya ni Lindon, ng mabitawan niya iyon at mabuksan. Tumambad sa kanya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan niyang makilala ito. Pero ayaw niyang mahalata siya ng kaibigan.
"Available ba siya?" Tanong ni Alarik sa manager sabay turo sa larawan ng babaeng nakita niya.
"Yes sir! Kukunin mo ba ang serbisyo niya?" Tanong ng manager na hindi niya inaasahan ang naging kilos ng sarili niya at bigla na lang siyang napatango. Sabagay hindi din nga niya inaasahan na itatanong niya kung available ba ito. Pero tinanong niya.
Narinig pa niya amg pagsipol ni Lindon na nakatanggap ng isang suntok sa braso mula sa kanya.
"Promise bro, magugustuhan mo dito." Nakangiti pang wika ni Lindon ng sabihin ng manager ang presyo ng babaeng natipuhan niya.
Matapos nilang makapagbayad ay isinama na sila ng manager sa magkaibang kwarto. Nakita pa niya sa labas ang dalawang lalaki na sa tingin niya ay ang mismong bantay sa darkroom.
Napalinga pa si Alarik sa kwartong pinasok niya. Sobrang dilim noon at sa tingin niya ay kahit ang sarili niya ay hindi niya makita. Naramdaman niya ang kama doon kaya naman naupo na lang siya.
Ang isang parte naman ng kwarto ay may sapat na liwanag, para makita ang babaeng sasayaw sa kanyang harapan habang inaalis isa-isa ang mga saplot.
Ilang sandali pa at pumasok ang babaeng pinili niya. Hindi talaga siya, sanay sa ganoong bagay. Pero nahahalina siya sa babaeng misteryosa sa kanya. Kung bakit ba naman sa saglit na tingin ay parang nahipnotismo siya nito.
Nakasuot pa ito ng itim na roba at itim na maskara. Ilang sandali at nagsimula na itong sumayaw sa saliw ng malamyos na musika. Sa tingin niya ay hindi siya nakikita ng babae, dahil hindi naman ito tumitingin sa pwesto niya. Mukhang ginagawa lang nito ang pagsasayaw sapagkat iyon ang trabaho nito.
Napalunok si Alarik ng simulang alisin ng babae robang suot nito. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Maganda ang babae, lalo na siguro kung aalisin nito ang maskara.
Sinundan niya ng tingin ang bumagsak na roba sa sahig. Hindi niya maiwasang hindi titigan ang malulusog nitong dibdib at ang magandang katawan nitong nababalutan na lang ng dalawang maliit na saplot.
Mukhang aalisin nito ang pang-itaas nitong tabing ng bigla siyang magsalita.
"Wag mo ng alisin!" Kinakapos sa paghingang pigil ni Alarik sa babaeng nasa harapan niya.
"Bakit?" Takang tanong nito sa kanya ng mapakunot noo siya na parang narinig na niya ang boses nito.
"Do I know you?" Biglang tanong ni Alarik ng marinig niya ang mabinig pagtawa nito.
"I don't know sir. Do I know you either?" Sagot ng babae sa kanya na medyo napangiti siya.
"Baka nagkakamali lang ako." Sagot niya.
"Siguro nga sir? Itutloy ko na ba ang trabaho ko. Sa tingin ko naman hindi ka harmless."
"Siguro nga hindi ako harmless. But lalaki pa rin ako. Sa totoo lang nakita kita kanina sa labas sumilip ka ng saglit. Tapos ay may kakaibang pakiramdam kang binuhay sa kalooban ko. Hindi ko alam kung ano. Bago lang ito sa akin. Kaya hindi ko alam kung makakabuti na gawin mo yang paghuhubad." Amin niya sa babae na parang naging at is ang pakikitungo nito sa kanya.
Kinuha nito ang roba, at muling isinuot. Naupo din ito sa isang silya, na ginagamit nito props sa pagsasayaw.
"Anong pangalan mo?" Hindi mapigilang tanong ni Alarik sa babae.
"Simmon." Napatango naman si Alarik dahil iyon nga ang nabasa niyang pangalan nito. "Ikaw?" Balik tanong sa kanya ni Simmon.
"Rik."
"Okay Rik." Banggit pa ni Simmon sa pangalan niya, pero bakit ang sarap sa pakiramdam ng sambitin nito ang pangalan niya.
"Anong dahilan mo at pinasok mo ang trabahong ito?" Hindi niya mapigilang tanong kay Simmon. Nakatingin ito sa kanya kaya nababanaag niyang may dahilan ang pagpasok nito sa club na iyon.
"Syempre dahil sa pera. Kung wala kang pera mamamatay ka." Sagot nito.
"Madami namang ibang trabaho."
"Oo naman madami. Mayroon akong marangal na trabaho bukod dito. Pero hindi iyon sapat para mabuhay ako." Anito na ipinagtaka niya.
"What do you mean?"
"Hindi mo na kailangang malaman Rik. Pero kailangan ko ng pera."
"Magkanong pera?" Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng loob niyang magtanong kay Simmon. May nagtutulak talaga sa damdamin niya na kausapin ito ng maayos. Sa bawat pagsagot kasi nito. Parang gumagaan ang pakiramdam niya.
Napatitig siya dito na sa tingin niya ay pinipilit nitong aninagin ang pwesto niya.
"Magkano ang kailangan mo?" Ulit niyang tanong. Napalunok naman ito sa sa sinabi niya.
"A-anong kapalit?" Nauutal na tanong sa kanya ni Simmon.
"Ikaw." Sagot ni Alarik na kahit siya ay nagulat sa sinabi niya.
"Ako?" Sabay turo pa sa sarili, na ikinatango ni Alarik bilang sagot, kahit hindi siya nakikita nito.
"Magkano ba ang kailangan mo? Hindi mo pa rin ako sinasagot?" Ikatlong ulit na ni Alarik sa tanong niya.
"Isang milyon kaya mo?" Walang gatol na sakot ni Simmon sa kanya. Hindi niya kakikitaan ng pagbibiro ang dalaga. Pero sa puntong iyon hindi din naman siya nagbibiro.
Ngunti nandoon ang pagtataka sa isipan niya kung bakit inaalok niya ito ng pera kapalit ng katawan nito. Gayong hindi naman siya lalaking hayok sa laman. Ngayon lang talaga sa babaeng estranghera sa kanya.
"Deal." Napalunok naman si Simmon sa sagot nito.
"Teka-teka. Hindi ka ba nagbibiro?"
"Mahahalata mo ba sa boses ko na nagbibiro ako. First time kong makipagdeal ng ganito at sayo lang. Hindi ko din alam kung bakit ko ito ginawa. Kung iniiisp mong hindi ako mapapagkatiwalaan. Nagkakamali ka. Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi ko lang maintindihan kong bakit ganito ako? O kung bakit nagkaganito ako ngayon. Sayo lang talaga."
"Binata ka? May girlfriend, o may asawa? Kahit kailangan ko ng pera, ayaw ko pa ring pumatol sa lalaking may asawa, o sa lalaking nagagawang mambabae gayong may girlfriend naman sila. Stripper ako at hindi magdalena. Kaya kung may asawa at girlfriend ka. Bahala ka sa buhay mo. Gagawin ko ang trabaho ko. Pero kung katawan ko ang magiging kapalit ng perang alok mo. Wag na lang kung may niloloko kang tao."
Napangiti naman si Alarik sa prinsipyo ng babae kaharap. Ramdam naman niyang may pangangailangan nga ito. Sa tingin niya naaattempt na rin talaga ito sa offer niya. Pero sa huli, siya pa rin ang iniisip nito.
"Wala akong girlfriend lalo na ang asawa. Ano deal ka na sa offer ko. Syempre hindi lang isang gabi iyon. Masyado namang mahal ang serbisyo mo. Kung isang gabi lang. Isa pa, nagbabayad ako dito sa kwartong ito. Ang usapan natin ay labas sa regulasyon ng club. Nabasa ko iyon bago ako pumasok dito. Ano?"
Natigilan naman si Simmon sa sinabi nitong hindi lang basta sa isang gabi niya matatanggap ang isang milyong offer nito.
"A-anong ibig mong sa-sabihin sa hindi lang i-isang gabi?"
"Need ko bang ipaliwanag sayo ng one by one?" Tanong niya na ikinailing nito.
"Wag na. Okay na. Kahit naman papaano naiintindihan ko ang ibig kong sabihin lalo na at club itong lugar na ito. Pag-iisipan ko ang offer mo. Pero paano ko malalaman na ikaw ang customer ko?"
"Simple lang kakausapin ko ang manager mo. Pero kung kukuha ka ng ibang customer, hindi ko itutuloy ang offer ko."
"S-sige. Pero bigyan mo ako ng panahon para makapag-isip. Kahit isang linggo."
"Okay pagbibigyan kita. Pero pwede bang pagbigyan mo rin ako. Hindi ako ito pero ito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito."
Napatayo bigla si Simmon sa pagkakaupo sa silya ng bigla na lang may humigit sa kamay niya patungo sa madilim na parte ng kwartong iyon. Napasinghap na lang din siya ang maramdaman ang malambot na labi na dumampi sa labi niya.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Sa halip na itulak ang pangahas na si Rik sa biglaan nitong paghalik sa kanya, ay heto siya at napapikit pa. Bukod doon ay ang pagpulupot ng kusa ng braso niya sa batok nito.
Bago pa siya malunod sa masarap na halik na iyon ay si Rik na ang pumutol ng kanilang pinagsasaluhan.
"Hindi ko alam kung anong gayuma mo at bakit bigla akong nagkaganito sayo. Wag sanang maging dahilan ng pag-urong mo sa offer ko ang paghalik ko sayo." Habol hiningang wila pa ni Alarik habang magkalapat ang kanilang mga noo. Hindi nila kita ang isa't-isa, pero ramdam nilang magkahugpong ang kanilang mga mata.
"Pag-iisipan ko ang alok mo. Pero hindi ako magmamalinis, nagustuhan ko ang halik mo." Sagot ni Simmon na ikinahinga ng maluwag ni Alarik.
"Magkita tayo makalipas ang isang linggo?"
"Paano tayo magkikita? Magkasama nga tayo pero hindi kita nakikita?" Pamimilosopo pa ni Simmon ng hapitin ni Alarik ang baywang niya.
"A-anong ginagawa mo?"
"Kung hindi pa ako lalabas, baka kung ano pang magawa ko sayo. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin, bakit parang nais na lang kitang ikulong sa mga bisig ko." Pag-amin ni Alarik sa kakaibang nararamdaman niya sa dalaga.
"Baka na lust at first sight ka?" Ani Simmon na hindi malaman kung saan galing ang ga pinagsasasabi niya. Narirnig kasi niya iyon kay Marione kaya iyon din ang nasabi niya kay Rik.
"Lust nga ba?" Sagot nito sa kanya.
"Ewan ko sayo."
Pero bago pa mawala si Alarik sa katinuan ay binitwan an niya si Simmon. Isang halik pa ang ninakaw niya sa dalaga bago siya lumayo sa tabi nito.
Bago lumabas ng kwarto si Rik ay inabutan siya nito ng sampung libo.
"Para saan 'to?" Takang tanong ni Simmon ng nakaramdam siya ng panliliit. Oo nga at nagtatrabaho siya sa club. Pero tingin niya ay maduming babae lang din talaga ang tingin sa kanya ni Rik. Siguradong pagnakuha nito ang katawan niya, pagsasawaan lang siya nito.
"Hindi ko yan bayad. Tip ko yan sayo. Salamat sa pakikipag-usap sa akin. Masaya akong nakilala ka. Kung iniisip mong maduming babae ang tingin ko sayo, nagkakamali ka. Ang tulad mo ay isang matapang na babae para gawin ang bagay na ayaw mo, pero wala kang pagpipilian." Anito bago siya iniwan sa loob ng kwarto.
Napaupo naman siya sa kama ng marinig ang pagsara ng pintuan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan. Sabihin mang ibebenta niya ang katawan kay Rik. Kapalit naman noon ay ang mabilisang operasyon para madugtungan ang buhay niya.
"Kung mamatay man ako, hindi naman ako mamamatay ng walang karanasan. Oh buhay ko! Samahan mo pa ako ng matagal dito sa mundo ha. Gusto ko pang maging masaya, at matupad ang pangarap kong tumanda."