Chapter 19

2038 Words
"Ano yan Simmon?" napabaling naman ang tingin ni Simmon kay Marione. Nakatitig ito sa kanya at may mapanuring tingin. Itinaas pa nito ang hibla ng buhok na tumatabon sa kanyang leeg, ng sundan niya ng tingin ang bagay na itinuturo ni Marione. Nakaharap siya sa salamin sa loob ng dressing room ng mga oras na iyon kaya naman halos manlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto kung ano iyon. "Langyang Rik 'yon!" inis niyang sambit sa isipan. "Ah. . . Eh. . . Yang ano," hindi tuloy malaman ni Simmon kung ano ang sasabihin niya kay Marione ng bigla na lang itong tumawa ng malakas. "Ano ka ba? Nahihiya ka pa. Sabi ko naman sayo, walang masama. Dito tayo nagtatrabaho kaya pwede ka talagang matukso. Pero ano? Kumusta? Mabango? Mayaman? Bata pa ba sa tingin mo?" curious na tanong ni Marione na hindi malaman ni Tamar kung paano sasagutin. Napatingin naman siya sa isa nilang katrabaho na bagong pasok sa dressing room. Nginitian lang sila nito at lumabas lang din muli matapos makuha ang naiwan nito. Halos nasa mahigit isang linggo na mula ng may mangyari sa kanila ni Rik. Isang araw lang naman iyong nahinto ng nagkasakit siya. Kaya kung tutuusin halos nasa mahigit kalahating milyon na rin ang perang nasa sa kanya. Kaunti na lang mabubuo na niya ang isang milyon. "I think bata pa s'ya. Wala pang kulubot ang balat eh, and binata pa s'ya, sabi niya." "Sus naniwala ka naman. Pero sabagay baka naman nga mamaya ay totoo naman." Kiniliti pa siya ni Marione. "Ang kulit mong babaita ka!" asik niya kaya naman tumigil na ito pangingiliti. "Jackpot ka na doon. Malaki bang magbigay? Lalo na at hindi ka naman babaeng mababa ang lipad at stripper ka naman." "Oo malaki, parang dahil sa kanya, makakaipon na ako. At sa tingin ko pwede na akong magpaalam kay madam. Pero tatanaw pa rin ako ng utang na loob. Pag-okay na ako. Kung makakabalik pa ako. Babalik ako," paliwanag ni Tamar. "Bakit ba kailangan mo pang umalis? At para saan ang pag-iipon mo?" "Basta," sagot lang niya at hindi na naman nagtanong pa si Marione. Itinuloy na rin ni Simmon ang naudlot niyang pagbibihis. Pauwi na rin kasi siya ng mga oras na iyon. Nakasabayan lang niya sa dressing room si Marione. Napatitig naman siya kay, Marione ng bigla siya nitong sinuri at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Bakit?" "May tanong lang ako Simmon. Gumagamit naman ba ng proteksyon yong customer mo? O ikaw bago ka pumayag. Baka mamaya ay mabuntis ka n'yan." ani Marione na nagpatuloy lang sa paglalagay ng lipstick. "A-anong proteksyon?" nauutal pa niyang tanong ng mapasapo sa noo si Marione. "Wag mong sabihin na nagpaano ka ng hindi gumagamit ng kahit na ano? Hindi ka uminom ng pills? Wala kang injections? Hindi din ba siya gumamit ng c*ndom?" sunod-sunod na tanong ni Marione at puro iling lang ang sagot ni Tamar. "Oh my gosh Simmon! Paano kung mabuntis ka!? Bakit naman nagpagalaw ka ng hindi nag-iisip. Hindi ako galit, nag-aalala ako sayo Simmon. Lalo na at ako ang nagpasok sayo dito." Napahawak sa noo si Marione sa nalaman nito tungkol kay Simmon. Hindi naman nagawa pang magsalita ng dalaga. Wala naman ni isang salita ang lumabas sa kanya. Para tuloy siyang nabingi sa kaalamang iyon. "Paano nga kung mabuntis ako? Madaming beses kong naramdaman iyon, na itinudo niya. Isa pa hindi lang isang beses. Sa isang gabi, maraming beses." napapikit na lang si Simmon at hindi malaman ang gagawin. Kinakabahan din siya sa pwedeng mangyari. Mabuti kung hindi, umiinom pa siya ng gamot. Naramdaman naman niya ang pagyakap ni Marione sa kanya. "Wag ka gaanong mag-isip. Kung may mabuo man, regalo iyon sayo. Hindi naman iyon ibibigay sayo kung hindi ka karapat-dapat. Kaya naman relax. Nandito lang ako para sayo. Hmmm." Napatingin naman siya kay Marione. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Kung tutuusin naman ay wala naman siyang dapat ipag-alala lalo na at wala pa naman siyang sintomas na nadarama. Ang nakakatakot lang ay ang pag-inom niya ng gamot kung mayroon man. Ang sakit pa niya. "Salamat Marione." iyon na lang ang nasabi niya bago lumabas ng dressing room. Hinayon naman ni Tamar ang patungo sa opisina ni Madam Soraya. Kailangan niya itong makausap ng masinsinan. "Madam," aniya ng papasukin siya nito sa opisina. "Anong maiipaglingkod ko? Ito nga pala ang sahod mo ngayong gabi." nakangiting wika ni Madam Soraya sa kanya. "Madam, may ipagpapaalam po ako sa inyo." aniya na ikinatango ng kaharap. "Di po ba sinabi ko po sa inyo na kaya ako pumasok dito ng trabaho ay para makaipon. Lalo na at kailangan ko ng pera." "Oo, natatandaan ko iyon. Anong ibig mong sabihin?" "Mabubuo ko na po ang kailangan kong halaga at pag nabuo ko na po iyon kailangan ko na rin po sanang umalis." nahihiya pa niyang wika. Hindi kasi malaman ni Tamar kung magagalit ba ito sa kanya. Pero sinabi naman sa kanya ni madam na pwede naman siyang umalis ano mang oras na gustuhin niya. "May malalim ka bang dahilan?" tanong sa kanya, na hindi na mapigilan ni Simmon ang malungkot. "Sa totoo po niyan, madam. Ibenenta ko po ang sarili ko sa isa sa customer ng club para sa malaking halaga. Kailangan ko na pong mabuo ang pera. Kung hindi maaagapan ang sakit ko. Pwede kong ikamatay ang bagay na iyon." Narinig niya ang pagsinghap ni Madam Soraya, matapos ang pag-amin niya. Pakiramdam kasi niya kung hindi siya aamin dito, magiging unfair sa may-ari ng club ang biglaan niyang pag-alis. "Anong sakit mo?" "May brain tumor ako madam. Lumalaki na siya. At kung hindi maaagapan, maaari ko daw iyong ikamatay sabi po ng doktor ko. Ayaw ko pang mamatay madam. Madami pa akong pangarap sa buhay. Nag-iisa na lang ako dahil sa maagang pag-iwan ng pamilya ko sa akin. Kaya ipinangako ko sa kanila na hanggat kaya kong lumaban para sa buhay ko. Lalaban ako. Sana ay maintindihan mo ako madam." umiiyak niyang sambit ng hindi na nagpapigil ang mga luha sa kanyang mga mata. Naramdaman na lang ni Tamar ang mainit na yakap ni Madam Soraya sa kanya na mas lalo niyang ikinaiyak. "Poor Simmon. Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" "Okay lang ako madam. Isa pa tatlong gabi na lang ang usapan namin ng customer ninyo, at mabubuo ko na ang isang milyon ko na ipinangako niya. Iyong ibinabayad po ninyo. Magiging pandagdag ko iyon habang nagpapagaling ako. Kung makakaligtas po ako sa operasyon ko." malungkot niyang saad at mas lalo ninyang naramdaman ang init ng yakap ni Madam Soraya sa kanya. "Babalikan ko po kayo." Matapos ang tagpong iyon ay mabilis na pumara si Tamar ng taxi. Kailangan talaga niyang makauwi na ng bahay ng boss niya. Dahil sa pakikipag-usap niya kay Marione at Madam Soraya, ay hindi niya napansin ang oras at magliliwanag na naman. Pagpasok niya ng bahay, ay tulog pa ang boss niya sa tingin niya. Kaya naman mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit. Medyo kumirot ang ulo niya, pero hindi na lang niya gaanong pinansin lalo na at hindi naman sobrang sakit. Tinawagan naman muna niya si Dra. Samaniego para monitor ng doktor sa kanya. Sinasabi lang naman niya dito ang mga nararamdaman niya araw-araw. Para maibilin sa kanya ang mga dapat at kailangang gawin. Paglabas niya ng kwarto niya ay siyang pagsulpot din ng boss niya sa may kusina. "Good morning boss," masigla pa niyang bati na nginitian nito. "Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah." tanong ni Tamar ng mapangiti ng sobrang gwapo si Alarik. Napatingin naman si Alarik sa katulong niya. Hindi niya malaman kung bakit kakaiba talaga ito ngayon. Napakablooming, higit sa lahat halos pagkausap niya ito si Simmon ang naiisip niya. Habang pag si Simmon naman ang kasama niya, si Tamar ang nakikita ng isipan niya. "Weird," ani ng isipan niya. Napatingin naman si Alarik ng itaas ni Tamar ang braso niya. "Boss napaano yan?" tanong ni Tamar sa isang guhit ng gasgas sa maputi niyang braso. Napangiti na lang siya sa tanong na iyon. Sumabit kasi ang kuko ni Simmon doon. Higit sa lahat ang boses ng dalaga na puno ng pag-aalala ang naaalala niya pagnakikita niya iyon. Sa halip na mairita, natutuwa pa siya ng sobra. "Wala lang yan, sumabit lang." sagot ni Alarik at nagpatiuna na patungong kusina. "Boss kape?" "Black." sagot ni Alarik ng simulang magtimpla ni Tamar ng kape. "Sabayan mo na kaya ako?" "Eh? Talaga. Tamang-tama tinatamad pa akong kumilos," mahinang sambit ni Tamar na nagpatawa kay Alarik. Matapos magtimpla ng kape ay naupo na rin si Tamar. Naglabas din siya ng cookies at cake na dala ng boss niya kahapon. Dahil medyo natutuyo na ang buhok ni Tamar ay ipinusod niya ang sariling buhok. Bagay na nagpakunot ng noo ni Alarik, ng mapansin ang mapulang bagay doon. "Ano yan?" takang tanong ni Alarik, dahil alam niya kung ano ang bagay na iyon. "Boss!" gulat na sambit ni Tamar. "Wala yan boss. Baka naman nakagat lang ng insekto," pagtatakip niya ng ibinaba niya ang ilang hibla ng buhok niya para matakpan ang parteng may pula. Nakatitig lang si Alarik kay Tamar habang nagkakape hindi na lang siya muling nagsalita. Pero hindi talaga niya maalis sa isipan ang posibilidad na tama siya ng hinala. "Pero papaano?" tanong niya sa isipan. "Tumatakas ba siya pag-umaalis ako ng bahay? O pag nasa kwarto ko na ako?" dagdag pa niyang tanong na mas lalong nagpapagulo sa kanyang isipin. Pinanood na lang niya si Tamar habang nagsisimulang magluto ng breakfast nila. Hindi talaga mawala sa isipan niya ang love bite na nasa leeg nito. Hindi man niya nakikita si Simmon sa madilim na kwartong iyon pero alam niya kung saang parte niya inilagay ang markang iyon. Katulad din ng marka sa braso nito na noon tapos ay nakita din niya sa braso si Tamar. "Hindi kaya?" Masyadong malayo na ang nilalakbay ng kanyang isipan ng maisip naman ang dahilan ni Simmon. "Kailangan nito ng pera, para sa personal na buhay. Habang si Tamar naman ay mukhang kontento naman sa buhay na meron ito habang namamasukan sa akin. Siguro talaga lang sobra ko lang pinuproblema ang bagay na hindi naman dapat problemahin." Napatango na lang si Alarik para kombinsihin ang sarili na magkaibang tao si Tamar at Simmon. Habang nagluluto si Tamar ay bigla na naman niyang naramdaman ang pananakit ng ulo. Bagay na hindi niya inaakalang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. Higit sa lahat ay nandoon pa ang boss niya sa kusina at pinapanood ang bawat kilos niya. "Tamar okay ka lang?" tanong nito na ikinatango niya. Bigla na lang nakaramdam ng pagsuka si Tamar, habang ang ulo niya ay tumitindi ang sakit. Nabitawan ni Tamar ang sandok kaya naman biglang napatayo si Alarik at pinatay ang apoy ng kalan. "Tamar!" may diing wika nito sa pangalan niya ng hindi na niya mapigilan ang pagsusuka. Mabilis siyang humarap sa sink at doon sumuka kahit wala naman siyang maisuka. Nahihilo na rin siya at mas lalong sumasakit ang ulo. "Tamar." dinig niyang tawag ng boss niya sa pangalan niya. "Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni Alarik habang nakaalalay sa kanya. "S-sorry b-boss. P-pwede b-bang pa-pakuha ng ba-bag ko sa i-ibabaw ng k-kama? Pa-pakikuha na rin po ng g-amot ko na-nasa loob noon." nauutal na sambit ni Tamar ng wala namang pag-aatubili na puntahan ni Alarik ang bag na sinasabi nito. Nakita niya ang bag na nasa ibabaw ng kama at kinuha ang gamot na nandoon. Mabilis niyang binalikan si Tamar, na ngayon ay nakaupo na sa may silya sa tabi ng lamesa. Nakasubsob ang ulo nito doon habang hawak ang cellphone nito. "Bi-bigla pong s-sumakit ang ulo ko." dinig ni Alarik na wika ni Tamar sa kausap. "Tamar!" Naputol naman ang pakikipag-usap ng dalaga sa cellphone ng marinig ang boses ng boss niya. Iniabot naman kaagad ni Alarik ang gamot ni Tamar at binigyan niya ito ng tubig. Mabilis naman iyong ininom ng dalaga na halos mawalan ng lakas. "Tamar! Anong nangyayari sayo? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong pa ni Alarik, ng halos bumigay ang katawan ni Tamar sa pagkakayakap niya. "Tamar!" sigaw niya sa pangalan nito ng bigla na lang itong mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD