"Ang gwapo mo talaga boss. Kaya naman crush na crush kita. Kung alam mo lang." malambing na wika ni Tamar ng maimulat niya ang mata. Nadaanan kasi ng kanyang paningin ang boss niya na nakatingin sa kanya habang nakatayo malapit sa kanyang kama.
Umayos pa siya ng pagkakahiga at ipinikit muli ang mga mata. Masarap ang tulog niya. Nararamdaman niya ang lamig sa mg oras na iyon. Maginhawa din ang kanyang pakiramdam. Hindi na rin ganoong kasakit ang katawan niya. Kahit ang gitnang bahagi ng mga hita niya.
"Tamar," dinig pang tawag ng boss niya sa pangalan niya kaya naman napangiti pa siya ng maayos.
"Napakalambing pa ng boses mo. Alam mo boss kung wala lang akong sakit, inakit na kita." napahagikhik pa siya sa kanyang sinabi. "Kaso sa pangarap ko lang iyon. Masaya na akong, mapagmasdan lang kita, at makitira dito sa bahay mo." mahina pa niyang saad habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
"Tamar." ulit muli ng boses na mas lalong nahahalina si Tamar na marinig.
"Lalo akong nahihimbing. Bakit ko ba naririnig ang boses mo kahit sa panaginip?" nakangiting wika ni Tamar ng maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Alarik sa braso niya.
"Boss, wag kang ganyan. Kahit sa panaginip nararamdaman din kita." aniya at bumaling pa siya pakaliwa. Naramdaman na lang ni Tamar ang mainit na labi ng boss niya na humahalik sa kanya.
Masarap itong humalik at damang-dama niya. Napangiti pa siya sa harap mg kanyang boss ng bitawan nito ang kanyang labi.
Hinaplos pa niya ang pisngi ni Alarik. "Ang gwapo mo boss, kung panaginip man ito. Sana hindi na ako magising." nakangiti pa niyang wika ng marinig siya ng isang tikhim. Tikhim na nagpamulat sa kanya.
Halos manlaki naman ang kanyang mata ng magising siya na hawak ang mukha ni Alarik at halos gahibla na lang pagitan ng mga labi nila.
Napalunok pa siya ng laway at parang natutukso siyang halikan iyon. Pero nanaig ang tama sa kanya kaya nailayo niya sa ang sarili dito.
"Boss anong ginagawa mo dyan?" gulat na tanong ni Tamar ng biglang tumayo si Alarik.
"Sinasalat ko lang naman ang noo mo kung mataas pa ang lagnat mo. So far hindi ka na naman kasing init kanina. Gigising sana kita kasi nananaginip ka pa yata." paliwanag ni Alarik kaya naman bigla na lang siyang napaupo.
Napahawak tuloy siya sa sariling ulo dahil nabigla siya.
"Okay ka lang?" may pag-aalala sa tanong na iyon ni Alarik.
"Nabigla lang ako ng bangon boss. Pero kanina ka pa ba dito? Ano bang mga pinagsasasabi ko? Sorry po at nananaginip lang po talaga." hingi niyang paumahin na agad niyang ikinayuko.
"Wala ka namang masamang sinabi, pero never mind. May tanong lang ako. Ano iyong sinasabi mo na may sakit ka?"
Pinanlakihan naman ng mata si Tamar. Hindi niya akalaing isinasaboses pala niya ang bagay na iyon.
"Boss may lagnat po ako di ba? Kaya po may sakit ako." palusot niya na sa tingin naman ni Tamar ay bumenta sa boss niya.
"Sabagay kaya magpagaling ka na. Wag ka na lang munang magluto. Aalis ako ng bahay. Ikaw na muna ang bahala dito. Magpadeliver ka na lang ng pagkain. Ito ang card ko." sabay abot kay Tamar ng isang debit card nito. "Marunong ka naman sa ganoon di ba? Madali lang pati iyon. Para makakain ka at hindi na magluto."
Napatingin naman si Tamar sa boss niya doon lang niya napansin na bihis ito.
"Anong oras ka uuwi boss?"
"Depende. Baka mamayang gabi na. Kaya wag ka ng mag-abala sa hapunan. Wag kang magpupuyat at matulog ka ng maagap ha. Uminom ka ng gamot at magpagaling ka. Pero kung hindi mo pa kaya. Hindi na lang muna ako aalis."
"Naku boss wag kang mag-alala. Salamat dito," sabay taas ng debit card. "Kaya ko na ito. Magaan na rin po ang pakiramdam ko." sagot ni Tamar ng hawakan ni Alarik ang ulo niya at ginulo ang buhok.
"Aalis na ako. Mag-ingat ka dito sa bahay ha." anito at nagpaalam na sa kanya.
Hagya ng manakahinga ng maluwag si Tamar ng makalabas ng kwarto niya ang boss niy. Habang iniisip ang mga sinabi niya, habang natutulog.
"Akala ko naman, ay panaginip. Pero hindi nga ba? Hay ewan." naguguluhang wika ni Tamar bago nahigang muli.
"Umaga na pala, pero hindi ko man lang namalayan."
Pagkasakay ni Alarik ng kotse ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi niya talaga maintindihan ang nangyayari sa kanya. Dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Tamar. Panaginip man iyon o hindi, pero nararamdaman niyang genuine lahat ng binitawang salita ng dalaga para sa kanya.
Bigla namang tinapakan ni Alarik ang break ng biglang magstop sign ang traffic light. Lutang ang isipan niya kay Tamar kaya hindi niya iyon kaagad napansin. Mabuti na lang at wala pang tumatawid.
Napahawak siya sa labi niyang hinalikan bigla ni Tamar. "Bakit, parang magkapareho silang humalik?" si Simmon ang tinutukoy niyang isa.
Dahil ginugulo ni Simmon at Tamar ang isipan niya, ay halos sa loob ng maghapon. Road trip lang ang kanyang ginawa. Nakarating siya sa tabing dagat hanggang sa paanan ng bundok.
Maggagabi na ng makabalik siya, pero sa halip na sa bahay siya tumuloy. Sa club siya nagtungo gusto niyang makausap si Simmon at makahingi ng despensa sa hindi niya pagpapakita dito sa nagdaang gabi.
Masyado pang maagap kaya naman umorder na lang muna siya ng alak habang naghihintay na lumalim ang gabi.
Halos madapa naman si Tamar papasok sa loob ng club. Matapos niyang kumain ng hapunan sa halip na mag-ayos ng sarili para pumasok sa club ay nakatulog pala siya.
Dumaan lang siya saglit sa dressing room bago nagtungo kay Bruno para ipaalam din na pumasok na siya. Wala si Bruno at kahit si Kristan sa pwesto nito hanggang na matanawan niya ang dalawa sa bukas na kwarto ng dressing room.
"Kuya Bruno, anong ginagawa ninyo dyan?" takang tanong ni Simmon ng ipakita ni Bruno ang isang putol na wire na nasa dulo ng isang maliit na parang botones.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Iyong isang customer ni Marione, nagwala. Inaalok si Marione ng limang libo, ilalabas daw. Kaya lang nagpapalabas ba ang isang iyon, hindi naman. Ayon at nagwala pati itong voice enhancer, para hindi kayo magkakilanlan ng boses kung magkakilala man kayo ng customer mo sa labas ay nadamay. Pinapapalitan pa ni madam. Mababakante tuloy iyan ngayon gabi." paliwanag ni Bruno na ikinatango niya.
"Bakit ka nga pala nandito? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Kristan.
"Oo kuya, maayos na ako. Pakitawag na lang po ako sa dressing room pag dumating ang customer ko." aniya bago nagpaalam sa mga ito.
Ilang minuto lang ang lumipas at tinawag na siya ng manager niya. Nandoon na daw ang customer niya.
Pagpasok pa lang ni Simmon sa loob ng kwarto ay nakaramdam siya ng panlalamig. Bigla tuloy niyang pinagsisihan ang pumasok kaagad. Akala niya ay okay na siya pero ayon at parang lalagnatin na naman siya.
"Rik?" tawag ni Simmon sa pangalan ng lalaki dahil hindi naman ito nagsasalita. Hindi tuloy niya alam kung may tao ba sa madilim na parte ng kwartong iyon.
"Yes." anito na nagpangiti sa kanya. Akala kasi talaga ni Tamar ay hindi na muli magpapakita si Rik, lalo na at hindi ito nagtungo ng club para hanapin siya sa nagdaang gabi.
Sinimulang alisin ni Simmon ang lahat ng saplot sa kanyang katawan, habang iginigiling ang balakang. Sumasabay lang ang katawan niya sa malamyos na musika.
Napalunok naman si Rik sa magandang tanawin na kanyang nakikita. Kakaiba ang hatak ni Simmon sa kaya. Kaya hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga.
Lalo namang nag-init ang katawan ni Simmon ng hawakan niya ang sariling dibdib para paglaruan.
Kitang-kita iyon ni Rik, kaya nakaramdam siya ng pagkasabik sa dalaga.
Hindi malaman ni Tamar kung tama ba ang ginagawa pero ginawa na lang niya ang sa tingin niya ay dapat para mabigyan ng satisfaction si Rik sa ibinayad nito sa club at sa ibabayad nito sa kanya.
Naririnig ni Simmon ang mabigat na paghinga ni Rik, kaya mas pinagbutihan niya ang pagsasayaw ng ibaba niya ang kamay patungo sa kanyang gitna. Pero hindi iyon natuloy ng tawagin siya ni Rik. Kaya naman nahinto ang kanyang palad sa bandang puson. Dahil tinawag siya ni Rik ay dahan-dahan siyang lumapit dito.
"Bakit? Ayaw mo bang makita ako sa ganoong sitwasyon?" tanong ni Simmon ng hilahin siya ni Rik sa madilim na parte.
Naramdaman ni Simmon ng alisin ni Rik ang kanyang maskara. "Wag kang kumontra hindi kita nakikita maliban na lang kung papayag kang bukas ang ilaw?"
Alam ni Simmon na nakangisi si Rik, naaamoy din niya ang alak dito. Pero hindi niya pagbibigyan ang kagustuhan nito. Inihagis ni Rik ang maskara niya sa maliwanag na parte. Si Simmon naman ay kanyang binuhat patungong kama.
"Hindi pwede. Kahit walang maskara basta dito sa madilim. Pero bakit hindi mo ako pinatapos na sayawan ka? Trabaho ko naman 'yon?"
"I don't want to see a woman pleasuring her self in front of me. But I want to pleasure a woman in front of me." ani Rik ng simulang hinalikan si Simmon sa labi.
Marahan lang iyon at puno ng pag-iingat. Hanggang sa naging mapusok at mapaghanap.
Walang ng suot na damit si Simmon kaya ramdam na ramdam ni Rik ang mainit nitong katawan na halos nag-aapoy. Mabilis niyang hinubad ang sariling saplot para lang masabayan ang pag-iinit ng katawan ng dalagang nasa ilalim niya.
Napuno ng masarap at mapaghanap na daing ang buong kwartong iyon. Bagay na mas lalong nagpainit sa kanilang dalawa.
Hindi tuloy nila pareho malaman kung ano ang dahilan bakit parang sabik na sabik sila pareho sa isa't-isa.
Pakiramdam tuloy ni Simmon ang init na gawa ng lagnat niya ay nawala na. Ang init ngayon na kanyang nadarama ay init na gawa ng pagkasabik niya kay Rik na ngayon ay patuloy pa rin sa pag-ulos sa ibabaw niya.