Chapter 20

1938 Words
"Hold on Tamar! Hold on!" nag-aalalang wika ni Alarik habang mabilis na nagmamaneho ng kotse niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalaga. Natakot siya sa kalagayan nitong may iniindang sakit at nagsuka hanggang sa mawalan ng malay. "Pick up the phone a*shole!" sigaw ni Alarik habang tumatawag sa group chat nilang magkakaibigan. Ilang sandali pa at nagsunod-sunod din ang pagsagot sa tawag. "Anong proble. . . ," si Arnold. "Atin. . . ," si Harry. "Yow bro. . . ," si Lindon. Sabay-sabay na wika ng tatlo ng sigawan ang mga ito ni Alarik. "Follow me at the biggest hospital, near at my place. ASAP!" "Why?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo. "Don't asked questions. Just follow me!" may diing wika ni Alarik na kahit sa cellphone lang sila magkausap ay napakunot noo ang tatlo. "Yes boss!/ Copy!/ Right away!" sabay-sabay na wika ng tatlo, na agad ding pinatay ang tawag. "Tamar." bangit pa niya sa pangalang ng dalaga, ng mapansin ang biglang pagdami ng pasa nito sa braso, isama pa ang pamumutla ng labi. "Sh*t!" malakas niyang sigaw at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Papasok pa lang ng ospital si Dra. Samaniego ng marinig niya ang malakas na busina ng kotse na paparating. Napakunot noo pa siya, sa kaalamang makakaabala sa ibang pasyente ang ginagawa ng kung sino mang nagmamaneho sa kotseng iyon. Inis niyang hinintay ang driver ng kotse na tumigil sa harap ng emergency room. Nakataas pa ang kanyang kilay at handa na sanang sermonan ang driver nito ng mabilis itong lumipat sa passenger seat para kunin ang babaeng walang malay na nakadeposito doon. Ang inis na kanyang nadarama sa lalaking driver ng kotse ay napalitan ng pag-aalala sa dalagang bigla niyang namukhaan. "Where's the doktor!?" may diing tanong ni Alarik sa gwardiyang nandoon na nilapitan din kaagad ng isang nurse. "Tamar! Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Dra. Samaniego na ikinakunot noo ni Alarik. "Do you know her?" "Yes! She's my patient and I'm her doktor. So anong nangyari sa kanya? Sinabi niya kaninang sumakit ang ulo niya. After noon ay naputol ang tawag at hindi na naman niya sinasagot ang tawag ko. Oh my gosh!" ani pa ng doktor. "Anong sakit niya?" "Mamaya ko na sasagutin. Kailangan ko na muna siyang suriin." sagot ng doktor, habang pinagtutulungan ng nurse at ni Alarik na maihiga ng maayos si Tamar sa kama sa emergency room. "Dyan ka na lang muna mister, ako na ang bahala kay Tamar." Napasapo naman ng ulo si Alarik. Hindi niya alam na may sakit si Tamar. Wala siyang alam sa mga nangyayari dito. Lalo na at napakamasayahin naman ng dalaga. Higit sa lahat hindi niya ito kinakikitaan na may iniindang sakit. Maliban na lang noon ng makita niya itong may pasa sa binti na ang sabi nito ay nasanggi lang sa kung saan. Nakaupo lang si Alarik sa may bench sa labas ng emergency room. Nakayuko siya at nakasapo ang palad sa noo ng dumating ang tatlo niyang kaibigan. "Anong nangyari?" tanong ng tatlo na nagpaangat sa ulo ni Alarik. "Hindi ko alam. Bigla na lang nawalan ng malay si Tamar. Higit sa lahat, natakot ako na bago nangyari iyon ay mayroon siyang iniindang sakit bago pa siya nawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya isinugod ko na dito sa ospital. Kaya tinawagan ko na rin kayong tatlo." Wala namang nasabi pa ang tatlo. Nakilala nila si Tamar noong isang beses silang payagan ni Alarik na tumuntong sa bahay nito, sa kabila ng pagbabawal nito. Naupo na lang sila sa tabi ni Alarik at naghintay sa doktor na lalabas sa emergency room. Halos nasa kalahating oras din sila doon ng lumabas si Dra. Samaniego at hinarap si Alarik. "Anong nangyari sa kanya dok?" "By the way kaano-ano ka ni Tamar? Nasabi kasi niyang wala na siyang pamilya and namamasukan lang siya bilang katulong." tanong ng doktor. "Ako ang boss niya. I'm Alarik Dates Duglas." pakilala niya. "Okay Mr. Duglas," ng mapatingin ito sa mga kaibigan niya. "Mga kaibigan ko sila at kilala nila si Tamar. Kung ano man ang sasabihin niyo kung confidential man yan ay makakasigurado kayong sa ating lima lang iyon at hindi makakalabas sa kung kanino man. "Okay. Tamar has brain tumor." Nabigla naman sila sa bungad ng doktor. Napakuyom na lang si Alarik ng kamao. Hindi niya alam ang takot na kanyang nadarama kanina para sa dalaga. Dumagdag pa ngayon ang kaalamang dekikado ang sakit nito na pwedeng ikamatay ni Tamar. "Sinabi ko sa kanya na need niyang magpaopera sa lalo at madaling panahon. Pero hindi pa daw sapat ang perang mayroon siya. Sinabi ko sa kanya na kailangan niyang magmadali. Mas mahirap kung hindi maaagapan." Hindi naman nagawang makapagsalita ni Alarik. Pakiramdam niya ay sumasakit ang ulo niya sa mga nalaman. "Dok ililipat po muna namin si Ms. Rodriguez sa private room." untag ng isang nurse. Doon lang biglang natauhan si Alarik ng ilabas ng emergency room si Tamar na namumutla, na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "Dok, can you do the operation?" tanong ni Alarik kaya muling napabaling sa kanya ang doktor. "Hindi ako, pero nakausap ko na ang kaibigan kong doktor na siyang bihasa sa pag-oopera sa mga kaso ng katulad ng kay Tamar. Wag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat." ani ng doktor. Sumunod naman sila sa kwartong pinagdalhan kay Tamar. Maliit lang iyon at kasya lang ang isang bantay. "Dok, pwede bang ilipat natin siya sa mas malaking kwarto. Don't worry sa pambayad ako na ang bahala." "Okay Mr. Duglas. Pakitanong na lang sa may information kung may available na kwarto na mas malaki dito." Tiningnan naman ni Alarik ang tatlo na nakatingin din sa kanya. "Sabi nga namin. Pupunta kami sa baba at magtatanong. Di ba? Arnold? Harry?" ani Lindon na agad ding sinang-ayunan ng dalawa. Tapos ay lumabas na rin ang tatlo. Nag-usap sila ng doktor tungkol kay Tamar habang hinihintay nila ang tatlo kung may nakuhang kwarto na mas malaki doon, para kay Tamar. Ilang sandali pa at dumating na ang tatlo at ang isang nurse. Matapos ibigay ng nurse ang room number ay inilipat na rin doon si Tamar. Sila na lang dalawa ni Tamar ang nasa kwartong iyon. Wala pa rin itong malay. Nagpaalam din muna ang tatlo na babalik na lang mamayang gabi. "Bakit hindi ka nagsabi sa akin ng kalagayan mo? Akala ko ba crush mo ako? Pero bakit hinayaan mo pang pagdaanan mo ang lahat ng ito ng mag-isa?" tanong ni Alarik habang hinahaplos ang magandang mukha ni Tamar. Wala naman siyang maiipintas sa dalaga. Kung sa ganda at ganda din lang naman ang pag-uusapan, isa si Tamar sa pinaka magandang babae na nakilala niya. Tulad pa rin ng unang beses niya itong nakita. Hindi ito kahahalataan ng kahirapan. Higit sa lahat mukha talaga itong hindi taga probinsya. Napakaputi ng balat nito, kaya naman kung may mangyayari sa balat nito ay mabilis na mahahalata. Habang nakatitig si Alarik kay Tamar ay hindi na rin niya namalayan na nakatulog siya sa tabi nito. Habang nakasubsob ang mukha sa kama. Dahan-dahang iminulat ni Tamar ang mata ng magising siya. Wala siyang maalala kung nakatulog ba siya o nawalan ng malay. Napatingin siya sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar na iyon. Medyo sumasakit pa rin ang ulo niya, kaya ipinikit niyang muli ang mga mata. Ilang sandali pa ay bigla niyang naalala na nasa kusina siya ng bahay ng boss niya at ito pa ang inutusan niyang kumuha ng gamot niya. "Boss!" gulat niyang sambit ng imulat niyang muli ang mata. Ngayon parang naiintindihan niya kung nasaan siya. Nasa loob ng isang kwarto sa ospital. Malaki iyon at siguradong mahal ang bayad. "Hindi maaari." aniya ng bigla siyang babangon ng mapansin ang lalaking natutulog at nakasubsob ang mukha sa kama, habang hawak ang kamay niya. Kaya hindi niya iyon magawang ikilos. "B-boss? Sir Alarik?" aniya ng magtunghay ito sa kanya. Napaupo naman ng ayos si Alarik ng mapansin na mukhang babangon si Tamar. Hinawakan niya ang balikat ng dalaga at muling iginaya paghiga. "B-boss! Anong ginagawa ko dito? Pwede po bang lumabas na ako. Sure akong malaki ang kailangan kong bayaran dito. Please sir, kailangan ko ng makalabas." Halos naluluhang wika ni Tamar. Hinawakan naman niya ang palad ng dalaga, para iparamdam dito na ayos lang ang lahat. Sa puntong iyon ay bumangon si Tamar at isinandal ang likod sa headboard ng kama. "S-sir." "Wag ka ng umiyak. Baka makasama sayo. Alam ko na ang lahat." malambing nitong sagot na lalong nagpaiyak kay Tamar. "Sir, paaalisin mo na ba ako sa bahay mo? Sorry po sa pagtatago ko sayo ng sakit ko. Natatakot kasi akong paalisin mo sa bahay mo. Wala na ako lalong matutuluyan. Wala din akong kilala dito sa Maynila na pwede kong puntahan." pag-amin niya. "Bakit kita paaalisin kung kailan kailangan mo ng tulong? Sabi mo crush mo ako, pero bakit hindi ka humingi ng tulong sa akin?" "Baka po kasi hindi po kayo kaagad maniwala. Sa totoo po nagtutungo po ako dito, paglumalabas po ako at nagtutungo ng palengke. Lahat po ng gamot na nakita po ninyo sa akin. Reseta po iyon ng doktor ko." nakayuko niyang wika. Ayaw niyang salubungin ang tingin ng boss niya. Sobra talaga siyang nahihiya dito. "Sabi sa akin ni dok, nag-iipon ka ng pambayad? Paano ka makakaipon kung pati ang pambili ng gamot mo, check ups lahat-lahat ay sa sweldo mo lang sa akin kinukuha. Paano ka makakapagpagamot ng iyon lang ang pagkukunan mo!" hindi naman mapigilan ni Alarik ang emosyon na kanyang nadarama. Nandoon ang takot na baka mawala sa kanya ang dalaga. Agad namang natigilan si Alarik sa naisip niya. "Para saan ang takot na iyon? Pero mula talaga ng dumating sa buhay ko si Tamar, siya ang nagbigay buhay, ingay at liwanag sa buhay at bahay ko." aniya sa isipan habang hinihintay ang sasabihin ni Tamar. Nag-iwas naman ng tingin si Tamar. Ayaw niyang aminin na ibinenta niya ang sarili sa isang lalaki sa club, kapalit ng isang milyon. Natahimik na lang siya at yumuko. Napabuntong hininga na lang si Alarik ng hindi magsalita si Tamar. "Magpahinga ka muna dito. Ako ng bahala. Uuwi ako sa bahay para ikuha ka ng gamit mo. Ako ang babayad ng kwartong ito, kaya wag kang mag-alala. Magdadala din ako ng mga pagkain mo. Alam kong nagugutom ka na rin ganoon din ako. Please lang Tamar wag matigas ang ulo. Hmm. Makinig ka sa akin. Wag kang aalis dito. Pag-umalis ka palalayasin kita sa bahay ko. Maliwanag? banta ni Alarik sa kanya. Napatingin naman si Tamar sa boss niya na mukhang seryoso sa sinasabi nito. "Yes boss. Salamat po ulit. Pwede po bang magdala ka ng sitsirya mo? Gusto ko nun. Kumakain naman ako ng healthy foods. Minsan lang naman." Natawa naman si Alarik sa bilin niya. Alam niya ang sinasabi nitong sitsirya. Wheat chips iyon na cheese flavor. Goods para sa mga nagdidiet at the same time healthy chips talaga. "Don't worry, ibibili kita ng madami noon." "Talaga? Mahal iyon di ba? Titikim lang ako, need ko ng pera ngayon eh." "Ako ng bahala. Maya darating na si doktora, dala ang pagkaing na pwede sayo. Kaya naman kumain ka ha. Baka hapon or gabi na ako makabalik. Basta babalik ako. Hintayin mo ako. Hmmm. Sa ngayon magpahinga ka muna." bilin ni Alarik na ikinatango ni Tamar. Hindi naman malaman ni Alarik kung ano ang nangyari sa kanya. Basta na lang niya inalalayan si Tamar para makahiga ito ng ayos at kinumutan. Nagkagulatan na lang sila ng hindi nila maalis ang tingin sa isa't-isa habang magkahugpong ang labi nilang dalawa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD