Chapter 11

1738 Words
Pagkalabas ni Tamar sa guestroom kung saan niya dinala ang boss niya ay binalikan naman niya ang kusina. May isang bote ng alak doon at madaming lata ng beer kaya naman nalasing talaga si Alarik ng sobra. "Ano kaya ang problema ng isang iyon. Pati ako na tahimik sana ang puso, aba ay nabulabog. Sinong hindi! Crush ko nga siya. Tapos may paganun? Hay naku." Aniya at isa-isang dinampot ang mga kalat. Matapos ayusin ang kusina ay saka lang siya nagtungo sa kwarto niya. Kahit pagod din siya sa trabaho niya sa club. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang boss niya. Matapos makapaglinis ng katawan, ay naramdaman na naman niya ang pananakit ng ulo. Mild lang iyon, pero hindi pwedeng baliwalain. Mabilis niyang kinuha ang gamot niya sa lalagyan nito. Palagi naman siyang may bottled water sa kwarto niya kaya naman hindi na niya kailangang lumabas. Halos ilang minuto din niyang tiniis ang pagsakit ng kanyang ulo, hanggang sa humupa din iyon. "Salamat po Panginoon." Pasasalamat niya ng tuluyan ng maalis ang sakit. Inayos na rin niya ang pagkakahiga. Kailangan niyang makapagpahinga kahit saglit. Bago pa sumikat ang araw. Hindi siya pwedeng matalo ng sakit niya. "Ako at ang sakit ko. Magagapi din kita." Aniya hanghang sa tuluyan na siyang makatulog. Napasapo si Alarik ang ulo ng hindi niya mapigilan ang pananakit noon. Umiikot din ang paningin niya dala ng hang-over. Hindi kasi niya mapigilan ang uminom sa nagdaang gabi. Nagkasagutan sila ng daddy niya, ng kumustahin siya nito kagabi. Matapos niyang kumain ay nagtungo na siya sa kwarto niya. Tinapos pa muna niyang basahin ang ilang trabaho na iniuwi niya. Matutulog na sana siya ng biglang tawagan siya ng daddy niya. Nainis pa siya sa ipinipilit nito. Kaya naman sa sama ng loob ay bumaba siya ng kusina at sinimulang uminom. "Bakit naman nagpupumilit sila sa gusto nila? Ay alam ba nila ang gusto ko? Anak lang talaga nila ako. Pero may sarili na naman akong desisyon at pag-iisip." Reklamo pa niya habang tinutungga ang bote ng alak. Hindi siya pala inom pero palagi siyang may alak sa bahay. Ang nais ng mga magulang niya, ay pakasalan niya ang kababata niyang si Caroline. Kaya naman labis-labis ang sama ng loob niya sa mga ito. Dumagdag pa ang mommy niyang gustong-gusto ang dalaga para sa kanya. Caroline is a model. Maganda sexy at mayaman. Kaibigan ng mga magulang niya ang magulang ng dalaga. Kaya naman ninais ng mga ito na ipagkasundo sila. Binaliwala lang niya noon ang bagay na iyon. Ano ba ang ibig sabihin ng ipagkasundo? Hindi niya iyon alam ng mga panahong iyon. Noon mga bata pa lang sila, ay nangako siya sa dalaga na pakakasalan niya ito. Iyon kasi ang bilin ng mommy at tita niya na mommy ni Caroline. Pero ano bang alam niya noon sa pag-ibig, at pagpapakasal? Akala kasi niya bibigyan siya ng chocolate cake pagpinakasalan niya si Caroline. Kaya pumayag siya noon. Ano ba ang naiintindihan ng pitong taong bata. Di ba ang kumain? Hawak ang noo ay pinilit na iminulat ni Alarik ang mga mata. Napaupo pa siya sa kama ng mapagtantong hindi niya kwarto ang kinalalagyan niya ngayon. Inilibot pa niya ang tingin, pero hindi maalala kung nasaan siya. "Nasaan ba ako?" Tanong niya na pilit inaalala ko nasaan siya. "Kaninong kwarto naman ito? Nasaang bahay ba ako?" Hindi kasi talaga pumasok sa isipan niya kung nasaan siya. Masama din sa pakiramdam na hindi mo malaman kung nasaan ka pagkagising mo. Doon lang niya naramdaman na may nakatingin sa kanya. Kaya naman mabilis niyang hinayon kung sino iyon. Nakita pa niya si Tamar na nakatingin sa kanya, habang sinusiri siya. "Nasaan ako?" Tanonv niya sa dalaga na nagpatawa dito. Bigla naman siyang napakunot ng noo, sa reaksyon nito. "Luh, nasa bahay mo pa rin boss. Hindi ka pa nakakalayo. Nasa guestroom ka lang." Nakangising sagot sa kanya ni Tamar ng magsink-in na sa isipan niya kung nasaan nga siya. "Anong ginagawa ko dito?" "Malamang boss natulog. Mukha ka namang hindi ka nar***d. Sa tingin mo?" Anito na siyang pagsimangot sa kanya. "Bakit ako nandito, at wala sa kwarto ko?" "Aba naman boss! Tingnan mo ha. Nasa taas ang kwarto mo. Gaano ka kabigat. Malamang dito lang kita aakayin. Pasalamat ka pa kaya at inakay kita papasok dito. Kay sa naman pinabayaan kita sa kusina na lasing. Isa pa alam mo bang bukas pa iyong ref ng madatnan kita. Halos yakapin mo pa iyong lalagyan ng gulay. Nakahiga ka na sa sahig eh. Mabuti na lang talaga naisipan kong lumabas. Nauhaw kasi ako." Pagsisinungaling pa niya. Ayaw naman niyang sabihin na kauuwi lang niya ng bahay noong mga oras na iyon. Matapos ang trabaho niya sa club. "So, anong gusto mong gawin ko sayo? Para naman makabawi ako. Parang luging-lugi ka eh. Hiya ko na lang sayo. Para wala akong utang na loob." Napaismid pa si Alarik habang nakatingin kay Tamar na nakatingin din sa kanya. "Isang kiss boss, ayos na." Ani Tamar ng mapatuptop siya ng bibig. Kitang-kita sa mata ng dalaga ang gulat kaya napailing na lang si Alarik. "Anong nangyari sayo? Wala ka pa namang sinasabi. May pagtakip ka pa ng bibig." Anito kaya napaayos ng tindig si Tamar. "Akala ko talaga nasabi ko." Aniya sa isipan at nagpahid ng pawis na tumulas sa kanyang noo. "Two thousand boss. Bonus mo na. Oi may gamot at lemon water ka na sa dining para sa hang-over mo. Dadalahin ko ba sayo? O sa hapag ka na kakain? Nakaluto na rin ako. Sopas lang para hindi gaanong makasama sa tiyan mo." Tumataas pa ang kilay ni Tamar habang nakalahad ang kamay. Tinapik naman ni Alarik ang kamay nito. "Mamaya ko ibibigay sayo. Simpleng budol ka rin noh." Naiiling na wika ni Alarik na nagpanguso kay Tamar. "Boss naman. Mayaman ka naman eh." "Biro lang. Mamaya ko ibibigay sayo. Dagdagan ko pa. Naglinis ka pa ng kalat ko kagabi eh. Happy?" "Abay oo naman sir. Easy money di ba?" Masayang wika ni Tamar at napangiti pa ang dalaga. Bigla naman bumilis ang pagpintig ng puso ni Alarik sa ngiting iyon. Hindi niya maipaliwag kung ano ang pakiramdam na iyon. Ang alam lang niya ay mas naging maganda sa paningin niya ang katulong niya sa bahay. "Ano sir? Saan ka na kakain? Dito o sa hapag?" Tanong nitong muli na nagpabalik kay Alarik. "Sa labas na lang. Salamat sa pagdadala sa akin dito. Maghihilamos lang ako at lalabas na rin." "Sus wala iyon. Trabaho ko ang maglingkod sayo boss. Bilisan mo ha. Baka lumamig na iyong pagkain. Kanina pa akong tapos magluto eh." Ani Tamar bago siya nagpaalam kay Alarik na lalabas na lang muna. Napailing na lang si Alarik ng makalabas si Tamar. Masakit pa rin ang ulo niya, pero may kakaiba kay Tamar na nagpagaan sa pakiramdam niya. Tumayo na rin siya para magtungo muna sa banyo at maghilamos. Pagdampi ng malamig na tubig sa kanyang pisngi ay biglang pumasok sa isipan niya ang mainit na halik ng babae sa panaginip niya. "Kung panaginip iyon, bakit parang totoo? Pakiramdam ko talaga, nadama ng labi ko ang halik na iyon." Napahawak pa siya sa labi at dinama iyon. Ngunit napaisip din bigla. "Kung totoo man iyon, kami lang naman ni Tamar ang nandito." Pagkausap pa niya sa sarili at napailing. Mabilis na lang siyang naghilamos ng marinig na naman niya ang tawag at pagkatok ni Tamar sa kanya sa banyo. Pinagmamadali na siya nito at lalamig na daw ang pagkain. Naging busy si Alarik ng mga sumunod na araw. Kahit panay ang tawag ng daddy niya ay hindi niya iyon sinasagot. Nasa opisina si Alarik ng dumating ang tatlong kaibigan. "Long time no see bro." Bati ni Arnold ng makapasok sa loob ng opisina niya. "Anong ginagawa ninyong tatlo dito?" "Binibisita ka." Sagot ni Lindon pagkaupo nito sa couch na nasa loob din ng opisina niya. "Sinong nagpapasok sa inyo dito?" "Si manong guard, then sekretarya mo." Nakangisi pang sagot ni Arnold. "Tara sa club. Tagal na nating hindi lumalabas." Ani Harry na mabilis niyang pinahindian. "Okay. Kung ayaw mo sa bahay mo na lang madami namang alak doon. Matagal na tayong hindi nag-iinuman eh." Suhestiyon ni Arnold na sinang-ayunan pa ng dalawa. "Hindi pwede!" Napatingin naman ang tatlo sa lakas ng boses ni Alarik sa pagtanggi. "May tinatago ka no?" Mapanuring saad ni Lindon. "Wala. Hindi pa talaga maayos sa bahay. Hindi na naman dumating ang taga linis ko." Palusot niya. "Ayos lang na hindi maayos bahay mo. Makikiinom lang naman kami." May pagtaas kilay pa si Lindon. "Hindi talaga pwede. Labas na lang tayo sa club." Wala ng nagawa si Alarik kundi sang-ayunan ang tatlo sa gusto ng mga ito. Kailangan din naman niya iyon para kahit papaano ay makalimutan ang magrelax. Para makalimutan ang nais na mangyari ng mga magulang niya. "Sa bahay mo na nga lang kaya." Sabay-sabay pa ang tatlo na wari mo ay sinusuri siya. "Sige linisin muna ninyo ang mga nagkalat kong plato may isang linggo na rin akong hindi nakakapaglinis. Hindi pa kasi nakapunta ang pinaglilinis ko." Pagsang-ayon na lang niya. "Club na lang tayo." Nakangiwing wika ni Lindon. "Oo nga." Segunda ni Arnold. "Sa bahay na." Pamimilit pa ni Alarik. "Club na lang." Sabay-sabay pang wika ng tatlo. "Kayo pala eh. Club na lang nga. Sumasama na nga ang tao eh." Naiiling pang saad ni Alarik. "Alright. Hintayin ka na lang namin hanggang sa matapos ka sa trabaho mo. Baka mamaya magbago pa isip mo." Ani Harry at tinawag pa ang sekretarya ni Alarik para magpadeliver muna ng meryenda. Dahil mag-aalas sais na ng gabi pa lang ay nagugutom na daw ang mga ito. Napailing na lang si Alarik sa lakas ng trip ng mga kaibigan. Pero masaya siyang kaibigan niya ang tatlo. Kahit makukulit ang mga ito, tunay naman ang mga itong kaibigan. Tamar: Wag ka ng magluto sa labas na ako kakain. Magluto ka na lang ng para sa iyo. Baka gabihin din ako. Mensahe niya kay Tamar at agad ding nakatanggap ng sagot. Tamar: Yes boss. Tulog po ako ng maagap ha. Wag kang manggangatok ha. Tulog po ako. Hehe. Thank you. Napangiti pa siya sa nabasa. Simpleng text lang ng dalaga na walang kahulugan. Pero napapasaya na siya. Napatingin pa siya sa tatlo na busy sa cellphone ng mga ito. Nakahinga pa siya ng maluwag ng mapagtantong walang nakapansin na masaya siya sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD