Chapter 17

1654 Words
Gabi na ng nakauwi ng bahay si Alarik. Nagstay muna siya sa kompanya niya kahit wala naman siyang ginagawa doon. Gusto lang niyang makapagmuni-muni at mapag-isa. Hindi kasi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya ngayon kay Tamar at sa babaeng nakaniig niya sa club. "Pakiramdam ko nagiging salawahan ako, kahit hindi naman talaga." wika pa niya bago tuluyang bumaba sa kotseng sinasakyan. Pero napakunot noo siya ng wala man lang ni isang bukas na ilaw sa bahay niya. Bitbit ang pabili ni Tamar na prutas ay nagtungo siya ng kusina at binuhay ang ilaw doon, pati sa living room. Nagtaka pa siyang wala doon si Tamar. Magtutungo sana muna siya sa kwarto niya ng madaanan niya si Tamar sa may living room habang natutulog sa may couch. Napangiti pa siya sa pag-aakalang napakasarap ng tulog nito. Pero agad ding nawala ang kanyang ngiti ng maramdaman ang mainit na katawan ni Tamar. "Tamar. . . wake up. Lipat ka sa kwarto mo." malambing na saad ni Alarik pero puro ungot lang ang sagot ni Tamar. Wala naman siyang nagawa kundi, buhatin ang dalaga para makahiga ito ng maayos sa kama nito Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ni Alarik ng maibaba niya sa kama si Tamar. "Kailan mo pa naramdaman iyang sakit mo? Bakit hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo kanina para naman hindi na ako umalis. O tinawagan mo sana ako." sermon ni Alarik dito, kahit alam niyang hindi sasagot si Tamar. Ilang sandali pa at lalabas na sana si Alarik ng kwarto ng dalaga ng magsalita ito. "Nanay. . . tatay. . .Dates. . . miss na miss ko na kayo." umiiyak na sambit ni Tamar. Alam ni Alarik na nananaginip ang dalaga, pero wala siyang balak gisingin ito, kung hindi naman dahil sa pagkabangungot ang dahilan. Nangiti pa siya ng maalala ang pangalan ng kapatid ni Tamar. "Dates?" aniya at pinagmasdang muli si Tamar. Naawa talaga siya sa dalaga ng sabihin nito ang dahilan kaya magtungo ito ng Maynila. Wala na itong pamilya at siya na lang ang namumuhay ng mag-iisa. Maganda ito at talagang masasabi niyang, napakaswerte ng lalaking magpapatibok ng puso nito. Napakunot noo naman si Alarik ng mapatakip ng mata si Tamar, gamit ang kamay. Pakiramdam niya ay nagigising na ito dahil bukas ang ilaw. Pamilyar sa kanya nag parteng ilong nito at ang mapulang labi, nagustung-gusto niyang halikan. Napaatras naman ai Alarik sa naiisip. "Si Simmon ang nahalikan mo hindi iyang may sakit mong katulong." pagkastigo pa ng isang bahagi ng kanyang isipan. Binaliwala na lang niya ang kanyang napapansin. Naisip na lang niya na ipagluto ang dalaga. Hindi man niya alam ang dahilan ng pagkakasakit nito, ngunit kailangan niya itong alagaan dahil nasa poder niya ito. Matapos makapagluto ay muli siyang bumalik sa kwarto ni Tamar. "Tamar kain ka na muna at uminom ng gamot." paggising pa niya sa dalaga. Umungot naman ito bilang sagot. Dahan-dahan namang napamulat si Tamar ng mapansing nasa kwarto na siya. Ang natatandaan niya ay nakatulog siya sa couch sa living room. "Pero bakit nandito na ako sa kwarto ko?" tanong pa niya sa sarili ng medyo nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Pagpaling niya sa isang direksyon ay napansin niya ang boss niyang nasa kwarto niy at nakatingin sa kanya. "B-boss." nauutal pa niyang sambit ng hindi niya mapigilan ang pananakit ng kanyang ulo. Sa sobrang sakit ay nakaramdam siya ng pagsusuka. Kahit nahihilo ay pinilit niyang makatao para makarating ng banyo para doon sumuka. Naramdaman na lang ni Tamar ang paghagod ng kamay sa kanyang likuran. Hindi na lang muna niya pinagtuunan ng pansin ang boss niya at mas inintindi ang sakit ng ulo niya. Halos para siyang lantang gulay matapos sumuka. Hindi niya kayang ikilos ang mga kamay at paa. "Tamar ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Alarik na pagtango lang ang nagawang sagot ni Tamar. Binuhat niya ang dalaga patungo sa kama nito. Gising naman si Tamar pero tulala ito. "Tamar?" tawag niyang muli sa pangalan nito ng tumingin ito sa kanya. Hindi ito nagsasalita, na medyo ikinabahala ni Alarik. Ngayon lang niya nakitang ganoon ang katulong niya na labis talaga niyang ipinag-aalala. "May masakit ba sayo?" tanong niyang muli sa dalaga, pero wala talaga itong response. Tatayo na sana si Alarik mula sa pagkakaupo sa harapan ng dalaga ng hawakan ng mainit nitong palad ang braso niya. "B-boss, s-sorry hindi kita naipaghanda ng h-hapunan mo." nauutal na wika ni Tamar na kababakasan ni Alarik ng pagluha. "Hindi ko akalaing sasama ng ganito ang pakiramdam ko. Pasensya na b-boss." anito na ikinatango ni Alarik. "Wag ako ang isipin mo. Ang isipin mo ay gumaling ka. Mataas ang lagnat mo. Tapos nagsuka ka pa. Ayos ka lang ba talaga? O dadalhin na kita sa ospital?" Nagulat naman si Tamar sa sinasabi ng boss niya. Hindi pwedeng mapunta siya sa ospital, makikita ang record niya doon at malalaman ng boss niya ang sakit niya. Natatakot siyang palayasin nito, kung sakaling malaman nito ang sakit niya. Mas lalo siyang magkakaroon ng problema kung mawawalan siya ng bahay na matutuluyan. "Boss ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko kasama pa ng nahihilo ako kaya ako nagsuka. Pasensya na." "Wag kang mag-alala, magpagaling ka. Isa pa. Kumain ka na. Hindi man kasing sarap ng luto mo. Pero ako ang nagluto niyan sa paraang alam ko. Para makainom ka na rin ng gamot." paliwanag ni Alarik ng ilapit nito sa kanya ang isang hawong ng mainit na sopas. Wala siyang panlasa ng mga oras na iyon, pero nagawa niyang kainin, higit sa lahat naubos pa niya ang sopas na luto nito. "Salamat boss. Pero ikaw kumain ka na ba?" "Ayos lang ako. Iyong sopas na lang din ang kakainin ko. Umimon ka na ng gamot." aniya at iniabot kay Tamar ang isang paracetamol. "Boss pwede po bang pakuha ng gamot ko sa drawer." Utos niya kay Alarik na agad namang sinunod ng boss niya. Napakunot noo naman si Alarik ng mapansing hindi lang iyon basta vitamins. Napakadami ng gamot ni Tamar na nasa drawer nito. "Lahat ito?" "Iyong nasa bote lang po." ani Tamar at inibot naman ni Alarik ang gamot. Matapos uminom ni Tamar ng gamot ay parang mas nakalma ang kanyang ulo. Nawala ang sobrang pananakit noon. Kahit papaano ay naging maayos ang kanyang pakiramdam. "Ako na ang maglilinis boss ng mga pinagkainan ko at mga pinaglutuan mo. Kumain ka na rin po." wika pa ni Tamar na ikinailing ni Alarik. "Magpahinga ka muna at maayos lang ang kusina hindi iyon tatakbo at makakapaghintay iyon ng linis. Magpahinga ka muna dito at magpagaling. Hmmm." malambing na wika ni Alarik kaya naman mas lalong nahuhulog ang loob ni Tamar sa boss niya. Tinulungan naman ni Alarik si Tamar, para makatulog ito ng maayos. Nang masigurado nitong maayos na ang pagkakahiga ni Tamar ay nagpaalam na siya dito para magtungo ng kusina. Pagkalabas ni Alarik sa kwarto niya ay mabilis nitong hinanap ang cellphone niya. Kailangan niyang magpaalam kay Madam Soraya na hindi siya makakapasok. Ilang ring lang naman ang nangyari at sinagot na nito ang tawag. Sinabi niya dito ang kalagayan niya kaya hindi siya makakapasok na naunawaan naman nito. Matapos ang tawag ay napakunot noo naman si Tamar. "Wala doon si Rik at hindi ako hinanap. Baka naman niloko lang niya ako sa isang milyong pangako niya." nanlulumong wika ni Tamar, na ikinabuntong hininga niya. "Kung hindi na siya babalik sa bar. Wala na akong magagawa. Naibigay ko na ang sarili ko sa kanya. Higit sa lahat isang daang libo din ang binitawan niya." halos nanlulumo niyang wika sa sarili. Hinayaan na lang niya ang nakawala niyang pag-asa. Sabi nga ganoon talaga ang buhay. Minsan nadodonselya ka na lang pero hindi naman umabot sa bayad na napag-usapan. "Ang tanga mo talaga Tamar. Paano ka magpapaopera pag hindi na siya bumalik sa club?" tanong pa niya hanggang sa makatulog na lang siyang muli. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Alarik ng makarating siya ng kusina. Hindi kasi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman ng magdait ang kanilang katawan ni Tamar ng binuhat niya ito. Alam niyang mainit ang dalaga dahil nilalagnat ito. Pero para saan ang kakaibang init na nararamdaman niya noong magdikit lang ang kanilang mga katawan. Naramdaman niya ang pag-iinit na iyon ng kasama niya at kaniig si Simmon. "Pero ano ang nangyayari sa akin ngayon? Nakikita ko rin ang sarili kong kasama si Tamar sa iisang kama, habang kami ay nag-iisa." Napahilamos pa si Alarik sa nangyayari sa kanya. Daig pa niyang napapaglaruan ng tadhana. Hinahanap-hanap niya ang init na ibinibigay ni Simmon, habang ngayon nakikita niya ang sarili na kaniig din si Tamar. "Hindi naman ako mapaglaro sa babae pero bakit parang nahuhumaling ako sa dalawang babae. Masama ito." sita pa niya sa sarili, ng maalala niya ang pagtungo sana niya ng club. "Okay lang kung masayang ang ibinayad ko sa araw na ito sa club. Mas mahalaga pa ring maalagaan ko ang katulong ko, kay sa naman magpakalunod ako sa init ng katawan. Maintindihan naman siguro ni Simmon kung bakit hindi ako makakarating sa araw na ito, para maibigay sa kanya ang bayad ko. Magpapaliwanag na lang ako sa susunod." Matapos ang kanyang pagmumuni-muni ay kumuha na siya ng sopas na niluto niya. Wala talaga iyong lasa kaya naman nakakapagtakang naubos ni Tamar ang binigay niyang pagkain dito. Hindi man masarap ang luto niya. Wala naman siyang choice kundi ang kainin ang niluto niya. Matapos kumain ay nakatanggap na naman siya ng tawag mula sa daddy niya. Alam na niya ang sasabihin nito. Ipipilit nito ang tungkol kay Caroline. Napailing na lang siya at pinatay ang cellphone niya. "Kung ang pakasalan si Caroline o mawalan ng mana at pakasalan si Simmon ang pamimilian. Mas gugustuhin ko pang wala na lang manahin at pakasalan na lang si Simmon." wala sa sariling kanyang nasambit ng maalala na naman ang dalagang pinangakuan niya ng bayad na isang milyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD