"Anong oras na!" Gulat na sambit ni Simmon ng maramdaman ang pamimigat at pananakit ng kanyang katawan.
"A-aray talaga." mahina niyang sambit habang pinipilit na maigalaw ang sarili.
Biglang niyang naimulat ang mga mata at napansin ang napakadilim na lugar. Kahit ang sarili niya ay hindi niya makita. Ilang sandali pa ang lumipas ng rumehistro sa isipan niya ang naganap sa kanila ni Rik sa nagdaang gabi.
"Rik." bigkas niya sa pangalan nito.
Hindi man niya nakikita ang mukha, alam niyang namumula iyon batay na rin sa pag-iinit nito na kanyang nararamdaman.
Napasinghap pa siya ng maramdaman ang mainit na kamay na nakapulupot sa baywang niya. Naramdaman pa niya ang paghapit nito sa kanya ng gumalaw siya.
Hindi niya malaman ang gagawin lalo na at hindi niya malaman kung anong oras na. Gabi man o umaga ay iisa lang ang makikita mo sa darkroom. Madilim sa parte kung nasaan sila. Pero ganoon pa rin ang ilaw kung saan siya sumasayaw.
"Lagot ako nito. Kailangan kong makauwi ng bahay bago malaman ni boss na wala ako sa bahay niya." bulong pa niya sa sarili ng mas lalong pagdikitin ni Rik ang hubad nilang mga katawan.
"Bakit?" narinig pa niya ang malambing nitong boses.
"Nagtanong ka pa talaga? Rik hindi ito hotel. Club ito. Kaya need ko ng umalis. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero kailangan ko na talagang umuwi." sagot niya kay Rik ng hindi napigilan ng binata ang sarili.
Hinalikan nito si Simmon, sa pagkakataong hindi ito makakatanggi. Naging traydor naman ang katawan ni Simmon at sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Rik. Hanggang sa nangyari ang dapat mangyari. Pinagbigyan nila ang kanilang sarili na angkinin muli ang isa't-isa.
"Rik aalis na ako." paalam ni Simmon habang parang nakahang naman sa isipan ni Rik ang nangyari sa kanila ng dalaga.
Tuwing magdidikit kasi ang kanilang mga katawan at parang gustong-gusto niyang angkinin ito. Kaya naman, ng makatapos sila sa isa na namang mainit na tagpo sa oras na iyon ay siya na ang lumayo sa dalaga. Baka hindi na niya ito pauwiin at dalahin na lang niya ito sa bahay niya.
"Thank you Simmon."
"Anong thank you? Hindi ako tumatanggap ng thank you. May bayad ang serbisyo ko." may pagkasarkastiko pang tinig ni Simmon na ikinatawa ni Rik.
"I mean thank you for giving yourself to me. Hindi ko nga alam kung bakit parang sobra naman ang pagkahumaling ko sa katawan mo. Kung pwede nga lang kitang itago na lang sa bulsa ko." pag-amin ni Rik sa dalaga. Wala namang masama na umamin, ang masama ay ang maglaro sa damdamin ng mga babae.
"Okay lang iyon. Pero bayaran mo ako. Bayad ang serbisyo ko sayo."
Natatawa naman si Rik pagiging sigurista ni Simmon. Sabagay, wala ng libre sa ngayon. Higit sa lahat, kakaiba si Simmon sa lahat ng babaeng nakilala niya, ng biglang sumagi sa isipan niya si Tamar.
"Hindi pwede, napakainosente ng isang iyon. Matalas lang ang dila minsan." pagkausap pa niya sa sarili hanggang sa iabot niya kay Simmon ang pera na nagkakahalaga ng isang daang libo.
"Ganito kalaki ang bayad mo para sa isang gabi? Mabilis kong mabubuo ang isang milyon ko?" natatawa pang wika ni Simmon.
"Hindi fifty thousand lang ang bayad ko sayo, fifty thousand para sa bunos mo. Nakausap ko na ang manager ninyo, at sa akin ka ng dalawang linggo. Maliwanag?"
Wala namang nagawa si Simmon sa sinabing iyon ni Rik. Bayad siya nito at trabaho niya iyon. "Mas mabuti nga iyong may tip. Para naman makaipon ako kagaad. Higit pa doon. Baka matagalan akong hindi makapagtrabaho. Kaya kailangan ko ng pera para mabuhay ko ang sarili ko. Higit sa lahat masuportahan ko ang mga gamot ko makatapos ang operasyon." aniya sa sarili saka bumuntong hininga.
"Okay salamat lalabas na ako." paalam niya pero hinawakan ni Rik ang palapulsuhan niya.
"Ikaw lang ba talaga dapat ang may tip?" tanong nito ng walang pag-aalinlangan si Simmon na hinalikan sa labi si Rik.
Bago pa sila muling madala ay si Simmon na ang bumitaw sa kanila.
"Tama na iyon. Sobra naman kung hihigit pa doon." wika ni Simmon na nagpangiti kay Rik. Hindi man nila nakikita ang isa't-isa, ramdam nilang panatag sila sa bawat isa.
Paglabas ni Simmon ng kwarto ay wala namang tao doon. Kahit si Bruno at Kristan ay wala rin. Mabilis niyang hinayon ang dressing room para makapagpalit ng damit.
Matapos maisuot ang kanyang hoodie jacket, jogging pants at facemask ay mabilis niyang nilisan ang lugar. Hindi na niya kinuha kay Madam Soraya ang kita niya para sa araw na iyon.
Masakit man ang katawan, partikular sa gitnang bahagi ng hita niya ay hindi niya halos pinansin ang sakit. Mas nanaig sa kanya ang takot na magising ang boss niya na wala siya sa bahay nito.
Halos takbuhin niya ang likuran ng bahay ng makababa siya ng taxi. Mag-aalas sais na ng umaga sa mga oras na iyon. Tahimik ang paligid kaya inaasahan niyang tulog pa ang boss niya.
Pagkapasok niya ng bahay ay siya namang pagbukas ng gate at siyang pagdating ng boss niya.
"Ngayon lang siya umuwi?" tanong pa ni Tamar ng mapagtantong kauuwi lang din niya. "Ay ikaw nga!" sagot niya sa sarili ng bigla siyang mapatalon papasok ng kwarto niya ng bumukas ang front door.
Hindi niya malaman ang gagawin kaya naman, mabilis niyang hinubad ang jacket at jogging pants na suot. Pati na rin ang kanyang bra.
Naghanap siya nag malaking damit at pajama na siyang ginagamit niya pagtulog. Inalis din niya ang pusod ng kanyang buhok at ginulo iyon. Napaawang naman ang kanyang labi ng mapansin ang nakakalat na lipstick doon. Nilalagyan kasi siya ni Marione, bago sila sumabak sa trabaho lalo na at maputla na naman ang labi niya.
"Ano ba yan. Paano ko aalisin ito? Kaya pala nakatingin si manong sa labi ko. May paganito ang Rik na iyon. Lamukusin ba ang labi ko." hanggang sa nagtungo siya ng banyo para maghilamos. Kalalabas lang niya doon ng makarinig siya ng pagkatok.
"Boss." aniya ng pagbuksan niya ito ng pintuan.
Sabay naman silang napakunot noo ng pareho nilang maamoy ang pamilyar na amoy, pero agad din nilang binaliwala.
"Coffee." tipid na sagot ni Alarik tapos ay tinalikuran si Tamar.
"Kagigising mo lang boss?" tanong niya dito kahit alam niyang kauuwi lang nito, base na rin sa suot pa nito ang damit nito ng nagdaang gabi.
"Kauuwi ko lang. Ikaw anong oras ka natulog?"
Napalunok naman si Tamar sa tanong na iyon ng boss niya. "Ako? Anong oras nakatulog? Hindi ko alam boss. Basta na lang ako nawalan ng malay habang, inaangkin eh." aniya sa kanyang isipan.
"Hindi ko alam boss, nakalimutan ko ngang alisin sa panonood ang cellphone ko. Ayon at low bat ngayon." sagot niya kay Alarik.
"Ganoon ba? Aalis ako mamaya may ipapabili ka?"
"Yes boss pain reliever, napakasakit talaga ng gitnang bahagi ng katawan ko. Alam mo ba boss ganito lang ako at tuwid na tuwid maglakad pero ang totoo, gusto ko na ulit mahiga." sagot niyang muli sa kanyang isipan, hanggang sa marating nila ang kusina.
"Ubas boss, mansanas at ponkan. Isa pa pala kamatis, ikaw na bahala if may gusto ka pang bilihin at ipaluto." nakangiting wika ni Tamar ng iabot kay Alarik ang kape nito.
Akala niya ay aalis na ito sa kusina, pero heto si Alarik at mukhang nais pa yata siyang panoodin sa paghahanda ng breakfast nito.
"Boss hindi ka ba papasok sa kwarto mo?" umiling lang si Alarik bilang sagot. Hindi na naman niya ito pinaalis, higit sa lahat bahay nito ang kinalalagyan nila, at may karapatan itong gawin ang naisin nito sa loob ng bahay nito.
Ipinagkibit balikat na lang ni Tamar ang pananahimik at panonood ng boss niya sa kanya. Kahit ang totoo ay nais na niya itong paalisin sa kusina. Dahil kahit sa sahig ng kusina gusto na niyang mahiga.
Nakatingin lang si Alarik sa katulong niya na pakanta-kanta pa habang nagluluto. Kitang-kita sa mga mata nito ang kainosentehan. Dangan nga lamang ay nagtataka siya na maamoy dito ang sariling pamango. Alam niyang hindi pumapasok si Tamar sa kwarto niya pagwala siya. Dahil siya lang ang may hawak ng susi noon. Kahit ang duplicate ay walang nakakaalam kung saan nakatago. Pero hindi siya pwedeng magkamali pamango niya iyong naamoy niya sa dalaga.
Sa lalim ng kanyang pag-iisip ay biglang napadako ang tingin niya sa isang braso ni Tamar. Napakunot noo pa siya dahil mukhang hickey iyon. "Hickey? Sa braso? Yes meron noon, bagay na inilagay niya kagabi sa braso ni Simmon, na hindi nalalaman ng dalaga. Pero bakit mayroon ding ganoon si Tamar?" tanong ni Alarik sa sarili.
Pero dahil hindi mapakali ay hinawakan niya ang kamay ng dalaga at inigaya palapit sa kanya.
"Ano ito?" tanong niya na hindi naman kakikitaan ng pagkagulat si Tamar.
"Hindi ko alam boss. Baka naman napaso? Hala ka baka may surot na sa kwarto ko. Yaan mo boss maglilinis ako ng kwarto pagkaalis mo. Baka makakalat pa iyon mahirap na." paliwanag nito kaya hindi na siya nagtanong.
Halos mapalunok naman si Tamar ng hagipit ni Alarik ang kamay niya. Nagkunwari na lang siyang hindi nagulat. "Lintik na Rik iyon! Aba kaya pala naramdaman kong sinipsip ang braso ko ay may paganito. Pero mabuti na rin at sa braso. Naku talaga. Nakakahiya lang at nakita iyon ni boss."
Matapos makakain ng umagahan ay umalis na rin si Alarik. Wala naman talaga siyang dapat puntahan. Wala siyang trabaho sa araw na iyon. Pero sinabi niya kay Tamar na aalis siya at inalok pa niya ito kung may ipapabili. Bagay na hindi niya maintindihan sa sarili.
Gusto niya kasing iwasan si Tamar, at ayaw niyang mapalapit sa dalaga, habang iniisip niya si Simmon at may nangyayari sa kanila, si Tamar bigla ang pumasok sa isipan niya. Bagay na nagpapagulo sa kanyang isipan.
Nakasilip pa si Tamar sa front door ng lumabas ang kotse ni Alarik doon. Bumusina pa ito ng tatlong beses sa kanya. Kumaway naman siya sa binata.
Pagkasara ng pintuan ay mabilis na nilinis ni Tamar ang mga pinaggamitan niya sa pagluluto. Gusto talaga niyang ipahinga ang katawan.
Pagkatapos niyang linisin ang lahat ng dapat linisin ay nagtungo siya sa kanyang kwarto para makaligo, para maalis ang amoy na nakakapit sa kanya. Hindi lang siya nagpapahalata sa boss niya, pero talagang naiilang siyang maamoy nito.
"Sabi nga ni Marione, scent of after s*x." bigla naman siyang kinilabutan at pumasok na sa banyo.
Matapos makapagbihis ay nakaramdam siya kahit papano ng kaginhawaan maliban sa pananakit pa rin ng kanyang katawan. Nagtungo muna siya sa living room para doon magpatuyo ng buhok. Dahil kung sa kama siya hihiga siguradong makakatulog siya.
Pero kalalapat pa lang ng katawan niya sa mahabang couch ay inagaw na rin ng antok ang kanyang kamalayan.