HINDI na nakita pa ni Kaitlin si Gabby sa mga sumunod na araw. Aminado siya na may kakaiba sa lalaki. Ibang-iba ito sa mga nakilala at nakikita niyang VVIP sa casino na seryoso at halos ayaw ipamigay ang ngiti.
Gabby is mischievous, playful.
Yeah, Bakit nga ba naaalala ko ang kumag na ‘yon?!
Naroon na siya sa lobby nang pumasok ang pamilyar na tao na halos ayaw niya na sanang makita pa—si Isabel Calves!
Natigilan ito sa paglakad nang maghinang ang kanilang mata. Pinasadahan siya nito ng tingin. Ang sneaker niyang nagpuputik na dahil sa kalumaan, ang kanyang jeans at simpleng t-shirt, na malayong-malayo sa kasuotan nito na masyadong glamorosa.
“Kate…” usal nito na walang emosyon.
Naikuyom niya ang kamao habang nanginginig. Ayaw niya sanang makita si Isabel dahil sa maraming dahilan. Bago pa siya umiwas ay sumunod na pumasok ang isa pang tao na ayaw niyang makita, si Dmitri.
Nagkiskis ang kanyang ngipin. Great!
“Kate?” Halatang nabigla ito. Gayunman ay sumunod din ang disgusto na lumarawan sa mukha nito matapos na pasadahan ang kanyang anyo.
Lihim na nagkiskis ang kanyang ngipin at nilamig ang kanyang buong katawan. Tapos na siyang magpakatanga. Tapos na siya sa magulong mundo niya dati. Nilayuan niya iyon, ngunit bakit nagpakita pa ang mga ito sa kanya?
“What a pleasant surprise!” bulalas ni Dmitri.
“Yeah. I can’t believe we would see you here. Akala ko ay tsismis lang na walang-wala ka na ngayon. Sana ay lumapit ka sa ‘min ni Dmitri. Hindi namin alam na kailangan mo pala ng tulong,” ani Isabel na tumaas ang sulok ng labi.
Tumiim ang kanyang bagang. Kahit kailan ay plastik ang babae, ang kanyang matalik na kaibigan—noon. Lumagpas ang tingin ni Isabel sa kanyang likuran.
“Mr. Yong!” bati ni Dmitri na umaliwalas ang mukha.
Bahagya niyang nilingon si Gabby na nakalapit na pala sa kanilang tatlo. May grupo itong kasama tulad ng gabi na nagkakilala sila. Hindi niya alam kung ramdam nito ang kakaibang anyo sa kanya—nanginginig at halos walang salitang mailabas. Nagtaas ang kilay nito at tila kinikilala ang dalawang bagong dating.
Humakbang paabante ang isang babae na nakasuot ng business suit na sa palagay niya ay assistant ni Gabby.
“Sir, this is Mr. Dmitri Ruiz and Ms. Isabel Calves, the famous ballerina. You have a meeting with them later at four,” wika ng babae nang nakangiti. Hindi ito kasama ni Gabby noong gabi na una silang magkita.
“I heard your mom is a Filipina. Do you speak Filipino—Tagalog perhaps?” tanong ni Isabel.
“My boss can speak six languages, Ms. Isabel. Tagalog is the second language,” anang assistant na bahagyang ipinagtanggol ang boss nito.
“Ah, yeah! My bad.”
“Since we are all here, why not continue the meeting now? I am so wanted to see you, Mr. Yong. Marami kaming ipagpapasalamat ni Isabel,” wika naman ni Dmitri.
Gabby chuckled. “It looks like you underestimated my time, Mr. Ruiz.”
Natigilan ang lalaki. Agad namang ngumiti si Isabel para pagpasensiyahan ang nobyo nito. “I’m sorry, Mr. Yong. I hope you forgive Dmitri. We know how busy you are. We’ll wait until four in the afternoon.”
Hinaplos ni Isabel ang braso ni Gabby na lalong nagpataas ng kilay ng huli. Bumaba ang tingin ng lalaki roon at lalo itong naging seryoso. Tila may nakahahawa itong sakit na tinapik ang kamay.
Nais maaliw ni Kaitlin. Siyempre pa ay alam niyang hindi palalampasin ni Isabel ang matabang isda na katulad ni Gabby. He’s rich, single, bachelor, and most of all, handsome. He’s a nice catch. At gagawin ng dati niyang kaibigan ang lahat para makaakyat sa hagdan nito kahit gaano pa katinik ang bawat baitang.
“By the way, why are you still here?” ani Dmitri na pinuna siya, nagsalubong ang kilay.
Kung noon ito umaakto sa kanya ng ganoon ay sigurado na nasasaktan na siya. Because Dmitri is her ex-boyfriend, na ngayon ay nabalitaan niyang pakakasalan ng dati niyang kaibigan na si Isabel.
Hindi siya nagsalita at nais na rin naman niyang umalis na sa harapan ng mga ito. Bago pa siya humakbang palayo ay inilapit siya ni Gabby sa katawan nito.
“Kate is with me. Are you trying to offend me, Mr. Ruiz?”
Nanlaki ang mata ni Dmitri. “Oh! No, sir!”
Nagpabalik-balik ang tingin ng dalawa sa kanila ni Gabby na tila hindi makapaniwala na kilala siya ng lalaki.
Dumaloy ang tila kuryente sa kanyang katawan dahil sa pagkakalapit ng katawan nila ng lalaki. Inangat niya ang tingin kay Gabby. Kakaiba ang awra nito sa kasalukuyan na siyang hinahanap niya sa estado ng buhay na mayroon ito.
“Shall we go?” tanong sa kanya ng lalaki.
Hindi siya sumagot at nagpatianod sa paglakad. Nakasunod naman sa kanya si Gabby hanggang sa makalabas sila ng entrada ng hotel. Lihim na nakabilog ang kamao ni Kaitlin sa kabuuan ng oras dahil para siyang dinalaw ng bangungot niya.
“T-thank you, sir!” Nagpaalam na siya rito at pilit na pinakakalma ang sarili.
“Where are you going?” ani Gabby na lumapad ang ngiti.
“Going home.”
“Ihahatid ka na namin.”
“Ah, sir—”
Itinaas ni Gabby ang kamay nito para pigilan ang assistant sa nais nitong sabihin. Alam niyang busy ang lalaki at wala itong panahon na ihatid siya.
“Hindi ko pa nakakalimutan ang date na pangako mo sa ‘kin sa casino. Isa pa, alam nila na kasama mo ako. Magiging katawa-tawa ako sa kanila kapag nalaman nila na basta mo ako iniwan dito. Ikalawa, hindi ka ba interesado kung ano ang kailangan sa ‘kin ng dalawang ‘yon?”
Nilingon niya ang bukas na lobby at napuna niyang nakatingin pa rin sa kanila si Isabel at Dmitri. Oo, nais niyang malaman kung bakit biglang naroon sa Pilipinas ang dalawa na dapat ay nasa Europe. Hindi ba’t kaya nga itong bansa ang napili niya para makaiwas sa dalawa?
“Fine! Ihatid mo ako sa apartment ko,” aniya. Nais niyang ipaalam sa lalaki na simple lang ang buhay niya at malayo sa buhay na mayroon ito. Pumasok siya sa loob ng sasakyan ni Gabby matapos siya nitong alalayan.
Umupo ang drayber ni Gabby sa bungad. Base sa laki ng hubog ng katawan nito alam niyang bodyguard din ito ng lalaki. May isa pang sasakyan na nakasunod sa kanila na sa palagay niya ay grupo din nito at doon nakasakay ang assistant.
“You know them?” tanong ni Gabby sa kanya, tinutukoy si Dmitri at Isabel.
“Yes,” kaswal niyang sagot. Ang isa ay dati niyang kaibigan habang ang isa ay literal na sinaktan siya para sumama sa una. Lihim siyang umismid.
“I will sponsor Isabel’s show next quarter at Cultural Center. It would be nice to have her endorse our new car design. That’s why I agreed to meet her.”
Mas bumilog ang kamao niya na nakapatong sa kanyang pantalon. Para iwasan na ang lalaki ay itinuro niya sa driver nito ang daan papunta sa kanyang tirahan. Ilang minuto lang ay naroon na sila sa tapat ng kanyang bahay sa Bangkal.
“It’s nice to see you, Mr. Yong,” paalam niya rito matapos makalabas ng sasakyan.
Nilingon nito ang gate ng kanyang apartment.
“Aren’t you going to invite me, Kate?”
“I’m sorry. Puyat ako at kailangan ko pang matulog. May pasok pa ako mamayang gabi.”
Tila nakaintindi naman ito na tumango-tango.
“Kung ganoon ay may kulang ka pang date sa ‘kin,” anito na ngumisi.
Bahagyang nagtaas ang kilay niya at saka lumingon dito. Inilapit naman nito ang bibig sa kanyang tainga.
“I know you are going to miss me,” anang lalaki.
Napalunok siya matapos maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang balat.
“M-masyadong mataas ang kumpiyansa mo sa sarili, Mr. Yong,” aniya na pinilit magpakalma.
“Oh, I know! Because I would miss you too, Kate.”