“GABBY YONG! Augh!”
Naiinis si Kaitlin dahil hindi siya nakatulog nang maayos kaiisip sa lalaki. Para bang nag-iwan ito sa kanya ng mahika at wala siyang magawa kung hindi ang isipin ito.
“I know you are going to miss me.” Tila ba naririnig pa niya ang bulong nito kaya heto siya at nangingitim ang ilalim ng kanyang mata.
Tumunog ang kanyang message alarm tone na bibihirang mangyari. Naisip niyang bumangon na lang. Nang buksan niya ang notification ay bumungad sa kanya ang mensahe mula sa bangko na nakuha na niya ang sweldo niya.
She dialed a number.
“Hello, The Pink Girls Code!” bati ng kanyang kausap sa kabilang linya.
“Hi! This is Odette. Dating gawi, magdo-donate ako ng fifteen thousand using my cash card.”
Para bang nakikita niya ang malapad nitong ngiti sa kabilang linya. “No problem, ma’am.”
She’s using Odette, a swan’s name. Ibinigay niya ang mga detalye ng kanyang card. Malaking porsiyento ng kanyang sweldo ang napupunta sa sorority kaya naman halos walang natitira sa kanya. Sapat nang may pambayad siya sa kanyang apartment at panggastos araw-araw.
The Pink Girls Code, founded by herself. She was the one who created it, and only Royal Balaguer, the current president knew about it.
“Thank you so much, ma’am!”
“Please make sure that it was donated anonymously.” Binigyang diin niya ang huling salita. Ayaw niyang makita ang kanyang pangalan sa listahan ng donor. Sigurado siya na makikita iyon ni Royal o ng mga kasama niya sa pag-review ng nakalap na pera at ayaw niya ng tsismis.
It could be best or worst, but she chose the worst outcome. Baka pagtaasan siya ng kilay ng grupo at lihim na itanong kung bakit fifteen thousand lang ang donasyon niya.
Pinadala naman nito sa kanyang email ang e-receipt.
Maggagayak na sana siya nang makarinig ng mga katok. Hindi inaasahang tao ang makikita ni Kaitlin nang buksan niya ito. Iniisip niya na si Gabby na naman iyon at mangungulit sa kanya.
“Trevor!” Umawang ang kanyang labi. It was Trevor Lombardi, her cousin. “How did you find me and what are you doing here?” Nagsalubong ang kanyang kilay. “Come in!”
Hinayaan niya na ito na ang magsara ng pintuan. Ayaw niyang kumuha siya ng atensiyon ng mga kapitbahay sa pagdalaw nito sa kanya. Kaya naman kaysa paalisin ito ay mas maganda pang papasukin niya ito sa loob. Siguradong hindi rin naman ito aalis nang hindi nasasabi ang pakay sa kanya. Trevor is Laiza’s husband, an actress. Nagtungo siya sa loob ng kanyang kusina na natatanaw lang din naman nito. Pinagmasdan nito ang maliit niyang apartment na halos walang gamit bukod sa uupuan nitong single sofa at maliit na shelves.
“I want black coffee,” anito.
Of course, she knew about it! She also likes black, bitter, like her. Sabay silang lumaki nito. Iniabot niya rito ang isa matapos niyang uminom.
“Kate, I am here to get you. Hindi mo deserve ang tumira rito.”
Tulad ng inaasahan ay iyon ang sasabihin nito sa kanya. Umismid siya. “Trevor, ako lang ang makapagsasabi kung deserve o hindi ang isang bagay. I am living here in this place for two years, at ayos naman ako so far.”
Pinasadahan nito ang kanyang apartment na mas maliit pa yata sa silid ng kasambahay ng mga Lombardi.
“Kaya ba ginawa mo ang lahat para magtago sa ‘min? It’s been five years, Kate. Sapat na ang pagdurusa na ginawa mo. Lumabas na ang totoo at alam nating parehas na hindi ito ang nakasanayan mong buhay!”
“Hindi lahat ng lumabas ay totoo, Trevor! Alam nating parehas ‘yon!” Naikuyom niya ang kamao. “I am doing this for—” Hindi na niya ipinagpatuloy ang kasunod dahil masyado iyong masakit.
Humugot ito ng malalim na hangin para pigilin ang sarili. “You are still stubborn as ever.”
“Thank you!” she simply responded.
Naiiling na lang ito, naiinis sa tahasan niyang pagtanggi.
“How did you find me?”
“Laiza saw you at the Jewels.”
Tumiim ang kanyang bagang. “I didn’t see her there.”
“Laiza disguised. She’s a celebrity at ayaw niyang kumuha ng atensiyon.”
Naasar siya sa dinadaloy ng usapan nila. Kung naroon si Laiza ay sigurado na may ideya ito sa naganap sa kanya. Siguradong nakita nito kung paano siya tratuhin ng tindahan.
“She said the security team escorted you. I used my connections para maimbestigahan ang naganap doon.” Humigop ito ng kape sa tasa nito at tila kaswal lang ang kanilang pag-uusap. “Royal is the owner of that shop. You know her! Bakit hindi mo sinabi sa mga staff? Siguradong lilinisin niya ang pangalan mo. Hindi ka magnanakaw, Kate.”
“Trevor, I wear shts!” Pinasadahan niya ito ng tingin. “Hindi ako tulad mo na nakasuot ng lilibuhin na necktie. Do you see my snickers? Kung sasabihin ko sa kanila na kilala ko si Royal Balaguer, sigurado ako na pagtatawanan nila ako! Baka sa mental pa ako dalhin ng mga iyon. Hindi ikaw ang nakaranas ng mga nangyari sa ‘kin. Kapag ikaw ang nasa sitwasyon na iyon, mabobobo ka rin na tulad ko.”
Humapdi ang kanyang dibdib. Walang sino man sa kanyang pamilya ang maiintindihan ang nararamdaman niya. She was humiliated.
Inilapag nito ang tseke sa kanyang tapat, ang binayad ni Khalid sa tindahan.
“Royal was sorry. Tinanggal niya sa trabaho ang manager at mga staff na naroon sa tindahan noong oras na iyon dahil sa pagbibintang nila sa ‘yo. In addition to that, she was pressuring me to invite you to lunch.”
“I don’t have time for lunch. Empleyado ako at hindi stockholder ng ilang kumpanya,” katwiran niya.
Umasim ang mukha ni Trevor dahil sa tigas ng kanyang ulo. “Hindi na ba talaga kita mapipilit?”
“Kung tungkol sa lunch, no. Say my thanks to Royal, pero sabihin mo sa kanya na abala ako para hindi sumama ang loob niya. Kung tungkol sa pangungulit mo, I’m happy, Trevor.”
“You’re not, Kate.” Itinuro nito ang kanyang tirahan. “This isn’t make you happy. Pinahihirapan mo ang sarili mo.”
“Trevor, the past was so painful. ‘Yon ang dahilan kaya ayaw ko nang balikan. Kahit isa ba sa inyo ay naiintindihan ang punto ko? Ang alam n’yo lang ay ipakain sa akin na ganito, ganyan. Pero uulitin ko, masaya ako sa buhay ko!”
Was she happy? No. At alam nilang parehas na may katwiran ang lalaki. Matigas lang ang kanyang ulo at nais niyang magdusa sa naganap noon. Pinigilan niya ang namumuong luha. Ayaw niyang umiyak!
Hindi na ito umimik. Sa palagay niya ay naintindihan nito sa wakas ang kanyang katwiran. Tahimik nilang hinihigop ang kape.
“H-how’s—” Pinigil niya ang sarili na magtanong tungkol sa kanyang ina. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Tila naintindihan ng kanyang pinsan ang nasa isipan niya. Naniniwala na talaga siya na magaling ito sa pagbasa ng isip. Magaling itong kumaliskis ng kausap.
“Tita Baba was worried. Akala ng pamilya ay nasa Singapore ka. Nasaktan siya sa huling love letter na ibinigay mo sa kanya. Siya ang pumilit sa akin na patirahin ka sa dati naming apartment ni Laiza.”
“Huwag mong idamay si mommy, please. I know what you’re doing!” nagagalit niyang sita rito.
“Tsk! What did I do? Bakit ba wala kang tiwala sa sinasabi ko?” Umasim ang mukha nito.
“Because I grew up with you, Trevor! Ginagamit mo sa ‘kin ang talent mo sa business. Gusto mo akong tumira sa bongga mong apartment. And I told you, it’s not who I was anymore. I’m happy here.”
Itinaas nito ang kamay. “Fine! Fine! Magkakasakit ako sa ‘yo!”
“Don’t tell anyone that you saw me. Mas maganda kung sasabihin mo sa kanila na wala ako rito at naroon nga ako sa Singapore.”
“Kate—”
“What?!” Tumaas na ang kanyang boses dahil sa pagkainis.
“Geez! You are scary! Sasabihin ko lang naman na masarap ang kape mo.”
Inirapan niya ang lalaki na nagawa pang mag-segue. “Kapag naubos mo na ‘yan, ilagay mo na lang ang tasa sa lababo. Kailangan ko nang maligo at papasok pa ako.”
Kinuha niya ang tuwalya sa loob ng kanyang kuwarto. Nang lumabas siya ay nakatayo na ito at halatang hinintay talaga siya.
“You are fighting yourself, or the luxury you deserve. You are a princess, Kate! You don’t deserve this!”
“I was, and not anymore!”
“May mga bagay na kailangan mong labanan, Kate. If you are doing this for your child—”
“Get out, Trevor,” matigas niyang sabi. Tinalikuran niya na ito nang nagkikiskis ang kanyang ngipin. Ipinaalala nito sa kanya ang pinakamasakit niyang nakaraan, ang kanyang ipinagbubuntis noon na hindi niya inalagaan.