MAY kaingayan ang paligid na nagmumula sa maliwanag at magkakatabing slot machine, sa mga gamer na may kanya-kanyang mundo, sa mga babaeng nagtsitsismisan at nakaupo sa lounge area. Ito ang nagugustuhan niya sa lugar na iyon, buhay ang mundo niya kapag narito siya sa casino area ng hotel kung saan siya nagtatrabaho.
“What is your favorite card game, Mr. Yong?” tanong ni Kaitlin sa lalaki.
“I play Poker, but I’m not good at it.” Nilingon siya nito habang nakataas ang isang sulok ng labi.
“Have you tried a Baccarat? It’s also a card game and popular recently.”
Saglit itong nag-isip. “Uhm… Can we play the game then?”
“The Baccarat?”
“No, this slot machine.” Itinuro ng lalaki ang machine na naroon sa kanilang likuran.
She was speechless. That’s how playful this VIP was.
“Pansin ko kasi na pagod ka na,” anito.
“How did you know?”
“Because you’ve been running through my mind since the first time I met you.”
Napangiwi si Kaitlin sa biglaang pickup line nito. Seryoso ba ito na nagawa pang humugot ng ganoon sa kanya? Akala niya pa naman ay dahil halatang puyat siya. Napangiwi na lang siya at hinayaan ito.
“Choose a seat, Mr. Yong.”
Pinili nito ang machine na nasa dulong bahagi. Pinalibutan sila ng apat na lalaking kasama nito na sa palagay niya ay bodyguards. Tumayo si Kaitlin sa tabi ng kanyang VIP customer at baka sakaling may kailanganin itong tulong. Magkasalikop ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan habang nakatayo roon nang hindi ito sinusulyapan.
Kaitlin felt his gazes over her. Masyadong malagkit kaya naman iniwasan niya na tumingin sa direksiyon nito. Nagsimulang maglaro ang lalaki habang inuusisa siya.
“So, Kate, may I know how long you’ve been working in this hotel?”
“Kaitlin, sir. Call me Kaitlin. I’ve been working here for two years.” Her lips twitched. Ilang beses niya bang sasabihin na Kaitlin dapat ang itawag nito sa kanya?
“Why? I like calling you Kate. Narinig ko na tinawag ka ng lalaki kanina as Kate. Bakit sa ‘kin ay Kaitlin? Oh! I see!” Napangiti ito nang makahulugan dahilan para ibaba niya ang tingin dito. “Kaitlin must be for your special someone. You treated me as your special person!”
Hindi niya alam kung anong intelektuwalidad ang mayroon ito at kung saan nito iyon nakuha.
“And where did you get that idea?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanya. As in, sobrang nahihiwagaan siya roon!
“Because your parents gave you that name!”
Natigilan siya matapos marinig at maalala ang kanyang magulang. Tila may bumara sa kanyang lalamunan. Mabilis naman siyang nakabawi. “Whatever! Call me Kate or Kaitlin, it’s up to you!”
Nakaramdam na siya ng inis lalo na at nabubuwisit siyang makita ang nakataas na sulok ng labi nito na para bang may pinaplano itong hindi maganda. Gabby was playful, but sexy as fvck!
Well, erase the last words, Kate!
Kung hindi lang ito VIP, kanina niya pa ito inireklamo o kaya naman ay sinungalngal ang lalamunan nito.
“Is it hot in here, or is it just you?” muling tanong ng lalaki.
Umawang ang labi niya sa kakornihan nito.
Kate, magbilang ka lang ng sampu. Tandaan mo na VIP ‘yan!
Ngumiti si Kaitlin nang pilit kay Gabby, na okay fine, guwapo, at talagang matikas! Ngunit dahil sa ginawa niya ay lalong lumapad ang pagkakangiti ng lalaki na nagpaasiwa sa kanya. That playful smile! Para bang may inaasahan siyang gagawin ito na hindi maganda at hindi na siya natutuwa.
“Want to go outside with me and get some air? Because you took my breath away!”
Umikot na ang mata niya at hindi na napigilan na magreklamo. Nagtaas na ang boses niya. “Seriously! What’s wrong with you?”
“Miss? Do you have a problem with our boss?” tanong ng lalaki na lumapit sa kanila. Kung paano siya mabuwisit kay Gabby Yong, ganoon naman ang kanyang takot sa bodyguards nito na parang lumaklak ng steroids. Alam niyang hindi purong Pilipino ang lalaking bodyguard. May kasingkitan ang mata nito.
“N-none.”
“It’s all right. We don’t have a problem. Miss Kate was actually liking the idea of going outside with me.”
Ngumiti siya nang pilit sa lalaki kahit gusto niya na itong batukan. “I’m still on my duty, sir. Dating while working isn’t allowed in this hotel unless it’s our breaktime. Thank you!”
“You mean... you want to date me?” Itinuro pa nito ang sarili.
Umawang ang labi niya at napagtanto kung anong problema sa kanyang sinabi. “T-that’s not what I meant!”
“You just said it.” Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanyang harapan. “Deal! Let’s have a date on your breaktime. See you later, Miss Kate.”
“B-but—”
Ito na ang kusang kumuha sa kanyang kamay na naroon sa kanyang gilid. “What time is your breaktime?”
“I-I’m not going—” Tatanggi pa sana siya kung hindi lang lumapit sa kanila ang kasama niya na paparating, si Mike, ang kapalitan niya sa breaktime.
“Tapos na ‘ko sa break, Kaitlin. It’s your turn now. Balik ka agad para sa oras naman ni Mimi.” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay lumagpas na ito sa kanila para bumalik sa trabaho.
Good! Just good!
Nais niyang mapahipo sa noo dahil parang kanina pa siya hindi pinagbibigyan ng pagkakataon. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Gabby dahil sa narinig. Inilapit nito ang sarili sa kanya at saka bumulong.
“I think we should start the dating right now before your break time ends.”
Nanigas na lang si Kaitlin sa kanyang kinatatayuan nang tila kuryenteng dumaloy ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga. Binalot din ang kanyang ilong na para bang nahipnotismo sa kakaiba nitong bango.
Dahil sa sobrang lapit nito ay nagawa niya tuloy pagmasdan si Gabby Yong. Matangkad na nasa anim na talampakan at isa ang taas. Large built dahil sa malapad nitong mga braso. Light brown ang mga mata. Maayos ang makapal na kilay at ang pagkakabrush-up ng buhok nito. May maliliit na bigote at balbas na maayos na nakaahit sa bahagyang pangahan nito. Malinaw din sa kanyang paningin ang bahagyang uka nito sa baba. Tumaas muli ang sulok ng manipis nitong mga labi kung saan tumigil ang kanyang mga mata.
Nahuli siya nito na naglalandas ang kanyang mata sa katawan nito. Sh!t!
“You like what you’re seeing, huh?” anito. Nagawa pa nitong punasan ang gilid ng kanyang labi na para bang may tumulo pang laway roon.
Nanlaki na lang ang mata ni Kaitlin na napaatras at iniiwas ang sarili sa lalaki. Hindi niya masagot ang sinabi at ginawa nito. Agad siyang tumalikod habang namumula ang kanyang pisngi.
“I-I’m going to the employees’ area,” paalam niya at nagmadaling naglakad palayo. Dumiretso siya sa opisina para i-record ang kanyang break.
Naiinis siya habang inaayos ang gamit sa locker. Plano niyang dalhin kahit pitaka lang.
“Teka! Bakit nga pala ako sasama do’n?” Inis niyang ibinato muli ang kanyang wallet sa loob ng maliit na locker. That Gabby Yong!
“Okay ka lang, Kaitlin?” tanong ng kasamahan niya na nasa kanyang tabi, si Rona, isang game dealer.
“Sorry! May iniisip lang.” Tatakasan niya na lang si Gabby. Wala siyang plano na makipag-feeling close sa lalaki.
Nagawa niyang sumilip sa pader papalabas ng opisina na para bang may pinagtataguan para tingnan kung nasa labas si Gabby. Kasalukuyan nitong kausap ang kanyang manager na si Eliza. Napalingon pa ito sa kanyang gawi kaya nagtago muli siya.
Napangiwi siya. Hindi niya alam kung paano niya lulusutan ang lalaki dahil dadaanan niya ang pasilyo kung saan naroon ang employees’ area. Eksakto na papalabas naman ang kasamahan niyang si Rona.
“Wait! N-nakikita mo ba ‘yong lalaki sa labas?”
Sinilip ni Rona ang pader. Iniisip kung sinong lalaki ang tinutukoy niya sa mga natatanaw nito.
“Lalaki?” ‘Tapos ay umawang ang labi nito.
“Oo! ‘Yong lalaki na matangkad, macho at saka pogi? Basta he looks dashing overall!” wika niya habang naroon pa rin sa kanyang pinagtataguan. God! That man was deliciously handsome. She has to admit on that part.
Hindi niya alam na nakalapit na pala sa kanila si Gabby. Narinig na lang niya ang tinig nito.
“Sabi na nga ba! Naguguwapuhan ka talaga sa ‘kin,” narinig niyang wika nito.
Halos mapakislot siya sa komento ng lalaki. Natatawa naman ito nang bahagya.
“Anyway, I have to apologize. Something came up and I have to go. May utang ako sa ‘yong date.” Nagawa pa ng hudyo na kindatan siya bago tumalikod.
Nilingon siya ni Rona habang tinatanaw ang papalayong lalaki. “Wow! Mukhang tapos na ang single life mo, Miss Kaitlin!”
“Single life ka d’yan! Kita mo ba ‘yon? Parang stalker kung kumilos?”
“It’s a fan. Ang stalker, kapag chararat ang feslak. Ikaw na mismo ang nagsabi, guwapo si sir at hot.”