Tumikwas ang nguso ni Klay habang pinapanood si Diego na inaayos ang isang sleeping bag sa sahig sa bandang sala ng kuwarto nito. Nilingon nya ang kinauupuan nyang kama ng asawa na kung susumahin kasya ang 5 katao sa lapad ng kama. Kung maka arte si Diego akala mo naman magagahasa.
“Ano pang iniintay mo bakit di ka pa matulog. Gusto mo pa bang kantahan kita ng nursery rhyme.” tanong nito ng mapalingon sa kanya.
“Ilang taon ka na?”
“Old enough para maging tatay mo.”
“OA mo naman! 39 ka lang naman pero yung asta po pang 19 years old na di pa nakakatikim ng luto ng Diyos.” iling ni Klay saka umayos na ng higa. Akala pa naman nya may magandang kaganapan ang mangyayari ngayon gabi. Na iimagine na nya yung tipong wala mang mangyari sa kanila ngayon ni Diego at least magigising syang yakap ito bukas ng umaga.
Tuwang tuwa pa ang Mama at Papa ni Diegs ng malaman na mag sasama na sila ni Diego bilang mag asawa pero si Dennis umirap lang ito kanina sabay bulong sa kanya ng Tanga, hindi nalang nya ito pinansin. Kaibigan nya si Dennis at galit ito dahil sa katangahan daw nya sa kapatid nito para daw syang naubusan ng lalaki ng mag pakasal sya sa kapatid nito.
“It’s better be safe than kesa pag sisihan ko lang ang magiging desisyon ko later on.”
“Wala ba akong dating sayo kahit konti lang.” tanong pa ni Klay habang nakatingin sa puting kisame. Kung sasagot itong wala babangon talaga sya at gagahasain talaga nya ito tingnan lang nya kung makatangi pa ito.
“Yun na nga problema. Ayaw ko man pero tinatalaban din naman ako sa mga pang lalandi mo sa akin, hindi ako santo Klay.” napangisi si Klay sa pag amin na iyon ni Diego sabay bangot. Napaunat naman ng tayo si Diego.
“Ayusin mo yang mga ngiti mo Klay, Hindi ko sinabi ang sinabi ko para bigyan ka ng lakas ng loob na gapangin ako. Sinabi ko lang sayo na hindi ako santo, lalaki lang din ako gusto rin ng s*x, hindi naman ako ipokrito pero hindi ibig sabihin nun papatusin na kita everytime na gagapangin mo ako.”
“Alam mo ang showbizz mo palay na nga ang lumalapit sayo ayaw mo nalang tukain. FYI asawa mo ako at may obligasyon ka rin sa akin s****l kaya siguro naman hindi masama kung mag sesex tayo.” napailing naman si Diego saka itinuloy nalang ang pagaayos ng hihigaan.
“May s*x life ka ba nung mag kahiwalay tayo?”
“Hindi ako mahilig sa sex.” tamad na sagot ni Diego.
“Talaga ba? may lalaki pa lang hindi mahilig sa sex.”
“Let’s just say na hindi ko ugaling makipag s*x sa babaeng hindi ko naman gusto.”
“Paano ang s****l needs mo?”
“Bakit ba pino problema mo pa ang s****l needs ko.”
“Para maintindihan ko kung bakit kailangan pa kitang pilitin na makipag s*x sa akin e asawa mo naman ako.” napabuga ng hangin si Diego.
“Dahil mag hihiwalay din tayo later on, iba ang s****l appetite ko, hindi man pareho ang feelings natin i still care for you. Nakita kita lumaki nag dalaga ni hindi ko nga ma imagine kung bakit natukso ako na tikman ka noon. Ayoko na mag sama lang tayo dahil lang sa s****l needs na sinasabi mo. Gets mo ba o gusto mong i elaborate ko pa para mas malinaw?” this time napabuga ng hangin si Klay na muling humiga.
“Ayaw mong malaspag mo ako sa kama iyon lang naman ang gusto mong sabihin pinahaba mo pa, dahil para sayo darating talaga ang time na mag hihiwalay tayo.”
“Matalino ka naman pala so wala naman siguro magiging problema? malinaw naman pala sayo ang lahat.”
“Paano kung ayokong makipag hiwalay sayo.”
“Masasaktan ka lang.”
“Paano kung ready akong masaktan makasama ka lang.”
“Gusto mong tulad ka lang ng mommy mo? Na naturingan asawang legal pero may ibang babaeng binabahay ang daddy mo.”
“Syempre hindi, kaya wag kang papahuli sa akin dahil mag kaiba kami ni mommy na hinahayaan lang si Daddy noon. Patay sa akin ang babae kapag nahulihan kita.” pagak naman tumawa si Diego.
“Kaya nga binibigyan kita ng pag kakataon na makipag kilala sa ibang lalaki, wag mong paikutin ang mundo mo sa akin. Big deal talaga sa akin ang age gap natin. Hindi ako ang lalaki para sayo kaya ——- Klay, Klay.” tawag ni Diego sa asawa ng marinig na parang nahilik na ito. Di’ na iwasan ni Diego na mapangiti na lang sabay iling.
“Sige Diego, ikaw may gusto ng ganitong setup panindigan mo. Sa sahig ka matulog habang masarap ang tulog sa kama mo ng pasaway mong asawa. Galing! keep it up self.” wika ni Diego sa sarili na tinapik pa ang sariling balikat. Kapag nalaman ng mga kaibigan nya itong mga pinag gagawa nya. Pag tatawanan sya ng mga ito sino naman kasi talaga ang lalaking tatangi sa palay na kusa ng lumalapit, idagdag pa na asawa nya mismo ang nag yaya ng s*x.
Dahil talaga naman maganda, sexy at batang bata ang asawa nya sinong hindi mababaliw na makatabi ito sa kama, sya lang talaga itong natanggi sa grasya dahil talaga naman ng matikman nya ito noon parang ayaw na nyang tumigil. Halos ilang linggo din syang hindi naka recover dahil gabi gabi naging laman ng mga wet dreams nya si Klay.
Bawat araw na lumilipas sa kanya noon pakiramdam nya na totorture sya dahil hinahanap hanap nya ang katawan nito. Ilang beses nyang ginustong umuwi para lang matikman ito pero talagang pinipigilan nya ang sarili dahil hindi nya talaga gusto ang nararamdaman. Akala nya hindi na sya makakarecover. Sinubukan nyang tumikim ng ibat ibang babae so far naman na babawasan yung eagerness nya pero may mga pag kakataon na na iisip pa rin nya kung gaano ka sarap si Klary.
Ngayon abot kamay na nya ito hindi na nya ulit gusto umabot sya sa ganun pakiramdam na halos mabaliw na sya na maangkin itong muli kaya mas mabuti pang wag ng tikman ng di na sya mabaliw. Sa kanilang dalawa malakas ang kutob nyang talo sya. Hindi nya alam pero pag dating talaga kay Klary ang baba ng self confidence nya pakiramdam talaga nya. Iiwan sya nito oras na makakilala ito ng iban lalaki, sa ngayon sya ang gusto nito pero paano kung lumipas ang panahon. Ayaw nyang makakarinig ng pag sisi mula rito. Siguro kapag nasa edad 25 na si Klary at sya pa rin ang gusto nito. Sige baka sakaling patusin na nya ito. Sa ngayon tutulungan muna nya ito habang nandito sya sa hacienda. Sana lang talaga wag itong makaisip na gapangin sya dahil baka di nya magawang tangihan ito kahit magalit pa sya.
*******
Na alimpungatan si Diego ng maramdaman na parang may kakaiba syang nararamdaman kaya unti unti syang nag dilat.
“Jesus christ, Klary!” bulalas ni Diego na biglang napaurong kung wala siguro sya sa loob ng sleeping bag baka napabangon sya ng di oras sa sobrang takot. Paano ba naman pag dilat ng mata nya mukha agad ni Klary ang bumungad sa kanya sobrang lapit ng mukha nitong nakangiting nakapangalumbaba at nakadapa sa sahig. Kumunot pa ang noo nya ng tumayo ito habang kumakanta ng isang nursery ryhme habang bumalik sa kama na patalon talon habang nag lalakad saka ito sumampa sa kama at muling nahiga. Nag tataka na bumangon na si Diego saka napatingin sa wall clock nya sa kuwarto 2:30am palang.
Napalingon sya sa pinto ng banyo na nakabukas pati ilaw. Napailing naman si Diego na nag tungo roon saka sinarado ang pinto at pinatay na din ang ilaw saka nilapitan sa kama si Klay. Na nakapikit na pero nag huhumming pa rin ng isang kanta na nursery rhyme kung di sya nag kakamali wheels on the bus ata ang title ng kanta.
“Klay! Klary!“ inalog nya ang balikat nito para dumilat pero nanatili itong pikit hanggang sa huminto na ito sa pag kanta pero isinubo nito ang thumb finger and she sucked it like a baby bago tumagilid ng higa.
Nagtataka man di na pinilit pa ni Diego na gisingin si Klary na. Hinila nalang nya ang kumot para kumunutan ito ng maayos ng bigla itong humibi na pinagtaka nya.
“Mommy! Mommy! Mommy help me.” mahinang bulong ni Klay habang subo pa
rin nito ang daliri na nanaginip yata ito. Napatingin si Diego sa braso na biglang hinawakan ni Klary unconsciously na niyakap.
“Dito ka lang mommy, Im scare.” napangiwi si Diego ng tuluyan ng hilahin ni Klary ang braso nya kung di mabilis ang reflex nya nadaganan na nya ito. Panay pa rin ang hikbi nito kaya nahiga nalang si Diego sa likuran ng asawa habang hakap nito ang isang braso nya.
“Bahala na.” bulong nalang ni Diego saka tuluyan ng niyakap si Klay na unti unti ng tumigil sa pag hikbi. Mukhang nakatulog na rin sa wakas nakaramdam na rin uli ng antok si Diego kaya pumikit na rin sya sa tabi ng asawa.
“Goodmorning.” napangibit si Diego ng pagdilat muli ng mata nya ang nakangiting mukha nanaman ni Klay ang nabungaran.
“Let’s go masarap mag kape ng ganito ka aga.” yaya ni Klay.
“Ikaw nalang tutulog pa ako.” ungot naman ni Diego na muling umaayos ng higa saka pumukit ng maramdaman na parang di nakilos si Klay, napadilat sya at nilingon ang asawa.
“Akala ko mag kakape ka?”
“Hindi masarap ang kape pag mag isa.” napatingin si Diego sa wall clock. 5:45am.
“Tara.” ani Diego na bumaba na ng kama saka dumeretso ng banyo. Napangiti naman si Klay na pinanood si Diego habang nag hihilamos at nag toothbrush. Tumingin si Diego sa kanya sa salamin saka inalok sa kanya ang toothbrush.
“I already brush my teeth kanina.”
“Anong oras ka pa gising?”
“Mga around 4am pa.”
“Ang aga mo naman gumising anong oras ka na natulog kagabi.”
“ang aga ko kaya natulog kagabi saka diretso nga ang tulog ko at home na at home ako dito sa bahay nyo.” nilingon ni Diego si Klay habang nag pupunas ng mukha.
“You acting strange kagabi.” wika pa ni Diego habang palabas ng banyo. Sumunod naman agad si Klay kay Diego na palabas na ng kuwarto.
“Your singing nursery rhyme and acting like a child then you cried. Nanaginip ka kaya napilitan na akong tabihan ka kagbi kahit labag sa kalooban ko. Ayaw mo na kasi bitawan ang kamay ko kaya wag kang mag aassume ng kahit ano okay.” komento pa ni Diego habang pababa na sila ng hagdan. Dahil masyado pang maaga kagigising palang din ng ibang katulong nila Diego kaya silang dalawa na ang kumilos sa kusina para mag timpla ng kanikanilang kape saka dinala sa labas na madilim pa rin.
“Mga anong oras yung sinasabi mong kumakanta ako ng nursery rhyme?” tanong ni Klay habang humihigop ng kape at malayo ang tingin. Natitiyak nya unconsciously lumabas si Ary habang natutulog sya pero paano nangyari yun ang alam nya lang nalabas lang si Ary kapag na kukulong sa isang madilim na lugar si Ary at natatakot ito ngunit kagabi maliwanag ang kuwarto ni Diego.
Nag away pa silang dalawa ng una dahil ayaw ni Diego na buhay ang ilaw sya naman ayaw nya ng madilim kaya ang ending bukas ang dalawang lamp shade sa both side ng kama.
“Around 2am.”
“Wala naman ba akong ginawang kakaiba? bakit sinabi mo na im acting strange?”
“tinawag mo akong kuya. Kung di lang ako na aawa sayo kagabi inihagis na kita sa bintana.” natawa naman bigla si Klay parang may idea na sya kung bakit biglang lumabas si Ary. Di nya alam kung na aalala ba ni Klary ang nangyari 14 years ago. Nang muntik na syang ma rape ng bata palang sya buti nalang maaga umuwi ang mommy nya. Sa sobrang takot nya noon nag tago sya sa cabinet sa ilalim ng lababo nila noon habang hinahanap sya ng Tito Eugene nya na umuwi noong lasing na lasing.
Si Diego ang naka hanap sa kanya noon na kasama ng mama nito ng samahan naman ang mommy nya para mag impake para umalis na sila mag ina sa poder ng Tito Eugene nya. Hindi nya magawang lumabas sa loob ng kabinet dahil natatakot sya na baka kunin sya ng Tito Eugene nya noon. Sa alala nya 3 araw din syang nanatili sa loob ng cabinet. Hindi umalis si Diego noon ito ang nag bantay sa kanya during semestral break nito. Doon ito na tutulog sa labas ng cabinet sabay din silang kumakain kapag dinadalahan sya nito ng pagkain.
Hindi sya magawang ilabas ng mga ito ng puwersahan dahil nag wawala sya at nag iiyak noon at bumabalik din sya sa loob ng cabinet agad agad kapag inilabas sya ng mga ito. Kaya hinayaan nalang muna sya hanggang sya na ang kusang lumabas. Noon palang nalaman ng mga ito na muntik na syang ma rape ng tito Eugene nya ng sabihin nya na kung anong ginawa sa kanya bf ng mommy nya.
Labis ang iniyak ng mommy nya halos ayaw na sya nitong bitawan. Ayaw na din nitong umalis sa tabi nya kaya naman ng dumating ang papa nya at kunin sila agad agad na sumama ang mommy nya alang alang sa kanya. Noon wala pa syang pakialam sa sitwasyon nila bata pa kasi sya pero habang nag kakaisip sya nagiging malinaw sa kanya ang lahat. Hindi sya mag mamahal ng lalaki na tulad ng Daddy nya.
Si Diego, sa murang edad nya umibig na agad sya kay Diego dahil sa loob ng 3 araw na sinamahan sya nito. Nakita nya na hindi ito tulad ng ibang lalaki. Nag ka nobya man ito normal lang naman iyon sa isang lalaki di tulad ng papa nya na ibat ibang babae ang nakikita nyang kasama.
Sa kanilang 3 personality mas unang naging dependent si Ary kay Diego kaya marahil bigla lumabas si Ary ng makita nito si Diego na natutulog sa sahig. 3 silang personality mag kakaiba ng attitude sa iisang katawan pero meron lang silang iisang pinag kakasunduan iyon ay pag ibig nila kay Diego mula noon hanggang ngayon.