“Ang aga mo naman pala gumising hija?” bating bungad ni Lorin kay Klary. Pababa na sila ulit ni Diego ng hagdan at naka bihis na para libutin nila ang hacienda ng mga ito. Na ngako syang tutulungan ang mga ito na ayusin ang hacienda at gawan ng remedyo ang nakawan ng mga alagang hayop ng mga ito.
“Nag paluto na ako ng breakfast kumain muna tayo bago kayo lumakad ni Diego.”
“Sa bukid na kami kakain ng almusal ma’” wika ni Diego na hinawakan na sa braso si Klay para hinalin sakto din naman pababa si Dennis na hinila na din ni Klay.
“Teka lang ayoko kumain sa bukid.” reklamo ni Dennis na pilit inaalis ang kamay ni Klary sa braso.
“Galit ka ba sa akin kahapon mo pa ako iniirap irapan eh.”
“Tsk! kulit mo naman Klay, wala lang ako sa mood. Bitaw na!” ani Dennis.
“Sige na Dennis sumama ka na diba sabi mo naman kagabi maaga kang pupunta sa bakahan dahil sa nanganak na baka kagabi.” wika naman ng mama nito.
“See! galit ka nga sa akin kaya iniiwasan mo talaga ako.” Hila sya ni Diego hila naman nya si Dennis na wala ng nagawa kundi mag pahila na lang.
********
“Hoy! mamansin ka naman. Alam ko naman na sadyang suplado ka pero di ako sanay na di mo ako pinapansin hmmm.. Denden.” ungot ni Klay sa kaibigan.
“Kesa akong ang pestehin mo dito bakit di mo sundan ang magaling mong asawa ayun o! yayain mo ng bumalik ng manila ng di na kita makita rito.”
“Ang hard mo naman sa akin nakakasama ka ng loob.” napabuga naman ng hangin si Dennis saka binitawan ang hawak na timba na may lamang feeds.
“Alam mo kung bakit galit ako?” pa angil na tanong ni Dennis.
“Sorry na agad kahit di ko alam ang kasalanan ko.” marahal naman napabuga mg hangin si Dennis sabay mahinang napamura.
“Bakit kailangan mawala si Klary?” kumunot ang noo ni Klay na medyo na paatras. Pagak naman tumawa si Dennis.
“Akala mo siguro tanga ako at walang alam sa nangyayari sayo. Alam ko rin na alam ni Ej ang sinasabi ko at inililihim nyo lang sa akin ang lahat.”
Hindi makaimik si Klay kung ganun matagal ng alam ni Dennis ang sakit nya.
“Bakit kelangan na lumabas ka pa at palitan si Klary. Bakit kailangan na humiwalay ka pa sa katauhan nya. hindi mo ba kaya na tulungan nalang syang maging malakas at harapin ang problema.”
“Dahil mahina sya at hindi ko problema yun sya ang kusang umalis at hinayaaan nya akong lumabas.”
“Talaga ba? o baka naman dahil patay na patay ka sa kuya ko kaya gustong gusto mong lumabas para samantalahin ang pagkakataon na makasama ang kapatid ko.”
“O e anong masama kung iyon ang dahilan in the first place kasal ako sa kuya mo at asawa ko sya.”
“Asawa mo lang syang dahil pinikot mo ang kapatid ko bagay na hindi gagawin ni Klary.”
“Iyon ang akala mo. Oo mag kaiba kami ng personality ni Klary pero iisa ang lalaking gusto namin pero kidding aside matalong ko lang tutal nag kokomprontahan na din naman tayong dalawa. Hindi ka bakla tama?”
“Oo hindi at gusto ko si Klary.” tumawa si Klay sinasabi na e noon pa napapansin na nya na kakaiba si Dennis.
“So nag papanggap ka lang bakla para makalapit kay Klary. Ibang klase ka din naman ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Klary kapag nalaman nya yang inamin mo sa akin.”
“Mahal ko si Klary at walang mababago roon kaya ayusin mo yang kilos mo, kung si Kuya din ang mahal ni Klary wala akong problema doon pero oras na masaktan si Klary dahil sa kalandian mo. Ibubulgar ko sa lahat ang sekreto nyo tingnan ko lang kung di gawan ng paraan nila Tita Aurella na mawala ka sa landas ni Klary.” ngisi ni Dennis halata naman na alarma si Klay.
“Ano bang kasalanan ko sayo bakit nagagalit ka sa akin ng ganyan.”
“Honestly wala ayoko lang ng mga galawan mo. Kumikilos ka ng labag sa kagustuhan ni Klary, ikaw ang dahilan kung bakit napilitan mag pakasal si Klary sa kuya ko. Si Klary ang pinakasalan ng kapatid ko hindi ikaw pero dahil sa kalandian mo si Klary ang umaasa na sana mahalin din sya ng kapatid ko. Binigyan mo sya ng false hope kaya heto ka ngayon sa harapan ko trying to get my brother para kanino? para kay Klary ba o para sayo mismo.”
“Wala ka ng pakialam doon.” mataray na sagot ni Klay.
“Kung ayaw mo sa akin mas ayaw ko sayo. Sa ngayon ako ang main personality dahil kusang sumuko si Klary when she attempts suicide kaya wag ka ng umasa na babalik pa si Klary dahil si Klary ang buhurahin ko sa systema ko bago ako ang mabura nyo.” ngisi ni Klay sabay talikod para hanapin si Diego.
“Dennis.”
“Kuya.” bulalas naman ni Dennis ng biglang sumulpot sa likuran nya ang kapatid buti nalang malayo na si Klay.
“Can you elaborate what i heard?”
“Kuya.” nag aalangan na usal ni Dennis.
“Kung di mo sasabihin sana di mo na kinompronta si Klay kanina hindi ko sana narinig ang pinag usapan nyo.”
“Now tell me anong sakit ni Klary.”
“Hindi puwedeng malaman ni Klay na alam mo kuya, Hindi pa namin alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Klay kaya binabantayan pa namin sya ni Ej.”
“Ano ngang sakit nya.” napabuga ng hangin si Dennis at napilitan ng sabihin sa kapatid.
“Dissociative identity disorder mas kilala sa tawag na DID o split personality kuya. Isang mental health conditions regarding sa personality behavior nya.” mahinang sagot ni Dennis. Natahimik naman si Diego habang isa isang hinihimay-himay sa alala nya ang mga napansin kay Klary noon pa man.
“Since when.”
“hindi kami sigurado but we think since the day bago pa sya naiuwi ni Tita Aurella dito sa atin.” familiar sa kanya ang sakit na DID pero never pa syang naka meet ng tao na may ganun karamdaman.
“Ilang personality na ang nakita nyo?”
“Ako si Klay palang pero si Ej na meet na nya si Ary.”
“Ary?”
“Klary’s young version sabi ni Ej lumabas ang isang personality ni Klary ng ma trap sila sa elevator. Takot sa masikip at madilim na lugar ang isang personality ni Klary.”
“i met ary last night.” wala sa loob na usal ni Diego.
“Anong ibig mong sabihin kuya?”
“Tingin ko walang idea si Klay na lumabas ang isa pa nyang personality kagabi unconsciously habang natutulog sya.” sandaling ikinuwento ni Deigo sa kapatid ang nangyari kagabi.
“DID is curable bakit hindi puwede ipaalam natin sa parents nya.”
“Meron ng doctor na nakakausap si Klary kaya lagi silang magkasama ni Ej. Iyon ang mahigpit na pakiusap ni Klary kay Ej gusto nyang mag isang harapin ang problema nya. Hindi rin sinasabi sa akin ni Ej ang sitwasyon kusa ko lang napansin kaya binantayan ko na ang kilos nila then nalaman ko na ang lahat.”
“Wala ba tayong magagawa to help her.” hindi agad naka imik si Dennis na tumitig lang sa kapatid saka bumuga ng hangin.
“Moral support lang ang kaya namin ibigay ni Ej kay Klary pero ikaw kuya malaki ang maitutulong mo sa kanya kung willing ka.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sinasamantala ngayon ni Klay ang kahinaan ni Klary kaya sya ang kasama mo ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit lumalabas ang personality nya bilang Klay at ikaw din ang dahilan ng kahinaan nya.”
“So what do you suggest?”
“Love her the way she wanted to be love.” napabuga ng hangin si Diego.
“Kung di mo sya pinakialam noon at kung di ka sana pumayag na pakasalan si Klary wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon. Meron ka naman dalawang option love her or leave her.” ani Dennis.
“If you love her you will heal her at the same time but if you leave her Klary will heal her self mahina lang sya pero pinipilit pa rin nyang lumaban para sa sarili nyang personality kuya. At na niniwala ako na hindi si Klary ang kasama mo noon sa bundok. It was Klay all along kaya napikot ka nya.” Di sya sigurado kung sino ang kasama nya sa bundok kung kaninong personality. Napabuga sya ng hangin. Hindi nya alam ang sasabihin bigla syang na mental blocked dahil sa mga nalaman tungkol kay Klary.
*********
Pinag mamasdan ni Diego ng palihim si Klay habang nakikipag usap ito sa mga trabahador ng hacienda nila mukhang seryoso talaga si Klay na ayusin ang hacienda nila. Kung titingnan wala naman pinagkaiba ito kay Klary parang wala itong sakit kaya medyo confusing pa rin kung di lang nya narinig ang usapan nito at ni Dennis di nya maiisip na meron itong seryoso ang sakit nito. Idagdag pa na nasaksihan nya mismo kagabi ang isa nitong personality akala nya normal lang iyon dahil na nanaginip ito.
Naputol ang pag mumuni muni niya ng lumingon si Klay sabay ngiti at kumaway sa kanya agad naman syang gumanti ng kaway at ngiti rin na bigla nyang ikinangiwi at pinag sisihan ang ginawa.
“Ano ba naman Deigo umayos ka nga.” sita nya sa sarili. He’s not supposed to that hindi naman nya gawain na ngitian at batiin si Klary tapos bigla kumilos sya ng parang wala sa sarili. Meron na din ata syang split personality. Nang makitang papalapit na si Klay agad na syang nag handa. Gaya ng pakiusap ni Dennis alang alang daw kay Klary na hindi pa bumabalik wag na muna nyang ipahalata na may alam na sya.
“Akala mo siguro di ko alam na kanina mo pa ako tinititigan. Tabi na ba tayo matutulog mamayang gabi?” kindat na tanong pa ni Klay. Obviously hindi nga ito si Klary dahil ang kilala nyang klary hindi sya kikindatan o yayain syang makipag s*x.
“Mag katabi na tayong natulog kagabi.” matabang na sagot nya.
“Syempre hindi counted yung kagabi bayaran mo ang lahat ng effort na gagawin ko dito sa hacienda nyo.”
“Mag kano ba?”
“Alam mong hindi pera ang kailangan ko.”
“Then umasa ka sa wala i told you hindi na ul——
“Kapag di mo pa rin ako pinag bigyan sa gusto ko mamayang gabi. Sisiguraduhin ko sayo na titikim ako ng iba kahit pa labag sa kalooban ko. Hindi lang kayong mga lalaki ang may pangangailangan kami din mga babae.” banta ni Klay.
“Tinatakot mo ba ako?” galit na tanong ni Diego.
“Gusto mong subukan ko para malaman mo na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Your taking me for granted dahil alam mong mahal kita pero FYI lang my dearest husband may limitations din kung hanggang saan lang ang kaya kong tiisin.”
“Kung ganun madali naman akong kausap isasauli na kita sa inyo. Aayusin ko ang annulment natin at mag pakasal ka na sa lahat ng lalaki na gugustuhin ng parents mo. Bakit kaninong buhay ba ang masisira sa akin ba? Kaya wag mo akong tinatakot. Hindi mo ako mahahawakan sa leeg Klay bare that in mind.” ani Diego sabay talikod pero deep inside pipi syang nanalangin na sana hindi seryosohin ni Klay ang sinabi nya, sana maisip nito na mali ang ginagawa nito.
“Diegs wait.” saka palang nakahinga ng maluwag si Diego ng marinig ang pag habol ng asawa na mabilis na yumakap sa braso nya na kunwari galit pa sya na ipiniksi ang braso pero pilit pa rin na niyayakap ni Klay.
“Eto naman daig pa ang aso na laging bagong panganak. Wag ka ng magalit joke lang yun sympre matino pa naman akong mag isip di ko para ipa tikim kung kani kaninong lalaki ang petsay ko. Ang akin lang naman tingnan mo yang mga tanim nyo na tutuyo na kasi hindi na aalagaan ng ayos. Ang mga halaman kailangan na didiligan pa minsan minsan.” mahabang paliwanag ni Klay.
“Hindi ka halaman Klay para diligan. Tao ka hindi halaman.” sagot naman ni Diego, tumarak naman ang mata ni Klay.
“My God! Epekto ba yan ng pagiging oldies mo, di mo ma gets ang ibig kong sabihin.” gustong matawa ni Diego sa hitsura ni Klary na akala mo naman ay frustrate na frustate.
“Ilang taon ng walang ang petsay ko.”
“Bakit di ka ba nag huhugas. Mag hugas ka ng mabasa.” ngisi ni Diego kung nakakamatay ang titig ni Klay baka DOS na sya.
“Mukha ba akong mag jojoke?”
“seryoso ako! Mag hugas ka ng madiligan at mabasa yang sinasabi mong petsay.” ani Diego sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan ng asawa.
“Bahala ka sa buhay mo! May mas mabuti pang kausap ang kambing kesa sayo.” inis na wika ni Klay sabay talikod.
“I rurugby ko na to ng mag sarado na ang butas wala na din naman pakinabang.” sigaw pa ni Klay habang papalayo. Natawa nalang naman si Diego na sinundan ng tanaw ang asawa na nilingon ng ibang trabahador na mukhang na gets ang sinabi ng asawa dahil na tawa nalang din.
“