Palabas palang sana ng bahay si Diego para puntahan si Klay ng magulat sya ng makitang nag lalakad na ito papasok.
“Anong ginagawa mo dito your suppose to be in hospital.” galit na angil ni Diego.
“make me pregnant.”
“what?” gulat na bulalas ni Diego.
“Tara.” Hihilahin na sana sya ni Klary pabalik sa loob ng bahay nila ng bawiin nya ang kamay rito. Kung maka yaya ito akala mo naman mag kakape lang sila.
“Ikaw ang sumama sa akin ibabalik kita sa hospital.”
“ayokong bumalik sa hospital. They are playing to separate us kailangang may gawin tayo.” kumunot ang noo ni Diego, nag-usap na sila kahapon regarding sa bagay na iyon at nabanggit na rin nya kagabi na hindi sya papayag bawiin ito sa kanya ng parents nito para lang ipakasal sa walang kuwentang lalaki. He already checked Jessie James Villaroel personal data. Masyadong magaganda ang mga record nito, sayang naman ang mga training nya sa underground kung di nya makikita ang mga baho ng isang tao.
And he is right marami itong kasong na absuwelto dahil sa papa nito na isang governor ng bayan nila. Assult, Attempted murder, raped at harassment. Majority puro galing sa asawa nito ang kaso meron ilang ibang babae pero lahat nabasura ang kaso at di na sya nagulat sa bagay na iyon. Tapos gugustuhin ng magulang ni Klary na ipakasal ito sa ganun uri ng lalaki. Hindi sya papayag kaya agad syang nag tungo sa bahay ng mga ito kagabi pero nagulat nalang sya na nakapag desisyon na agad si Klary na wakasan ang buhay nito kesa umasa sa kanya. Bagay na di nya inaasahan.
Something strange happening to Klary na sisigurado nyang parang may mali rito hindi lang nya matukoy kung ano. Noon pa man nya iyon na papansin hindi lang nya nabibigyan ng importansya dahil hindi naman sila magkasama ng matagal.
“And getting you pregnant ang naisip mo agad.”
“Yes! That’s the easiest thing to do para tigilan na ako nila mommy at daddy.”
“At paano ang bata?” kumunot ang noo ni Klay.
“Sabihin na natin that i got you pregnant. Wala ka bang pakialam na may madamay na bata sa klase ng relasyon na meron tayo. Tingin mo bata ang solusyon para mahawakan mo ako sa leeg.” matagal bago di naka imik si Klay na nakatingin lang kay Diego.
“Wala ba kahit konting pag asa na mahalin mo rin ako ha Diegs. Kahit konti lang naman ako na ang bahala sa kulang.” umasim naman ang mukha ni Diego. Ibang klase din talaga ang mood nito kaya paano nya sasagutin ang tanong na iyon. Yesterday parang gusto nitong patunayan na kaya nitong mabuhay na wala sya, na wala itong pakialam kahit wala syang pakialam rito.
Ngayon naman parang nag mamakaawa na itong suklian nya ng pag mamahal ang pag mamahal nito sa kanya. Daig pa nito ang may split personality. Minsan malandi at saksakan ng flirt, Minsan naman galit at pinag tatabuyan sya. kung di nya ito iintindihin tatanda pa sya lalo ng mas maaga rito. Ito ang mahirap kapag masyadong bata ang asawa ang laki ng kailangan nyang iadjust kaya paano sila mag sasama ng matagal. Daig pa nya nag kaanak sa nangyari.
Kaya paano pa nya bibigyan ng pansin ang damdamin na possibleng meron sya para rito kung ngayon palang parang ayaw na nya maimagine kung anong magiging buhay nya sa piling nito pag dating ng panahon.
“Puwede ba! Klay paulit ulit nalang tayo. Hindi ko gusto na mabuntis ka kaya tigilan mo ang mga pumapasok na idea dyan sa ——- klay! Klary ano ba kinakausap pa kita? saan ka pupunta.” biglang habol ni Diego ng bigla nalang itong tumalikod.
“Mag hahanap ng lalaking bubuntis sa akin.”
“Damn it! Klary.” malakas na sigaw ni Diego na pilit sinusundan si Klay.
“Baliw ka ba?”
“Oo! Na babaliw na ata talaga ako. Alam mo sa totoo lang matalino akong tao eh! pero s**t lang talaga pag dating sayo natatanga ako.” Inis na wika ni Klay na sandaling nilingon ang asawa.
“Kung tutuusin kung pag uukulan ko lang ng pansin ang mga lalaking gustong gusto ako ma itake home. Hindj naman kita kailangan pero lintik lang ano bang meron ka at patay na patay ako sayo hayop ka.” dugtong na wika ni Klary habang nag lalakad na parang sarili lang ang kinakausap. Di naman malaman ni Diego kung ma iinis o matatawa sa sinasabi ng batang asawa.
“At para sa kaalaman mo para na din sa ikatataba ng ego mo. Hindi ko rin naman kayang makipag s*x sa ibang lalaki. Oo siguro nga malandi ako pero inilulugar ko naman at wala pa akong ibang lalaking nilandi maliban sayong gago ka.”
“Can you please watch your language. Your cursing me to much.”
“Kung di mo ako kayang tulungan wag ka ng sumunod sa akin dahil hindi ako babalik ng hospital.”
“I will help you pero hindi sa paraang gusto mo. “ napahinto sa pag lalakad si Klary at nilingon ang asawa na huminto sa pag sunod naman sa kanya.
“How?”
“Let’s leave together. Let them think na mag sasama tayo bilang mag asawa. Therefore iisipin nila na possible ka ng mabuntis during the process na nag sasama tayo bilang mag asawa.”
“are you suggesting na mag sasama tayo pero isang palabas lang para lang isipin nila na were together.”
“Yes and no physical contact.” malakas naman tumawa si Klary.
“Ayos rin ah parang ikaw pa ang babae na madedehado dyan sa no physical contact. Nakakahiya naman sayo.”
“Dahil wala akong tiwala sayo. Oras na lumabag ka sa usapan natin, sa gusto kong no Physical Contact bahala ka na sa buhay mo. Maliwanag.” pagak na tumawa si Klay sabay iling pero bet nya ang suggestion nito. Mapapadali yung gusto nyang way para mapaibig ito. Tingnan lang nya kung hanggang saan ang no physical contact na sinasabi nito.
“Deal. Panindigan mo yan no Physical contact.”
“I can bare with it basta wag ka lang gagawain ng paraan na hawakan kita.”
“Wow ha! Virgin ka pre’.” biro ni Klary
******
“Ano bang nangyayari sayo?” galit na angil ni Luisito kay Klary habang nakatayo sa harapan si Klay at Diego. Bago sila humarap sa parents niya hinanap muna ni Klay sa kuwarto nya ang diary nila ni Klary para alam nya kung bakit nag tangkang mag pakamatay si Klary. Medyo na antig naman ang puso nya sa nabasang pakiusap ni Klary.
Hindi naman pala ito mag papakamatay, matutulog lang ito para makaiwas pero marahil nag kamali ito ng inom ng gamot kaya nag overdose. According to Klary in case daw na magising sya bilang Klay sya na muna bahala. Nakikiusap ito na mag take over muna sya para wag matuloy na ipakasal nanaman sa isang lalaki. Mas okay na kay Klary na makasal kay Diego na walang pag mamahal kesa sa makasal sa isang lalaki na tiyak na kapahamakan ang magiging dala sa buhay nila.
Ayaw daw nito maranasan ang hirap ng mommy nila na nakita na pinababayaan ng Daddy nila. Na okay lang na ganun ang buhay maraming ka share, kung mananatili daw silang kasal kay Diego kahit papano lessen yung sakit na kayang idulot ni Diego dahil sa simula palang alam na nyang hindi sya gusto ng asawa. Na sila lang ang nag mamahal pero mabuting tao si Diego. Malayong malayo ito sa Daddy nila.
Sya na daw ang bahala wala daw kaso itong kakayanan na labanan ang parents nila dahil ang gusto lang nito maging mabuting anak at masunurin. Ayaw nitong masaktan ang magulang kaya olay lang na masaktan ito. Hindi naman sya papayag.
“Wala akong balak mag pakamatay Dad’ ang balak ko lang po kasi is matulog para makaiwas sa mga bwisita nyo.”
“ano? anong bwisita? yan bibig mo Klary ilang beses ko ng pinalalampas yang ganyan manners mo. Asal kalye ka na para kang walang pinag aralan. Yan ang natutunan mo sa kakasama sa lahat ng tao dito sa hacienda.” anggil pa ng papa nya na sinaway naman ng ina.
“Tumigil ka Aurella! Kaya ganyan ugali ng anak mo. Kinakayan kayanan nalang tayo, makinig ka.” baling muli ni Luis sa anak.
“Proud ako sayo bilang Daddy mo pero yang ugali mong yang baguhin mo. Hindi ka naman ganyan at di ko alam kung bakit may mga pagkakataon na ang hirap mong maunawaan at ikaw Diego.” baling ni Luis sa asawa.
“Nagkamali kami ng desisyon na ipakasal ka sa anak namin. Ikaw siguro ang living karma ko at anak ko ang nag babayad sa mga kasalanan kong nagawa kay Aurella. After nang nangyari kagabi na realize ko desidido na ako na ipawalang bisa ang kasal nyo kung ayaw talaga ni Klary kay Jessy hindi ko na din ipipilit. Itatama namin ang pag kakamali namin at sisimulan namin ang ipa annulled ang kasal niyo.” pagak naman tumawa si Klary na sabay sabay na ikinalingon nila rito.
“Sorry po na isip ko lang po kasi i papa annulled nyo ang kasal namin ni Diego. Itatama nyo ang mali nyo? Tingin ko po kasi mas lalo lang kayo gagawa ng mali kapag pinag hiwalay nyo ang taong nag mamahalan.” ani Klay habang inabot ang kamay ni Diego at pinag salikop ang mga daliri nila. Napalingon naman sa kanya si Diego at diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
“Diego said na hinayaan muna nya ako na mag buhay dalaga dahil masyado pa akong bata ng mag pakasal kami gusto nyang mag enjoy muna ako at sulitin ko ang buhay ko bilang dalaga pero dahil sa balak nyong ipakasal ako sa iba. Kinausap nya ako na hindi sya papayag diba puppy.” ngisi ni Klay sabay yakap sa bewang ni Diego na di malaman kung ngingiwi o mag wawalk out dahil sa endearment na ginamit ng asawa tunog senior citizen puppy.”
“Totoo ba yun Diego?”
“Yes po Dad, masyado pa pong bata si Klary ng mag pakasal kami hindi pa nya na eenjoy ang buhay nya bilang dalaga, alam ko pong nag kamali ako noon kaya nag kamali din kayo na ipakasal nyo sya sa akin pero pinilit ko pong itama at ibigay muna sa kanya ang kalayaan nya. If you think na pinabayaan ko sya, hindi po totoo yun ayaw ko lang pong dumating yung time na pag sisihan nya na nakasal sya sa akin at di nya maranasan i enjoy ang pagiging dalaga.” habang sinasabi ni diego ang mga yun walang kakurapkurap ang mga mata ni Klay kung di lang nya kilala si Diego, iisipin nya totoo at galing sa puso nito ang mga binitawang salita. Nakakakilig naman kung totoo ang lahat ng yun.
“Pero kung muli nyo lang syang ipapakasal sa iba at ipawawalang bisa nyo ang kasal namin. Maaari po bang kunin ko nalang sya sa inyo bilang asawa ko.” napakagat labi si Klary sabay yakap sa braso ni Diego na ikinalingon ni Diego sa asawa na parang pusa na kulang nalang isiksik ang mukha sa kilikili nya.
Sinasabi mo bang mag sasama na kayo sa iisang bubong ganun ba?”
“Yes po.”
“Sigurado ka ba Diego.” nag aalala pa rin wika ni Aurella na nakatingin sa anak na abot tenga ang ngiti.
“Opo kaya sana po payagan nyo kami.” nag katinginan ang mag asawa sabay buga ng hangin.
“Wala din naman kaming magagawa lalo ganyan si Klary sayo.” turo pa ng ama sa anak na kulang nalang isiksik ang sarili kay Diego.
“Pag bibigyan ka namin Diego na patunayan ang hangarin mo sa anak namin. Wag mo sana kaming bibiguin.” wika naman ni Aurella.
*******
“Ang linaw ng usapan natin no Physical contact ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina? Kulang naman amuyin mo ang kilikili ko.” angil ni Diego habang nakatayo sa gilid ng kama habang si Klay naman ay nag iimapake ng gamit nya. Sa hacienda muna sila nila Diego titira at pag bumalik ito ng manila pag iisipan pa daw nito kung isasama sya o hindi bahala na daw pero okay na yun at least magkasama na sila.
“Eto naman maka react akala mo naman ni rape na kita, Ano ba ang No Physical contact para sa iyo, mag kaiba yata ang interpretation natin.”
“Bakit ano pa bang ibang interpretation ng no physical contact?” takang tanong ni Diego.
“Para kasi sa akin ang no physical contact ay Sex.” napapikit naman si Diego.
“Yung mga minor things na touch and hug hindi naman siguro kalabisan yun. Wag ka ng magalit hmm saka don’t worry gagawin ko lang naman yun kapag tawag ng pag kakataon.” napabuga naman ng hangin si Diego.
“Fine! just make sure na alam mo kung hanggang saan lang ang limitations mo. Wag mo akong sagarin Klay.”
“Yes Puppy.”
“Stop calling me puppy nakakadiri.” natawa naman si Klay.
“Cute kaya.”
“Ang dami mo naman dinadala. Mag kapit bahay lang tayo di mo kailangan mag dala ng maraming gamit.” sita ni Diego ng makita ang malaking maleta.
“Im planning to stay sa hacienda nyo tutulungan ko si Dennis alam mo kasi yung brotherhood mo na yun di man yung nag sasalita, hirap na yun sa pag papalakad ng hacienda nyo, sa dami ng problema.”
“Kaya nga ako nandito diba to help him for a while.” tamad na sagot ni Diego.
“Magtulungan tayo para naka survive ang hacienda nyo dahil tinulungan mo ako ngayon, i will return the favor.” ngiti ni Klay pero deep inside nag bubunyi na sya. Titiyakin nya na unti unti makukuha nya sk Diego ng di nito na mamalayan.
“Your mine diegs.”