POLDO
"Boss, bakit hindi ko alam na vegetarian pala kayo? Tapos paborito n'yo palang ulam ay talong. Akala ko kapag mayamang gaya ninyo steak palagi ang gusto," tanong ni Jago habang nag-iihaw ng talong na totortahin niya ngayon para sa tanghalian naming dalawa.
Mula kahapon talong na ang ulam namin hanggang ngayon. Masarap naman. Masarap naman talaga ang talong lalo na kung talong ko ang usapan este talong na gulay na benebenta ni Natasha. Mareklamo lang talaga itong kasama ko ngayon, hitsura pa lang naman wala na siyang karapatang magreklamo.
"Porke ba gwapo bawal na mag-ulam ng talong?" maangas na sagot ko sa kanya bago naupo sa high stool. Ipinatong ko ang mga braso ko sa kitchen bar. Wala akong balak tulungan siyang magluto, kaya nga pumayag akong isama siya kahit labag sa loob ko para may katulong ako. Nakakatamad naman kasi talagang gumawa ng mga gawaing bahay. Kung kama siguro ang usapan hindi ako tatamarin kahit ilang rounds pa iyan pero kapag pagluluto wala akong lakas.
Isa pa ayokong masunog itong bahay. Kapag gawaing kusina, aaminin kong hindi ako masyadong magaling. Kahit naman gwapo ako may mga bagay pa rin akong hindi kayang gawin.
Inilibot ko ang mata ko sa paligid.
Maayos na ang buong bahay. Nalinis na rin namin pero kailangan pa ring alisin ang matataas na damo sa labas at pinturahan ng bago.
Muli akong tumingin kay Jago na abala sa pag-iihaw ng talong. Tila problemado pa siya habang nakatingin sa talong na nasa harapan niya. Napaka-arte naman ng lalaking ito.
Bakit ba ang dami niyang arte? Pasalamat nga siya may ulam kami. Saka masustansya ang gulay, maganda sa katawan. Kaya huwag na siyang magreklamo. Ako ngang gwapo at amo hindi nagrereklamo siya.
Masarap naman ang gulay na talong pero sigurado ako mas masarap ang nagtitinda. Pinakamasarap sa lahat.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kademonyohang pumapasok sa utak ko.
"Hindi sa bawal boss pero mula kahapon ito na lang yata ulam natin. Wala ka bang ibang alam na gulay? Hindi kaya mapurga na tayo sa talong?"
"May binili akong petchay," balewalang sagot ko.
Lihim akong napangiti nang tingnan ang petchay na nasa isang strainer. Ang petchay ni Natasya.
"Mahilig rin ba kayo sa petchay?"
"Ibang petchay ang hilig ko." Sabay na sumilay ang ngiti sa labi namin dahil sa sinabi ko. Tila naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Eh, bakit ba puro talong ang binili ninyo? Wala ba kayong alam na ibang gulay? Gaya ng upo't kalabasa, bataw, sitaw at patola at saka-"
"Magluto ka na lang. Ang dami mong satsat," putol ko sa sasabihin pa niya. Balak pa yata niyang banggitin ang lahat ng gulay sa bahay kubo.
Marami akong alam na gulay, nakakalimutan ko lang kapag kaharap ko na ang nagtitinda.
Puta! Nakakawala ng angas. Bakit ba kasi ang ganda niya?
"Pero boss bukas ako na ang mamalengke, para maiba naman ang ulam natin hindi naman tayo baka para kumain araw-araw ng damo. Isa pa pang-isang linggo na ang bibilhin ko para hindi na tayo bumili araw-araw."
Matalim na tiningnan ko ito dahil sa sinabi niya. Walang ibang pwedeng mamalengke kundi ako lang. Kaya nga hindi ako bumibili ng madami para araw-araw mamalengke tapos eepal siya.
Manatili siya dito sa bahay at ayusin ang pagpapalinis. Huwag niyang sirain ang diskarte ko.
"Hindi na. Ako na, mas mabuting araw-araw na lang tayo bumili para sariwa palagi ang kakainin natin."
Syempre para araw-araw ko rin makita si Natasya.
"Hindi ba masyadong abala naman iyon, boss?" Nagbabalat na ito ng mga inihaw na talong habang nanunuod lang ako.
"Ayos lang."
Handa akong maabala araw-araw masilayan ko lang siya. f**k! Bakit ba kasi parang ang hirap niyang lapitan? Dati naman lahat ng babaeng gusto ko kaya kong makuha sa isang pitik ko lang pero pagdating sa kanya pakiramdam ko mahihirapan ako.
Kapag kaharap ko nga siya para akong tangang natutulala sa kanya. Tinamaan talaga ako.
"Sigurado ba kayo, boss?"
"Magluto ka na lang. Gutom na ako," ani ko at tumayo na sa pagkakaupo para iwan siya.
Papasok pa lang ako ng kwarto ko nang biglang tumunog ang selpon ko.
"Where are you?"
"Hello, Mom," pambabalewala ko sa tila galit na bungad niya. Sanay na ako sa mala tigre palaging bungad ng ina ko.
Ano na naman kaya ang kasalanan ko para tawagan ako nito?
"I am asking you, Leopoldo, where are you?"
Kinamot ko ang dulo ng ilong ko dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko.
"Somewhere."
"And where is that somewhere you are talking?" Kahit hindi ko siya kaharap alam kong nakatikwas na ang kilay nito.
"A place where my dream is."
"Pinagloloko mo ba ako?!" Nailayo ko ang selpon sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Bakit ba palaging high blood agad ang aking ina?
"I am not, Mom. You know that I am a good boy," sagot ko habang nakangisi kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Good boy, yeah. You are so good that you even f****d one of our maids?!"
Uh, oh!
Lagot na. Sino naman kayang makating dila ang nagsumbong dito at puputulan ko.
"Where did you hear that?! Mom, I am still a virgin!" madramang sagot ko. Alam kong sa mga oras na ito ay umuusok na ang ilong ng aking ina at kung nasa harapan niya ako ngayon ay baka napingot na naman niya ako. Kahit na matanda na kami, madalas bata pa rin kung ituring kami ng aming ina. Gayong pwede ko na siya bigyan ng maraming batang apo kung papayag si Natasha syempre.
"Don't fool me, Leopoldo. You and your twin are always giving me a headache. Go home now, I need to talk to you," may diin na ang bawat salita nito. sweet naman ang ina ko pero bakit kapag ganyan na ang tono niya pakiramdam ko nagkakasungay na siya?
Siguro malakas talaga kamandag ni Dad. Pati si mom, nahahawahan niya ng black energy niya.
I sighed. " I will, but not now. I am still doing something."
"And how important that thing for you not to go home when I said so?" I can sense the irritation in her voice. I know that if she is beside me right now, she already hit me.
"Well, my future depends on it, Mom. So, bye." I hung up the phone and dove into bed.
I need to go to sleep. I need some sleep before I go to see my love again. Masyado akong napuyat kagabi kababantay sa kanya kaya babawi muna ako ng tulog ngayon.
Nawalan na ako ng ganang kumain. Bahala na si Kaloy na ubusin ang tortang niluluto niya.
Pero mukhang ayaw yata akong patulugin. Muling tumunog ang selpon ko pero hinayaan ko lang iyong mag-ring nang magring subalit makulit ang caller. Bwesit na sinagot ko ang tawag kahit hindi tiningnan kung sino ang tumatawag.
" Siguraduhin mong importante sasabihin mo kung ayaw mong baunan ko ng bala iyang bungo mo," agad ay banta ko sa kung sino mang herodes na nasa kabilang linya.
"Woah, bro, chill!"
Agad kong nakilala ang nasa kabilang linya. Ano naman kaya ang kailangan ng impaktong ito?
"Inaantok ako, Leonidas kung may kailangan ka sabihin mo na."
"Bakit ang init ng ulo mo? Ganyan ba kapag tigang?"
"Tigang mo mukha mo."
"Asan ka ba? Ilang araw ko ng hindi nakikita sungay mo dito sa bahay. Baka gusto mong sumama ngayon sa akin. Madami akong chikababes na ipapakilala sayo kaya lumabas kana sa lungga mo."
"Ayoko sa cheap, sayo na lahat iyan."
Narinig ko ang malakas na tawa niya sa kabilang linya.
"Totoo nga ang tsismis. Mukhang ikaw na ang susunod sa yapak ni Mayor, uunahan mo na ba sina Kuya Luciano at Kuya Lewis? Tumatanggi kana sa babae e. Kapag ganyan daw may kinalolokohan na."
"Tantanan mo ako sa kalokohan mo Leonidas,"sagot ko bago pinatay ang tawag.
Basta ko na lang hinagis ang selpon ko sa kama at muling pumikit. Mga abala sa pagtulog.