POLDO
Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa kama. Alas tres na ng hapon ayon sa orasang nasa dingding.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa bathroom. I need to take a bath before I went to see my girl. Kahit alam kong gwapo ako, dapat mukha rin akong fresh palagi sa paningin niya.
Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng maingay na usapan mula sa living room. Wala namang tao dito sa bahay maliban sa aming dalawa ni Jago pero bakit mukhang may kausap siya ngayon? Masyado pang malalakas ang boses nila kaya kahit nasa taas pa lang ako ay dinig na dinig ko ang usapan nila.
"Kayo pala ang may-ari nito? Akala namin dati hunted house ang bahay na ito. Ang laki-laki kasi tapos wala namang nakatira." Rinig kong saad ng isang lalaki.
Mabilis akong bumaba para makita kong sino ang kausap ni Jago. Kadarating lang namin noong isang araw kaya impossibleng may kakilala na agad siya na tagarito lalo na at malayo naman ang kapitbahay namin.
"Napabayaan lang kaya nga naging madamo na."
"Huwag kang mag-alala boss, kami ang bahala. Bukas na bukas din sisimulan naming pagandahin ang paligid ng mansyon ninyo." Isang payat na lalaki at may malaking ngiti sa mga labi ang bumungad sa akin ng makababa na ako ng hagdan. May katabi rin itong isang mataba, at isa pang lalaki. Pamilyar sila, parang nakita ko na ang mga ito.
Biglang nanlaki ang mga mata ng mga ito ng makita ako. "Bossing! Do you rimimber me?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Bahagya pa itong lumapit sa akin. Ikiniling ko ang ulo ko para alalahanin siya. Kapag kasi mga ganitong mukha hindi ko na tinatandaan.
Payat, matangkad, at mukha namang tao.
"In the plaza, we talk-talk, rimimber? Then you also help help Natasha when she..." umakto itong nawalan ng malay.
Ohh! Yeah, natatandaan ko na. Sila iyong lumapit sa akin noong nasa plaza ako noong unang punta ko dito sa San Vicente. Sila Iyong tatlong namimilipit ang dila dahil napagtripan kong kausapin ng English.
Si Kaloy rin iyong isa sa mga kaibigan ni Natasha.
Sa dami ng taong kukunin ni Jago para maglinis ng bakuran, sila pa talaga. What a coincidence.
"Yeah, what are you doing here?" Tanong ko kahit may hinala na ako kung bakit sila nandito base sa narinig kong usapan nila.
"We will cut the damo, ano nga inglish sa damo?" dinig kong bulong nito sa kalapit ng hindi matuloy ang sasabihin sa akin.
"Grass, bobo mo talaga, 'yun lang hindi mo pa alam," sagot naman ng mataba bahagya pa itong tinuktukan sa ulo.
"Boss, wer hir to... to cut the grass and make your garden a wonderland. I am Berting in the way, always at the service," Baling sa akin ng matabang lalaki.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jago at ang pagkamot niya sa ulo. Siguro dahil sa pag-eenglish ni Berting. Pero kahit english carabao naman sinasabi niya, naiintindihan ko. Gaya nga ng sabi ko, sanay akong makipag-usap sa mga gaya nila dahil nagawa ko na rin tumambay noon sa kanto. Lalo na kapag tinatamad akong pumasok noong college pa ako.
"Patrick is me name, boss," pakilala naman ng maliit na kasama nila.
"You know me, I know you, no introduction anymore," ani naman ni Kaloy.
"I am not the boss here," sagot ko at itinuro si Jago na kanina pa tahimik at nanonood sa amin.
Sabay sabay na tumingin ang tatlo kay Kaloy at nadududang tumingin.
"Weee?!" they said in unison.
Seems like they can't believe of what I've said.
Pasimple kong pinanlakihan ng mata si Jago para sabihing sakyan ang sinabi ko kaya bahagya itong ngumiti sa tatlong kolokoy.
"Siya boss namin? Eh, kung hitsura pagbabasihan mas gwapo pa ako sa iyo e." Nagdududang saad pa rin Kaloy. Kung tama ang pagkakaalala ko Kaloy ang pangalan niya.
"Paanong nangyaring siya ang boss? Akala ko tauhan lang rin siya, hindi naman siya mukhang mamahalin gaya n'yo," ani naman ng isa pa nilang kasama na kanina pa rin tahimik bago nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Jago.
Tumingin ako kay Jago, may edad na ito pero walang bakas ng pagiging gwapong lalaki noong bata pa ito kaya hindi na ako magtataka kung pinagdududahan nila na hindi ito ang boss. Ayos naman ang porma nito, hindi lang talaga mukhang amo ang dating.
Tumikhim si Jago. "Kailangan n'yo ba ng trabaho o gusto n'yong pasabugin ko mga bungo n'yo? Makapanlait kayo parang wala ako dito sa harap n'yo. Ako ang boss, ako ang magpapasweldo sa inyo. Kaya umayos kayo. Humble lang ako kaya hindi ako pumopormang mayaman," seryosong saad ni Jago na. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Magaling pala umarte ang tauhan ni Papa. Tumingin siya sa akin. "Mukha lang mamahalin iyang si Poldo kasi nakakojic iyan tapos may skin care pang gamit, pero dukha talaga iyan."
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ayos na ang drama niya kanina dinagdagan pa niya ng kung ano-ano. Alam ko gusto niya maging kapanipaniwala pero grabe naman siya sa akin.
"Pero englisherist siya!"Giit ni Kaloy.
"I know how to English too. Don't me!" asik ni Jago dito. Talagang ayaw niya magpatalo sa tatlo, dapat lang.
"Kung ganoon mayaman ka pala talaga, kasi akalain mo iyon forenjer tauhan mo," ani ng mataba.
"Oo naman pero humble nga lang ako kaya hindi ko ipinagkakalat." Napailing na lang ako sa kahanginan ni Jago.
Mukha namang naniwala ang tatlo sa sinabi niya dahil tumango-tango ang mga ito.
"Pasensya na bossing, akala kasi namin siya ang amo kayo pala." Kumakamot pa ito na tila nahihiya sa inasal niya kanina kay Jago. "Huwag ka mag-alala, bukas na bukas sisimulan na naming linisin ang paligid. Kami na ang bahala, 'di ba boys?" Tumango naman ang dalawang kasama ni Kaloy bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
Umupo na ako sa sofa. Masyado ng napapahaba ang usapan nila. Nakakangalay tumayo at maghintay kung kailan matatapos.
"Sige, bumalik kayo bukas ng maaga. Gusto kong maging maganda ang bakuran ko para hindi na mapagkamalang hunted house itong mansyon ko."
Sumaludo naman ang talo na akala mo ay may mga sundalo sa sinabi ni Jago.
"Sige, mauuna na po kami." Tumango lang naman si Jago. Bumaling sa akin si Kaloy. "Fake Boss, una na kami."
"Sige, balik kayo bukas," tugon ko.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nila.
"Marunong ka magtagalog?"
"Oo."
"Tangina, na scam tayo."
"Dumugo ilong ko, nagtatagalog naman pala."
"Nasayang mga inipon kong english."
Kanya-kanya silang reaksyon ng malaman na nagtatagalog ako. Daig pa nila ang natalo sa lotto.
Mga uto-uto kasi sila.
"Sige na, sige na. Huwag na kayo magulat. Nagtatagalog talaga iyang driver s***h alalay kong iyan. Sabi ko nga sa inyo, poor lang iyan ako ang rich pero humble lang ako. Tryong hard lang iyan maging boss kaya nag-e-english madalas." Hindi ko alam kung matutuwa o maasar ako sa sinabi ni Jago. Pinaninindigan niyang siya ang boss gaya ng sinasabi ko pero kung ano-ano naman ang sinasabi niya laban sa akin.
"Sige boss, sibat na kami," paalam ng tatlo bago tuluyang umalis.
Bumaling sa akin si Jago ng makalabas na ang tatlo. "Ayos ba ang acting ko boss?"
"Pwede na."
"Aba, kung ganoon kailangan ko pa palang pagbutingin para bukas."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. May kailangan pa akong puntahan. Mag-aalas singko na, alam kung maaga pa pero gusto ko siyang makita ng matagal kaya pupuntahan ko siya ng mas maaga.
"Boss, anong luto sa talong ngayong hapunan?!" pahabol na tanong sa akin ni Jago bago pa ako makasakay sa kotse ko.
"Gisahin mo," balewalang sagot ko bago ini-unlock ang kotse gamit ang car key na hawak ko.
Mabilis kong pinasibat ang sasakyan patungo kung nasaan ang pakay ko.