Chapter 17:

1738 Words
TASYA “Anong plano mo?” napatingin ako kay Pinang na prenteng-prenteng nakaupo sa maliit kong sala habang may hawak na isang bowl ng chips. Hindi ko alam sa babaeng ito pero mula nang madala ang aking ina sa ospital hanggang sa mailibing ito. Kung dati puro bangayan lang ang ginagawa naming dalawa ngayon may bangayan pa rin naman pero may improvements na, medyo close na yata kami kasi feeling close na ang babaeng ito. Heto nga siya ngayon sa bahay, feeling at home masyado. “Anong plano?” pag-uulit kong tanong sa kanya at naupo sa isahang sopang katapat niya. “Wala ka bang plano?” “Hindi ko pa alam.” Ilang araw pa lang mula nang mamatay ang aking ina. Sinusubukan ko pa lang muling magsimulang mag-isa pero sa totoo lang wala akong plano. Basta susunod na lang ako sa agos. “Mayaman kana. Yung perang kinita mo ng gabing iyon, hindi mo ba gagamitin para magsimula. Dapat sa operasyon yun ng nanay mo pero walang mag-aakalang biglaan siyang mawawala, na hindi kana aabot pa. Kaya bakit hindi mo na lang gamitin sa ibang bagay.” Napatingin ako sa kanya. Kung hindi niya nabanggit ang tungkol sa perang iyon hindi ko na maalala. Masyado kasi akong abala sa pag-aasikaso sa lamay at libing ni Inay kaya nawala na sa isip ko. “Hindi ko alam kong papaano ko gagamitin ang perang iyon. Ginawa ko lamang iyon para kay Inay. Ngayon wala na ako paggagamitan sa perang iyon.” “Ano? Wala kang balak gamitin ang pera? Pera iyon Tasyang. Pera. Isipin mo kapag ginamit mo iyon, hindi mo na kailangang magtinda sa palengke araw-araw. Pwede kana magbuhay donya. Kaya umayos ka nga.” Pinanlalakihan pa ako ng mga mata nito na para bang sinasabing gumising ako. “Alam ko namang pera iyon. Hindi ko naman sinabing hindi ko gagamitin, hindi ko lang alam kung papaano ko gagamitin. Hindi naman ako baliw para sayangin ang perang iyon gayong malaking bahagi ng pagkatao ko ang naging kapalit noon.” Hindi ako mukhang pera pero hindi ko rin sasayangin ang malaking halaga na iyon. Itatabi ko na lang muna siguro, baka balang araw may biglaan akong paggamitan. Pero sa ngayon wala akong balak galawin iyon. “Huwag mo talagang sasayangin pero kung ayaw mo talaga pwede mo naman ibigay na lang sa akin. Ako naman ang nag-offer sayo kaya milyonarya kana ngayon.” Malaki ang ngising saad nito na ikina-irap ko. “Ikaw ba ang nawalan ng virginity? Ikaw nga ang nag-offer pero ako ang bumukaka,” bumuga ako ng hangin. “Pero nahuli pa rin ako.” I am really sound a w***e because of what I have said pero iyon naman talaga ang totoo, naging puta ako ng gabing iyon. “Hindi ka nahuli. Siguro hanggang doon na lang talaga ang buhay ng nanay mo. Ginawa mo naman ang lahat kaya pwede ba huwag mong sisihin ang sarili mo,”pagsesermon nito na ikinangiti ko. Kahit na minsan maldita ito at tila walang ibang gustong gawin kundi ang sirain ang araw ko dahil sa mga kaartehan niya sa buhay hindi ko inaasahang magiging karamay ko siya. Kahit na madalas para kaming aso't pusa, nagpapasalamat ako na nasa tabi ko siya ngayon para damayan ako. “Speaking of virginity. Masarap ba? Malaki ba? Kasi nilagnat ka. Halatang-halata rin sa lakad mo pero hindi ko pinapansin dahil nagluluksa ka.” Gusto kong tanggalin ang malisyosong ngiti sa mga labi niya. Ayos na ang usapan e, siningit pa niya iyon. Nilagnat talaga ako noon pero hindi ko na ininda dahil sa nangyari. Kahit na masakit ang buong katawan ko kailangan kong kumilos wala akong oras para isipin ang pisikal na sakit na nararamdaman ko dahil mas nangibabaw ang sakit sa dibdib ko sa pagkawala ng nag-iisang taong karamay ko sa buhay. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Wala akong balak magkwento sa kanya. Kung ano man ang nangyari ng gabing iyon ay wala akong balak na ipaalam kahit na kanino. “Talaga ba? Sa lakad mo pa lang, sigurado akong daks ang una mo. Ganito na lang, gwapo ba? Yummy?” Tinirik ko ang mata dahil sa mga tanong niya. “Hindi ko alam.” “Anong hindi mo alam?” “Hindi ko alam kasi hindi ko naman nakita ang mukha niya.” “Paanong hindi mo nakita? Dapat mukha agad ang tiningnan mo para kahit doon man lang alam mo kung sino ba ang una mo kahit hindi mo kilala. At least alam mo ang hitsura.” “Madilim.” “Ha?” “Madilim kaya hindi ko na nakita. Isa pa hindi ako intresadong malaman kung sino pa siya dahil ayaw ko nang makita ulit ang lalaking iyon.” Umirot ang mga mata nito dahil sa sagot ko at ibinaba ang wala ng laman na bowl sa maliit na center table sa harap niya. “Hindi ka man lang na-curious?” “Pinang, wala akong time ma-curious ng mga oras na iyon. Ang nasa isip ko lang matapos ay matapos na ang gabi na iyon at agad makuha na ang pera na para sana sa operasyon ni Inay.” Pero guilty ako kung sasabihin ko na hindi ako nag-enjoy ng gabing iyon. Bumigay ako, hindi lang isang beses kundi maraming beses. Maraming beses akong kusang loob na nagpa-angkin sa isang estranghero. “Kunsabagay. Ayaw na ayaw mo pa nga noong una pero napilitan ka dahil kailangang kailangan mo ng pera. Saka pasensya kana kung ganoong trabaho ang inalok ko sa iyo, iyon lang kasi ang alam ko na kikita ka ng malaking halaga sa mabilisang paraan.” Ngumiti ako sa kanya. “Salamat. Salamat pa rin sayo, sa tulong mo. Hindi ko alam na may mabuting puso ka rin pala,” saad ko para pagaanin ang atmospera naming dalawa. “Duh? Hindi ako mabait Tasyang, kaya huwag kang magpasalamat sa akin.” “Maldita at maarte ka lang pero may mabuting puso ka,” seryosong saad ko pero lihim na natatawa dahil sa reaksyon niya. “Pinupuri mo ba ako o nilalait?” Nagkibit balikat lang ako bilang sagot sa kanya. Nagdadabog na tumayo ito. “Makauwi na nga lang, sinisira mo ang araw ko. Hmp!” “Good night.” Nginitian ko ito pero isang matalim na irap lang ang isinagot nito bago nagmamartsang lumabas ng bahay ko. Napasandal ako sa sofa ng tuluyan nang makalabas si Pinang. Mapait na napangiti ako nang ilibot ko ang aking mga mata sa maliit naming sala. Namimiss ko ang presensya ni Inay sa bawat sulok ng bahay. Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mga mata bago tumayo. ***** Bagong araw, bagong pakikipagsapalaran. Gaya ng dati, maaga akong gumising para umangkat ng gulay na aking ititinda. “Tasyang, pabili nga ako ng tatlong taling sitaw,”masayang bungad ng isa sa mga suki kong si aleng Kony. “Kinse po ang isang tali, bali forty-five lahat.” Nakangiting saad ko habang inaabot sa kanya ang nakasupot na gulay. “Ang ganda mo talagang bata. Dapat sumasali ka sa Ms. Universe,” saad nito na ikinangiti ko na lamang. “Naku, sobra naman yata po iyon. Hindi naman ako ganoon kaganda.” Alam ko namang may hitsura ako pero hindi naman ako kasing ganda ng mga kandidatang sumasali sa beauty contest na iyon. “Maganda ka. Sobra.” Sabay kaming napalingon ni alemg Kony sa nagsalita. “Naku, kagwapong bata. Bagay kayo!” Bulalas ng matanda na ikinangiti ng malawak ng lalaking bahong dating. “Talaga ho? Bagay daw tayo.” Baling nito sa akin pero seryoso ko lang itong tiningnan. Wala akong balak na patulan ang panunukso ng matanda lalo na ang lalaking nasa harapan ko ngayon. “Sige mauna na ako, imbitahan n’yo na lang ako kapag kinasal na kayo,” tila kinikilig pang paalam ng matanda. Kumaway pa ang lalaki sa papalayong matanda bago bumaling sa aking muli. “Hello, good morning.” Kumunot ang noo ko sa kanya. May dala itong muli ng bayong habang malaki ang ngiti. Marami na namang tindera ang humahaba ang leeg katatanaw dito. Pero parang baliwala lang dito ang mga matang nakatingin sa kanya ngayon. Tila sanay na sanay na ito sa atensyong natatatanggap. “Magandang umaga rin. Ano ang sa inyo kuya?” Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Dapat ba hindi ko siya binati pabalik? “Huwag mo akong tawaging kuya. Hindi kita kapatid,” nakasimangot na saad nito habang diretsang nakatingin sa mata ko. “Alam ko naman po iyon, pero respeto lang kaya tinatawag ko kayo ng ganoon,” paliwanag ko na ikinakiling ng ulo nito. “Huwag mo akong respetuhin. Kahit bastosin mo ako okay lang.” “Ha?” Hindi ko kasi masyadong naintindihan ang huling sinabi nito dahil humina ang boses nito. Muli itong ngumiti dahil para kiligin na naman ang mga matang nakatutok dito maliban sa akin. Ayoko sa gwapo, lalo na sa gaya nitong mukhang gago. “Sabi ko hindi naman nakakabastos kahit hindi mo ako tawaging kuya. Poldo na lang.” Ang gwapo niya pero medyo pangmatanda ang pangalan niya. Parang pangalan ng barumbado sa kanto. “Sige. Ano ang sayo, Poldo?” “Talong.” Sumenyas ito ng isa tumango lang ako at nagsimula ng ikilo ang talong na binibili nito. “Gusto ko rin ng sayo,” biglang saad nito na ikinakunot ng noo ko. Anong ibig niyang sabihin? “Sayote.” “Ah, ilan?” “Isang kilo rin.” “Sige.” “Gusto ko rin ng pechay mo,” biglang saad nito habang sinisilid ko ang sayote sa sisidlan. “Masarap ba iyang petchay mo?” “Oo naman, saka sariwang-sariwa pa.” Hindi ko alam pero ngumisi ito dahil sa sinabi ko. “Sige, isang taling pechay. Gusto kong matikman ang sariwang pechay mo.” Kung madumi lang siguro ang isip ko iba ang magiging dating sa akin ng sinabi niya pero dahil alam ko namang gulay talaga ang tinutukoy nito kaya hinahayaan ko na lang ang mga banat nitong medyo may kakaibang meaning kapag iba ang makakarinig. O baka naman ako lang talaga ang nag-iisip ng kung ano ano. “One hundred ten lahat,” saad ko habang inaabot ang mga gulay na binili niya. Mabilis naman nitong ibinigay ang eksaktong bayad bago ngingiti-ngiting umalis na parang timang. May sayad kaya ang lalaking iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD