Chapter 16:

1579 Words
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsimulang magkalakad papunta sa pwesto ko sa palengke. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng ilibing si Inay, sariwa pa ang lahat sa akin pero hindi ako pwedeng magmukmok na lamang. Kailangan kung kumayod para sa sarili ko, nag-iisa na lamang ako ngayon kaya kahit mahirap kailangan kong magpatuloy. Kahit kumukirot pa ang puso ko dahil pagkawala niya hindi ako pwedeng tumigil. "Tasyang okay ka lang ba? Dapat siguro hindi ka na muna nagtinda. Nagpahinga ka na lang muna sana. Halata sa mukha mong stress na stress ka pa. 'Yung eyebags mo pwede nang sidlan ng limang piso," nag-aalalang saad ni Klay. Habang inaayos ang mga paninda niyang prutas sa tapat ng stall ko. "Oo nga naman, Tasyang. Mukhang kulang ka pa rin sa tulog kaya dapat nagbeauty rest kana muna," dagdag pa ni Girlie na lumapit pa sa may pwesto ko. Hindi rin naman ako mapapakali kapag nasa bahay. Mamimiss ko lang si nanay kaya mas mabuting magtrabaho na lang ako para malibang ko pa ang sarili ko at hindi mag-inisip ng kung ano-ano. Binigyan ko sila ng tipid na ngiti. "Salamat sa inyo pero okay na ako." Bumalik na lang sila sa kanilang pwesto pero nakita ko pa ang nag-aalalang tingin nila kaya muli ko silang binigyang ng isang tipid na ngiti. "Good morning, everybody!" masayang bati ni Pinang nang dumating ito sa pwesto niya. Akala mo pupunta ito kung saan dahil sa kapal ng make-up nito. "Tasyang, welcome back. Namiss ko ang presensiya mo dito. Naging boring ang araw ko ng mga araw na wala ka." Umirap na lang ako sa kanya. Sanay na ako sa ugali niya kaya hindi ko na pinansin ang mga patutsada niya. Isa pa, kahit ganyan ang bunganga niya naging close kami dahil sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Isa lang kasi siya sa totoong nakakaalam ng lahat ng nangyari. "Salamat," matabang na saad ko. "Hindi ko alam na isa pala ako sa kaligayahan mo." Umikot ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. " Nangarap ka. Hindi tayo talo, mandiri ka nga." Umakto pa itong nandidiri bago dumiretso sa pwesto niya. Naiiling na lang akong nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gulay na inangkat ko. Abala na ang lahat. Masyadong maingay dahil sa maraming mamimiling may kanya kanyang hanap at syempre hindi mawawala ang mga tawad nila na minsan kulang na lang ay hingin ang mga paninda. "Suki, bili na!" tawag pansin ko sa isang babaeng dumaan pero tiningnan lang nito ang mga gulay na nasa harapan ko bago muling nagpatuloy. Lalaglag na sana ang balikat ko pero may isang matandang babae naman na lumapit sa pwesto ko. "Hija, magkano ang repolyo?" "45 po ang kilo, 'nay," nakangiting tugon ko. "Dalawang kilo nga nito. Saka samahan mo na rin ng isang taling sitaw." Mabilis naman akong kumilos para timbangin ang binibili nito. "May boyfriend kana ba?" bigla akong napatingin sa matandang bumibili sa akin dahil sa biglang tanong nito. Masyado naman itong prangka kung magtanong. "Wala pa ho sa isip ko ang mga ganyang bagay," ani ko at iniabot sa kanya ang supot ng gulay na kanyang binili. "Sa ganda mong iyan? Walang nagkakagusto sayo? Parang impossible naman yata. May abo ako baka gusto mong-" "Ito na po ang sukli ninyo. Maraming salamat po. Sa uulitin po, bili po ulit kayo sa akin," putol ko sa ano pa mang sasabihin niya. Kinuha naman nito ang sukli at naiiling na umalis na lamang. Masyadong tsismosa ang matandang iyon, balak pa yata akong ireto sa apo niya. Biglang napakunot ang noo ko ng marinig ko na tila may nagkakagulo sa may bandang unahan ng palengke. Maraming tindera ang nagkakandahaba ang leeg. Anong mayron? Napansin ko na marami pa ang tila sinisilihan sa puwet. Napapaano naman ang mga ito. "Anong meron?" tanong ko kay Klay pero nagkibit balikat lang ito na tila sinasabing wala itong alam. Hindi ko na lang pinansin ang pagkakagulo ng mga babaeng nasa tapat namin at inayos ko na ang mga gulay na tinda ko. Kailangang maayos at mukhang fresh palagi ang mga ito para makahikayat ng mga mamimili. "Pogi, dito kana bumili! Fresh na fresh lahat ito pati ang nagtitinda!" Napakunot ang noo ko sa biglang sigaw ni Girlie. Napaangat ako ng ulo at tumingin sa gawing tinitingnan niya. Isang lalaking may dalang bayong ang nasilayan ko. Siya pala ang pinagkakaguluhan ng mga aringkingking sa tapat ko. May hitsura naman ito, tipong hinugot sa magazine ang mukha. Aakalain mo ngang modelo ito ng bayong at may pictorial lang na sa palengke ang background kung titingnan. Masyado rin itong matangkad na tapos yung mukha parang nililok ng magaling na pintor. Mukha nga itong may lahi e, at sigurado akong bagong salta ito dahil sa tagal ko nang nagtitinda ngayon ko lang ito nakita. Gwapo, mukhang mabango kahit nakasipit na tsinelas lang ito, pantalong kupasin at simpleng puting tshirt. Iying kahit na damitan ng basahan magmumukha pa ring mamahalin, ganoon ito. "Gwapo!" kulang na lang ay mangisay na saad ni Pinang na ikinasimangot ko. "Siya na yata ang the one ko." Sinabi rin niya iyan sa lalaking tumulong sa akin noong dinukot ako ng gagong si Suarez. Mga nakakita lang ang mga ito ng gwapo, akala mo katapusan na ng mundo. Gwapo lang iyan, hindi naman makakain kagwapuhan niyan para pagkaguluhan nila. Tatanda rin iyan at makukulubot. Hindi ko na lang pinansin ang nangyayari sa paligid ko at muling inayos ang mga talong na nagulo na ang pagkakapatong-patong nang biglang may kumuha sa talong na hahawakan ko sana. "Mahilig ka ba sa talong?" malaki ang ngiting tanong sa akin ng lalaking kanina ay nakikita ko lamang na bumibili sa mga paninda ni Girlie. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Gago ba siya? O baka naman madumi lang utak ko. Siguro nga, madumi lang. Todo ang ngiti nito pero walang epekto sa akin iyon. Hindi ako hayok sa gwapo. Kaya hindi gagana sa akin ang ginagawa niya sa ibang tindera na nandito na kulang na lang ay ibigay sa kanya ang lahat ng tinda ng libe. Napansin ko rin na sa amin naman nakatutok ang mata ng karamihan o mas tamang sabihin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Mas gwapo nga ito sa malapitan kaso idagdag pa ang braso nitong balot ng tattoo maging ang buong leeg nito na lalong nagpalakas ng dating dito. Pero hindi naman ako mahilig sa gwapo kaya hindi ako tinatablan ng chatisma nito. Ayoko sa gwapo, sakit lang sila ng ulo. Tumingin ako sa mata niya. "Kumakain ako pero hindi ako mahilig," sagot ko na binigyan siya ng isang ngiti. Kustomer pa rin ito kahit na hindi ko alam kung anong trip niya kailangan akong maging mabait. Sayang rin baka bumili. Tumatango-tango ito sa sinabi ko. "Ano ang mas masarap? Itong mahabang talong o itong mabilog?" tanong nito habang hawak ang dalawang talong na magkaiba ang hugis. Isang violet na mahaba at isang green na mabibilog ang hawak nito. Mukhang banyaga ito dahil gray na mata nito pero tuwid na tuwid naman ito magtagalog. Hindi gaya ng iba na namamaluktot ang dila. "Pareho namang masarap iyan, kuya kaya bili kana." "Mas masarap talong ko dito," bulong niyo na hindi masyadong umabot sa pandinig ko. Kaya kumunot ang noo ko. "Ho?" pag-uulit ko baka kasi mali ang pandinig ko. "Sabi ko magkano kilo." "35, kuya." Nakita ko kung paano umasim ang mukha nito dahil sa sagot ko. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. Mura na nga ang thirty five, ayaw pa niya. Masyado naman yatang kuripot ang lalaking ito. "Kuya mura na iyang thirty five. Fresh iyan, saka malalaki itong tinda kong talong sure pa akong walang uod sa loob ang mga ito," pagse-salestalk ko pa. "Naku, pogi dito ka na lang bumili sa akin. Mas fresh, mas mura at mas maganda ang nagtitinda," biglang singit ni Pinang. Epal talaga ang babaeng ito kahit kailan. "Talaga ba?" "Huwag ka makinig sa kanya. Bilasa na iyan. Kaya kuya bili na. Ilang kilo ba?" Sasagot na sana ito pero nakaramdam ako ng sibuyas na tumama sa akin at nang lingunin ko ang salarin si Pinang iyon na tila gusto na akong gitilan ng leeg. Dinampot ko ang binato niyang sibuyas. Ang mahal mahal ng sibuyas, binabato n'ya lang. "Problema mo?" "Huwag mo akong siraan. Iyang bibig mo, itikim mo iyan kung ayaw mong balatan ko iyan. Hindi pa ako bilasa Tasyang, dahil hindi naman ako isda. Kung asim lang mas maasim pa ako sayo," nagngingitngit na saad nito. "Hindi ako maasim Pinang naliligo ako araw-araw." Hinayaan ko siyang babatuhin ng talong na hawak ko may humawak mg kamay ko upang pigilan ako. "Pwede ba mamaya na kayo mag-away. Malambot na iyang talong ko sa higpit ng hawak mo. Huwag mong pangigilang masyado." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko. Inirapan ko na lang si Pinang at ganoon din ang ginawa niya bago muling bumaling sa na lalaki may matamis na ngiti sa mga labi. "Pasensya kana kuya. Ilang kilo nga ulit?" Nakakahiya sa harap pa talaga niya kami nag-away. Si Pinang kasi sulutera palagi. Ngumiti ito bago sumagot, "Isang kilong lang." "Petchay kuya, ayaw mo?" alok ko sa kanya habang isinisilid sa sisidlan ang mga talong na kinikilo ko. "Ibang petchay ang gusto ko," sagot nito nang maiabot sa akin ang bayad bago kumindat at tumalikod na paalis. Nang magsink-in sa akin ang sinabi niya ay biglang kumulo ang dugo ko. Bastos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD