Chapter 8:

1322 Words
LEOPOLDO Napangiti ako ng matanaw ko ang arko ng San Vicente. I am here for two reasons. Una dahil may pinapatrabaho sa akin si dad at ang ikalawa ay tanging ako lamang ang nakakaalam. Madilim na ang paligid, hindi gaya sa city na kahit gabi na ay maliwanag pa dahil sa dami ng ilaw at marami pang tago ang pagala-fala sa bawat sulok ng kalye. Malamig na ang simoy ng hangin kahit hindi pa naman malapit ang pasko. Hindi gaanong malaki ang bayan ng San Vicente pero halata namang maunlad ito. Tumuloy muna ako sa isang hotel. Hindi ito mamahalin tulad ng sa syudad pero wala akong pagpipilian kailangan ko ng matutuluyan ngayong gabi at wala naman akong balak na magtagal dito. Depende na rin siguro sa magiging pakay ko. Dahil gutom na ako ay lumabas muna ako matapos kong makapagbihis, I am just wearing a casual shirt and short, nakatsinelas lang rin ako. Dumiretso ako sa labas ng hotel. May Restaurant naman sa baba ng hotel pero hindi ko trip ang pagkain doon. Sawa na ako sa mga putaheng nandoon. Tila may ibang hinahanap ang tiyan ko. Hindi ko na sinakyan ang kotse ko at naglakad-lakad muna ako hanggang sa makarating ako sa may plaza at makakita ng nagtitinda ng mga isa at tuhog-tuhog. Biglang kumalam ang sikmura ko. Namiss kong kumain ng mga ito. Hindi naman kasi ako gaya ni Leonidas na ayaw kumain ng streetfood pero kumakain ng tahong na hindi hugas. Napansin kong pinagtitinginan pa ako ng mga nasa paligid ng magsimula na akong tumuhog ng kwekkwek. Siguro namamangha sila sa kagwapuhang taglay ko. Hindi ko sila masisi. "Are you new here, brad?" tanong sa akin ng isang payat na lalaki habang ngumunguya ito ng fishball. "Yes." Ikiniling ko pa ang ulo ko para bistahan ito. Matangkad ito pero payat masyado. "Pre kayo nga kumausap, duduguin ilong ko dito. Anemic pa naman ako," anito sa dalawang kasama na nakatingin lang rin sa akin. "Ikaw na alam mo namang grade three lang natapos ko," sagot ng matabang kasama nito at muling tumusok ng fishball. "Bobo mo naman, hindi ka na nga gwapo wala pang laman utak mo," sikmat nito sa kasama habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila habang kumakain ng kwekkwek. "Hindi ka rin naman gwapo." "Ako na nga, kakausap," singit ng pinakamaliit sa kanila. "Do you... do you... no... are you forenjer?" "Huh?" painosenteng tanong ko. Kinunot ko pa ang noo ko para makita niyang hindi ko siya naintindihan. Naiintindahan ko naman sila, trip ko lang na pahirapan sila. "He said if you live in other kawntri," ani ng mapayat. "Before, yes." "What you is doing here?" Ipiniling ko ang ulo ko dahil sa english niya. Baluktot iyon pero gets ko naman, hindi ako slow. Sanay na rin akong makarinig ng mga ganoong paraan ng pagsasalita dahil nga lumaki akong mga batang kalye barkada ko. "I'm looking for my wife." Totoo naman iyon. Isa iyon sa mga pakay ko kung bakit mas mabilis pa kay the flash na sumunod ako sa utos ni dad. "Wife daw brad," palatak ng matabang lalaki bago diretsong tinaktak sa bibig niya ang laman ng cup na hawak niya. "Siguro afam ito na tinakasan ng pinay na asawa?" "Baka penerahan lang pero sayang gwapo pa naman." "Baka hindi magaling sa kama? Alam mo na wala sa laki iyan, nasa tibay ng tuhod dapat ang usapan." Muntik ko nang maibuga ang ang kinakain ko dahil sa mga sinabi nila. Kung pwede ko lang silang upakan nagawa ko na. Ako mahina? Baka kahit pagsama-samahin performance nila wala silang panama sa akin. Mariming babae ang nababaliw sa performance ko. "What you the name?" Ikinunot ko ang noo ko dahil sa pagkakataong ito, hindi ko na talaga maintindihan ang sinasabi nila. Hindi ko alam kung tinatanong ba niya ang pangalan ko o ang pangalan ng asawa ko. "Your wife." "Natasha." "Natasha? Si Tasyang, Natasha rin ang totoong pangalan pero impossible naman na siya ang asawa mo dahil single yun since birth. Saka hindi iyon mahilig sa mayayaman, eh mukhang mamahalin ka, imported ka pa nga yate e," aning mapayat na lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang inaalam ang pagkatao ko. Biglang lumaki ang tenga ko dahil sa pangalang nabangit niya. Baka iisa lang kami ng taong tinutukoy. Kapag sinuswete ka nga naman. "Do you know my wife?" "Your wife? No, no, no." "But you said you know Natasha." "Natasha is my friend, my future wife, not for you." Itinuro pa nito ang sarili. Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto manapak bigla. Anong karapatan niyang angkinin ang dapat ay sa akin lamang? Hindi ko alam kong pareho kami ng taong timutukoy pero kung siya ang magiging karibal ko sisiguraduhin kong sa kangkungan siya pupulutin. Walang pwedeng sinoman na umangkin sa asawa ko, I mean magiging asawa ko. Ako lang dapat aangkin sa kanya kasi gwapo ako. "Tara na, Kaloy. Tantanan mo na kakausap sa kanya namumutla kana, malapit kana maubusan ng dugo kaka-ingles mo," aning kasama nito at bumaling ito sa akin, " We go home, you here stay. Bye." Hinila nanito si Kaloy na wala naman nang nagawa dahil masyadong malaki ang humihila dito kumpara sa katawan nitong huwag lang mahanginan ay parang tatangayin na. Wala na itong nagawa kaya kumaway na lang ito papalayo sa akin. Gusto ko pa sana itong kausapin dahil may itatanong pa ako pero nakalayo na ang mga ito. Matapos kong kumain ay bumalik na rin ako sa hotel na tinutuluyan ko. Kailangan ko nang maghanda para sa gagawin ko mamaya. Kailangan kong matapos agad ang iniuutos ni Dad ng magkaroon ako ng maraming oras para mahanap siya. Nang dumating ang ala-una ng madaling araw ay umalis na ako para magtungo sa misyon ko. Tumigil ako tapat ng isang malaking pabrika. Gumilid ako sa may bandang likod. Sumandal muna ako sa kotse ko bago tumingin sa pader na nasa harapan ko. Madali lang itong akyatin. Pinatunog ko ang leeg ko bago ko sinimulang akyatin ang mataas na pader. Hindi naman mahirap ang pinapagawa ni Dad pero bakit kailangang ako pa ang gumawa nito? Marami naman siyang tauhan na pwedeng utusan. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang matandang iyon. Mabilis akong tumalon at perpektong lumanding sa lupa. Sanay na ako sa mga ganitong gawain lalo na noong mga panahong tumatakas ako para makipag-racing. My dad said turuan ko raw mg leksyon si Suarez but instead of making my hands full of blood, I will attack in a different way. Hindi lang simpleng pabrika ang kinaroroonan ko ngayon. Ayon sa mga nakalap kong impormasyon dito rin nakatago ang mga mamahalin niyang baril maging ang mga epektos na ibenebenta niya. Mas tamang sabihin na laboratoryo itp kaysa pabrika. Front lang na negosyo ni pabrika na gawaan ng langis pero may iba pang nangyayari sa loob nito na iilan lang ang nakakaalam. Nilibot ko ang mata ko sa paligid kong may tao ba. Kahit naman aminado akong halang ang kaluluwa ko minsan ayoko naman na may madamay na mga inosenteng tao kaya nga sa alanganing oras ko binalak gawin ang plano ko. Maliban sa mga armadong gwardiya na nagbabantay sa may gate ay wala na akong ibang nakita. Binuksan ko ang lighter na hawak ko bago itinapon sa nakatambak na mga plastic. Sayang ang lugar pero kailangan na nitong maging abo para sa ikatatahimik ng ama ko. At para hindi na rin ako nito kulitin pa. I am a future attorney, but what I am doing right now is an arson, but I don't care. Kailangan kong pilayan ang kalaban ng ama ko para matahimik na ito. Kasabay nang paglundag ko sa tabi ng kotse ko mula sa pader ay siyang pagsabog ng lugar na kinaroroonan ko kanina. Madali lang mag-apoy ang lugar dahil puro langis ang nandoon. Sumisipol na sumakay ako sa sasakyan ko. Mission accomplished. Now, it's time to find my next target.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD