Chapter 9:

2030 Words
NATASHA Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Kailangan ko munang puntahan sa ospital ang aking ina bago ako hahanap ng paraan kung paano magkakaroon ng pera upang ipambayad sa operasyon niya. Hindi tumupad sa usapan ang magaling kong ama. Napakawala talaga niyang kwenta. Kumpara sa aming mahihirap, barya lang ang hinihingi ko sa kanya pero hindi pa niya iyon maibigay. Tinapon ko na lahat ng pride ko ng lumapit ako sa kanya pero nagsayang lang pala ako ng oras at panahon. Ano nga ba ang aasahan ko sa isang gaya niyang walang isang salita? " Good morning, Tasyang!" nakangiting bati sa akin ni Kaloy. Ang aga-aga pero hindi kape ang iniinom ng mga ito kundi lambanog na agad. Balak yata nilang magsunog ng baga ng husto. Lalo na itong si Kaloy, parang kalansay na sa kaiinom. "Good morning. Ang aga naman yata ng pag-iinom ninyo? Hindi pa man lang sumisikat ang araw pero may mga tama na agad kayo." Sanay na akong makita sila tuwing umaga dito sa may kanto na tumutuma. Kaya madalas kabatian ko na sila. Hindi naman ako isnabera gaya ng iba para hindi pansinin ang mga gaya nila lalo na at wala naman silang ginagawang masama. Mababait naman sila kaya hindi na ako naiilang sa kanila kahit mga lasenggero pa sila. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanila. Dito naman sa lugar namin, mababait ang tago basta huwag kang mauunang manggago. "Pampainit lang ng sikmura. Pupunta ka ba sa nanay mo? Hatid na kita," pagmamagandang loob ni kaloy at tumayo ito sa pagkakaupo niya para magtungo sa isang nakaparadang pedicab. "Naku hindi na. Nakaka-abala pa ako sa iyo. Mamamasahe na lang ako." "Hatid na kita. Huwag ka nang maarte, maganda ka lang pero hindi kita type," anito na ikinatawa ko. Sanay na ako sa ganyang mga biro niya. "Hambog!" sigaw ng barkada niya. "Hindi ka gwapo Kaloy." "Hindi mo type si Tasyang kasi alam mo hindi bagay ang ganda niya sa mukha mong parang mangga," patuloy na pangangantiyaw ng mga kasama niya sa inuman. Itinaas lang ni Kaloy ang gitnang hintuturo sa mga ito. Naiiling na lang ako na sumakay sa pedicab niya. Hindi na ako nag-inarte pa dahil ayon na nga sa driver hindi raw niya ako type kaya safe na safe ako sa kanya. Isa pa nagmamadali na rin ako. "Nabalitaan mo ba ang nangyari kagabi?" biglang tanong ni Kaloy habang nagpapadyak. "Huh?" Napatingin pa ako sa kanya habang kunot ang noo. May nangyari ba kagabi na hindi ko alam? "Nasunog ang pabrika ng mga Suarez. Naagapan naman pero malaking bahagi ang natupok na ng apoy buti na lang walang tao sa loob ng mga oras na iyon kaya walang nasaktan," pagkukwento nito na lihim kong ikinangiti. Kung sa iba masamang balita ang narinig ko, pwes sa akin good news iyon. Alam kong maraming maapeektuhan na trabahador pero hindi maiwasang magdiwang ng puso ko na malamang may nangyaring alam kong ikinakagalit na ng husto ni Minandro, lalo na at mukhang pera ang matandang iyon. "Karma lag siguro iyon sa kanila," mahinang saad ko. "Huh?" "Wala, sabi ko mabuti walang nasaktan." Wala akong pakialam kahit masunog lahat ng pabrika ng mga Suarez. Dito sa bayan namin, tinitingala ang pangalan nila. May malaki silang pabrika na pagawaan ng mga plastic na kasangkapan sa bahay bukod pa doon may pabrika rin sila na pagawaan ng coconut oil para sa pagluluto. Hindi niya binigay ang perang hinihingi ko pero mas malaki ang nawala sa kanya. Iyon ang napapala ng sakim at madamot na gaya ng aking ama. Mabuti nga sa kanya. "Salamat," ani ko nang makarating na kami sa tapat ng ospital at makababa ako sa pedicab ni Kaloy. Ngumiti lang naman ito bago sumaludo sa akin at nagsimulang pumadyak muli para umalis na. Hindi ko pa naiihahakbang ang mga paa ko nang biglang may isang puting van na tumigil sa harap ko. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko dahil muntik pa akong mahagip nito. Handa na sana akong awayin kung sino man ang nagmamaneho ng sasakyan ng bigla itong bumikas at marahas akong hilahin papasok. Sa gulat ay wala akong nagawa. Mabilis naman sumibad ang sasakyan papalayo sa ospital. "Sino kayo?! Anong Kailangan ninyo sa akin? Pakawalan n'yo ako!" Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa mga braso ko. Apat na lalaki ang nasa nasa loob ng van, ang isa ay nagmamaneho at base sa mga hilatsa nila. Wala sa kanila ang gagawa ng mabuti. Sinapak ko ang lalaking nasa kaliwa ko dahilan para mapangiwi ito, ganoon din sana ang gagawin ko ng may isang matigas at malamig na bagay ang biglang dumiin sa batok ko. "Tatahimik ka o pasasabugin ko ang bungo mo?" Bigla akong natahimik. Sino ba sila? Wala akong maisip na dahilan para kidnappin nila. Kung ano man ang kailangan nila sa akin wala akong alam. Kailangan ko pang maghanap ng pera para sa operasyon ni inay pero hindi ko alam na hahantong ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Gusto kong maiyak pero pilit kong nilalakasan ang loob ko. Biglang hinila ng lalaking nasapak ko kanina ang buhok ko kaya napatingala ako habang pilit iniinda ang sakit. Napabaling ang pisngi ko ng bigla niya akong sampalin ng malakas. Pakiramdam ko bumaon ang palad niya sa pisngi ko sa lakas noon. Hindi pa ito nakuntento at binigwasan ako sa sukmura dahilan para mapa-igik ako sa sakit. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa suntok na natanggap ko. Lihim kong naikuyom ang mga palad ko. Gusto kong lumaban sa kanila pero alam kong wala akong magagawa. "Pwede ba natin itong tikman pagkatapos?" may kamanyakang saad ng lalaking nasa kanan ko. Inamoy pa nito ang buhok ko kaya bahagya akong lumayo. Kung pwede ko lang siyang bayagan ginawa ko na. Nandidiri ako sa ginawa niyang pag-amoy sa buhok ko lalo na sa mga ngisi nitong alam kong walang gagawing mabuti. Sinamaan ko siya ng tingin pero kumindat lang at malanding kinagat nang labi niya. Akala mo naman ay ikina-gwapo niya iyon. Mukha siyang maliit na gorilla para sa akin. Maliit kasi ito na sarat ang ilong, masyado pang makapal ang labi. Sa madaling salita, hindi magandang lalaki. "Siguro. Ganito pa naman ang tipo ko. Maganda at malaman. Hindi halatang mahirap ang kutis." Napapiksi ako ng pagapangin ng lalaking nasa kaliwa ko ang daliri niya sa braso ko. Makaalis lang talaga ako sa sitwasyon ko ngayon ako mismo ang magbabaon sa kanila ng buhay. At kung sino man ang nag-utos sa kanila na ikadukot ako sisiguraduhin kong pagsisihan niya iyon. "Jackpot tayo dito!" sigaw pa nito bago sila nagtawanan habang nanatili lang akong tahimik. Kapag lumaban ako sa kanila, mas matitrigger lang silang saktan ako o gawan ako ng masama. Takot, kaba at galit ang nararamdaman ko ng mga oras na nasa loob ako ng van. Hindi ko alam kong makakabalik pa ba ako kay inay ng buhay pero pilit kong tinatatagan ang sarili ko. Dahil oras na makatakas ako dito, gaganti pa ako sa mga ungas na ito. Nang tumigil ang van sa tapat ng isang mataas na gate ay tila nag-aapoy ang mga mata ko habang nakatingin sa arko kung saan nakasulat ang apelyidong kinamumuhian ko. Ano pa ang kailangan nila sa akin? Hindi na sila tumupad sa usapan, nadawa pa nila akong ipadukot sa mga manyakis na lalaking ito. Nang bumukas ang van ay malakas akong itinulak palabas kaya muntik na akong humalik sa semento. Masama ang tingin na lumingon ako sa dalawang lalaking nasa likod ko pero nginisihan lang nila ako. "Boss, nandito na ang kailangan n'yo," imporma ng lalaking driver kanina sa hudyong papalapit sa amin. "Anong kailangan mo sa akin? Hindi mo ba alam na labag sa batas ang ginagawa mo ngayon? This is Kidnapping!" nanggigil na saad ko habang matalim na nakatingin sa kanya. "Dito sa San Vicente, ako ang batas," mayabang na saad nito na ikina-ismid ko. Hambog. "Wala akong pakialam. Pakawalan mo na ako. Kailangan ko pang maghanap ng pera dahil hindi ka tumupad sa usapan natin." "Kaya ba pinasunog mo ang pabrika ko!" Galit na galit ito tila gusto ako nitong lamunin habang nakatingin sa akin pero matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. Wala na ang kabang nararamdaman ko kanina habang nasa van, puro galit na lang ang natitira. "Huwag mo akong pagbintangan sa isang bagay na hindi ko ginawa. Hindi kasing sama ng budhi mo ang meron ako. Sa dami ng kaaway mo, hindi ka na dapat magulat na nasunog ang pabrika mo. Dahil kung ako iyon, hindi pabrika ko ang susunugin ko kundi ikaw mismo ng mabawasan na ang mga gaya mo sa mundo." Isang malakas na sampal ang natanggap ko buhat sa kanya. Tila nayanig ang pagkatao ko sa lakas ng sampal niya pero umakto ako na tila balewala iyon. Hinding hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harapan niya. "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa nangyari dahil oras na malaman kong kagagawan mo ang lahat. Kalilimutan kong anak kita." Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? "Kalilimutan mong anak ako? Teka? Kailan mo ba naalala na may ibang anak ka maliban kay Mikaela? Kahit kailan hindi ka naging ama sa akin. Saka hindi ko kailangan ng ama. Kaya mas mabuti ngang magkalimutan na tayo. Sana hindi na lang ikaw ang ama ko." Bakit sa dami ng tao sa mundo, siya pa ang naging ama ko? Napakamalas talaga. "Huwag mo akong dramahan. Alam kong may kinalaman ka sa nangyaring sunog kagabi!" Inikot ko ang mata ko sa sobrang inis. Madami na akong problema sa buhay para makagawa pa ng bagay na ibinibentang niya. Gusto ko nang umalis sa harapan niya ngayon. Kailangan ko pang maghanap ng pera para sa operasyon ni nanay. Masyado na niya akong inaabala dahil sa bintang niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo! Huwag mo akong pagbintangan!" Siguro inisip niya na may kinalaman ako dahil sa banta ko sa kanya pero wala talaga akong kasalanan. Ang sabi ko lang guguluhin ko pamilya niya wala ako sinabing susunugin ko ang ari-arian niya. "Wala akong alam kaya sa susunod siguraduhin mo muna bago ka magbintang. SInasayang mo ang oras ko sa bagay na wala akong kinalaman." Napangiwi ako ng bigla niyang hawakan ang panga ko. "Huwag kang magtapang-tapangan sa harapan ko. HIndi ako mangingiming alisin ka sa landas ko, oras na mapatunayan kong kagagawan mo ang lahat. Ikaw lang naman ang may lakas na kalabanin ako dito sa San Vicente, kaya oras na mapatunayan kong tama ang hinala ko. Ihanda mo na ang sarili mo," anito bago ako marahas na bintawan. Bobo ba talaga siya? O mahina lang umintindi? Baka naman bingi na dahil matanda na kaya hindi niya maintindihan ang sinasabi ko. Ngumisi ako sa kanya. "Wala ka talagang kwenta." Muli akong nakatanggap ng sampal sa kanya. "Alisin n'yo sa harap ko ang basurang ito," utos niya sa mga tauhan niyang kanina pa nanonood. "Boss, pwede bang arbor na lang namin sayo ito?" nakangising tanong ng isang lalaking nasapak ko kanina. Gusto ko siyang sapaking muli dahil sa tanong niya. "Huwag ninyo siyang gagalawin. Kailangan ko pa ang babaeng iyan," anito bago tumalikod at tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Hahawakan sana ako ng isang lalaki pero pumiglas ako. " Huwag mo akong hawakan. Alam ko ang daan palabas. Sa susunod, huwag kayo basta-basta mandudukot ng taong walang kasalanan." Mabilis akong naglakad palabas sa bakuran ng mga Suarez. Wala naman nang nagawa ang mga tauhan ni Minandro kahit na bakas pa sa mga mukha nila ang panghihinayang. Mga putangina sila. Magsama-sama sila sa impyernong mga hayop sila. Nang tuluyan na akong makalabas sa bakuran ng mga Suarez ay hinayaan ko na ang luha kong pumatak. Bakit ba ang unfair ng mundo? Binigyan na nga ako ng ama, iyon pang walang kwenta. Pilit akong sinisi sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa. Napahawak ako sa mukha kong ilang beses nakatikim ng sampal ngayong araw. Sigurado akong namamaga na ito. nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hilam sa luha ang mga mata ko. Wala akong pakialam kahit may makakita pa sa akin sa ganitong anyo. Tatawid na sana ako pero isang malakas na busina ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD