Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Napapikit pa akong muli dahil sa nakakasilaw na ilaw na siyang bumungad sa akin. Nang tuluyang maka-adjust ang aking mga mata ay inilibot ko ang tingin sa paligid.Puti ang bawat sulok na nakikita ko maliban sa malaking tv na nasa harapan ko. May dalawang sofang malaki rin doon. At ang aircon, parang nasa north pole sa lamig.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. I am in a hospital. Ang huli kong naalala ay ipinadukot ako ni Minandro at nang akmang tatatawid na ako ay nakarinig ako ng malakas na busina.
Nag-aalalang chineck ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa akin maliban sa galos ko sa mga braso ko at ang pisngi kong tila magang-maga. Ikaw ba naman ang makatanggap ng maraming sampal ewan ko na lang.
Akmang baba na ako sa bed ng biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si Pinang na kulang na lang ay lumuwa rin ang dibdib dahil sa spaghetti strap na suot nito, kasunod nito si Kaloy.
"Mabuti gising kana," ani ni Pinang at lumapit sa akin.
"Anong nangyari? Bakit nandito ako? Sinong nagdala sa akin dito?" kunot-noong sunod sunod na tanong ko.
"Yung forenger na nakita namin sa plaza na naghahanap ng nawawala niyang asawa. Muntik ka na niyang masagasaan buti na lang nakapag-preno siya kaagad," sagot ni Kaloy bago naupo sa sofa.
"Nasan na siya ngayon? Gusto kong magpasalamat sa kanya."
"Umalis na. Tumawag kasi tatay niya. Pinapauwi na raw siya pero ang sabi babalik pa raw siya."
"Tash, ang gwapo! Buti na lang bago pa suot kong panty kaya hindi nalaglag nang makita ko siya," parang kinikiliting saad ni Pinang sa kalapit ko.
"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kanya pero inirapan lang ako nito.
"Ito kasing si Kaloy nakasalubong ko sa may palengke kanina habang naglalakad ako papunta sa pwesto ko. May dumukot daw sa iyo kaya magkasama kaming hinanap ka. Aba munyik na naming libutin ang buong San Vicemte kahahanap sayo. Nang makita naman namin ikaw nasa gitna ka na ng kalsada at nakahandusay. Akala nga namin nasagasaan kana ni pogi," Pagkukwento nito. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa nangyari sa akin o hindi dahil sa huli parang kilig na kilig siya.
"Paalis na sana talaga ako noon pero bumili muna ako ng sigarilyo sa dumaang nagtitinda ng matanaw kitang pilit sinasakay sa van. Hinabol ko pa nga iyong sasakyan pero hindi kinaya ng pedicab ko," dagdag pa ni Kaloy na napakamot sa ulo.
"Salamat sa inyo."
"Naku! Wala iyon, mabuti nga hinanap ka namin. Nahanap ko na tuloy ang lalaking magpapatibok sa puso ko," madramang saad ni Pinang. Humawak pa ito sa dibdib na parang damang dama ang sinasabi. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.
"Tumigil ka nga Pinang. May asawa na iyong tao. Nakita na namin iyon nina Tikboy kagabi sa plaza, sabi niya may asawa na raw siya kapangalan pa nga ni Natasha."
"Heh! Alam mo panira ka. Bawal mangarap? Maganda ako, kaya sigurado akong may pag-asang mapansin niya ako, no!"
"Sus, umiral na naman iyang kalandian mo. Hindi ka papatulan noon. Saka anong gusto mo maging kabit?"
"Aba't-"
"Pwede ba tumahimik kayo?" naririndi kong saway sa kanila. Sa harapan ko pa talaga sila nagtatalong dalawa. Tila muling sumasakut ang ulo ko dahil sa kanilang dalawa. "Kaloy kung sakaling makita mo ulit ang lalaking tumulong sa akin pakisabi na lang salamat sa kanya. Pinang, ikaw naman manahimik ka muna pwede?"
Umirap pa sa akin si Pinang pero nanahimik din naman ito. Tatayo na sana ako ng pinigilan ako nito. "Hep, hep, hep. Saan ka pupunta?"
"Aalis na. Wala naman akong sakit para manatili dito. Saka bakit sa mahal na kwarto ninyo ako dinala dapat sana kahit sa bahay na lang." Wala akong perang pambayad sa kwartong inuukopa ko ngayon dahil nasa VIP ako. Sino ba nakaisip na dito ako ilagay? Masyadong mahal dito.
"Sabi ng doktor fatigue at stress daw ang dahilan kaya nawalan ka ng malay at kailangan mong magpahinga. Saka huwag kang mag-alala sa bayarin. Binayaran na lahat ni pogi."
Mabuti naman kung ganoon dahil wala talaga akong pambayad. Kailangan ko pa nga ng pera sa operasyon ni nanay tapos magdadagdag gastusin pa.
"Okay lang ako. Wala namang masakit sa akin."
Napangiwi ako ng bigla nitong pisain ang pisngi ko. "Hindi masakit?"
"Ikaw kaya sampalin ko?"
"Sinong may gawa niya?"
"Kailan ka pa naging concern sa akin?"
"Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko? Hindi ako concern, curious lang." Muli ay umirap na naman ito. Minsan talaga masarap tusukin mata nito.
"Mahabang kwento at tinatamad akong mag-kwento."
"Sino na lang nagpadukot sayo. Akala ko nakidnap for ransom kana tapos walang tutubos sayo. Iniisip ko tuloy kanina, baka i-salvage ka tapos makita na lang namin ikaw palutang-lutang sa ilog." Eksaherada naman itong masyado.
"Kailan ka pa naging madaldal? Alam ko tsismosa ka pero hindi ko alam, imaginative ka rin palang masyado." Pilit kong iniiwasan ang mga tanong niya. Wala akong balak na magkwento sa kanila. Tama ng ako ang may problema. Saka kahit malaman nila, wala rin naman silang magagawa.
Nangigil na naupo na lang itong muli. “Bakit ba hindi ka sumagot ng maayos? Naalog na ba iyang utak mo nang matumba ka kanina?”
“Bakit ba kasi madami kang tanong?”
“Bakit ayaw mong sumagot?”
“Bakit makulit ka?”
“Masama bang magtanong?”
“Hindi pero ayokong sagutin mga tanong mo.”
“Napakawalang kwenta mong kausap, Tasyang. Kami na nga nag-aalala sayo, ikaw pa may ganang magtaray.”
Napayuko ako sa sinabi niya. Alam kong napipikon na siya sa akin pero wala akong balak magkwento sa kanila. Ayokong idamay sila sa problem ko. Sorry.
"Labas muna ako, ayokong maipit sa sabong n'yo kung sakali," singit ni Kaloy at tuluyan ng lumabas para iwan kami. Sanay na kasi itong makita kaming nagbabangayan ni Pinang kaya marahil umiiwas na ito dahil noong huling magtalo kami at umawat siya ang napagbalingan namin.
Pumikit muna si Pinang tila inaalis lahat ng inis na nararamdaman bago tumingin sa akin.
“Magpahinga ka na lang muna. Ako na muna bahala sa nanay mo. Minsan lang akong maging mabait kaya samantalahin mo na.”Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya. Sinong mag-aakala na ang babaeng araw-araw ay palaging tila nais pasabungin ang bunbunan ko sa inis ang isa sa mga magiging karamay ko sa mga oras na ito?
“Salamat pero hindi ako pwedeng manatili rito. Kailangan ko pang gumawa ng paraan para makahanap ng pera para sa operasyon ni nanay.”
Wala talaga akong maisip na paraan. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng halagang kailangan ko.
“Paraan? Bakit may naisip ka na ba?”
I sighed. “Wala pa pero kung mananatili ako dito mas lalong hindi ko—”
“Bakit hindi mo tanggapin ang offer na sinasabi ko?” putol niya sa sasabihin ko sana. “Hindi sa binubugaw kita pero iyon lang ang pinakamadaling paraan. Mas mahalaga pa ba ang virginity mo sa buhay ng nanay mo?”
Tinitigan ako nito para alamin ang reaksyon ko. Pero nanatili akong walang kibo. Kaya ko ba? Hindi ko alam kung kaya kong sikmurain ang bagay na inaalok niya.
“Hahanap ako ng ibang paraan.” Hindi pa ako handang isuko ang bataan ko kung kani-kanino lang.
“Paano? Malaking halaga ang kailangan mo. Anong paraan ang gagawin mo? Manghoholdap ng bangko? Tasyang, minsan kailangan nating itapon lahat ng meron tayo para sa mahal natin sa buhay.”
Ibang-iba ang Pinang na nagsasalita sa harapan ko ngayon. Walang pagmamaldita gaya ng araw-araw na ginagawa niya kapag nasa palengke kami. Tila ba ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.
“Pero hindi ko kayang magpokpok.”
“Gaga, hindi ko naman sinabing habang buhay mo ng gagawin iyon. Isang beses lang. Tapos ng isang beses, kapag may pera kana at napagamot mo na ang nanay mo. Okay na. Saka hindi ka lugi sa posibleng maging kliyente mo dahil sigurado ako gwapo naman iyon.”
“Hindi gwapo ang usapan dito kundi ang puri ko,” giit ko sa kanya.
“Ang puri mo o ang nanay mo? Mamili ka.”
Napayuko ako sa sinabi niya. Selfish ba akong anak? Bakit parang hindi ko kayang gawin ang inaalok ni Pinang. Umaasa pa akong makakagawa pa ako ng ibang paraan kahit na sa mga nangyari ngayon araw parang malabo na.
“Hindi ko kayang mawala si Nanay. Siya na lang ang meron ako.”
“Iyon naman pala kaya huwag kana magpatumpik-tumpik ka. Sinisiguro ko sa iyo. Hindi ka lugi sa mangyayari.”
Napalunok muna ako ng ilang beses bago tuwid na tumingin sa kanya. “Pumapayag na ako.”
Sumilay ang isang malaking ngiti sa mga labi nito ng marinig ang sinabi ko.
Isang beses lang. Isang gabi lang. Para sa nanay ko, magpapakaputa ako.