Chapter 4:

1237 Words
NATASHA Umuwi muna ako ng bahay. Gabi na. Pagkababa ko ng tricycle ay siyang pagdaan naman ni Pinang. May hawak pa itong palamig at isaw. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga ngunit humarang si Pinang sa daraanan ko. Ibinuka pa nito ang mga kamay para hindi ako makadaan. Kung nais na naman nito ng away wala ako sa mood ngayon. Problemado ako kaya huwag siyang hahara-hara sa daraanan ko kung ayaw niyang masaktan. "Wala ako sa mood ngayon. Kaya tantanan mo muna ako," pagod ko nang wika. "Chill, hindi kita aasarin. Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang nanay mo?" concern na tanong nito. Halatang hindi naman peke ang pag-aalalang ipinapakita nito kahit na palagi kaming mag-kaaway. Maliban kasi sa kontrabida siya sa buhay ko, kapitbahay ko rin siya. At medyo mabait siya kay nanay. Binibigyan kasi siya ng nanay ko ng ulam palagi. Hindi ko alam kung bakit close sila pero galit naman ito palagi sa akin. Kaya nga kinokompetensya nito ang mga negosyo ko. "Kailangan mo ba ng pera? Pwede naman kitang pahiramin. Kakalimutan ko muna ang asar ko sayo." Inipit nito sa bibig ang isaw na hawak at binuksan ang maliit na bag na nakasabit sa balikat nito. Mabuti pa ito, concern kahit na araw-araw para kaming aso't pusa. "Salamat na lang. Pero isang million ang kailangan ko." Biglang nalalglag ang isaw na nasa bibig nito. Napainom din ito sa palamig na hawak. "Isang milyon?! Bakit ang mahal?" Nanlalaki ang mata nito, hindi makapaniwala sa halagang nabanggit ko. Kahit ako nabingi ng marinig ko ang halagang iyon. Tindera lang ako ng gulay sa palengke. Kahit buong taon akong magtinda, hindi ko kikitain ang ganoon kalaking pera. "Kailangan niyang operahan sa puso," laglag ang balikat na sagot ko. Isa pang problema ko iyon. Hindi ko man lang alam na may dinadamdam na pala ang aking ina. Pakiramdam ko napabayaan ko ito. Anong klaseng anak ako? Tumingin ito sa paligid, kaliwa at kanan upang tingnan kung may nakakakita sa amin. Gabi na kaya wala nang gumala, kaya hindi na dapat ito mag-alala. Isa pa hindi ko alam kung bakit ganito ang akto niya. Lumapit ito sa akin at bumulong, "May pera kana bang pagkukunan?" Umiling ako. Kaya nga ako umuwi para mag-isip ng paraan. "Wala pa? May i-aalok ako sayo. Malaki ang kitaan dito, maganda ka naman. Kaya alam mo na? Ibenta mo ang gandang iyan para solve na agad ang problema mo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi naman sa binibugaw kita, ha. Pero may pinsan kasi ako. Kumikita ng malaki sa isang gabi. Alam mo na. Baka gusto mong subukan." Alam ko na ang tinutukoy nito. Ipagbebenta ko ang aking dangal. Iyon na lang ba ang tanging paraan? Wala na ba akong ibang pagpipilian? Ang tagal kong iningatan ng p********e ko. Tapos makukuha lang ng kung sino. Iniisip ko pa lang nandidiri na ako. "Pinang salamat na lang sa alok mo. Pero hindi kaya ng sikmura ko ang inaalok mo." Sinabi kong gagawin ko ang lahat pero hindi ko naman kayang magbenta ng laman. Hahanap muna ako ng ibang paraan. Hangga't may pagpipilian ako hindi ko papatusin ang alok ni Pinang. Baka kapag nalaman ni nanay ang gagawin ko, tuluyan na itong atakihin sa puso. "Ikaw ang bahala. Basta kapag nagbago ang isip mo. Tawagan mo lang ako," anito. Dumukot ito ng pera mula sa bag. "Ito tanggapin mo. Maliit lang iyan pero sana makatulong." Inabot nito sa aking ang tatlong libong hawak pero hindi ko iyon kinuha. Kinuha nito ang kamay ko at inilagay doon ang pera. "Tanggapin mo na 'yan. Hindi iyan para sayo, kundi para sa nanay mo." "Salamat." Naiiyak ako dahil sa kanya. Siya iyong araw-araw na kinaiinisan ko. Iyong araw-araw kabardagulan ko pero siya pa ang naunang tumulong sa akin. "Sige, mauna na ako. Manonood pa ako ng k-drama," paalam nito. Tinapik muna nito ang balikat ko bago tuluyang pumasok sa tarangkahan nila. Madilim ang bahay ng pumasok ako. Hindi gaya noon na lagi akong sinasalubong ni nanay. Napaupo ako sa maliit naming sofa. Tila sasabog ang utak ko kaiisip kong saan ba ako kukuha ng ganoon lalaking halaga? Pumasok ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama. Wala pa akong kain pero hindi ako nakakaramdam ng gutom dahil sa problemang kinakaharap ko. Kinuha ko ang selpon kong lumang-luma na ito. Naghanap ako ng mga taong pwede kong utangan pero wala naman akong makita. Mga naghihikahos din sa buhay ang mga pangalang nasa phonebook ko. May pera naman ako pero hindi pa yata aabot ng sampong libo. May ipon naman ako sa bangko pero wala pa iyong singkwenta mil. Kaya talagang sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung saan ako kukuha ng pera. Bumangon ako at kinuha ang isang maliit na notebook sa ilalim ng mga damit ko. Binuklat ko iyon at nakita ko ang isang address. Ang address ng aking ama. Sampong taon na mula ng huli ko itong makita. Sampong taon na mula ng ipagtabuyan nila ako. I was eighteen when my grandmother died. Nasagasaan siya pero hindi nakulong ang maysala dahil pinalabas na aksidente ang nangyari. Natapalan nila ng pera ang lahat ng nakakita, maging ang nag-imbestiga. Ganoon naman ang mga mayayaman, lahat idinadaan sa kanilang yaman. Hindi sila nahuhuli sa mga nagawa nilang kasalanan. Nang malaman iyon ni Nanay ay dali-dali kaming umuwi dito sa San Vicente. Inasikaso niya ang libing ni Lola pero hindi na nabigyan ng katarungan ang pagkamatay nito dahil natapalan na ng pera ang lahat. My mother got depressed. Lagi itong tulala at minsan ay sinasaktan na ang sarili . She even tried to commit suicide. Sinisisi nito sarili sa nangyari sa nangyari kay Lola dahil para dito hindi niya nabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Hindi naman talaga nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni lola pero wala kaming pera para panigan ng hustisyang kaya sa huli pinili na lamang ni nanay na manahimik kahit masakit para rito. She was hospitalized. Estudyante pa lang ako noon at hindi alam ang gagawin kaya lumapit ako sa aking ama. Ang pera kasing naipon ni nanay ay nagastos na sa pagpapalibing kay lola. That's why I asked for my father's help. Pero hindi man lang ako nakapasok sa pamamahay nila. Nasa gate pa lang ako, pinapakaladkad na nila ako paalis. They called me a bastard and treated me like dirt. Pinagbataan pa nila ako na h'wag nang magpapakita sa kanila dahil kasiraan ako sa magandang pangalan ng kanilang pamilya. Nabuntis ng tatay ko ang aking ina pero dahil mahirap lang siya, hindi siya tanggap ng mga magulang ng ama ko. Sa huli na naiwang luhaan ang nanay ko at nagpakasal sa iba ang ama ko. Sa babaeng kauri niya, mayaman. Nilapitan ko sila noon dahil wala na akong matakbuhan pang iba. Kailangan ko ng pera para pambayad sa ospital at sa treatment ni mama. Pero pinagtabuyan nila ako. Mula ng araw na iyon sinumpa kong hindi na ako muling lalapit sa kanila. Ngunit ngayon kailangan kong lunukin ang pride ko para sa ina ko. Kung kinakailangan kung lumuhod sa harapan nila gagawin ko. Ayos lang na mawala ang pride ko huwag lang ang dignidad ko. Hindi ko talaga kayang maging isang puta kahit isang gabi lang. Mahal ko si nanay pero hindi ko kayang ibenta ang aking dangal. Ipinikit ko ang aking mata. Bukas ng umaga, tutungo ako sa mansyon ng mga Suarez. Para kay nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD