Chapter 3:

1583 Words
NATASHA "Gulay! Gulay kayo diyan! Sariwang-sariwa, mura pa!" sigaw ko. Ibinigay ko na ang lahat ng energy ko upang makatawag pansin sa mga namimili. "Gulay! Gulay kayo mas sariwa, mas mura! Mas maganda pa ang nagtitinda!" sigaw naman ng katapat ng stall ko na si Pinang. Kung malakas ang boses ko, mas nilakasan pa niya. Mataray niya akong tiningnan kaya inirapan ko siya. Ang kapal ng mukha nitong sabihin mas maganda siya sa akin. Hinaharap pa lang, lamang na ako. May dalawang bundok ako, samantalang puro kapatagan ang kanya. Mas makinis lang siya sa akin dahil alagang-alaga niya ang katawan. Ako naman tamang tig-bebenteng sabon lang, siya may turok pa ng gluta habang ako panghilod lang nag gamit. Si Pinang na yata ang tinik ng lalamunan ko. Lahat na lang ng ginagawa ko gingaya niya. Noong magtinda ako ng kakainin, nagtinda rin siya sa tapat namin. Nang magtinda ako ng gulay dito sa palengke, aba kinabukasan nagtitinda na rin. Minsan iniisip ko nang may saltik siya dahil ayaw niya akong tatantanan kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. "Suki, bili na. Trenta lang ang kilo," nakangiting alok ko. Daig ko pa ang endorser ng toothpaste commercial sa ganda ng ngiti ko pero agad din naglaho ng marinig ko ang matinis na boses ni Pinang. "Naku, manang dito ka na lang bumili. Bente-nieve lang ang isang kilo." Ang babae naman ay lumapit sa mga paninda nito. Binigyan ako ni Pinang ng mapagyabang na tingin. Ang sarap niyang sakalin. Nangigil ako sa kanya. "Naku, manang hindi. Dito ka sa akin bumili, twenty eight pesos at fifty centavos na lang." Kinuha ko pa ang pinakamagandang kalabasa at ipinakita sa kanya. Todo ngiti pa ako pero umepal na naman si Pinang. "Manang, dito bente otso na lang. Wala nang butal." "Manang, dito ka na lang bumili. Fifty-five na lang dalawang kilo." Kumuha ako ng isa pang kalabasa. Parehong kamay ko na ang may hawak na gulay na habang nakangiti ng todo. Endorser na endorser na ng kalabasa ang dating ko. Hindi naman ako papayag na magpatalo sa kanya at agawan ako ng suki. Kahit na pakiramdam ko lugi na ako sa ginagawa ko. Pride na ang labanan dito hindi lang benta. "Manang, huwag kang makinig sa kanya!" "Manang-" "Ang gulo ninyong dalawa, sa iba na lang ako bibili," saad ng babae at lunakad na palayo. Hinayaan ko si Pinang na babatuhin ng kalabasang hawak ko sa sobrang inis. Umakto naman ito na babatuhin ako ng talong. Sabay naming inirapan ang sarili bago bumalik sa pagtitinda. "H'wag mo na lang siyang pansinin. Inggit lang siya sa beauty mo masyado ka kasing gifted hinaharap man o pang-upo. Tingnan mo naman siya parang kawayan na kapag hinanginan yuyuko," pag-aalo sa akin ni Gerlie. Nagtitinda rin ito ng kilay sa kalapit ko pero hindi gaya ni Pinang na lahat yata ng suki ko balak agawin. "Nangigil na talaga ako sa babaeng iyan. Masyadong bida-bida." "Hindi ka pa nasanay." Naiiling pa ito. Paano ako masasanay ay daig pa nito ang anino ko. Lahat na yata ng gawin ko alam niya at ginagaya niya. Isa siyang cheap immitation ko. Pwe! Bago ko isara ang stall ko binilang ko muna ang perang kinita ko ngayong araw. Napasimangot ako. Hindi siya kalakihan dahil ang kakompetensya ko kulang na lang ipamigay ang paninda niya basta sa kanya bumili. Naglalakad ako pauwi, hindi pa naman masyadong madilim kaya okay lang. Hindi rin naman kalayuan ang bahay namin kaya kayang-kaya kong lakarin. Sayang ang pamasahe. Pambili na rin iyon ng gamot ni nanay. Nang may isang kotseng sumabay sa lakad ko. Hinto ko ito pinansin pero todo busina ito. Kaso bingi ako kaya hindi ko siya nilingon man lang. "Tasya, hatid na kita." Malaki ang ngiti ng driver nito. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik pero peke. Umangat lang ang dalawang gilid ng labi ko kaya sino man ang makakakita, masasabing napipilitan lang ako. "Salamat na lang pero may paa naman ako. Kaya kong umuwing mag-isa," pagsusungit ko. Araw-araw na lang yata ganito ang eksena naming dalawa. Masyado kasi siyang makulit. Sinabi ko na sa kanya noon na wala siyang pag-asa sa akin pero patuloy pa rin niyang hinahabol ang kagandahan ko. Mahirap pala talagang maging maganda, hayst. "Ang sungit mo talaga. Kunwari ka pa gusto mo rin ako," mayabang na saad nito. Heto na naman siya. Itinirik ko ang aking mga mata sa asar sa kanya. Gwapo naman talaga siya pero hindi ko kaya ang kahanginan niya. Parang bagyo ang kahanginan niya pakiramdam ko liliparin ako palagi. "Tantanan mo ako, Anton. Huwag kang mangarap ng gising. Hindi ako pumapatol sa lalaking hangin lang ang laman ng utak." Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nakasunod pa rin ang kotse nito. Hindi ko na lang ito pinansin. Ayokong magsayang ng laway sa kanya. "Tasyang! Tasyang! Ang nanay mo!" sumisigaw na salubong sa akin ni Kaloy. Nagtatatakbo ito. Nakayapak lang ito, tila nagmamadali at hindi na nakapagsapin sa paa. Huminto ito sa harapan ko. Isa ito sa mga tambay na kaibigan ko. Hindi naman kasi porke't tambay adik na. Gaya nito na payat pa pero hindi naman humihithit, naglalaklak nga lang minsan. "Bakit anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko nang tuluyan na siyang huminto sa harap ko. Humihingal pa ito. Kaya huminga muna ito bago nagsalita. "Ang nanay mo, sinugod sa ospital!" Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Muntik na akong mabuwal buti at nahawakan ako ni Kaloy. "Bakit? Anong nangyari?!" na-iiyak ng tanong ko. Maayos naman kasi ito nang iniwan ko kaninang umaga. Todo paalala pa nga ito sa akin. Tapos ang balitang nasa ospital ito ang sasalubong sa akin. "Hindi ko alam. Nakita na lang siya ni Aling Malou na walang malay. Sa Lopez Hospital siya dinala." "Tasyang sakay, ihahatid na kita," ani ni Anton na nasa tapat ko pa rin pala sakay ng kotse niya. Mabilis naman akong sumakay sa sasakyan. Kung kanina tinatanggihan ko siya ngayon wala na akong choice. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko. Walang tigil rin sa pagkabog ang dibdib ko. Pagkarating namin sa nasabing ospital ay agad akong tumakbo patungo sa information desk. Iniwan ko na si Anton kahit na tinatawag pa nito ang pangalan ko kanina pagkababa ko ng kotse niya. "Miss, saang room si Ophelia Dimaranan?" nagmamadaling tanong ko. Kinakain na ng pag-alala at takot ang puso ko. Hindi kumakalma ang kabog ng dibdib ko. "Room 207 po, ma'am." "Salamat." Tinakbo ko ang Room 207. Nadatnan ko si Ninang Malou sa labas ng kwarto. Walang babalang pumasok ako. Sinusuri ng doctor ang nanay ko. Tinanggal niyo ang stethescope na nasa tenga at humarap sa akin. "Are you the relative?" Kinakahang tumango ako. Pinagsaklop ko ang mga kamay ko habang naghihintay sa sasabihin nito. "She needs to undergo coronary bypass surgery as soon as possible." "What do you mean, doc?" "The reason she always feels chest pain is because there is a blocked artery. We need to remove the blockage before it leads to a heart attack." Pakiramdam ko nabingi ako sa aking narinig. Ganoon na ba kalala ang sakit niya? Kahit kailan hindi ko ito narinig na dumaing sa akin. Minsan nakikita ko itong minamasahe ang dibdib pero kapag tinatanong ko naman ay napagod lang daw ito sa gawaing bahay. Akala ko simpleng bagay lang kaya hindi ko na pinansin. "Dok, gawin n'yo ang lahat para mabuhay ang nanay ko," umiyak na pagmamakaawa ko. Siya na lang ang meron ako at hindi ko na kakayanin pa kapag nawala siya. "We will, you need at least partial payments before we start the operation." "Magkano po ba ang magagastos sa operasyon?" "Prepare at least a million." Tila lalo akong nanghina sa halagang narinig ko. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Pagtitinda lang ng gulay ang trabaho ko. "Nay, lumaban. H'wag mo naman ako agad iiwan. Hindi ko kaya," umiiyak na paki-usap ko sa kanya kahit na hindi naman niya ako naririnig. Nakahiga ito sa hospital bed, hindi pa rin nagigising at may oxygen mask na nakakabit dito. "Tasyang, lakasan mo ang loob mo. Nandito lang ako. Gagawa tayo ng paraan para maoperahan agad ang nanay mo." Nakatayo ito sa kalapit ko habang hinahagod ang likod ko. "Ninang, pwede bang kayo muna ang magbantay kay nanay? Hahanap lang ako ng pera para sa operasyon niya." Pinahid ko ang luha ko at humarap sa kanya. She is my mom's best friend at alam kong hindi niya pababayaan si Nanay. Kailangan ko lang umalis para maghanap ng pera. "May kukunan kana ba? Bakit hindi ka lumapit sa tatay mo?" Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang sinabi nito. Tatay? Minsan na akong nagmakaawa sa kanya. Pero pinagtabuyan niya ako. Uulitin ko pa ba? Pero buhay ng nanay ko ang pinag-uusapan ngayon. Kaya handa kong gawin ang lahat. "Bahala na. Basta gagawa ako paraan." My mother has already suffered a lot. Masyado na itong nahihirapan, hindi lang sa sakit nito ngayon maging sa mga nangyari sa buhay namin. At isa lang ang hiling ko ang manatili itong lumalaban dahil hindi pa ako handang maiwang mag-isa. Hindi ko pa kaya. Marami pa akong pangarap para sa aming dalawa. Tumayo ako at pinahid ang aking mga luha. Gagawin ko ang lahat ng paraan para maoperahan agad ito. Hahanap ako ng pera. Kung kailangang magmakaawa akong muli sa tatay ko. Gagawin ko at kung hindi man niya ako muling pakinggan gaya ng dati. Hahanap ako ng ibang paraan. Sa mabuti man o masamang paraan, wala na akong pakialam. Ang mahalaga, mabuhay ang aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD