NATASHA
Maaga akong gumising at gumayak. Kahit na hindi ko alam ang kahihinatnan ng gagawin ko, susubukan ko. Wala namang masama, ginagawa ko lang naman ito para kay nanay. Hindi ko namuna iisipin pa ang pride ko. Minsan kailangan nating kalimutan kung ano man ang pride na meron tayo para sa taong mahal natin at iyon ang gagawin ko ngayon.
Mabilis naman akong nakarating sa bahay ng mga Suarez. Isa ang pamilya nila sa tinitingala dito sa San Vicente. Malaki ang bahay nila o tamang sabihing mansyon. Mapapatingin ka talaga kapag dumaan ka sa harapan nito dahil labas pa lang ay makikita na ang karangyaan. Mula sa mataas na gate na bakal hanggang sa mga nagtataasang pader, masasabi na agad na makapangyarihan ang nakatira dito.
Bumuga muna ako ng hangin sa bibig ko bago lakas loob na pinindot ang doorbell. Hindi ito ang unang beses na nagtungo ako dito pero kahit kailan hindi pa ako nakakapasok kahit sa gate man lang. Sa madaling salita hindi ako welcome.
"Anong kailangan n'yo ma'am?" tanong ng gwardiya na nakasilip sa siwang ng gate.
"Andyan po ba si Mr. Minandro Suarez? Pwede ko po ba siyang makausap?" tanong ko habang nakahawak sa gate na bakal. Ang tinutukoy ko ay ang aking ama. Ama na kahit minsan hindi ako tinuring na anak.
"Opo, sandali lang. Ipapaalam ko lang sa kanya. Ano po bang pangalan ninyo?"
Mahigpit akong napakapit sa strap ng bag na dala ko bago sumagot, "Nastasha po. Natsaha Dimaranan."
Ini-radyo nito ang pagdating ko. Medyo malayo kasi kung pupunta pa siya sa bahay dahil may pathway pa bago makarating sa main house.
"Sir, may naghahanap po sa inyo," pag-iinporma nito. Tiningnan muna ako nito bago nagpatuloy. "Natasha Dimaranan po ang pangalan, papasukin ko po ba?"
"No! Don't let her in!" malakas na boses mula sa radyo. Maging ang gwardiya ay inilayo ang hawak na device sa kanya. Hindi si Minandro Suarez ang sumagot kundi ang galit na boses ng isang babae. At kung hindi ako nagkakamali ang asawa niya ito. Si Maldita este Matilda.
"Manong, papasukin n'yo naman ako. Pakiusap mahalaga lang ang sadya ko." Pinagsaklop ko ang mga kamay sa harapan nito habang nagmamakaawa. Ayokong ibaba ang sarili ko pero handa akong lunukin ang pride ko para sa aking ina.
Napakamot ito sa ulo. "Pasensya na ma'am. Hindi pwede, baka ako ang malintikan kapag hinyaan kita. Narinig n'yo naman ang sinabi ni Ma'am Matilda."
Ano pa ba ang aasahan ko? Bakit kasi pumarito pa ako? Nagbabaka sakali lang naman ako. Wala na akong ibang maisip na malapitan, sila lang ang alam ko na kaya akong pahiramin ng halagang kailangan ko.
Paalis na sana ako ng biglang lumabas ang isang babaeng akala mo ay reyna kung maglakad. Halatang-halata ang botox sa mukha nito. Maarte ang bawat hakbang nito.
"You really have the guts to come here?" ani ni Matilda na marteng lumalakad papalapit ng gate. Kasunod nito ang anak na babae, si Mikaela. Masama ang tingin binabato nila sa akin. Tila malayo palang ang mga ito pero galit na galit na. Well, matagal naman na silang may galit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama.
"I need to talk to my father." Matatag na saad ko. Gusto kong masuka sa sinabi ko. 'My father', pwe! He doesn't deserve that title, but I have no choice.
"He is not your father. I am his only daughter!"
Hindi ko ito pinansin. Bakit ginusto ko bang maging anak ng tatay niya para ipagdamot niya ito? Kahit isaksak niya sa lalamunan niya ang tatay niya wala akong pakialam. kanyang-kanya na.
"Father? Hanggang kailan mo ba ipagpipilitan na anak ka ng asawa ko? Kahit kailan hindi ka mapapabilang sa pamilya namin kaya umalis kana!" pagtataboy nito habang nakaturo ang isang daliri sa kanang direksyon.
Hindi ako natinang sa kinatatayuan ko. Wala akong pakialam sa galit nila, hindi sila ang pakay ko. Kaya hindi ako aalis hanggat hindi ko nakikita at nakakausap si Minandro.
"Hindi ako aalis hanggat hindi ko nakakausap ang asawa n'yo." Pinilit kong maging mahinahon pero may diin ang bawat salitang binibitiwan ko. Maikli lang ang pasensya ko pero pinipilit kong unaktong kalma. Hindi ako nagparito para makipag-away sa kanila.
"Ambisyosa ka rin talaga ano?" Pinag-krus ni Matilda ang mga baso at tiningnan ako ng may kasamang pangmamaliit. Itinaas ko naman ang noo ko at sinalubong ang tingin niya. "Gusto mong makausap ang asawa ko, para ano? Huthutan ng pera? Ganyan naman kayong mga hampaslupa. Mukhang pera."
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi niya. Gusto ko nang palapatin sa mukha niya ang mga kamay ko pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"Matilda, sino ba ang kaaway mo? Dinig na dining ang boses mo hanggang sa kabahayan?" tanong ng boses na papalapit sa gate. Nangunot ang noo nito ng makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong nito.
Halatang hindi ito masaya na makita ako. Pareho lang kaming nararamdaman, hindi rin ako masayang makita siya ngunit kailangan ko ng pera.
"I need to talk to you."
"Ano na naman ba iyon? Nang huling nagpakita ka pera ang kailangan mo. Sigurado ako ngayon pera pa rin ang dahilan. Magkano ba?" diretsang tanong nito. Walang expresyon ang mata nito na naghihintay ng sagot ko. Pero ang asawang kalapit nito, nanliliit na sa galit ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Minandro? Nababaliw ka na ba? Bakit mo bibigyan ng pera ang babaeng 'yan?" Dinuro pa ako nito.
"Isang milyon, maliit lang naman iyon kumpara sa yaman na meron kayo. Kapalit ng isang milyon, hinding-hindi na ako muling magpapakita sa inyo." Sinalubong ko ang kanyang tingin. Kung tutuusin kulang pa ang isang milyon sa mga pagkukulang niya sa akin at sa kasalanang ginawa niya kay nanay. Pero hindi ko na siya sisingilin ng mahal, dahil alam ko darating ang karma sa kanya balang-araw.
"Lumabas din ang totoo. Mukha ka ngang pera," komento ni Matilda at mapanuya akong tiningna mula ulo hanggang paa.
Hindi ko siya pinansin. Wala kong pakialam sa mga pang-aalisputa niya. Nandito ako para sa nanay ko.
"Ibibigay ko sayo ang hinihingi mo. Pero tandaan mo ito kapag nagpakita ka pa ulit, may kalalagyan kana. Ito na ang huli."
Mapait akong napangiti. Anong klaseng ama siya? Napakawalang puso niya. Makapagsabi siya ng ito na ang huli para bang binigyan na niha ako dati. Kayong wala pa naman akong natatanggap sa kanya kahit isang kusing.
"Makakasa kayo." Iyon na lang ang sinabi ko.
"Sige, umalis kana. Ipapadala ko sa iyo ang pera bago dumating ang hapon." Tumalikod na ito agad pagkatapos sabihin iyon. Sumunod naman ang agad dito ang anak nito na malambing pang yumakap sa braso niya. Napa-ismid na lang ako. Hinding-hindi ako maiinggit sa kanila.
"Narinig mo ang sinabi ng asawa ko. Umalis kana. Huwag ka na ulit magpapakita sa amin. Dahil kahit kailan hindi ka magiging Suarez. Bastarda! Magsama kayo ng nanay mong malandi."
Hindi na ako nakatiis sa mga pinagsasabi nito. Hinigit ko ang buhok nito nang akmang tatalikod na ito. Pumayag akong lait-laitin niya pero huwag niyang isasali ang aking ina. Hindi malandi ang nanay ko. Naging tanga lang siya nang mahalin niya ang walang bayag kong ama.
"BITAWAN MO AKO!" tili nito pero mas hinigpitan ko ang pagkakasabunot sa buhok niya. Ibinuhos ko ang lahat ng galit na nararamdaman ko.
Pinilit kaming paghiwalayin ng guard ngunit mas humihigpit ang hawak ko sa buhok niya.
"Nasasaktan ako!"
Talagang masasaktan siya dahil kakalbuhin ko siya.
"Wala kang karapatang tawaging malandi ang nanay ko! Hindi siya gaya mo." Nangigigil na saad ko sa kanya. Mas lalo ko pang hinila ang buhok niya, kaya napasigaw siya sa sakin.
Nakita kong naglabasan ang mga katulong, maging ang aking ama bumalik. Malalaki ang hakbang nitong lumapit sa amin at pwersang tinanggal ang kamay kong nakasabunot sa asawa niya.
"My god! Mommy!" lumapit dio ang anak niya. Akmang susugurin din ako nito dahil sa nakitang hitsura ng nanay niya pero hinayaan ko siya ng sundok kaya napaatras ito. Duwag.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong sa akin ni Minandro at inayos ang nagulong buhok ng asawang ngayon ay umiiyak na.
"Sinasabunutan siya, hindi mo ba nakita?" palabang sagot ko. Paismid ko pang tiningnan si Matilda. "Ikaw ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tanggap ko na bastarda mo lang ako. Na wala kang pakialam sa akin at kahit kailan hindi mo kayang maging ama. Kaya nga iniwan mo si nanay 'di ba? Takot kang mawalan ng mana. Buong buhay ko, ito lang ang ikalawang beses na lumapit ako sa iyo." Panunumbat ko sa kanya. Tumigas ang anyo nito pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa galit niya dahil mas galit ako. Tinamaan lang siya sa mga sinabi ko. Wala naman talaga siyang balls pero puro siya ego.
"Ibibigay ko na ang gusto mo. Bakit kailangan mo pang saktan ang asawa ko?"
"Ibibigay. Kapalit nang paglalaho ko sa buhay ninyo. Okay, fine. Pero hindi niya kailangang tawaging malandi ang nanay ko. Hindi siya malandi."
Tiningnan ko si Matilda ng matalim. Nakasubsob naman ito sa balikat ng anak na masama rin ang tingin sa akin.
"You hurt my mom! Anong karapatan mong saktan siya?" sigaw nito sa akin at hinagod ang likod ng humihikbi pa ring ina. Kulang pa nga ang ginawa ko. Dapat kinalbo ko na ito ng tuluyan.
"Umalis kana. Huwag kang gumawa ng gulo dito. Halatang wala kang pinag-aralan. Leave and you ever dare back again."
"Aalis ako ngayon. Pero ang pera, hihintayin ko. Dahil kapag wala akong natanggap, hindi ko kayo titigilan. Mas magkakagulo tayo," banta ko at taas noong lumakad palayo.
Hindi na ako ang Tasya na nagawa nilang ipagtabuyan noon. Na-realize ko, hindi ko kailangang magmakaawa sa kanila. Kailangan ko lang lumaban at ipakita sa kanila na hindi ko sila uurungan. Dahil sisiguraduhin ko sama-sama kaming magdudusa kapag hindi sila tumupad sa usapan. Alam ko ang baho ng pamilya nila. At kapag binigo nila ako, mawawala lahat ng yaman na pinaka-iingatan nila. Huwag nila akong susubukan. Barya lang ang hinihingi ko sa kanila, kaya huwag silang madamot kung away nilang makita ang totoo kung sungay.