“Goodmorning, Sir Froylan!” masigla at unang bati ng abot-tainga ang ngiting secretary ni Froylan sa kanya. Nakaabang na ito pagpasok pa lang niya sa pintuna ng lobby ng kanyang sariling law firm building. May bitbit itong dalawang baso ng kape habang halatang mataman sa kanyang naghihintay. “Do you want a cup of coffee?”
Malawak na ngumiti si Froylan bilang tugon. Tumango siya sa kanyang secretary na nakagawian na yatang abangan siya doon tuwing umaga upang bigyan lamang ng isang baso ng kape. Ni hindi siya nito hintayin sa loob mismo ng office niya. At kahit naisin niya iyong tanggihan dahil nagkape na siya sa sariling tahanan bago pumasok ng trabaho ay hindi niya magawa. Ayaw niyang masayang ang effort nito at mapahiya na rin sa iba pang mga staff na naroon at sa pag-uusap nila ay nakakarinig.
Kakabalik lamang din nito ngayon mula sa isang buwang bakasyon na hiniling niya sa kanya noon at wala naman siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ito. Ilang taon na niyang sekretarya ang babae na nanggaling pa sa pamumuno ng kanyang ama. Ilang taon din ang tanda nito sa kanya ngunit sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kanyang katawan ay tila parang magka-edad lamang sila.
“Thank you, Ira.” tanggap niya sa baso ng kape at nauna nang humakbang patungo ng lift. Matamang nakasunod lang ito sa kanya.
“You’re always welcome, Sir Froylan.”
Nagkibit-balikat lang doon si Froylan, sanay na siya dito at palagay na din ang loob niya. Nilingon niya na ito gamit ang gilid ng mata.
“Kumusta pala ang naging bakasyon mo?”
Nakasanayan na rin ni Froylan na maging malapit sa lahat ng mga staff niya lalo na sa secretary niyang kung makipag-usap din sa kanya ay parang nakakatandang kapatid niya lang. Marahil ay dahil sa siya ang panganay kung kaya naman nakikita niya itong nakakatandang kapatid. Ganunpaman ay may respeto pa rin naman itong natitira para sa kanya, hindi ito tumatawid sa kanilang boundary. Lalong-lalo na sa mga bagay na masyadong personal sa kanilang dalawa.
“Ayos lamang naman po, sulit na sulit iyon.” ngiti ng babaeng tiningnan ang boss niyang sumimsim na ng kape sa basong kanyang ibinigay, hindi maiwasan na bumitak ang mapulang labi niya sa isang masiglang ngiti.
“Talaga? Kumusta ang mga magulang mo?”
“Ayos lang din sila Sir Froylan, salamat daw po sa pa-grocery niyong ipinadala sa kanila.”
Nakaugalian na rin ng pamilya ni Froylan na mamigay ng mga extrang bonuses at mga pa-grocery sa mga employee nila dahil ang trato na nila sa kanila ay kapamilya. Bagay na minana ni Froylan sa kanyang amang si Amorsolo na bumuo ng kanilang law firm.
“You’re welcome, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang schedule ko ngayong araw?” bahagyang harap na sa kanya ni Froylan na ang tono ay biglang naging formal, nakangiti pa rin ito sa kanya ng mga sandaling iyon. “Hectic ba o tama lamang? Gusto ko sanang umuwi nang maaga para makasama sa dinner ang aking asawa.”
Kilala ng mga staff nila ang kanyang asawa maging ang mga anak din nila, madalas na magtungo rin ang kanyang asawa doon dala ang kanilang mga anak kapag naisipan nito. Ganundin ang mga magulang nila at ang kanyang dalawang kapatid na babae. Tila isang bukas na libro ang buhay niya para sa mga empleyado nila doon. Kung kaya kapag sinabi niyang asawa, alam na rin nila ito.
“Alright, Sir Froylan.” tugon nitong nakangiti pa rin na binuklat na ang hawak niyang folder kung saan nakasulat ang schedule ng kanyang amo sa buong araw na iyon, “Here is your schedule for today, Sir.” sinimulan na nitong banggitin ang kanyang mga magiging mga meetings sa mga shareholder ng firm, meetings sa importanteng clients na VIP at kung ano pa habang patuloy na tumataas ang lift na kanilang sinasakyang dalawa. “At two o clock ang schedule niyo po ay ang i-review ang kasong sasalang sa court sa darating ng biyernes ng umaga. Kayo po iyong lawyer na tatayo sa tabi niya. VIP client at personal na hiniling na ikaw po ang mag-defend sa kanya. Nasa desk mo na po ang lahat ng mga files na nakalap sa kaso.”
“Alright? Then, what’s next?”
Nagpatuloy ang pagbanggit ng kanyang secretary sa mga natitira niya pang oras sa araw na iyon. Habang ang mga mata ni Froylan ay nakatuon sa numero ng lift na patuloy na umaakyat pa rin. Nasa ika-labing isang palapag ng building na iyon na pag-aari ng kanilang pamilya ang kanyang opisina. Kilala ang kanilang law firm bilang reliable, standard at halimaw sa larangan ng pagtatanggol ng mga biktima ng karahasan. At halos ang lahat ng hinahawakan nilang mga kaso na mostly ay sa side ng mga naaapi ay kaya nilang ipanalo. Ganun din kagaling ang kanilang mga hired na lawyer.
Nananahan sa loob ng law firm nila ang mga magagaling na abugado sa bansa, na may katumbas na malaking sweldo nang dahil sa magaling din nilang serbisyo. At maging si Froylan ay isa rin sa kanila kung kaya naman nagagawa nitong maayos na pamunuan ang law firm na ito na itinatag pa ng kanyang amang kilalang isang business tycoon na galing sa sariling sikap ang naging yaman.
At nang dahil din doon ay ilang beses na siyang nabigyan ng parangal at na-feature. Walang kinikilingan ang kanilang law firm, nagagawa nilang mahalungkat ang pinakatatagong lihim ng kanilang mga nakakatunggali. Hindi lang iyon, graduate rin si Froylan ng Agriculture at Business Management na kanyang nagagamit sa pamamahala niya sa kumpanya nilang ngayon ay nasa pamamahala na rin ng kanyang mga kapatid. Ang Evangelista Clothing Line company at ang Hacienda Evangelista. Paminsan-minsan na lang kung bumisita siya sa kanila na ngayon ay natuto na sa tamang pamamalakad ng mga iyon sa kabila ng lahat ng mga problemang kanilang napagdaanan. Nagmana rin sila sa kanya!
At malaki rin ang pasasalamat ni Froylan sa kanyang mga kaibigan na sa bandang huli ay dalawa doon ang naging kabiyak ng kanyang dalawang babaeng kapatid. Labag na labag man iyon sa kanyang kalooban ay hindi niya rin magawa silang pagbawalan. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka, mahirap iwasan, tanggihan at saka ito ay takasan.
“Anong magiging schedule ko sa lunch?” tanong niyang muli na nilingon ang kanyang sekretarya gamit ang gilid ng kanyang mga mata, muling binuklat ni Ira ang papel sa folder at mabilis na rin doon na umiling.
“Wala po, Sir Froylan.”
“Alright, pakitawagan nga ang aking mga kaibigan at sabihin mo na gusto ko silang makasama ngayong lunch.” ngiti niyang nauna na ditong lumabas ng lift, matagal na rin ng huli silang nagkita-kita ng mga ito.
“Isasama ko po ba sa mga tatawagan ang dalawa niyong kapatid na babae?”
“Yes, please.”
“Masusunod po Sir Froylan.” tugon nitong may isinusulat na sa papel habang nakasunod pa rin doon kay Froylan. “Saan ko po ba sila papupuntahin, dito po ba o magpapa-book na ako ng restaurant?”
Saglit doong natigilan si Froylan na inayos pa ang tabinging suot niyang necktie.
“Alright, book a nearby restaurant that good for eight person, no nine person sumama ka sa amin at pagkatapos noon ay deretso na rin tayo sa next meeting ko.” tugon sa kanya ni Froylan na maliit na ikinangiti lang ni Ira, “And give me a glass of water, please.” anito pang deretsong pumasok na sa pintuan ng kanyang nakapinid na opisina. Nag-iwan na iyon ng kakaibang ngiti sa labi ngayon ni Ira.
Lingid sa kaalaman ng lahat na may lihim itong paghanga kay Froylan na tanging siya lamang ang nakakaalam. At ang makasama ito araw-araw ay sapat ng dahilan upang maging masaya siya at hindi na doon maghangad pa nang mas malaking kapalit.