Chapter 3

1683 Words
Kaagad na hinubad ni Froylan ang kanyang coat matapos na ilapag sa table niya ang baso ng kape na kanyang bitbit papasok. At maingat na isinampay niya na iyon sa rack. Bahagyang niluwagan niya ang suot na tie sa leeg at kapagdaka ay naupo sa harapan ng kanyang lamesa. Walang imik na niyang pinasadahan ng tingin ang tambak ng mga documents na nasa ibabaw ng lamesa niya. Umagang-umaga ay kulang na lang na agad siya doong mapakamot ng ulo. Sa tagal na rin niya doon ay hindi pa rin siya nasasanay. Siguro dahil minsan ay sumasagi sa isipan niya na what if, iyong Hacienda ang pinili niya? Tiyak na ang simple ng buhay nila. Kaso, hindi naman iyon pwede lalo at wala naman sa kanyang mga kapatid ang lawyer. “Ilang taon pa ba Froylan ang ilalagi mo dito sa kumpanya niyo bago ka pa masanay, ha?” natatawang tanong niya sa sarili na hinanap na sa tambak nila ang pangalan ng kaso na hawak niya sa labas ng brown envelope. “Acceptance is the key. Tanggap ko naman, kaso may araw talagang napapaisip ako.” Nagpakawala na siya doon nang malalim na hininga at malawak nang napangiti nang makita na niya ang envelope na hinahanap. Tinanggal niya ang lahat ng laman ng mesa niya at ibinaba muna sila sa lapag. Inilabas na niya sa envelope ang detalye ng report ng kaso, kasama na ang mga evidence din dito. “Makipagpalit kaya muna ako kay Freya ng kahit na ilang araw lang? Papayag kaya?” tanong niya na mabilis na ipinilig ang ulo. “Huwag na, baka mamaya kung ano pa ang sabihin ng asawa niyang mapagbintang na kesyo pinapahirapan ko ito. Ayoko na lang din makipagtalo pa sa taong iyon. Hindi na.” Inikot-ikot niya ang katawan sa swivel chair habang si Aleigh naman ang iniisip niya. Tumanaw siya sa labas ng bintana ng office niya kung saan tanaw niya ang malawak na intersection ng lugar kung saan ma-traffic. “What if kay Aleigh?” muli niya pang ipinilig ang ulo, alam niyang imposible lahat iyon. Maaaring pumayag ang isa sa kanila, iyon nga lang ay paano ang law firm niya? Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga kapatid ang sa kanya lang paano kung mag-cause lang sila ng problema dito? Eh, ‘di mas lalo lang niyang pinalala ang alalahanin niya dito. “Huwag na nga, pahihirapan ko pa sila dito.” Muli siyang nagpakawala ng ilang malalim na buntong-hininga. Umayos na ng upo at muling hinarap na ang mga documents dito. Pinasadahan na niya iyon ng mga mata. Pilit na iniintindi, hinahanap ang weakness nito. “Thank you so much, Ira.” sambit ni Froylan na hindi pa rin mapuknat ang mga mata sa documents na kanyang binabasa nang ilapag doon ng secretary niya ang isang baso ng tubig na kanyang hinihingi na dito. Bagama't nakangiti ang kanyang labi nang munti ay patuloy pa rin ang galaw doon ng nakatutok niyang mga mata sa binabasa. Patunay na nakatuon doon ang buo niyang pansin at hindi siya pwedeng istorbohin. Sa muli niyang pagbuklat ay napakunot ang noo na siya doon. Dahil may nakita siyang mali! “Did you check this file before recieving it, Ira? Parang may kulang sa mga papel dito.” Kaagad na napaayos na doon ng tayo ang secretary ni Froylan na aalis na sana sa harap niya nang i-angat na rin ni Froylan ang kanyang mga mata. Kanina pa pabalik-balik ang mga mata niya sa document at baka mali lang ng pagkakasunud-sunod. Alam niya sa sarili na may mali sa documents, kulang ito ng page at hindi niya alam kung fault ba ito ng secretary niya o ng lawyer na nagbigay nito upang dalhin na ito sa kanya. Wala siyang pini-pinpoint na may sala dito. In fact ay kalmado pa nga siya ngayon dito. “Yes, Sir Froylan, I did check it. Bakit po? Ano pong mali? Wala naman akong nakita noon.” “Wala bang kulang ito noong tiningnan mo? What I mean sa sinabi kong tiningnan mo ay hindi literal na titingnan mo lang gamit ang mga mata mo at sa labas lang ng envelope.” Napakurap-kurap na doon ang secretary na agad ng nabasa ang pagiging seryoso nito. Napawi na ang kanyang mga ngiti. Buong pagiging secretary niya ay mukhang ngayon lang siya magiging palpak. Ang alam niya ay chineck niya ito, pero bakit may mali pa rin? “Yes, Sir--” “Kung ganun ay nasaan ang page 4 nito? Bakit nawawala at hindi ko mahanap dito?” Mabait kung sa mabait at very considerate na CEO nila si Froylan, ngunit pagdating sa trabaho ay marapat lamang na ang lahat ay pulido. Hangga't maaari ay wala dapat mali. Naniniwala siya na nagkakamali ang tao pero hindi naman dapat na paulit-ulit iyon. Oo, hindi naman talaga siya doon mahigpit pero ang isa sa pinaka-ayaw niya ay ang nagsasayang ng oras. Para sa kanya ay mahalaga iyon lalo na at nasa trabaho sila at marapat lang din na gawin ito ng maayos. “S-Sorry, Sir Froylan, let me check it again--” Nagtangka pa siyang lumapit para kunin ang documents ngunit bago niya pa magawa ay muli ng nagsalita doon si Froylan na naging dahilan upang maputol ang sasabihin niya. Kakaiba na ang aura nito ng sandaling iyon. “No, Ira! Ang gawin mo ay puntahan mo sa office niya si Attorney Manggubat at hingin mo sa kanya ang page 4 dahil wala ito!” wika niya sa tono na pilit na doong kinakalma, ang aga-aga at ayaw niya namang masira ang araw niya nang dahil lang doon. Sa halip na umalis na at gumawa ito ng paraan ay nakita ni Froylan na nakatunganga lang ito sa kanya. “Ano pang hinihintay mo? Pasko ba o New Year? Matagal pa iyon, Ira! Kung kaya lumakad ka na at sabihin mo sa kanya na kailangan ko iyon ngayon na, ora mismo!” Napapitlag na doon si Ira na nagulat sa taas ng tono ng boses niya. Hindi nito inaakalang may ganung parte ito sa kanyang pagkatao. Ang nakikita niya lang ay wala pang ¼ ng ugali na mayroon siya. At the rest ay iba na. “Y-Yes, Sir! Right away.” Natataranta na itong lumabas ng kanyang office. Wala na doon sa sariling sinalat ni Froylan ang sentido biglaang pumintig. Bigla na lamang din sumakit iyon na para bang mayroon siyang migraine. Kinabukasan na ng araw na iyon ang trial ng kasong ito at kailangan na niyang siyasatin ang report nito. Dangan lang at nakapangako siya dito. “Ang aga-aga naman talaga, oo!” Badtrip pa rin na dinampot niya ang baso ng tubig at nilagok na niya ang lahat ng laman. Nahuhulaan na niyang hindi ito tiningnang mabuti ni Ira nang tanggapin niya na doon ang mga envelope, dahil kung ginawa niya iyon ay noon pa lang sana ay na-detect na ang nawawalang page sa report ng kaso. At hindi na iyon makakaabot pa sa kamay niya. Paano niya malalaman ang mga nakalagay doon? Huhulaan niya ba? At wala namang powers ang mga mata niya. Hindi naman din siya manghuhula para malaman ito kaagad. Sa totoo lang ay si Ira nga ang dapat na sisihin, managot dito at hindi ang lawyer nila, kaya lang ay hindi niya na iyon ginawa sa pag-intindi na baka lutang pa rin ito at ang isipan niya ay nasa bakasyon pa. Kung kaya minabuti na lang niyang papuntahin ito sa office ng lawyer keysa sabunin nang ulit-ulit. “Unang araw ng balik nito sa trabaho ay palpak kaagad! Lumikha na kaagad ng gusot. What's wrong with you, Ira? ” bulalas niyang sumandal muli sa swivel chair niya. Kilala rin siya ng kanyang mga employee na malupit lalo na kapag siya ay nagagalit dito. Makakaya niyang magtanggal ng employee na hindi doon kumukurap. Ganun lamang naman siya kalupit. Minsan pa ay walang second chance. Hindi naman sa hinahangad niya na maging perfect sa harapan ng mga employee, kaso iyong mga ganitong mali ay maiiwasan sana kung naayos itong mabuti ng kanyang secretary. Noon lang din naman ito halos sumablay sa lahat ng kanyang mga ginagawa kaya marapat lang din naman na ayusin nila ang trabaho kung nais sumabay. Sigurado na patawarin na muna at huwag niya ng pahabain pa ang magiging away nila. Ilang minuto pa doon ang lumipas ay agad na humahangos ng bumalik si Ira, dala ang papel na kanyang hinahanap dito kanina pa. “Sir Froylan, nahanap na po namin ang nawawalang page! Pasensiya na. Aminado po si Attorney Manggubat na hindi niya ito naisama doon sa docs na ibinigay sa akin.” Hindi nagsalita doon si Froylan na hinablot na kaagad ang papel na mula sa kamay nito. “Makakalabas ka na, tatawagan na lang kita sa intercom kapag may kailangan ako dito.” “Yes, Sir, thank you.” Lumabas na ito ng silid upang magtungo sa table niya na nasa labas lang ng office ni Froylan. May nakakabit doong intercom para hindi na mahirapan si Froylan kung sakaling kailangan pa niyang lumabas upang tawagin ang sekretarya. Makailang ulit pinasadahan ni Froylan ito ng mapanuring mga mata. Maya-maya ay natigilan na siya sa kanyang ginagawa nang sumagi sa isipan niya ang imahe ng kanyang asawang walang saplot. Idagdag pa doon ay ang ginawa nila kanina bago siya magtungo sa trabaho. Napasandal na siya ng katawan sa kanyang upuan, hindi na mapigilan ang sarili na lihim na matawa. Unconsciously ay kinagat-kagat niya ang labi. Napahawak na rin siya sa kanyang baba habang patuloy na dumadaan sa kanyang balintataw ang ganap na iyon sa pagitan nila ni Ycel kaninang madaling araw. Ganap na tanging silang dalawa lang ang may alam. “Damn! Miss ko na kaagad ang asawa ko!” bulalas niyang napawi na agad ang badtrip na nakalarawan lang kanina sa mukha niya. “Umuwi kaya ako ng lunch at i-cancel ko ang lunch na ipinahanda ko para sa kaibigan ko? Hindi naman siguro sila magagalit sa akin.” makaraan ang ilang minutong pag-iisip ay umiling siya doon, “Nah, mamaya na lang.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD