Chapter 7

2623 Words
Makahulugan nang nagkatinginan ang mga lalakeng nakaupo sa lamesa sa palitan ng usapan ng mga kababaihan. May kakaiba na silang nase-sense doon dahil mukhang may magkakaroon ng away mamayang uwian. At ang tinutukoy nila doon ay si Froylan at Ycel, sangkot ang secretary nitong si Ira. Ganunpaman ay hindi na lang sila nagkomento upang gatungan pa ang sitwasyon. May mga asawa na sila kung kaya naman ay hindi na mahirap basahin ang takbo ng mga isipan ng mga babaeng ito na madalas makaramdam ng pagdududa ay may katotohanan. “Bakit naman kasi para kang batang kumain diyan, Kuya Froylan? Daig ka pa ng mga anak mo! Kailangan ka ba talagang tutukang alagaan ng secretary mo ha? Ano mo ba siya, Yaya? Hindi naman iyan ganyan kay Itay ah? Aba, mukhang spoiled ka sa kanya o kung hindi naman ay masyado mo siyang na-training maging ganyan in a short period." si Aleigh na hindi na mapigilan na mapailing sa kapatid, umiirap-irap pa ang mga mata nito na halata na ang matinding inis sa nakikita. Himutok din sana iyon ni Ycel na kanina pa nais sabihin ang mga salitang iyon. Thanks to her hipag na si Aleigh na marahil ay nabasa ang kanyang damdamin. Mabuti na lang din at napigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niya na gumawa doon ng eskandalo nang dahil lang sa munting insidenteng iyon. Palalagpasin na lang niya kung kaya naman pinili na lang niyang manahimik. Ayaw niyang lumikha ng gulo o anumang away kahit na pakiramdam niya ay hindi na mapipigilan ang kanyang sarili sumabog. Hahayaan na lang niyang lumipas ang lahat sa araw na ito. Baka kasi nagkataon lang at hindi rin naman sinasadya ni Ira na gawin iyon. “Pasalamat ka at mabait pa sa'yo itong si Ate Ycel eh, naku, kung nagkataong ako siya? Kanina pa kita pinagtatadyakan, nabatukan at sinabunutan diyan!” dagdag pa ni Aleigh na lumipad na ang mga mata sa asawang napanganga sa sinabi niya. “Ang harsh mo naman, Aleigh, bakit ko naman kailangang gawin iyon sa Kuya mo? Hindi naman niya sinadyang mahulog ang sarsa. At saka ang liit na bagay, huwag na lang nating palakihin pa.” mapang-unawang wika ni Ycel na naging malikot na ang mga matang iniiwas na sa kanila, alam niya na dama nilang nagsisinungaling siya sa kung anong nais na sabihin niya sa kanila. Pero syempre, hindi naman na nila iyon pupunahin para ipamukha sa kanya. “Kumain na lang tayo. Tama na.” “Naku hidi talaga, Ate Ycel, kahit na si Freya ang tanungin mo ay magiging pareho lang kami ng takbo ng isipan. Hindi ba, Freya?” baling pa nito sa kapatid na halatang humahanap lang ng kakampi. Marahang tumango sa kanya si Freya. “Right, at saka hindi lang iyon ang tiyak na aabutin sa akin nitong si Julian.” “See? Girls instinct ba.” halakhak pa ni Aleigh doon na nais pag-awayin pa sila. Hilaw ng ngumiti si Ycel. Hindi niya gusto ang ipinaparating ng mga hipag niya dahil lalong kumukulo ang kanyang dugo. Base sa sinasabi nila sa pagkakaintindi niya ay kailangan niyang maging mapanuri sa kasalukuyang secretary ni Froylan. “Aleigh ang bibig mo naman, wala ka sa bahay at maraming nakakarinig!” giit ni Lacim dahil sabay-sabay na napatingin ng may kahulugan sa kanya ang mga kaibigan. Tila sinasabi nilang sawayin niya na ang asawa doon dahil mali na ang impormasyon na binibitawan nito at ibinibigay na idea kay Ycel. “Nagsanib pa talaga kayong dalawa ni Freya, huwag niyo ng bigyan pa ng kulay ang nangyari.” “Bakit? Nasasapul ka ba?” pandidilat na sa kanya ni Aleigh na ikinatawa lang ng mga kasama nila, dahil kilala nilang walang pinipiling lugar ang bunganga nito. “Wait nga lang,” umayos pa ng upo si Aleigh doon. “May ginagawa ka bang—” Nataranta na ang mga kasama nila sa table. Mukhang anumang oras ay aawayin na talaga ni Aleigh ang asawa. Nakita rin kasi nila ang pagdilim ng paningin ni Lacim na halatang napapahiya na sa mga kaibigan. Nag-iisip na rin si Ycel kung ano ang kanyang gagawin. Mabuti na lang agad na pinutol ni Avril ang mga sasabihin. “Aleigh, ang ibig sabihin ay kapag nagkakamali si Lacim ay sinasaktan mo? As in physically, girl?” si Avril na hindi na alintana ang warning ni Mico sa kanyang huwag makialam sa diskusyon nila. “Curious lang naman ako, alam mo na baka makakuha ako ng technique sa inyo.” nilakipan niya pa iyon ng malakas na tawa. “Oo, aminado naman akong ginagawa ko iyon pero hindi naman sobrang brutal para matuto. Ano lang...” kumibot-kibot na ang bibig nito na tila may pag-aalinlangan, nagpigil na ng tawa niya si Ycel. Alam niyang palusot lang iyon ni Aleigh at mga kalokohan lang. Kilala niya ito. Nungkang sasaktan nito si Lacim ay mahal na mahal niya nga ito. “Kinakagat ko siya, sinasakal at saka kinakalmot.” Napangisi na doon si Ycel, umiling at muling uminom ng tubig sabay tungo upang ikubli ang ngisi niya. Baka isipin nilang nahihibang na siya. Sinasabi na nga ba niya, pawang kalokohan lang iyon ni Aleigh. Iba talaga ang ginagawa niya sa asawa at hindi niya alam kung bakit parang siya lang ang nakaka-gets ng mga sinabi nito. Ganunpaman ay muling nagbalik sa kanyang isipan ang insidenteng nangyari kung bakit agad na nawala ang kanyang malawak na ngisi. Sinulyapan niya ang asawa na parang wala pang pakialam sa kanya. Patuloy lang nitong pinaglalaruan ang pagkain sa pamamagitan ng paghalo-halo niya sa mga iyon gamit ang tinidor niya. “Hindi kasi sila magtatanda kapag alam nilang okay lang ang lahat.” “Whoa! Ang perfect wife mo talaga, Aleigh.” puri ni Freya sa kanyang pumapalakpak pa, lumipad na ang mga mata kay Julian na napaiwas lang naman. “Mukhang gagayahin na kita sa paraan ng iyong pagdi-disiplina.” Malakas na silang nagtawanan nang dahil doon, ngunit may tatlong nilalang sa table nila na hindi nito nagawang mapasaya at mapagaan ang pakiramdam. Ang una ay si Ycel na hindi pa rin nawawala ang inis sa himaymay ng katawan. Pangalawa ay si Froylan na hindi mapigilang isipin na baka may namumuo ng kakaibang theory sa isipan ng asawa. At si Ira, na napapahiya sa kanilang lahat. “Si Mico ba, hindi mo ganyan disiplinahin Avril?" baling ni Freya sa katabing malawak ang ngisi dahil sa mga kalokohan ng mga kasama niya sa table. Agad namula ang magkabilang pisngi nito nang humarap kay Freya para sumagot. “Si Mico? Hindi. Kapag may mali siyang nagawa sa akin ay ginagantihan ko sa gabi. Bawal siya sa aking tumabing matulog. Sa labas siya ng silid o kabilang silid. Minsan pa pinapauwi ko siya doon sa kanyang lumang unit kapag inis na inis ako.” Muli pang napuno ng tawanan ang lamesa nila dahil sa naging reaction ni Mico pagkasabi niya noon. Tumayo lang naman ito at marahas na kinamot ang ulo. Ilang beses na sinulyapan ang asawang ibinuko na siya sa mga kaibigan. “Avril, bakit mo naman iyon sinabi sa kanila? Babansagan na naman ako ng mga iyan nang kung anu-ano eh!” problemadong turan nitong panay na ang iling. “Tinatanong nila ako, alangan namang magsinungaling ako sa kanila? Umayos ka nga diyan, Mico! Hindi iyon ikinababa ng buong pagkatao mo. Bakit? Hindi ba iyon totoo? Huwag mo nga akong palabasing sinungaling sa harapan ng mga kaibigan mo!” halukipkip niya doon na halatang hindi na nagbibiro ang mga tingin dito. “Aguy, hindi na siya desperate ngayon, isa na siyang under!” palakpak doon ni Julian na tuwang-tuwa sa kanyang nalaman. “Under ng saya ng Misis niya!” Humagalpak na sila ng tawa sa pangunguna ni Lacim, hindi na napigilan ni Froylan na makisali sa mga kaibigan. Pilit na iwinaglit na ang mga gumugulo sa isipan. Magpapaliwanag na lang siya mamaya kay Ycel, lilinawin niyang walang katotohanan ang kung anumang gumugulo at namumuo sa kanyang isipan ngayon. Habang maaga pa lang ay kailangan na niyang sabihin dito iyon, dahil alam niyang kapag nagtagal ay baka mas lalo lang gumulo ang kanilang alitan na nagsimula sa pipitsuging isang insidente na hindi naman sinasadyang mangyari. “Thanks for coming, everyone ingat kayo!” paulit-ulit na wika ng bawat isa sa kanila nang matapos na ang lunch nila, nagawa nilang palitan ang topic matapos ng mag-react si Mico na naging tampulan ng tukso. Hindi na lang niya iyon seneryoso, kumbaga isinakripisyo niya ang sarili upang matapos na ang isyu ni Froylan na alam niyang matagal mawala.“Hanggang sa uulitin nating pagkikita.” At saka may mga trabaho pa ang mga lalake na kailangang bumalik sa kanilang mga opisina. Idagdag pa na mayroong meeting sa client si Froylan na hinahabol. Samantalang ang mga babae naman ay kailangang balikan ang mga anak nilang naghihintay sa kanilang pag-uwi. Maliban kay Aleigh na kailangang bumalik ng opisina niya at kay Avril na kailangan din ng kanilang sariling kumpanyang minana. “Dinner naman ang next para mahaba-haba ang ating usapan,” suhestiyon ni Julian na hawak na ang kamay ng asawa upang ihatid muna ito sa kanyang biyenan, sinabi ni Ycel na sumabay na lang ito sa kanya pero iginiit nito na siya na ang maghahatid. “Doon tayo sa mansion namin o kung hindi ay sa Hacienda.” “Oo nga, nakakabitin ang ganito. At saka hindi tayo makainom ng alak.” si Lacim na nakaakbay pa kay Aleigh, nakatanggap siya ng mga pinong kuro na mula dito. “Ayan, diyan ka magaling. Ang maglaklak!” “Hindi kaya, may isang bagay pa kung saan ako magaling.” may kapilyuhang tugon nitong tumaas at baba pa ang kilay sa kanyang asawa, “At alam mo kung saan ito.” “Sige, planuhin natin nang maayos iyan sa sunod at saka dapat kasama na natin si Rain. Aba, masyado namang nawiwili ang mga iyong hindi umattend.” si Froylan na naghahanda na ng pag-alis, nauna na sa sasakyan ang kanyang secretary. Nilingon pa niya si Ycel na ngumiti lang sa kanya. Nakapulupot na ang isang kamay niya sa beywang nito na senyales na okay na sila. “So, paano? Kanya-kanya na muna tayo. Message na lang sa groupchat natin o tawag kung may kailangan.” “Sige, tara na!” nauuna ng giya ni Mico sa kanyang asawa palabas ng venue. Nahuling umalis ng restaurant ang mag-asawang Ycel at Froylan kahit pa alam niyang mayroon siyang meeting sa client. Sila ang nag-settle doon ng bills dahil sa siya ang nag-aya sa kanila. May fair share naman silang magkakaibigan, kumbaga ay umiikot ang kanilang get-together at balewala na lang din naman ang gastos. “So paano Hon, mag-iingat ka sa pagda-drive.” wika ni Froylan na nakahawak ang dalawang kamay sa pintuan ng sasakyan, nasa loob na si Ycel at binuhay na ang makina noon. “Call me or text me kapag nasa bahay ka na, see you later. Agahan kong umuwi. Once natapos na ang meeting ko sa VIP client, deretso uwi na ako.” “Sige, mag-iingat ka.” Dumukwang palapit sa mukha niya si Froylan at bahagyang hinila naman nito ang suot na necktie ng kanyang asawa. Ilang minutong naglapat ang kanilang mga labi. “I am sorry kanina, Hon...” anas ni Froylan na saglit tinanggal ang labi sa bibig ng asawa, “Huwag mo sanang bigyan iyon ng kung anumang kulay at kahulugan.” Maliit na ngumiti si Ycel at hinaplos ang leeg nito pababa ng kanyang dibdib. “I know, alam kong wala naman akong kailangang pagselosan sa kanya.” Muli pang naglapat kanilang labi na mas may diin, mas mapusok at sumasabay sa init ng tanghaling tapat ang likidong namamayani sa katawan nila at mga ugat. “Thank you, Honey...” pikit pa ng mga mata ni Froylan habang kahalikan pa rin ito. At ang senaryong iyon ay kitang-kita ng secretary ni Froylan na kaharap lang ng parking ng sasakyan nila ang parking ng sasakyan ni Ycel. Malinaw niyang napapanood ang mga nangyayari. Panay lang ang buntong-hininga at sulyap sa kanyang pambisig na orasan. Late na sila, subalit hindi niya naman pwedeng businahan ang amo dahil paniguradong magagalit ito. Idagdag pa na may maling nagawa siya sa harapan ng kanyang asawa kanina na hindi naman niya sinasadya. Minabuti na lang niyang hayaan na lumipas ang ilang minuto. Kumukurap ang mga mata niyang iniiwa ang tingin sa mag-asawa. Hindi niya man aminin ay nasasaktan siya sa tanawing iyon at makikita iyon sa mga mata niyang namumula. Noon pa man ay may lihim na siya ditong paghanga na humantong sa kanyang lihim na pagmamahal, at kahit na alam niyang iposible iyong magkaroon ng sukli ay nagpatuloy pa rin siya. Isa rin ito sa dahilan kung kaya siya nagtagal sa kanyang trabaho. Bilang lawyer ito at nag-iisang anak ng kanyang ama na dating amo niya ay alam niyang ito ang magiging tagapagmana ng kumpanya sa hinaharap. At hindi nga siya doon nagkamali. Ipinama ito sa kanya at instant na siya ay naging secretary ni Froylan na noon ay kasalukuyang binata pa. Masaya na siya na masilayan ito araw-araw, matindi ang paghangang nararamdaman niya dito kaya pati ang mga manliligaw niya ay tinatanggihan niya. Ewan ba niya, nahulog na nga siya sa mas bata sa kanya tapos langit at lupa pa ang pagitan nila. Masakit man na malaman niyang may asawa na ito, pero pinili pa rin niya ang manatili upang pagsilbihan ito bilang secretary niya. Wala siyang intensyon na akitin ito o agawin sa kanyang asawa. Uulitin niya, ang makita lang ito araw-araw at makausap tungkol sa trabaho ay sapat ng dahilan upang manatili siya sa kanyang tabi hangga’t kaya niya. Iyon lang. Walang ibang rason siyang inaasahang kapalit nito. “Lakad na Froylan, late ka na sa meeting ng VIP client mo.” mapaglaro ang ngiting rumehistro sa labi ni Ycel nang bahagya niyang itulak ito sa dibdib palayo sa kanya, hindi sinasadyang nahagip ng mga mata niya ang reaction ng secretary nito na nasa katapat ng kanyang sasakyan. “Sige ka, baka magalit na iyon sa’yo.” “Ah, right.” tugon ni Froylan na napakamot pa sa kanyang ulo habang binabasa ng sariling laway ang kanyang labing halatang nabitin sa kanilang halikan ng asawa. “See you later, Hon, maaga akong uuwi para mas marami tayong time sa kama.” Mahina ng humagikhik doon si Ycel. Hindi na naman mapigilan ang sariling mahulog sa kapilyuhan ng kanyang asawa. Tumango lang siya bilang tugon dito. “Oo na, alis na.” taboy niya ditong bahagya pa itong pabirong itinulak palayo. Pagak lang itong tumawa at kapagdaka ay lumayo na doon. Maingat na isinara ang pinto ng sasakyan. Kung wala lang siyang importanteng meeting ay sigurado siyang pipiliin niyang mag-halfday upang sumama dito pauwi ng kanilang bahay. Isang sulyap pa ang kanyang iginawad nang unti-unti ng patakbuhin ng asawa ang kanyang sasakyan. Kumaway pa siya dito habang ang isang palad ay isinilid sa bulsa. Nang makalabas na ang sasakyan nito sa parking ay humakbang na siya patungo ng sasakyan niya kung saan naroon si Ira at matamang hinihintay siya. “Let’s go.” sambit niya matapos na pumasok sa loob ng sasakyan. Napaayos ng upo si Ira at mabilis na ikinabit ang kanyang seatbelt kahit medyo naiidlip na, binuhay niya ang makina at mabilis na pinaharurot iyon paalis nang makitang five minutes late na sila sa usapang oras ng kanilang kliyente. Bukod sa sa pagiging secretary nito ay madalas din siyang maging driver ng kanyang amo. Pahapyaw niyang sinulyapan ito, alam niyang si Froylan na ang bahalang magpalusot ng anong dahilan sa kanyang kliyente na naghihintay na sa kanila patunay ang text na natanggap niya mula dito. “Yes, Sir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD