Chapter 8

2108 Words
Pagkatapos ng meeting ay malawak na ang ngiti ni Froylan na inaya sa parking lot ang secretary. Nakahinga na siya nang maluwag dahil natapos ang meeting nila nang maagap sa inaasahan na oras. Ini-imagine na niya ang magiging ngiti ng asawa oras na makita siya nitong nasa doorstep ng bahay nila, wala pa man ang oras ng uwian. “You better treat yourself ng masarap na dinner, Ira.” paalala niya sa secretary na naglalakad sa likuran, sobrang thankful niya na sumama rin ito. “You did a good a job. Maaari ka ‘ring umuwi ng maaga at magpahinga bilang reward sa sarili.” “Sige po Sir Froylan, maraming salamat.” Pasakay na sila ng sasakyan nang makabangga ni Froylan ang isa sa luma niyang kaibigan. Hindi niya mapigilan ang makipag-kwentihan dito ng ilang minuto hanggang sa ayain siyang uminom. Kilala rin ito sa larangan ng negosyo. Kilala siya sa may-ari ng malawak na taniman ng tabako. “Huwag mo akong tatanggihan, ngayon na nga lang tayo ulit nagkita. Magtatampo ako sa'yo!” “Hindi naman sa ganun, Hughes, kaya lang--” “Anong kaya lang? Hindi ka ngayon pwedeng magsabi ng dahilan sa akin. Halika na!” akbay nito sa kanya at wala na siyang nagawa doon kung hindi ang paunlakan ang kagustuhan nito. “Sa tingin ko ay ngayong araw na ang tamang pagkakataon, Attorney Evangelista. Hindi kita nakilala kanina, kailangang ko pang titigan ka ng ilang minuto para makilala.” dagdag pa nitong hinihila na siya palayo sa parking lot, hindi niya na napigilan ang sarili na napangiwi doon. Iniisip kung anong palusot ang sasabihin niya kay Ycel pag-uwi dahil nangako siya kanina sa asawang uuwi kaagad oras na matapos na ang meeting. “Bawal tumanggi at bawal din magsabi ng hindi pwede. Minsan lang naman, pagbigyan mo ako.” “Oo na, sige na. Pagbibigyan na kita.” Sinubukan din ni Froylan na pauwiin nang maaga ang kanyang secretary na napansin ang anino. Tahimik na nakasunod ito sa kanila, at nakikinig. “No Sir Froylan, hihintayin kitang matapos.” “Pero Ira, it will takes time. Mauna ka ng umuwi.” “Paano kung sakaling sobrang malasing ka? Sino ang magmamaneho ng sasakyan mo? Ikaw?” Saglit na napaisip doon si Froylan. May punto rin naman ito, ngunit ayaw pa rin nitong makaabala. Natatawa na siyang napailing, hindi na mawala ang mga ngisi sa pinapakitang concern ni Ira. “I am not a bad driver kahit na nakakainom ako, Ira and you know that. Kaya ko na ang sarili ko.” “No, Sir Froylan. Hihintayin na kita, siguro naman ay hindi ka magtatagal na makipag-inuman.” “Pero Ira--” “Huwag mo akong alalahanin Sir, maghihintay ako sa sasakyan. Hindi ko kayo iistorbohin dito.” At bago pa muling makapagsalita si Froylan ay tinalikuran na siya ng kanyang secretary na patalilis ng umalis. At hindi nga nagkamali si Ira sa hula niya, lasing na lasing si Froylan nang matapos at lumabas ng inuman. Hindi niya na matandaan kung ilang beses siyang naidlip pa. At kagaya ng inaasahan ay hindi nga nito kaya ang magmaneho ng sariling sasakyan. Mabuti na lang talaga at iginiit na hintayin niya ang amo. “See this, Sir Froylan? Lasing na lasing po kayo.” natatawang wika nito sabay alalay sa kanya, hindi na pantay ang lakad nito at halata ang tama ng alak sa katawan niya. Sa puntong iyon ay wala siyang choice kung hindi ang igiya at alalayan ito patungo ng kanyang sasakyan. “Paniguradong masasabon kayo ni Ma'am Ycel.” Bumungisngis lang doon si Froylan na hila na ang isang paa nang dahil sa kalasingan niya. Walang malisyang nakaakbay ito sa kanya upang alalayan na hindi ito tuluyang matumba. Dama ni Froylan ang ginagawang pagpipigil ng hininga ng kanyang secretary, na lalo niya pang ikinangisi. Hindi niya alam na ganun ito naiilang sa kanya. Lumawak pa ang mga ngiti niya doon. “S-Salamat Ira, salamat.” sambit niya habang pilit at nahihirapang ikinakabit na ang seatbelt sa katawan. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko ngayon. At hindi ko alam kung makakauwi pa ako in this state.” Isinulat niya ang mga mata at ilang minutong itinunghay iyon kay Ira. Sa babaeng ilang beses na naramdaman na halos matunaw siya dito. “W-Walang anuman po Sir Froylan.” tugon ni Ira na hindi magawang tumingin nang deretso dito, hinihingal siya at namumula ang magkabilang pisngi nang dahil sa lapit ng kanilang distansya. “Ihahatid ko na kayo sa bahay niyo. Dahil baka labis ng nag-aalala ngayon ang asawa mo.” “Right, gabing-gabi na. Gamitin mo na lang din itong sasakyan pauwi ng bahay mo. Sunduin mo na lang ako bukas bago pumasok ng trabaho.” “Magbu-bus na lang ako, Sir Froylan.” “No, dalhin mo iyang sasakyan ko, Ira. That's my order to my secretary tonight. Naririnig mo ako?” Ipinikit na ni Froylan ang kanyang mga mata. “Sige Sir, kung iyon ang gusto mo, gagawin ko.” Hindi na sumagot si Froylan na agad ng naidlip ng dahil sa kalasingan. Mariing kinagat ni Ira ang labi. Hindi pa rin dito humuhupa ang kakaibang pakiramdam. Para siyang sinasakal ng hangin. Panay ang sulyap niya kay Froylan na tulog na. “Sana talaga ay huwag kang awayin ng asawa mo mamaya.” may bakas ng pag-aalala niyang turan na panay na ang sulyap sa banda nito, nakangiti pa rin. “At saka hindi ka naman araw-araw umuuwing lasing. Minsan lang iyon at ngayon ang pinakamalala dito. Patay-lasing ka!” PANAY pa ang biling ni Ycel sa higaan na kahit nakahiga ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Hindi na niya mapigilan ang sarili na magngitngit. Paulit-ulit na binabalikan sa kanyang isipan ang pangakong binitawan nito kanina sa kanya bago siya umuwi. Subalit ngayon ay nasaan na ito? Wala pa rin! Hindi pa rin umuuwi ng bahay nila. “Kahit kailan ay napaka-sinungaling mo talaga, Froylan Evangelista! Puro ka pangako! Hindi mo naman iyon kayang tuparin. Kainis!” marahas niya doong tinadyakan ang kumot, nais niyang ilabas ang frustration ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa sa kung anong paraan. “Hindi ka na sana nagbitaw ng ganung salita kung sa bandang huli ay mababalewala lang!” Kahit na anong pilit niyang matulog ay hindi siya dalawin ng antok. Binabagabag pa rin siya nang paulit-ulit kung nasaang lupalop na ngayon ang asawa. Hindi pa rin ito umuuwi kahit malalim na ang gabi. At iyon ang dahilan kung bakit hindi pa pa rin siya mapakali. Nakakailang ulit la siyang sulyap sa orasan sa loob ng isang minuto. Hindi niya na alam kung paano pa pipigilan ang galit sa kalooban niya oras na umuwi ito mamaya. Halos alas-diyes na iyon ng gabi, no, scratch that. Fifteen minutes na lamang ay alas-onse na iyon. “Saan ka pa bang lupalop nagpunta ng ganitong oras? Wala ka bang asawang naghihintay sa'yo? Hindi mo man lang ba naiisip na may nag-aalala sa'yong asawa dito? Ano mo ba ako ha, Froylan?” Kulang na lang ay maiyak na siya sa labis na inis. Nilalamon pa ng galit ang loob ng dibdib niya. “Hindi kaya may nangyari ng masama sa kanya? Hindi man lang ako sinabihan na baka gabihin siya. Wala man lang text kahit na isa. Hindi siya ganun, nagpapaalam siya sa akin kapag alam niyang late siyang makakauwi. Hindi siya ganito.” Hindi niya na mapigilan ang mag-alala at hindi na alintana ang ilang beses na pagkalam ng kanyang sikmura. Hindi niya napagtuunan ng pansin na gutom na siya. Hindi pa siya kumain kanina para sana hintayin itong dumating.m at sabay na silang maghapunan. At isa pa sa mga dahilan ng pag-aalala niya ay hindi iyon gawain ng kanyang asawa. Kung may dadaanan man ito ay ipinapaalam agad sa kanya para kung sakali na gabihin ito ay hindi siya mag-alala. “Nakakainis ka naman talaga, Froylan!” kamot pa nito sa kanyang ulo, inis na inis pa rin doon. Ngayon ang unang pagkakataon na hindi ito nagpaalam ng maayos at nagsabi ng dahilan kung bakit siya gagabihin. Ni hindi rin tumawag o kahit na ang secretary nitong kasama niya. “No way, na may kalokohan siyang ginagawa.” Right at that moment, marami ng negatibong mga pangyayari ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya. At hindi niya na ito matagalan pa! Napabalikwas na siya ng bangon doon, padabog na bumaba na ng kama. Hindi niya alintana ang mahimbing na ang tulog ng mga anak sa tabi. Dinampot niya na ang cellphone. Ilang beses na rin itong sinubukang tawagan pero hindi ito sumasagot. At nakadagdag iyon ng pag-aalala. “Nasaang lupalop ka na ba ngayon ha, Froylan? Pakiusap naman umuwi ka na! Wakasan mo na itong pag-aalala ko nang sobra at pag-iisip ng mga masamang pangyayari. Uwuwi ka na para hindi ako nag-o-overthink nang mas malala pa!” desperada niya ng pakiysap sa kawalan, muli pang nanggalaiti habang nagtitipa ng text dito. Pabalik-balik na siyang nagpalakad-lakad sa loob ng silid. Malalim na nahulog doon sa isipin. Malamlam na liwanag na lang ng ilaw ang bukas sa silid na iyon na galing sa lampshade. Ilang oras ng himbing ang tulog ng mga anak na kung kaya ay wala na siyang pinagkakaabalahan pa. “Froylan, anong oras mo ba balak umuwi? Gusto mo pa bang makita akong mag-collapse, ha?!” Nagmamadaling napatakbo na siya sa may bintana upang sumilip dito nang marinig ang pagdating ng pamilyar na tunog ng makina ng sasakyan. Sigurado siyang sasakyan nila iyon. Nandiyan na siya! Walang pag-aatubiling hinawi niya na ang kurtina ng silid upang silipin at i-check kung siya na nga iyong dumating. Baka guni-guni lang niya ang makina ng sasakyan na narinig. Kaagad na kumulo ang dugo niya at umakyat iyon sa ulo niya nang makitang bumaba ang secretary ni Froylan at umikot sa may passenger seat nito. Nagmamadaling binuksan ang pintuan noon. Kitang-kita niya kung paano nito alalayan ang katawan ni Froylan na bumaba dito. Kahit na sa malayo ay kitang-kita niya kung paano niya ito marahang tapikin sa balikat upang gisingin na. “Wait, lasing ba si Froylan? Uminom siya?!” iyon ang unang tanong na pumasok sa isipan niya. Nang i-akbay na ng secretary ang isang braso nito sa kanyang balikat ay nagkukumahog na siya doong lumabas ng silid. Halos takbuhin ang pagpanaog ng hagdan upang pagbuksan sila ng pintuan. Saktong tunog ng doorbell ay siya namang bukas niya ng pinto. Kitang-kita niya kung paano manigas ang secretary nito nang siya ay makita. Nanlalaki na rin ang mga mata. Hindi niya siguro akalain na siya ang makikita. “Anong nangyari sa kanya? Lasing ba siya? Saan siya uminom? Bakit lumawig ng ganito katagal ang pag-inom niya ng alak? Sino ang kasama?” Titig na titig pa rin ang kanyang mga mata kay Ira na putlang-putla na ngayon. Inip na iniintay niya ang magiging sagot ni Ira. Dahan-dahan niya itong tinaasan ng kilay. Isang maling sagot lang nito ay paniguradong makakatikim ito sa kanya. Hindi siya mangingiming pagbuhatan ito ng kamay kung iyon ang kinakailangan. Buo na doon ang desisyon niya, magiging malupit siya! “G-Good evening po, Ma'am Ycel. Pasensiya na po kung ngayon lang kami. M-May kakilala po siyang nakasalubong kanina sa parking lot na inaya siyang uminom. Sinubukan ko pong pigilan kaya lang ay--” “It's alright, ako na ang bahala sa kanya. Umuwi ka na at gabi na.” mabilis pa sa alas-kwatrong putol niya dito at pahablot na kinuha sa kanya si Froylan, naging dahilan iyon upang magising ito at idilat ang mga mata. Blangko ang mukha at wala ni isang salitang namutawi sa bibig niya matapos na salitang tingnan lang silang dalawa ng secretary. “Makakauwi ka na, Ira. At salamat rin sa paghatid mo sa aking asawa dito sa bahay.” “Sige po, Ma'am Ycel. Heto po ang susi--” “You can use my car Ira, sunduin mo na lang ako bukas dito bago ka pumasok ng opisina.” sagot ni Froylan na halatang medyo nahihimasmasan na sa espiritu ng alak. Kumawala siya sa hawak ni Ycel na ikinagalaw ng panga ni Ycel. “Uwi na...” Tumingin muna kay Ycel si Ira, bago harapin si Froylan. Halata sa mukha nitong nagulantang sa sinabi ng kanyang boss. Hindi niya ito inaasahan. “Pero Sir--” “Uwi na, anong oras na? Magpahinga ka na.” Sumama pa ang loob ni Ycel doon na animo ay balewala lang ang presensya niya. Hindi siya dito makapaniwala na casual silang mag-usap nito. “Maraming salamat po, Sir Froylan. Good night!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD