Chapter 6

2499 Words
Saktong pasimula pa lang kumain ang grupo nina Froylan nang dumating si Ycel sa restaurant. Nasa may pinto pa lang ang babae at malayo pa sa table nila ay malawak na ang ngiting naka-display sa kanyang labi. Sa suot na kulay pulang bestida na hapit sa magandang hubog ng katawan ay sinong mag-aakalang may dalawa na siyang anak? Wala. Kung ang titingin sa kanya ngayon ay hindi niya kakilala, malamang sa malamang ay mapagkakamalan siyang isa pang dalaga at wala ni isang anak. Bumagay sa kanyang tinding ang ilang inch ng suot na sandals na lalong nagpa-depena ng maganda niyang tindig. Bumagay pa iyon sa kanyang kutis. Maliit ang hugis ng mukha na binagayan ng buhok niyang hanggang balikat, habang nakalapat sa mukha ang tamang make up. “Ate Ycel, narito kami!” excited na sigaw ni Freya, itinaas pa ang isang kamay upang agawin ang atensyon niya. Halatang hindi na makapaghintay na makalapit ang hipag niya. Bumilis ang hakbang ni Ycel doon. Hindi na alintana ang halik ng takong sa sahig noon. “Hi, everyone!” masiglang kaway ni Ycel na isa-isa ng binigyan sila ng yakap. Ang una ay si Freya, sunod dito ay si Aleigh at ang huli naman ay ang asawa ni Mico na si Avril. “Kumusta na kayo? It's been a while, girls!” “Heto, ayos lang naman.” tipid na tugon ni Avril na muli ng naupo sa tabi ng kanyang asawa, hindi pa rin napapawi ang ngiti sa kanyang labi. Ang mga mata ay nakatitig pa rin sa babaeng bagong dating. “Ikaw, Ycel?” “Kagaya ng nakikita niyo, heto ayos lang din.” “Uy, Ate Ycel, ang blooming natin ngayon ah? Baka naman mamaya ay may laman na naman pala iyang tiyan mo ah?!” si Aleigh na may kahulugan ang ngiti at kurap ng mata. Halatang tinutukso na naman siya. Mukhang mapagtri-tripan na naman siya ng mga ito. “Oo nga naman, iba ang aurahan mo. Baka mabubunsuhan na niyan si Yael, ah?” segunda ni Freya na halatang sinasakyan lang ang kung anong gimik ng kapatid nito. “Grabe naman kayo, huwag naman kaagad! Ang bata pa ni Yael para mabunsuhan. Ni hindi pa nga iyon nagsasawa sa gatas ko. Huwag naman muna! Pwede siguro kung next year na lang.” patol sa kanila ni Ycel na bahagyang umirap ngunit nanatili itong nakangiti. Isa-isa niyang tinanguan ang mga lalakeng nabaling na ang atensyon sa kanya. Maingat na naupo siya sa upuang hinila ni Froylan na para sa kanya. “Salamat, Honey.” sambit niyang, hinalikan sa labi ang asawa. Sensual na pinasadahan ng haplos ng palad ni Froylan ang beywang ng asawa na hindi na nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga kasama sa lamesa. Umani iyon ng malakas at katakot-takot na kantiyawan. “Ayan tayo Froylan eh, hindi na mapigilan. Ilang oras pa Dude, bago sumapit ang gabi. Pigilan mo iyan at huwag kang maging atat diyan! Mahiya ka naman sa amin!” palatak ni Lacim na pulang-pula na ang mukha, naiiling pa ito habang makahulugan na ang tingin. Naguguluhang humarap sa kanya si Froylan. Hindi alam kung ano ang pinagsasabi nito. “Ano bang ginawa ko?” tanong nitong agad na nilakipan iyon ng malakas na pagtawa, “Wala naman ah? Huwag niyo ngang bigyan ng kulay ang lahat ng mga ginagawa ko!” “Anong wala? Huwag ka ngang tumanggi. Nakita namin iyon. Huwag nga kami, Dude, iba na lang ang pagsinungalingan mo. Kitang-kita iyon ng mga mata namin, Dude!” segunda ni Julian na naiiling lang doon. “Ano ngang ginawa ko?” hindi pa rin ito ma-gets ni Froylan na tumawa na. “Para naman kayong mga--” “Huwag ka ng mangatwiran pa ng kung ano diyan, Froylan. Tanggapin mo na lang ang pangangantiyaw para matapos na.” si Mico na nilagyan na ng pagkain ang plato ng asawang pangiti-ngiti lang na nagmamasid. “Bahala nga kayo diyan, ang dami niyong nakikita na hindi ko naman napapansin!” Muling nagtawanan ang mga kalalakihan doon, samantalang ang mga babae naman ay nauupo na sa kanilang silya. Kaka-serve pa lang halos ng lahat ng mga order na pagkain sa malaking table na inu-okupa. “Bahala talaga kami, dahil alam naming hindi mo na mahintay na sumapit ang gabi!” patol na muli ni Lacim na tawang-tawa pa rin dito. Nakatanggap na ng pambabatok si Lacim mula kay Julian. Hindi pa kasi matigil ito. “Aray ko naman, Dude, ang sakit noon ah?” “Tama na ang pang-aasar, sige ka baka magtampo iyan at bigla tayong layasan!” “Oo na, titigil na. Kayo ang nagsimula, eh!” Nang ang lahat ay mag-settle na sa upuan ay doon pa lang napansin ni Ycel ang secretary ng asawa na hindi niya alam na kasama pala nilang kakain ngayon sa labas. Hilaw niya itong binigyan ng isang tipid na ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Ewan niya ba, may kakaiba siyang kutob sa hilatsa ng pagmumukha ng babaeng ito. Hindi niya iyon maipaliwanag sa tuwing nakikita niya ito. Kung tutuusin ay wala naman sana siyang pakialam sa presensya nito ngunit ng araw na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na bigla na lamang magkaroon ng interes dahil sa kasama ito. Noong una pa lang niya itong makita ay hindi niya na ito gusto. Dangan nga lang at matagal na rin itong nagtra-trabaho sa law firm ng mga Evangelista bilang secretary ng ama pa noon ni Froylan kung kaya hindi niya masabihan ang asawa na ayaw niya sa kanya kung kaya palitan niya na. Panigurado na tatanungin siya nito kung bakit niya nais ipasisante ang secretary na maayos naman kung mag-trabaho? Ano ang sasabihin niya? Syempre, wala kaya sa halip na ipakita iyon ay minabuti na lang niya na ikubli ang kutob para wala silang pagtalunan ni Froylan. “Oh? Ira, nariyan ka pala?" napipilitan at mapagkunwari niyang bati sa babae dahil baka ang sabihin nito ay ang esnabera siya. Ngumiti sa kanya si Ira at saka marahang tumango. Halata na rin sa mga kilos nito na naiilang siya sa presensya ni Ycel. Nakaupo siya sa kaliwang bahagi ni Froylan, bagay na ikinangitngit pa ni Ycel. Sa isip niya, bakit sa dami ng upuan doon ay dito pa ito naupo? Feeling niya ba ay kasama na siya sa grupo ng kanilang barkada? Lihim siyang natawa. “Ah, opo, Ma'am Ycel. After lunch po kasi ay may meeting si Sir Froylan, at deretso na kami papunta doon kaya po isinama ako.” Napilitang magkibit lang ng kanyang balikat si Ycel, sa loob niya pa rin ay pwede naman itong daanan ng asawa mamaya sa opisina after ng lunch nila. At hindi na kailangan na isama pa sa lunch gathering ng grupo nila. Pero syempre, hindi naman niya magawang isatinig ang kanyang naiisip na katanungan. Ayaw niyang lumikha ng gulo sa pagitan nila. Kung kaya naman hangga't maaari ay titiisin na lang niya iyon, ililihim at hindi na sabihin. “Ah, okay.” Matapos noon ay muling bumaling si Ycel sa mga hipag niya at kay Avril na nagsimula ng kumuha ng mga pagkain. Busog pa naman siya, pero sa hitsura ng mga ito ay tila ba inaaya siyang tikman silang lahat. At dahil sa mahina ang temtasyon niya pagdating sa mga pagkain ay minabuti niyang kumain ulit. “Hindi ka ba na-traffic papunta dito, Ate Ycel?” pahapyaw na tanong ni Freya nang mapansin ang pahapyaw na paninitig niyang muli na may panunuri sa secretary ni Froy. “Hindi naman, Freya, kayo ba? Na-traffic?” Iginalaw nito ang kanyang magkabilang balikat bilang tugon sa katanungan niya. “Hindi rin, weekdays naman kasi ngayon.” Marahang tumango si Ycel at ibinaling niya na ang paningin sa umpukan ng mga lalakeng ang usapan ay tungkol pa rin sa negosyo. Wala pa rin silang pagbabago na kahit nasa gathering, hindi nawawala ang kumustahan ng businesses nila. Sa gitna ng kanilang pagkain ay nagkamali si Froylan ng subo at ang sarsa ng ulam na nasa kutsara niya ay agad nahulog sa suot na puting polo. “Dude, bingot ka ba ha?!” OA na react doon ni Lacim na pinagsimulan ng malakas na tawanan sa kanilang lamesa. Nang makita iyon ni Ycel ay mabilis siyang humila ng tisyu upang punasan sana iyon. Subalit bago niya pa ito nagawa at dumikit iyon sa dibdib ng asawa ay agad ng tumayo doon si Ira. At dahil sa nakaupo lang ito sa kaliwang bahagi ni Froylan, mas mabilis ang ginawa niyang pagdukwang para punasan ang sauce ng ulam na nasa damit nito bago pa man iyon kumalat. Pahapyaw niyang pinunasan iyon na nagawang mapigilan ang pagkalat, gamit lang ang sarili nitong panyo! “Oo nga naman Kuya Froylan, ano ba iyan?!” react na rin ni Aleigh nang mapansing hindi na mapigilang manlisik ang mga titig ni Ycel. Nabitin sa ere ang kamay ni Ycel na may hawak na tisyu. Iyon rin ang naging dahilan upang matigilan siya sa tangka niya sanang gagawin pag-aasikaso sa asawa. Kitang-kita ng mga kasama nila sa table ang walang pasubaling rumihistrong galit at inis sa mukha ng babae. Halatang hindi niya nais at nagustuhan ang eksenang kanyang nakita! “It's okay, Ira, tama na, I can managed.” tarahtang utas sa secretary ni Froylan. Dama na niyang magagalit doon ang asawa. Kilala niya ito, selosa kapag may nakikitang ebidensya. At ayaw niyang magkaroon sila ng mis-understanding sa kanilang pagitan. “Okay lang po, Sir Froylan, kailangan lang niyang matanggal bago pa ito kumalat. May meeting pa naman po kayo mamaya sa isang VIP client after ng lunch natin dito.” “T-Thanks, Ira...” Ilang beses na doong napalunok ng sarili niyang laway si Ycel upang kalamayin ang kanyang sarili. Sa loob niya, kung makaasta naman ito ay parang kilalang-kilala niya ang kanyang asawa. Eh, samantalang secretary lang naman siya. O marahil ay siya lang ang nagbibigay ng masamang kulay sa scene na iyon? Wala naman dapat siyang alalahanin? Ilang beses siyang humugot ng malalim na paghinga. Kailangan niyang gawin ito upang kumalma pa ang mga nerves na nagwawala. “You're welcome po, Sir Froylan...” Sa naging sagot nito na sa pandinig niya ay parang lumalandi ay hindi niya na napigilan ang sariling mapakurap-kurap. Siya iyong asawa, bakit hindi iyon irespeto ni Ira? Lalo pang nadagdagan ang pagkapahiyang nadarama niya na para bang siya ang nakikihati sa atensyon ni Froylan ngayon, nang makita ang mga mata ng mga kaibigan nila at hipag niyang nakaburo na sa kanya. Wala na siya doong magawa kung hindi ang hilaw na mapangiti. At upang pagtakpan ang umuusok niya na ditong bunbunan sa labis na inis ay mabilis niyang hinagilap ang baso ng tubig upang ito ang balingan ng atensyon, sunod-sunod na niyang nilagok ang laman! Gusto na niyang sumigaw doon at magwala. Gusto niyang isatinig na bakit ganun na lang ang tingin nila sa kanya. Hindi naman siya ang may maling nagawa kung hindi si Ira. At isa pa, mukha ba siyang nakakaawa ngayon? Iyon kasi ang kanyang nararamdaman dito. “Ang tahimik naman. May dumaang anghel!” si Avril na kaagad na sinaway ni Mico dito. “Oo nga, mukha nga yatang mayroon.” si Freya na pinandilatan na doon si Julian upang may gawin ito nang matigil na iyon. Walang pasubaling tumikhim na si Julian upang kunin ang atensyon ni Froylan at hindi naman siya doon nabigo. Agad tumayo si Froylan nang makita ang hindi na ayos na hitsura ng kanyang asawa. Kilala niya ito. At alam niyang sa mga sandaling iyon ay iba na ang tumatakbo sa malawak na imahinasyon. “I am okay now, Ira. Tama na. Salamat sa'yo. Pwede rin naman akong bumalik saglit ng aking opisina mamaya upang magpalit ng extra'ng damit bago pumunta sa meeting.” nilakipan niya iyon ng mahinang pagtawa upang maputol na ang pagkailang niya dito. “S-Sige po Sir Froylan, pasensya na rin po...” anitong nahulog na ang mga mata sa kanyang kamay na hawak pa rin ang panyo. Marahan na siyang naupo doon, napapahiya na rin sa biglaan niyang action. “Nasanay lang siguro ako na inaasikaso ko kayo...” Sanay nga naman siyang inaasikaso ito dahil sa pagiging secretary niya. Iyon nga lang ay mukhang lumagpas na sa boundary nito. At ang siste doon ay naroon pa ang asawa nito! “Okay lang naman sa akin iyon, normal lang iyan dahil secretary ka niya. Don't worry, Ira.” labas sa ilong na saloobin na ni Ycel doon. Tahimik na nagpatuloy ang kanilang grupo sa pagkain. Parang bigla na lang kumapal ang hangin na bumabalot sa kanilang table. Hindi na mapigilan nina Aleigh at Freya na mapataas ang tig-isang kilay nila sa rason ni Ira. Sa tikwas pa lang noon ay halatang hindi rin nila nagustuhan ang ginawa nito sa mismong harapan ng hipag nilang si Ycel. Ganunpaman ay hindi na sila nagkomento upang gatungan ang galit na alam nilang namumuo na sa mga mata at dibdib ni Ycel. “Nasaan na ngang banda ang topic natin?” muling tanong ni Froylan na naupo na doon. “Sa magiging investment mo na sana sa Velasco Clothing Line na pag-aari ko, Dude.” Sa kabila ng napagtagumpayang ilihis ni Freya at Aleigh ang topic kanina ay hindi pa rin mapigilan ni Ycel ang bumabahang idea ng senaryo na patuloy na pumasok sa isipan. Higit pa siyang nagkaroon ng duda! Nahahawakan pala ng secretary niya ang boss niya ng walang kahirap-hirap ah? Hanggang saan niya nahahawakan? Gaano na rin iyon katagal na ginagawa nila? At talagang hindi niya pa iyon nakikita? Dumagdag pa sa labis niyang inis iyon. Kung ganun pala ay hindi lang minsang nangyari? Binigyan lang siya nito ng dahilan upang mas lalo niyang kamuhian ang secretary. Subalit sa halip na maghisterikal at ipahiya ito na kagaya ng naiisip niya, pilit siyang muling ngumiti kahit na ang totoo ay nais niya ng kaladkarin ito palabas at sabunutan! Damang-dama na niyang umaakyat na sa ulo ang kanyang dugo sa labis na panggagalaiti. “Pasensiya na rin po talaga kayo sa aking inasal. Pasensiya na, hindi ko na uulitin.” “Okay lang Ira, hindi mo naman kailangang ipaliwanag pa. Naiintindihan naman namin este ni Ate Ycel ang trabaho mo, di ba Ate?” si Freya na lumingon pa sa banda ng hipag. “Oo nga, ang hirap kayang maging secretary. Ang lahat ay nakaasa sa'yo, as in lahat iyon. Marami kang mga bagay na dapat saulohin.” dagdag pa dito ni Aleigh sa litanya ni Freya. “Kaya nga, believe ako sa mga kagaya mo dahil lahat ay kaya mong tandaan, lalo pa at nagpalit ka ng amo mula kay Papa to Kuya. I bet, ang hirap ng adjustment mo.” dagdag pa ni Freya upang wasakin ang namumuong tahimik na tensyon sa mesa, “Ako na ang magsasabi dahil slight na alila ka nila. Hindi ba tama? Mahirap ang maging secretary ka.” ”Yes, Ma'am Freya, tama po kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD