Chapter 4

2607 Words
Malawak ang mga ngiting pinagmasdan ni Ycel ang kanyang mga anak na naglalaro sa kanyang harapan habang prenting nakaupo siya sa damuhan. Yakap ang dalawang binti. Panay lang ang takbo doon ni Fabian, hindi alintana ang tagaktak ng pawis sa kanyang mukha na dala ng maalinsangang panahon ng araw na iyon. Tatlong taon pa lang ito at ang panganay nilang anak ni Froylan. Kung ilalarawan niya ang hitsura nito ay kamukha ito ng kanyang asawa na mula sa hugis ng mukha, sa mataas na ilong at sa mga mata. Idagdag pa ang mga ngiti nito talaga naman na magiging best asset yata niya sa paglaki. Madalas na ngang tawagin itong minime ni Froylan nga mga kakilala kapag nakikita. At hindi iyon itinatanggi ni Froylan, bagkus ay ikinakatuwa niya pa iyon dahil sa proud siya. “Fabian, dahan-dahan lang at baka madapa. Sige, huwag kang makinig. Matatanggalan ka na naman ng ngipin kapag nadapa ka!” malakas na sigaw niya upang marinig at umabot iyon sa pandinig ng anak na sa puntong iyon ay tuwang-tuwa. Akala mo ay noon lamang nakalabas ng lungga. “At saka kapag nagkaroon ka ng sugat sa dalawang tuhod ay paniguradong lalabasan na iyan ng malaking mga baka o kung hindi naman ay kalabaw. Gusto mo ba iyon ha, Fabian?!” Hindi pa rin ito natinag sa kabila ng mga pananakot niya. Patuloy lang ito ngayong nagpahabol sa kanilang maid na kasama nila sa bahaging iyon ng tahanan. Basa na ito ng pawis at kita iyon sa suot na damit. Ngunit walang magawa si Ycel kung hindi ang pabayaan pa siya. Normal na rin iyon. “Five more minutes at papasok na tayo sa loob. It's time to take a bath, eat and nap.” Mabilis na napa-preno si Fabian doon lalo na nang makita niya ang inang tumingin sa relo. “No, Fabian still wants to play!” matigas nitong English na tugon sa kanyang ina. “Anong no? Tapos na ang playtime, papasok na tayo sa loob, liligo, kakain at matutulog.” Ngumuso ito na naging dahilan upang mas maging cute ito sa paningin ni Ycel. Hindi niya talaga makita kung ano ang kaibahan nito sa asawa niya. Sobrang cute na umarte! At maging iyon ay nagawa nitong mamana. “But Mom, Fabian still wants to play.” “Bukas naman, at saka pwede naman kayo ni Yael mag-play sa loob. Ang init na, eh.” Hindi na ito sumagot na naging dahilan upang ang pinigipigil na ngisi ni Ycel ay kumawala sa kanyang labi. Bakit? Nakita lang naman niya ang anak na isa-isa ng pinupulot ang mga laruan nitong ikinalat sa malawak na bakuran. Inilalagay na niya iyon sa basket ng kanyang mga laruan. Itinuro iyon ni Froylan sa kanya, na kapag tapos na maglaro ay kailangan niyang iligpit rin sila. Habang bata pa ay nais niyang ang anak ay maging isang responsable. Hindi pwede na ang lahat ng bagay ay iaasa lang sa nanny. At natutuwa doon si Ycel dahil mabilis lang itong turuan, at isa pa mabilis na makatanda. Feeling niya lalaki itong genius gaya ng ama. “Okay.” “Wow! Ang good boy naman ng Kuya Fabian, hindi ba Yael? Dapat talaga na bigyan siya ng award, at sasabihin natin iyan kay Daddy mamaya pag-uwi niya.” baling niyang tanong sa bunso na wala naman doong pakialam. Pamulat-mulat lang ang bilugang nga mata. Kung si Fabian ay ang version ni Froylan noong ito ay bata pa. Si Yael naman ay ang lalakeng version ni Ycel dahil sa kahawig niya. Sinasabi ng mga kaibigan nila na okay na iyon, may kamukha na silang dalawa sa mga anak nila kaya naman ay tama na. Ngunit para kay Ycel ay hindi pa, kulang pa dahil gusto niya rin naman anak na babae. “Baka mamaya sa kakahabol niyo sa babae nitong si Kuya Froylan ay umabot ng dosena ang mga anak niyo, Ate Ycel. Kaya mo ba?” si Freya na bunsong kapatid ni Froylan at the same time ay kaibigan niya, nabuksan nila ang usaping iyon sa kanilang get together. “Ano naman kung umabot ng isang dosena, Freya? Kaya naman naming buhayin sila.” sabat ni Froylan nang marinig niya na iyon. “Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Kuya Froylan? Naririnig mo rin ba ang sarili mo? Isang dosena iyong pinag-uusapan at hindi kalahating dosena lang.” pabalang na tanong na sa kanya ni Aleigh ng marinig ang sinagot niya kay Freya, pinagtutulungan na naman siya ng dalawa niyang kapatid. Asawa ang mga ito ng dalawa sa magbkaibigan niya kaya naroon din sila. “Hindi iyong pangbuhay ang siyang issue dito. Oo, kaya niyo nga na ibigay ang lahat sa kanila but, Kuya ang main talaga na inaalala namin ay ang katawan ni Ate Ycel, subukan mo kaya na ikaw ang manganak ng dosena kung hindi ka pagod.” umikot pa ang mga mata nito na akala mo ay ikinaganda niya na kapag ginawa niya iyon. “Oo nga, sila na lang kaya ang magbuntis ano? Akala talaga nila ang dali lang noon. Ang dami kaya nating sakripisyo sa mga panahong iyon. Sana naman ma-appreciate. Wala talaga siyang pinagkaiba kay Julian!” suporta pa ni Freya sa sinabi ng kapatid. “Ano pa raw? kagaya lang din sila ni Lacim!” “Girls, tama na nga iyan. Hindi rin naman nila iyon maiintindihan kahit na ilang ulit niyong ipaliwanag sa kanila. Mauubusan lang kayo ng lakas pero sa huli ay hindi pa rin unawa. Kung gaano sila kabilis sa ibabaw ng kama, kabaligtaran na sila pagdating sa bagay na iyan.” sagot ni Ycel na inilagay pa ang isang palad sa gilid ng kanyang labi, bumubulong. Malakas na silang nagtawanan doon bago pa mag-apir na siyang nakaagaw na ng pansin ng mga kalalakihan na abala sa sarili nilang usapan na tungkol sa mga negosyo. Makahulugan na silang nagkatinginan nang makita doon ang mga kabiyak nilang tila may importante na doong pinag-uusapan. Noon, isang beses kada buwan ay nagagawa pa nilang mag-get together. Ngunit habang lumalaki ang pamilya nila at nagiging abala ang lahat sa mga bagay para sa hinaharap ay dumalang na iyon, nabago ang schedule. Twice na lang in every three months at kung minsan pa ay once a year na lamang. Ito ay nakadepende na sa availability ng bawat isa. Hindi naman nila ito ma-igiit dahil may mga bagay naman talaga na dapat silang unahin. Ganunpaman ay hindi pa rin nawawala ang bonding at ang communication sa kanila. “Kaya nga, Ate Ycel, doon lang sila active.” “Ngayon pa ba talaga tayo magtataka? Eh, halos pare-pareho naman ang ugali nila hindi ba?” tanong ni Aleigh na agad lumipad ang mga mata sa anak na palaboy-laboy at kabuntot ng ama nito kung saan man ito magpunta. “Hawa-hawa na sila at walang pagbabago. Magkakaibigan na matalik sila kaya malamang mayroon ‘ding iisang ugali.” Muling napangiti doon si Ycel ngunit may kasama na iyong lungkot at saka guwang sa kanyang puso. Ilang buwan na rin kasi ang lumilipas nang huli silang magkita-kita. Ang dalawang iyon ay nakakabatang kapatid ni Froylan, na ang naging asawa ay ang dalawa sa kaibigan mismo ng kanyang asawa. At wala doong nagawa si Froylan kahit na tutol. Natatandaan niya pa kung paano ito magalit, well ganun talaga ang pag-ibig, mahiwaga. “Kailan kaya mauulit ang reunion na iyon?” hinga niya nang malalim nang bigla na lang silang sumagi sa kanyang isipan, may iba naman siyang mga kaibigan pero sobrang na-attached na siya sa mga ito na lalong-lalo na kay Freya Lou. At saka naging okay na rin sa kanya ang asawa ng ibang kaibigan ni Froylan, at nakakasalamuha naman nila. “Sasabihan ko nga si Froylan mamaya na mag-set naman siya, tagal na noong huli eh.” Kasalukuyan silang nakatambay sa malawak nilang garden na nasa labas lang ng bahay. Bahagyang malilim ang bahaging iyon nang dahil na rin sa anino ng kanilang tahanan. Malapit lang iyon sa bahay ng kanyang mga biyenan na ilang hakbang lamang ay agad na makakarating na dito. Sa bawat araw ay nakagawian ni Ycel na ilabas doon ang mga bata upang makapag-exercise. Nakangiti pa rin niyang nilingon si Yael, ang bunso niyang anak na kasalukuyang isang taon pa lamang. Nakaupo ito sa damuhan habang may bote ng gatas na nakasalpak pa sa kanyang bibig. “Madam, ihahanda ko na po ba ang pagkain ng mga bata at ang pangligo nilang tubig?” pukaw sa kanya ng maid nila doon na bitbit na rin ang basket ng mga laruan ni Fabian. Awtomatiko siyang tumango dito at tumayo. Pinagpag ang pang-upo upang linisan niya. “Sige, at ako na ang bahalang magpasok sa kanilang dalawa sa loob. Unahin mo ang panligo nilang dalawa ha? Liligo muna sila bago kumain, at matutuyo na naman ang pawis nila sa katawan. Baka magkaubo eh.” “Sige po, Madam.” Tumalikod na ito upang pumasok na sa loob. Walang imik na dinampot ni Fabian ang bote ng tubig niya na nakalagay sa gilid ni Yael. Walang imik na hinagilap ni Ycel ang maliit na face towel na kanyang dala. Ipinunas na iyon sa mukha ng anak na nanlilimahid. Hindi naman siya galit na ganito ang hitsura ng anak, nakakatulong kasi iyon na himbing ang tulog nito kapag napapagod siya dito. “Ouch, Mom! Ang hurt.” iwas nitong ayaw na magpapunas ng mukha, ngumunguso pa ito. “Ang hurt? Huwag mo nga akong artehan.” natatawa niyang sagot doon na binuhat na si Yael na nanatiling tahimik at nagmamasid. “Tingnan mo nga si Yael, ang behave lang. Bilis, halika na at pumasok na tayo sa loob.” hagilap niya pa sa isang braso nito upang akayin na ito habang buhat-buhat ang isa. “It because Yael is hindi pa lakad, Mom.” Napabunghalit na siya doon ng tawa. Doon niya napagtanto na pati ang ugali ng ama ay kuhang-kuha rin ni Fabian. Napakaraming mga katwiran. At sobrang natutuwa rin siya sa anak na kahit na panay ang English ay nakakaintindi pa rin naman ito ng Tagalog. Matatas siya sa parehong language. Minsan nga ay tinatagalog niya ang tanong niya dito tapos English naman ang sagot nito. Tapos kapag naman ini-english niya ay Tagalog naman ang siyang sagot nito. Hindi niya rin alam kung inaasar ba siya ng anak o nasanay lang sa pakikipag-usap kay Froylan. Nagsimula na silang mag-ina na mabagal na humakbang papasok ng bahay. Bitbit niya pa rin ito sa kanyang isang braso habang ang isang kamay naman ay karga-karga si Yael. “Fabian, ano nga ang gusto mo paglaki?” “I want to be like Daddy!” “Ayaw mong maging kagaya ni Mommy?” “No, because you're a girl.” And that made Ycel speechless. Bukod sa copy-cat ito ng kanyang ama. Mukhang pati ang ugali nito ay nagaya niya. On point ang pagiging pilosopo ng batang ito! Nakakaaliw. “Alright, maybe Yael wanted to be like me.” “Hindi, Mom, Yael wants to be like Daddy too.” paladesisyon nitong tugon sa kanya. Sa puntong iyon ay nakapasok na silang mag-iina sa kusina ng kanilang tahanan. “Okay, igagalang ko ang desisyon mo pero malay natin ay magbago ka pa paglaki mo.” Dumeretso sila ng kitchen matapos na kunin ng kasama nila sa bahay si Fabian upang ito ang unang maligo. Habang naliligo si Yael ay kumakain naman si Fabian sa tulong ni Ycel. Paglabas ni Yael ng banyo ay saktong tapos ng kumain si Fabian. Matagal maligo si Yael dahil panay pa ang tampisaw nito ng tubig. Pagkatapos nilang kumain ay iaakyat na niya ang mga bata sa silid, at patutulugin. Saka pa lang siya kakain nang walang umiistorbo. Ganun na ang timeline niya kada lunch time. “Tulog na po ba sila, Madam?” “Oo, akyat ka na muna doon sa silid. Kakain lang ako. Wala naman akong lakad ngayon.” Kamakailan lang ay nagdagdag sila ng maid na magiging hands on at katulong niya rin sa pag-aalaga ng mga bata. Iyong dalawang maid nila na all around ay sa bahay lamang naka-focus. At itong bagong hire ay sa bata. I-assist lang siya, at kung minsan ay bantay kapag aalis siya at magkakaroon ng lakad. Subalit sinisiguro niya na hindi niya inaasa ang lahat sa maid. Ina-assist lang siya nito. “Sige po, Madam, happy eating po.” Tahimik niyang tinalunton ang daan patungo ng kusina kung saan nakahain ang pagkain. Minsan nalulungkot siya na walang kasabay kung kaya naman ay iniisip niyang pumunta sa bahay ng kanyang biyenan. Naglalagi siya doon ng ilang minuto, sumasabay sa kanila dahil alam niyang late palagi silang kumain. At alam ng kanyang biyenan ang rason dito. “Kausapin mo si Froylan, isang taon na si Yael pwede ka ng magtrabaho sa opisina. Syempre, hindi mo naman kailangan na mag-stay lang sa bahay. Malaki na ang mga bata.” isang araw ay suhestiyon ng biyenan niyang lalake, ang nagpamana ng law firm nila sa kanyang asawa. “Maano bang itulong-tulong ka niya sa loob ng opisina.” “Nabanggit ko na po iyan Dad, ayaw po ni Froylan na magtrabaho ako. Ang sabi niya ay sa bahay lang ako at maging hands on sa mga bata. Siguro po ay ayaw talaga niyang iwanan namin sila at lumaki lang sa nanny.” Noong una ay nae-enjoy niya pa iyon ni Ycel, na kung tutuusin ay siya rin ang nagsabi dito na nais niyang maging hands on sa mga anak. Ngunit hindi nagtagal ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, para bang nais niyang muling magtrabaho sa tabi nito. Share holder lang ng iba't-ibang company ang pamilya niya. At karamihan sa mga company na iyon ay buhat sa mga pamilya na may sinasabi. Iyong profit nila doon ay pinagyayaman ng kanyang mga magulang. Hindi sila nagtayo ng sariling kumpanya dahil ang sabi nila, mas okay ang mag-invest keysa ang mag-sarili ng company. Bagay na hindi na niya tinutulan at sa halip ay ginaya niya. May shares siya sa company ng mga kaibigan ni Froylan, at sa iba pang mga company na hindi naman lingid kay Froylan. Kung kaya naman minsan kahit nasa bahay lang siya ay parang may trabaho rin naman. Chini-check pa niya online ang mga iyon. “Okay din naman iyan hija, pero hindi ka ba nabo-bored o nalulungkot? Pwede mong iwan sa amin ang mga bata kasama ang nanny nila. Malakas pa naman kami nitong si Amorsolo para bantayan ang mga apo.” “Kalabaw lang naman ang tumatanda, Felia.” tugon ng asawa nitong ikinangiti na ni Ycel. “Babanggitin ko po ulit kay Froylan.” “Oo, gayahin niyo itong si Freya na kapag naisipang sumama sa asawa niya sa Hongkong eh, dito iniiwan ang mga anak.” “Sige po, Mom.” “Si Aleigh lang naman iyong gustong bitbitin ang mga anak kapag magbabakasyon. Naku, paano mag-e-enjoy kung kasama mo sila?” Tumawa lang si Ycel at hindi na nag-react. Kung pakaiisipin ay nakakahiya naman na mag-iwan sa kanila ng anak. Bagama't may nanny ay hindi pa rin naman iyon sasapat. Muli niyang pinagninilayan ang sinabing iyon ng kanyang biyenan matagal na. At ngayon na naalala niya ay tila nais niyang subukan. Patapos na siya sa pagkain nang mag-ring ang cellphone. Ang unang pumasok sa isipan niya ay si Froylan, ngunit nang tingnan niya na ang numero nito ay si Freya naman. “Oh, Freya? Bakit napatawag ka?” Ilang saglit siyang natigilan na sa pagkain. “Hi, Ate Ycel, kumusta ka na? Pupunta ka?” “Okay lang naman, pupunta saan? Ano ba iyang sinasabi mo, Freya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD