Hindi na naabutan pa ni Ycel sa silid nila si Froylan pag-akyat niya. Paniguradong nasa kabilang silid na ito, iyon ang agad na naisip niya. Wala rin naman itong pupuntahan maliban doon. Bagay na lalo pang nagpagalaiti sa loob ni Ycel. Bwisit na bwisit na siya sa takbo ng utak ngayon ng asawa. Ang hirap nitong e-spelling kung ano ba talaga ang nais. Lumalabas na rin ang ugali nitong hindi maganda. Madalas na magbago rin ang isip nito, idagdag pa na mukhang wala na rin itong pasensiya. Hindi naman ito ganito noon, pabago-bago ang takbo ng utak niya. Ipinagtataka na rin ito ni Ycel. Iba talaga ang kutob niya. “Sinubusubukan mo ako? Ibibigay ko!” palatak niya na nagngangalit ang ngipin. “Masama bang magtanong? Maghinala? Hindi ba at karapatan ko naman iyon bilang asawa niya? Ano itong ginaga