Ilang beses na panaka-nakang sinulyapan ni Ycel ang gate ng bahay nila. Hindi niya mapigilan na mag-alala sa asawa. Alam niya na wala itong susi sa sasakyan na dahilan ng late na ay wala pa rin ito. Alam niya ang dahilan pero hindi niya alam ang solusyon na ginawa nito para makauwi na. Kanina pa siya nakatayo doon. Right after na mamatay ng tawag nito ay lumabas na siya. Ang buong akala pa naman niya ay makakauwi na ito. Mukhang mauudlot pa ang kanilang plano nang dahil lang dito. “Hindi man lang mag-text kung nasaan na siya. Alam naman niyang mag-aalala ako.” mahinang bulong niya na nagpabalik-balik pa ang mga hakbang, sanay naman siya na gabihin ito pero kakaiba ang araw na iyon. “Hay naku! Talaga namang masasabon na kita, Froylan! Iyong walang banlawan!” Hindi pa rin siya pumasok sa l