Chapter 5

2871 Words
“Luh? Anong saan ang pinagsasabi mo diyan, Ate Ycel? Hindi ba at may pa-lunch kayo ni Kuya Froylan ngayong araw sa buong barkada nila? Hindi ka ba niya sinabihan? Wait lang, huwag mong sabihin sa akin na hindi mo iyon alam? Imposible naman na hindi niya ito nabanggit sa'yo?” inosenteng balik-tanong nito na ikinakunot na doon ng noo ni Ycel, wala siyang matandaan na binanggit ang asawa tungkol sa lunch na sinasabi ngayon ng kapatid niyang si Freya. Hindi niya rin malalaman na may ganito pa lang ganap kung hindi pa ito sa kanya tumawag ngayon. Napailing na siya at nahulog sa malalim na isipin. “Hindi ka ba pupunta ngayon, Ate Ycel? Aba, pumunta ka. Hindi pwede ang hindi! Sigurado akong tulog naman ang mga pamangkin namin ngayong tanghali.” Natigilan na si Ycel sa napipinto niyang pagsubo ng pagkain. Nabitin sa ere ang hawak niyang kutsara dahil hinila pa siya noon sa malalim na pag-iisip. Hindi niya na napigilang umasim ng kanyang hitsura kahit na alam niyang wala naman siya doong dapat na ipag-alala. Baka nakalimutan lang na sabihin iyon sa kanya ni Froylan. At hindi naman niya siguro ito sinasadya kung totoo man. Pa-lunch sa buong barkada nila ni Froylan? Wala siyang alam at wala rin namang nababanggit ito sa kanya kahit na kaninang umaga bago ito pumasok ng trabaho. Dati-rati naman ay ipinapaalala niya kapag may mga ganung event, bago ito pumasok. At kaninang umaga ay wala naman talaga. Typical na araw lang ang naging simula nila kanina matapos niya itong ihatid sa labas. “Hello? Ate Ycel? Nandiyan ka pa ba? Sumagot ka. Hindi ka pwedeng mawala doon!” Umubo-ubo doon si Ycel at umayos na ng upo. Ipinagkibit niya lang ng balikat ang nalaman. Maliit na bagay lang naman iyon at wala siyang dapat na ikatampo. Palalagpasin na lang niya kung sakaling nakalimutan talaga nitong banggitin iyon sa kanya kanina. Ang mga ganung bagay ay hindi dapat pinagmumulan ng away. Simple lang, at baka nga nakalimutan lang sabihin iyon ni Froylan. “O-Oo, nandito pa ako.” inayos niya ang postura ng kanyang upo na para bang kaharap niya ang kanyang kausap at nakikita siya nito, iwinaglit niya na sa isipan ang naramdaman niyang bahagyang tampo kay Froylan. Uunawain na lang niya ito at baka pagod lang. Hindi na sumagi sa isipan ang bagay na iyon. At ang simpleng gesture na iyon ay alam niyang malaki ang maiitulong dito. “Baka naman sinabi sa akin iyon ng Kuya mo tapos nakalimutan ko lang. Alam mo na, madalas na ang kulit at ingay ng mga bata.” “Ah baka nga, Ate Ycel. Ganyan din ako minsan kay Julian eh, hindi lang minsan kung hindi madalas. May sinasabi na pala siya sa akin hindi ko pa rin marinig dahil sa ingay ng twins. Alangan namang busalan ko ang bibig ng mga bata, hindi ba? Nakakaloka kasi, ang hina pa naman ng boses nila, hindi ba? Aminin mo, ganyan ang boses ni Kuya Froylan sa'yo. Daig pa yata ng ingay ng pusa sa kalye kapag nagugutom. Ikaw talaga ang kailangang mag-adjust para maging maayos ang lahat. Sa gabi lang yata ako nagkakaroon ng pahinga, kung minsan pa nga ay wala rin dahil iyon lang ang time na nakalaan para sa aming mag-asawa. Sasayangin ko pa ba?” Mahina pa itong humagikhik sa kabilang linya na parang mayroong kumikiliti sa kanyang katawan. Naiiling na tumawa na doon si Ycel, nakikinita na niya ang hitsura ni Freya sa kabilang linya. Magaslaw pa rin ito na walang ipinagbago sa Freya na nakilala niya few years ago. Mukhang inosente pero halatang mas marunong pa sa kanya sa buhay dahil kahit na ang daming pinagdaanan nilang mag-asawa ay nanatili pa rin na mahal niya si Julian na tila walang nagbago doon. Kung kaya naman ay proud na proud siya dito. “Oh, tanghaling tapat ang harot mo na naman. Kung maririnig ka lang ngayon ni Julian paniguradong naipasok ka naman noon sa silid nang dahil diyan sa kalandian mo.” natatawa na niyang turan, hindi niya man aminin ay nami-miss niya rin ang dati nilang mga gala noong wala pa silang mga supling kasama ito. “Sino raw ba ang mga pupunta ngayon, Freya?” pagbabalik niya sa original nilang usapan matapos na uminom ng tubig, tapos na siyang kumain kung kaya naman tumayo na upang dalhin sa lababo ang kanyang pinagkainang plato. “Present daw ba ang lahat sa grupo doon mamaya?” pangangalap pa niya ng detalye sa lunch nila. “Hindi ko lang sure Ate Ycel kung pupunta si Brenda at si Kuya Rain, pero alam naman natin na hindi doon palaging mawawala si Lacim, si Aleigh, si Mico at Avril, kaming dalawa ni Julian, tapos kayong mag-asawa. Tayo-tayo lang naman.” tugon nitong bahagyang nagpaisip kay Ycel, tama naman ito sa kanyang mga sinabi. “Kailan ba huling nag-attend ang dalawang iyon? Parang ang tagal na hindi ba?” anitong ang tinutukoy ay sina Brenda at Rain na nasa malayong probinsya ngayon piniling manirahan. “Naku, masyadong abala ang mga iyon magpayaman. Wala ka doong aasahan kung hindi tayo ang kusang magtutungo sa lugar nila ay hindi natin sila makakasama.” natatawang turan ni Ycel, ilang araw na rin ang lumilipas nang huling tumawag sa kanya si Brenda upang mangumusta. Pagkatapos noon ay hindi na ito ulit naulit pa. Hindi na rin niya ito inabala dahil sa kanya-kanyang buhay. “Sino ba ang tumawag sa’yo? Ang Kuya Froylan mo mismo o ang kanyang secretary?” usisa pa ni Ycel na naghuhugas na doon ng kamay, nakaipit pa rin sa tainga niya ang cellphone upang patuloy lang sila na mag-usap. Mataman niyang hinintay ang sagot nito. “Iyong secretary ni Kuya Froylan.” “Ah, ganun ba? Baka hindi muna ako pumunta ngayon, kumain na ako ng lunch, eh. At saka hindi ko rin naman ito alam.” Hindi niya man aminin ay biglang naging tunog na nagtatampo ang kanyang tinig. Alam niyang matanda na siya para doon, ngunit iyon ang kanyang nararamdaman. Naisip niya na sana man lang ay pinatawagan din siya ni Froylan sa kanyang secretary upang e-remind ng tungkol sa lunch. At kahit na ayaw niyang maramdaman iyon, hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sarili dito. “Ano ba naman iyan Ate Ycel, minsan na nga lang itong mangyari tapos hindi ka pa pupunta? Gusto mo bang magtampo kaming dalawa sa’yo ni Aleigh? Ano naman kung hindi ka nasabihan ni Kuya? As if naman na magagalit siya sa'yo oras na makita ka niya doon? Imposible namang mangyari iyon. Si Kuya Froylan pa ba? Magalit sa'yo dahil naroon ka? Suntok sa buwan iyon, Ate Ycel at alam mo iyan.” may himig na iyon ng pagtatampo kahit na hindi nito tahasang aminin, napabuntong-hininga na lang si Ycel nang dahil dito. Hindi pa rin niya alam kung susundin ang pakiusap ni Freya sa kanya. “Pumunta ka na, ano naman kung kumain ka na? Hindi naman iyon ang ipinunta natin doon kung hindi iyong mga naipong kwento ng ilang buwan, hindi ba? Minsan na lang eh, tapos hindi ka pa pupunta. Tara na Ate Ycel, for sure ay naroon din si Avril at paniguradong tatanungin ka noon kay Kuya Froylan.” Bahagya siyang napakamot ng kanyang ulo. Kung maaga lang niyang nalaman iyon eh, 'di maaga rin siyang nakapaghanda. Hindi pa rin siya naliligo at 11:30 na ang oras nang lingunin niya ang wall clock sa kanilang sala. May sa pagong pa naman siyang kumilos. “Ano bang oras ang usapan niyo at saan?” wala ng mapagpipilian ay tanong niya kay Freya na biglang naging masigla ang tinig. “Bakit? Pupunta ka na ba, Ate Ycel?” “Hindi, itinatanong ko lang para alam ko.” tugon niyang hindi na mapigil ang nagbabadya niyang mga ngiti. “Bakit ko pa sasabihin sa;yo kung saan kung hindi ka rin naman pupunta? Paaasahin mo lang naman kami at paghihintayin.” Napabunghalit na ng tawa doon si Ycel. Lumipas man ang ilang taon, hindi pa rin nawawala ang pagiging matampuhin nito. Kaya naman mas lalo niya itong nagustuhan kahit na malaki ang agwat ng edad nila sa kanya. Ang galing din nitong makisama, parang si Aleigh. At nagpapasalamat siya na silang dalawa ang naging hipag niya. Very supportive bukod sa pagiging pakialamera rin nila in a good way naman. Kapag may tampuhan sila ni Froylan, madalas silang nakikisawsaw na siyang nagpapabati sa kanilang mag-asawa. “Oo na, ang dami mong sinasabi diyan Freya. Pasalamat kang tulog ang mga pamangkin mo dahil kung hindi ay nungkang makakapunta ako. Alam mo kung gaano kahabol sa akin si Fabian na kulang na lang ay ibalik kong muli sa aking sinapupunan.” “Sus, minsan ay iwanan mo kasi doon kina Mama. Iyong twins nga iiwan ko kina Mama ngayon, dadaanan ko na lang pagkatapos para sa mansion nina Julian kami magpalipas ng ilang gabi. Si Ale, iyong anak ni Aleigh ay maiiwan din dito lalo at nalaman na iiwanan ko doon ang mga bata. Para naman maglaro ang magpipinsan. Minsan lang din naman silang magkita-kita, parang tayo.” “Aba? Himala? Hindi nila isasama sa lunch?” “Oo, isang himala talaga Ate Ycel ang mangyayari ngayong araw.” halakhak nitong mayroon ng ibang kahulugan, hindi sa pinag-uusapan nila ito pero iyon ang totoo. “Siguro napagod na kakahabol sa batang iyon. Akala mo naman kasi palaging mawawala kapag hindi nila isasama. Hay naku, masyadong ini-spoiled. Baka mamaya niyan ay magmana sa kanyang ang ugali ng batang iyon.” “Sumbong kita, binaback-stabbed mo silang mag-asawa.” “Hindi na kailangan Ate Ycel, malinaw na naririnig ko ang masasamang salita na sinasabi sa akin niyang si Freya ngayon lalo na kay Lacim!” naulinigan niyang tinig ni Aleigh sa kabilang linya, hindi niya alam na magkasama ngayon ang magkapatid. Maya-maya pa ay malakas na silang nagtatawanan nang dahil doon. “Si Lacim kaya ang pagalitan niyo, huwag ako dahil ayaw niya itong iwanan.” “Sabi sa’yo Aleigh eh, siya ang pag-alagain mo para naman matauhan. Hindi iyong kinukunsinti mo!” sermon na dito ni Freya na para bang siya ang matanda sa kanilang dalawa, “Palaging gustong isama, tapos naririnig ko panay ang reklamo sa kakulitan niya.” Siya naman ang natawa doon. Kawawang Lacim, pinag-uusapan na naman nilang mga kababaihan at wala itong kaalam-alam. Siguradong panay na naman ang samid nito sa kanyang sariling laway. O kung hindi man ay nangangati na ang puno ng tainga! “Siya naman talaga ang nag-aalaga hindi ba?” katwiran ni Aleigh na ang buong akala niya ay makakalusot sa kanyang kapatid. Nais niya lang talagang sakyan ang pinag-uusapan ng mga ito. At hindi rin naman siya nasasaktan nang dahil doon. “Sus, sa una lang naman niya inaalagaan at kapag makahulugan na sa’yong tumingin kukunin mo na sa kanya ang bata. Huwag nga kami Aleigh, lagi namin iyong nakikita tuwing may okasyon at pinipili niyo siyang isama. Huwag ako, iba na lang.” bulalas pa nitong may pag-ismid pang nalalaman. Pinili na lang ni Aleigh na manahimik na doon dahil wala naman siyang idadahilan dito. Mabilis na tiningnan ni Ycel ang screen ng kanyang cellphone nang mag-vibrate ito sa panibagong tawag doon. “Freya, papatayin ko na ang tawag mo at tumatawag sa akin ngayon ang Kuya Froylan mo.” “Sige, Ate Ycel. See you later, may dala akong mga prutas para sa’yo.” anito pang halatang ayaw putulin ang tawag. “Sige, nasaan ka ba? Nandiyan ka ba kina Mommy? Hindi mo pa talaga deneretso dito sa bahay. Ilang hakbang lang ang layo.” Muli lang itong tumawa at hindi na pinansin ang kanyang mga sinabi. “Para may dahilan kang sumama mamaya sa lunch, hindi ko iyon ibibigay sa'yo kapag hindi ka pumunta.” panakot pa nito sa kanya. “O sige na, at baka sasabihin sa akin ng Kuya mo ngayon ang tungkol sa lunch kung kaya naman tumatawag ito.” Wala siyang narinig na tugon nito, sa halip ay ang reklamo ni Aleigh ang naulinigan niya bago niya mapatay ang tawag. “Si Kuya Froylan naman, bakit lunch ang naisip? Bakit hindi na lang dinner? Tanghaling tapat eh.” “Aba, iba kasi ang gagawin noong dinner. Huwag kang manhid diyan Aleigh.” Tuluyang pinatay na ni Ycela ng tawag ni Freya na halatang hindi na napansin na kausap pa siya. Saktong patay noon ay namatay na rin ang tawag ni Froylan sa kanya. Siya na ang kusang tumawag dito, dahil sa baka iba na ang isipin nito at hindi siya nagkamali. “Hon, tumatawag ka?” “Oo, sino ba iyong kausap mo?” “Si Freya. Lumuwas daw sila at ang sabi sa akin ay may dala silang prutas mula sa Hacienda.” prenting tugon niya sa katanungan nito na walang kamalay-malay sa iba nilang usapan. “Kumain ka na ba? Mukhang late ka ng nakatawag ngayon, ah? Busy ka?” “Hindi pa, ang dami kong binasang mga documents para sa magiging trial namin bukas.” “Oh? Bakit hindi ka pa kumakain?” Pinili niyang magkunwari na hindi alam ang tungkol sa lunch ng kanilang grupo. Sinusubukan niya kung sasabihin pa ito ni Froylan sa kanya kahit na nangangati na siyang banggitin iyon sa kanya. Alam niyang hindi iyon ang tamang panahon para maging pabebe siya at mag-inarte lalo na at pagod na pagod pala ito. Ayaw niyang makadagdag pa sa pagod na nararamdaman ngayon ni Froylan. “Hindi ba at may lunch tayo sa labas ngayon kasama ang grupo, ready ka na ba?” Napakurap-kurap na si Ycel. Ang ibig lang sabihin ay nabanggit nga nito sa kanya ang tungkol dito at nakalimutan niya lang. Hindi siya binabalewala nito dahil ipinaalam niya pala ang tungkol doon at hindi niya lang iyon magawang tandaan. “Ha? Nabanggit mo ba ang tungkol sa akin sa lunch? Kailan, Hon?” Si Froylan naman ang natigilan doon na humahakbang na patungo ng elevator. Ready na silang magtungo sa tagpuang restaurant. Kabuntot niya ang secretary na mabagal na humahakbang at tahimik na nakikinig lamang sa kanilang usapan ng asawa. Panaka-naka ang tingin nito sa mukha ni Froylan na pabago-bago na ang emosyong dito ay nakalarawan. “Sandali Ycel, don’t tell me na hindi mo narinig iyong sinabi ko sa’yo noong nakaraang araw na baka magkaroon tayo ng lunch sa labas ngayon? At saka huwag mo ‘ring sabihin sa akin na sa mga sandaling ito ay hindi ka pa nakakaligo at nakakagayak?” Napaawang na ang labi doon ni Ycel. Hindi niya talaga maalala kung kailan sinabi iyon ni Froylan. Pilit niyang inapuhap ito sa kanyang balintataw, pero hindi niya talaga maalala na may narinig siyang ganito mula sa kanyang asawa. “Binanggit ko sa’yo nang maaga para hindi mo makalimutan, pero ang ending ay nakalimutan mo pa rin. Tulog na ba ang mga bata? Mag-prepare ka na. I’ll text you the address and the restaurant. Okay lang na ma-late ka, 2pm pa naman ang next na meeting ko kung kaya huwag kang magmadaling pumunta. Take your time, Ycel. Okay?” Napakagat-labi na si Ycel na nilalamon na ng konsensya. Medyo nahihiyang pinag-isipan niya ito ng masama kanina. Siya naman pala ang may problema dahil kinalimutan niya ang sinabi nito. “Sige, pasensiya na Hon, wala talaga akong maalala na binanggit mo sa akin.” hingi niya pa ng paumanhin sa kanya, hindi niya alam kung talagang naka-focus lang siya sa mga anak kung kaya minsan ay hindi niya ito naririnig. “Oo, kakatulog lang ni Fabian at Yael, sige maghahanda na ako. Bibilisan ko kaya e-text mo na ang address. Busog pa naman ako dahil kakatapos ko pa lang kumain.” “Sige Hon, okay lang iyan, basta ang mahalaga ay ang makiharap ka sa kanila.” “Pupunta ba sina Brenda?” Nagawa niya pang itanong sa kabila ng pinagmamadali na siya nitong maghanda. “Hindi, baka next meeting ng grupo ay makasama siya.” “Sige, maliligo na ako at pupunta na diyan.” “Okay, see you Hon. Mag-iingat ka sa pagda-drive, ha? Idilat ang mga mata. Huwag magpatugtog ng malakas.” Mahina na siya doong natawa. Ilang beses na kasi siyang nasangkot sa mga violations sa kalsada kahit na hindi niya naman sinasadya. At ang paalalahanan ni Froylan ay labis niyang ikinaliligaya dahil pakiramdam niya ay ang halaga niya dito. “Sige, aayusin ko para walang maging aberya.” Pagkatapos noon ay namatay na rin ang tawag. Nagmamadali ng umakyat ng hagdan si Ycel upang kumuha ng damit at sa ibaba na lang maligo at magbihis. Hindi niya pwedeng magising ang mga batang kasalukuyang natutulog sa loob ng kanilang silid. “May pupuntahan lang ako saglit, ikaw na muna sana ang bahala sa mga bata.” mahina niyang wika nang tawagin niya ang nanny ng mga bata sa labas ng pintuan matapos na kunin niya ang bag na dadalhin at ang kanyang isusuot doong mga damit. “Sige po, Madam.” “Tawagan mo lang ako kung sakaling magising sila at magkaroon ng problema ha?” Muli itong tumango sa kanya na sinuklian niya lang ng maliit na mga ngiti. At matapos na tapikin ito sa braso ay bumaba na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD