Walang imik at seryoso ang mga matang tinitigan ni Froylan ang kadarating lang niyang Secretary. Siniyasat niya ang bawat galaw nitong hingal na hingal na parang nagmadali na puntahan siya. Pulang-pula ang mukha nito na hindi niya malaman kung dahil sa ininom o sa pagmamadali. Sa paglapit pa nito sa kanya ay naamoy na niya ang alak na ininom sa hininga nito. Wala sa sarili niyang itinaboy ang hangin palayo sa kanya gamit ang kanyang palad. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kung anong hitsura ngayon ng secretary niya. “S-Sorry po, Sir Froylan...” marahas na kumpas ng palad nitong humawak pa sa kanyang dibdib upang habulin ang sariling hininga. Hinagod-hagod niya iyon na para bang nahihirapang huminga. Ilang segundo ang pinalipas bago dugtungan ang litanya. “Hindi ko naman po—” “Ayos lang