Malapad ang siyang naging ngiti ni Froylan nang pagdilat ng kanyang mga mata kinabukasan ay may nakita siyang comforter na nakabalot sa kanya, at saka unan. Mabilis siyang bumangon habang hindi na maitago ang masiglang ngiti sa kanyang labi. Sinalat-salat niya ang babang may mga munting balahibo ng tumutubo. Maya-maya pa ay ginulo niya ang buhok habang umaahon sa sofa. Natutuwa siya na kahit na galit ay may malasakit pa rin sa kanya ang asawa. Nagawa pa siya nitong dalhan nito sa kabila ng sama ng loob na ibinigay niya. Sino pa nga bang gagawa noon maliban dito? Alangan namang ang maid? “Sa kabila ng mga nagawa ko sa kanya ay hindi niya pa rin ako kayang tiisin. Mahal niya talaga ako, walang duda.” bulong niya sa sarili habang umaarko sa mayabang na paraan ang mga kilay. Hindi pa rin si