Tanghali na nang magising si Ycel kinabukasan. Wala na rin sa kanyang tabi ang mga anak ng kanyang kapain. Sigurado siyang kinuha na sila ng kanilang nanny nang hindi niya namamalayan. Sinabihan niya kasi ito noong nakaraan na kahit tulog pa siya at nagising na ang dalawang bata ay ibaba niya na upang pakainin. Makaraan ang ilang minutong paghiga doon ay iinot-inot siyang bumangon upang bumaba na ng kama, kinusot niya ang mahapding mga mata at huminga nang malalim. Dama niyang may kulang sa katawan niya at ito ay ang naging alitan nilang asawa. “Lunch time na, mukhang ang haba naman yata ng naging tulog ko.” tinatamad ang katawang tayo niya matapos na tingnan ang matingkad na sikat ng araw sa labas ng bintana. Uminat-inat pa siya upang tuluyan nang magising ang diwa. “Napaliguan na kaya n